Letters (16): From Mamang with Love

A/N: This letter follows Letters (15): From Papa with Love Like all of you, I was also overly affected by Mamang’s sudden demise.  Together with the characters in the TV show we have all grown to love, I guess we all grieved Mamang’s loss and prayed for the Dela Rosas’ healing and acceptance. Inspired by the episode on Sep 9 & 10, here  is Mamang’s letter to Maya, supposedly written the night before the Lims’ pamamanhikan… author: iamgarie  ~*~

FROM MAMANG WITH LOVE

By iamgarie

Maya apo,

Araw na ng pamamanhikan nina Richaaard bukas!  Hindi na ko makatulog dahil sa sobrang kaba at kasiyahan!  Pakiramdam ko, kamay ko ang hihingin ni Richaaard sa pamamanhikan!  O, joke lang yan ha, apo! Hahaha!  Gusto lang kitang patawanin ng mabawas-bawasan kahit konti yang kilig at kaba mo!  Pero dahil magkamukha tayo, apo, baka nga pwedeng mapagkamalan ni Richaaard na ako ay ikaw, kaya ingat ka din sa kin!  Haha!

Napakagalang at sobrang bait ng mapapangasawa mo, apo!  At uboooood ng bango! Hahaha!  Maging ang mga magulang at mga anak niya ay pagkababait din!  Napakahusay ng pamilya nang mapapangasawa mo! Hindi man  naging maganda ang simula namin ni Esmie at ni Roberto, okay na okay na kami ngayon!  Ang mga anak ni Richaaard, parang mga tunay na apo ko na rin!  Para na natin silang tunay na kapamilya! Kampante ako na si Richaaard ang mapapangasawa mo!  Hindi lang siya gwapo, napaka-responsableng tao pa!

Kung nakita mo lang kung paano kami nag kapit-bisig nung araw ng engagement mo dahil nakalimutan ni Richaaard ang singsing, naku matutuwa at matatawa ka talaga!  Ay pagkabagal bang magmaneho ng kotse niyang si Roberto.  Na-traffic tuloy kami!  Hay naku, yang Nanay mo, napaka-OA talaga!  Gustuhin ko mang takbuhin ang distansya mula sa kotse hanggang sa cruise ship para ibigay kay Richard ang singsing, eh pinagbawalan ako ng Nanay mo! Mabuti na rin siguro yun, kasi kung ako ang nag-abot kay Richaaard ng singsing, eh baka sa kin niya ba biglang isuot dahil sa pagkataranta! Mabuti na rin sigurong naiwan ako sa kotse kasama si Roberto!  Hahaha!  Ang Nanay mo at si Esmie, ang haba ng tinakbo para lang maabot ang cruise ship sa oras.  Gumawa pa ng eksena si Esmie para lang makapasok ng cruise ship ang Nanay mo at maiiabot kay Richaaard ang singsing!  Napakasaya ng araw na yun, apo!

Pakiramdam ko nga ay isang napakalapit ko ng kaibigan si Esmie, eh!  Marami kaming napagkakasunduan! Diba kung kami nga ang masusunod, eh magaganap na ang kasal niyo sa lalong madaling panahon! Para kaming long lost sisters ba!  Masiyahin, madrama at maganda si Esmie. Parang ako lang, diba?  Pero Maya, apo, magsabi ka nga ng totoo. Sino ang mas sexy sa amin ni Esmie?  Ako, apo, diba?  Pag di ka nagsabi ng totoo, si Richaaard na lang ang tatanungin ko!  Sigurado, ako ang pipiliin nun!

Manang-mana ka talaga sa akin, apo!  Hindi lang ang aking kagandahan at pagkabalingkinitan ang namana mo, pati na rin ang galing sa pagpili ng lalaking mamahalin!  Gwapo, makisig at matipuno si Richaaard! Lamang lang siya ng ilang paligo sa lolo mo, apo!  Kita naman sa ebidensya diba?  Dahil sa kagandahan ko at kagwapuhan ng lolo mo, eh napakanganda tuloy ng lahi natin!  Kaya apo ha, pagkatapos ng kasal, eh kelangan boom boom agad ha!  Sayang ang lahi natin pag di kayo agad magkakaanak ni Richaaard!

Boom boom agad ha! Panigurado ang gagaganda at ang gagwapo  ng magiging anak niyo ni Richaaaard!

Alam mo, apo, very proud ako sa yo!   Hindi mo ginamit na rason ang kahirapan natin para hindi mo makamit ang mga pangarap mo at magtagumpay!  Naging masikap, masipag at matiyaga ka! At ngayong unti-unti mo nang nakamit ang mga minimithi mo, nanatili ka pa ring mapagkumbaba!  Proud na proud talaga ako sa yo, apo!   Ni minsan hindi mo rin ginawang rason ang paglisan ng ama mo para magalit ka sa mundo! Nanatili kang positibo, mapagtiwala at maka-Diyos!  Maganda yun, apo! May mangyari mang maganda at masama sa pamilya natin, hinahanapan mo lagi ng magandang rason!  Hindi ka lang maganda at sexy na katulad ko, pero napakabait at napakamapagmahal mong anak, kapatid at apo!  Maswerte si Richaaard at ang pamilya niya sa yo!  Wala na si Richard hahanapin pa!  Maganda ang iyong panloob at panlabas na anyo!  Kahanga-hanga ka!

Alam mo apo, natutuwa ako at nagpupustura ka na!  Sa wakas eh iniisip mo na rin ang sarili mo at di na lang puro kami ang inaalala at pinaglalaanan mo ng sweldo mo. Ang gaganda ng mga damit, sapatos, bag at make up na mga binili mo para sa sarili mo. Deserve mo naman na bumili ng mga ganun para sa sarili mo dahil napakabuti mong anak, kapatid at apo.  Lalo ka tuloy gumaganda, apo!  Maya, salamat sa magagandang damit na binili mo rin para sa kin at sa Nanay mo ha.  Masaya ako at ni minsan hindi ka nakakalimot.  Excited na kong isuot lahat ng yun!  Mabuti at di ka nagmana sa Nanay mo na walang kaarte arte sa katawan!  Kahit konting kolorete ayaw maglagay sa mukha! Wala ding ginawa kundi ulit-ulitin isuot ang mga luma na niyang damit!  Buti na lang namana mo sa akin ang pagiging mapustura at pagiging maganda ang taste!  Nakuuu, apo, lagi kang magpupustura ha, para lalong ma in love sa yo si Richaaard!  Inggit lang sa yo ng lahat ng babae nasa paligid ni Richaaard!

Ano, apo?  Hindi ba pwedeng kasal na agad pagkatapos ng pamanhikan?  Excited na akong masilayan ang mga magiging apo ko sa inyo ni Richaaard!  Gusto ko na silang kargahin, alagaan at ihele para makatulog! Panigurado, apo, ubod ng ganda at gwapo ang mga magiging mga anak niyo ni Richaaard! Sa ganda mo at sa gwapo ni Richaard, paniguradong  ang daming maiinggit sa kagandahan at kagwapuhan ng mga magiging anak ninyo!  Boom boom na agad, apo!

Yung damit pang-kasal ko, buong-buo pa, apo.  Di siya nasuot ng Nanay mo nung sarili niyang kasal kasi masikip!  Mas sexy ako sa Nanay mo, apo!  Si Cristina Rose naman, kahit magpanobena siguro ako, palagay ko hinding-hindi ko makikita na magsusuot yun ng damit pangkasal!   Ewan ko diyan sa kapatid mo! Napakagwapo at responsable naman ni Jeff! Mukhang in love naman sa kanya, pero ayaw pa rin magpakababae!  Ang gwapo ng anak nilang si Cho!  Panigurado gwapo at maganda rin ang mga susunod nilang anak pagnagkataon!   Baka gusto mong isuot yun damit pang-kasal ko, apo, sabihin mo lang sa kin ha.  Wag kang mahihiya!  Maya, kailangan ipa-repair pa yun kasi parang di mo yata namana yung pagkalusog ng dibdib ko, eh!  Mas pinagpala ang dibdib ko kesa sa yo, apo!

Maya, gusto ko tularan ninyo ni Richaaard ang pagsasama ni Roberto at Esmeralda.  Sila’y nag-aaway, nagdadramahan… Ano pa man, kinaya nila dahil silang dalawa ay naniniwala sa isa’t-isa.  Sila’y solid.  Walang sino pa man, walang ano pa man ang makakasira sa kanilang samahan.  Solid sila.  Maganda silang halimbawa ng tunay na pagmamahal.  Wag puro na lang yang romantic place ng Nanay at Tatay mo ang isipin mo ha, apo?

Ngayong medyo nasimulan na ang pagpaplano sa kasal niyo, siguro pwede na rin namin ni Esmie planuhin kung saan ang honeymoon niyo.  Gusto mo, apo, tulungan din kita pumili ng mga damit na isusuot mo sa honeymoon niyo? Haha!  Oo na!  Alam ko sasabihin ni Cristina Rose, sumosobra na ako at hayaan ko kayo ni Richaaard sa mga plano niyo!  Pasensya na apo, excited lang!

Maya, apo ko, pakakatandaan mo, mahal na mahal ka ni Mamang!  Kapit-bisig tayo parati.  Together forever and ever!  Mahal na mahal ko kayong lahat. Ikaw, ang Nanay mo, si Cristina Rose at si Cho, mahal ko kayong lahat!  Si Jeff at siyempre si Richaaard at ang pamilya niya, mahal na mahal ko rin. Nandito lang ako parati para sa inyo!

O siya, tama na muna ang drama. Matutulog na muna ako nang makagising ako ng maaga bukas para maaga tayong makapag-ayos sa pagkikita natin kina Richaaard sa umaga at para na rin maaga tayong makapaghanda sa pamamanhikan.

Masayang-masaya ako para sa yo, apo! Natupad mo na ang matagal mo nang inaasam, ang makatulong sa aming pamilya mo at maging ganap na isang flight stewardess!  May bonus pa dahil nakatagpo ka ng isang lalaking tunay na magmamahal sa yo!  Si Cristina Rose naman ay naitataguyod nang maayos si Cho sa tulong na rin nating lahat at siyempre, ni Jeff.  Masayang-masaya rin ako para sa kanila.  Nakakasiguro na rin ako na kahit anong mangyari, hinding-hindi ninyo ni Cristina Rose pababayaan ang Nanay ninyo!  Napakabuti ninyong anak at apo!  Kampante na ang puso ko!

Pakatatandaan mo Maya, ano mang pagsubok na pagdadaanan ng bubuuin ninyong pamilya ni Richaaard, parte yun ng buhay, apo. Wag kayo agad susuko.  Manalangin kayo at magtiwala sa isa’t-isa!  Magmahalan kayo!

Mahal ko kayo ni Richaaard, apo.  Patuloy akong mananalangin na gabayan kayo ng Poong Maykapal sa pagbuo ninyo ng pamilya!

I love you, apo!  Forever and ever…

Love,

Mamang

Advertisements

25 thoughts on “Letters (16): From Mamang with Love

  1. Pingback: online job for beginners and students | garrytamayo

  2. Pingback: Letters (17): From Nanay with Love | Excess Baggage

  3. Pingback: Dear You | I am IheartZeRoThEhErO

  4. Pingback: Why Maya is the One – Part 2 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s