Coach….I Love You 5

Coach…..I Love You

Chapter 5

Sarap na sarap si Maya sa pagtulog niya. May naamoy siya kakaiba na mabango sa pang-amoy niya. Dahan-dahan siya nag mulat ng mga mata. Ganun na lang pagka gulat niya na naka unan siya sa kaliwang braso ni Richard, habang naka-akap naman ang kanan kamay niya sa katawan nito at nakasiksik sa may kilikili nito ang mukha niya.

Dahan-dahan niya inangat ang ulo niya, kasi baka gising na si Richard. Nakita niya tulog na tulog pa ito. Kaya malaya niya itong napag masdan. May kakaibang damdamin lumukob sa katauhan niya. Parang masaya at kumpleto ang araw niya kung ang guapong mukha nito ang kanya masisilayan araw-araw. Titig na titig siya dito kaya hindi niya namalayan na gising na pala ito….

“Baka naman matunaw na ako niya sa sobrang titig mo sa mukha ko.”

Namula si Maya, dahil sa pagkakahuli ni Richard sa kanya.

“Good morning, sweetie…sana ganito araw-araw mukha mo ang akin makikita. Kumpleto na ang araw ko.” sabay halik sa labi niya.

Naitulak ni Maya si Richard….”bakit mo ako hinalikan?” sabay tayo nito.

“I will not say sorry, dahil hinalikan kita….I can’t help it….masyadong mapag-akit yan mga labi mo at matagal ko na iyan gusto gawin sa yo. Una kita ko palang sa yo.”

“Huh?” takang sabi ni Maya.

“Come, sit here and let’s talk. Huag iyon lagi ka na lang umiiwas o tumatakbo…”

“Excuse me, hindi ako umiiwas o tumatakbo.”

“Alam mo ba ikaw ang dahilan kaya ako nandito sa university ito.?”

“Ano kinalaman ko naman diyan?”

“The first time I saw you here last year, hindi mo na pinatahimik ang pag-iisip ko. Kaya nagpumulit ako kay Dean na ihanap ng slot para makapagturo dito. It seems luck is on my side…nag resign bigla ang isang sa professor sa Engineering department kaya dali-dali ako kinontak ni Dean.

“Hindi ko matandaan nagkita o nagkakilala tayo last year”

“Birthday ng founder ng school na ito, nandito ako kasi malapit na kaibigan ng parents ko ang may-ari ng school na ito. Nakita kita kasama mo ang iba mong co-teachers including Mr. Brent naka akbay pa sa yo. Alam mo ba na inggit at selos ang naramdaman ko noon. ”

“Si Brent? Nagselos ka kay Brent na pinsan ko?” natatawa sabi ni Maya.

“Malay ko ba na pinsan mo siya. Wala naman nagsabi sa akin. That time ko rin natikman iyon nilutong mong kare-kare.”

“Oo nagdala nga ako nag kare-kare noon. Kasi request ni Brent sa akin…miss na raw niya ang kare-kare luto ko.”

“Oo ang sweet ninyo nga noon eh, sinusubuan mo pa siya, at para wala ka paki-alam sa paligid mo. Kahit padaan-daan ako noon sa tabi mo.” nagmamaktol na sabi ni Richard dito.

“Well di ko na iyo kasalanan.”

“Kaya noon nakapasok na ako dito, at noon naipakilala na tayo sa isa’t-isa. Tuwang-tuwa ako. Pero hindi mo ako gusto….kaya para mapansin mo ako, lagi ako kumokontra sa yo. ” sabay hawak sa kamay ni Maya.

“Wala ako tiwala sa mga lalaki tulad mo.” sabi ni Maya dito.

“Katulad ko? Hind mo pa nga ako gaano kakilala, pero nagusgahan mo na agad ako?” malungkot na sabi ni Richard.

“Hindi lang ikaw, what I mean is iyon mga guapong tulad mo. Kita mo naman halos lahat ng babae sa campus eh nagpapapansin sa ho. Ma estudyante, teachers, etc. Kaya huag mo sabihin sa akin na kontento ka lang sa iang babae.”

Napangiti si Richard….sabay pisil sa ilong nito. “napaka selosa mo talaga sweetie….Seriously speaking Maya, I’m a one woman man. Iisang babae lang ang gusto ko makasama sa buong buhay ko at iyon ang babae nasa harapan ko ngayon. Tulad nga ng sabi ni Julia Roberts sa movie Nothing Hill..and I will just rephrase it…”I’m just a boy, siting infront of a girl, asking her to love him….”

Napahagalpak ng tawa si Maya sa sinabi ni Richard. Pero nakulong ang tawa ni Maya ng sakupin ni Richard ang mga labi niya…..

Pinakawalan lang ni Richard ang mga labi ni Maya, noon pangapusan sila ng hininga….

Coach …I Love You….

Ngunit lang si Maya. Say that line again…..

“I’m just a boy, siting infront of a girl, asking her to love him….”

“Again”

“I’m just a boy, siting infront of a girl, asking her to love him….”

“Again”

“Maya, inuuto mo na ako niyan eh…”

“No, say it again…..”

“I’m just a boy, siting infront of a girl, asking her to love him….”

Ngumiti si Maya…..di ko alam may pagka cheesy ka pala Prof. Sige sabayan kita…ako naman from the movie Jerry Mcguire…”Prof. Richard Lim…YOU COMPLETE ME.” Prof….I love you too….

Muling naghinang ang kanilang mga labi…..

“Pasalamat ka am broken kungdi…I will ravish you right here right now my coach……” sabi ni Richard kay Maya.

“I can’t wait until you are fully recover my prof….”

The End

***********

honestly dapat gang 2 chapters lang ito di ko alam kung bakit umabot ng hnagga chapter 5… Hahaha

Til next time…

13 thoughts on “Coach….I Love You 5

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s