Palusot 1

Palusot 1

Three months from now pasko na. Kaya madami na rin nagkalat na christams decors sa mga malls at panay na rin ang tugtog ng mga christams carols. Umpisa na naman ang matinding trapik sa Kamaynilaan…

Papauwi na si Richard ng mapansin niya ang isang cute na bake shop May design ito ng mga butterflies at napipinturahan ng iba’t-ibang shade ng purple…from light to dark. May munting kurtina na kulay light pink. Napaka lamig at homey tignan ng bake shop.

Pumarada sa harapan ng bake shop si Richard. Pumasok ito at isang munting door chime ang tanging hudyat nito may pumasok sa loob. Isang babae may matamis na ngiti ang sumalubong sa kanya.

Tingin niya ay naglalaro ang edad nito sa 23 to 25 years old. Petite, doe eyes, cute note, rosy cheeks, nice red lips. Natulala si Richard.

“Magandang gabi…may I help you sir….”

Noon lamang nanumbalik ang diwa ni Richard.

“Ah…abot pa ba ako…mukha pasara na kayo eh.”

“Ok lang po iyon, basta customer…meron po kaming laging oras para sa kanya….”

“Ano po ba ang hanap ninyo?”

“Malapit na kasi ang birthday ng mom ko and I want to give her sana a unique birthday cake.”

“Naku you came to right store sir……kung hindi po kayo nagmamadali… I will give a call sa isa namin branch para maka pagpadala ng ilan sample ng cakes dito sa store. Lam ninyo kasi, our cakes are all freshly bake on the day po. Since closing na po kami, wala po kami cakes dito…..tulad ng sabi ko puede ako magpa deliver doon sa branch namin sa The fort na open pa hangga ngayon…..”

Tiningan ni Richard kung may suot itong singsing sa kanyang ring finger. Natuwa ito noon makita niya wala itong suot na singsing. Meaning wala pa ito asawa….baka boyfriend meron siya…..

“I had a better idea bakit di na lang tayo ang pumunta sa branch ninyo instead na magpadala ka pa dito ng samples.?”

“Kung gusto naman ninyo sir, meron ako puede maipakita sa inyong mga designs dito, then you can comeback some other time para matikaman iyon cakes namin.”

“I think that’s the best idea.”

Habang kinukuha ni Maya ang mga album ng mga designs ng mga cakes nila. Bigla may dumating na tao….

“Sweetheart, kanino kotse iyon nakaparada sa…..oh hello sir, good evening po.”

“Good evening……” sa narinig ni Richard na endearment na sinabi noon bagong dating na lalaki. Para siyang nainis at gusto na sana niya umalis kung di lang sana kabastusan ang gagawin niyang iyon.

“Bullet, is that you?”

“Yes, sweetheart your one and only.”

Mas lalo nainis si Richard sa sinabi ng lalaki. Presko bulong niya…..

“Mr….?”

“Mr. Lim… Richard Lim.” sagot ni Richard dito.

“Pasensiya na po medyo natagalan ako konti….”

“It’s ok…. Ako na nga ang naka abala sa inyo kasi mukhang pasara na kayo at nandito na ata ang boyfriend mo para sunduin ka….”

“Sino si Bullet, hindi ko siya boyfriend….pinsan ko siya at siya ang nautusan ng papa ko na sunduin ako ngayon dito.”

Sa narinig mula kay Maya, muling nagdiwang ang kaninang sugatan puso ni Richard. “Naku baka mainip iyon pinsan mo…maybe I can just drop by again tom…doon na lang natin pag usapan ang lahat.”

“Ikaw ang bahala…Mr. Lim.”

“Call me Richard, napa formal naman ng Mr.Lim. Here’s my calling card, in case you want an early appointment.” sabay abot ni Richard ng calling card Maya.

“Here’s mine naman….”

“Maya dela Rosa…..so ikaw ang may-ari ng purplebutterfly bake shop?”

“The one and only.” si Bullet ang sumagot.

“Nice meeting you Ms. dela Rosa., ingat sa pag-uwi.”

“Thank you.”

“By the way, lagi ako dumadaan dito pero ngayon ko lang napansin ito bakeshop mo.?”

“Kasi kaka-open ko lang last week…..just in time for the coming holidays…..”

“I see, kaya pala…I just arrived from business trip yesterday kaya ngayon ko lang napansin ito. Anyway, hindi na ako magtatagal. See you tomorrow na lang.”

“Ok Mr. Lim…”

“Pauwi na si Maya ng may napansin siya nakapatong sa ibabaw ng isang lamesa niya. Nilapitan niya ito at nakita niya isa itong ipad mini. Naisip niya kay Richard Lim ito, dahil ito lang naman ang pumasok sa bakeshop niya. Kaya tinawagan niya ito…..

“Mr. Richard Lim? This is Maya of purplebuterfly bakeshop…”

” Hi Maya, na miss mo agad ako? ”

“Corny ng jokes mo Mr. Lim….gusto ko lang sabihin sa yo na naiwan mo dito sa store ang ipad mini mo. Baka kasi hanapin mo eh.”

“Oh! Great thanks, kanina ko pa nga siya hinahanap eh. Nasa store ka pa ba?”

“Oo, pero papalis na kami eh, kung masyado importante sa yo ang ipad mini mo….maybe you can just drop by sa bahay namim ngayon gabi.”

“Hindi ba nakakahiya sa parents mo? I mean it’s late na…..”

“No my parents are not here nasa business trip sila sa Korea, kaya nga si Bullet ang nagsundo sa akin instead na ang papa ko.”

“Ah, ok then, give me your address and I will go there.”

Binigay ni Maya ang address nila sa San Lorenzo Village kay Richard.

Samantala pasipol sipol si Richard. Sana hindi nahala ni Maya na palusot lang niya kailangan niya iyon ipad mini niya. Kung alam lang niya puro games ang laman noon.

Basta mahalaga ay magkikita ulit kami at alam ko na ang address niya…..hindi nagtagal humipil sa harapan ng gate nina Maya ang VMW ni Richard.

Poot…poot….poot….

Nagbukas ang ilaw sa may lanai nila at isang uniformado babae ang lumabas.

Magandang gabi po sir….pasok muna kayo. Nasa taas lang po si ma’am Maya, nagbibihis.

Di nagtagal lumabas si Maya, nakasuot ito ng simple house dress….pero nadun oa din ang ganda taglay nito.

“Mr. Lim, sorry to keep you waiting…., ano ang gusto mo inumin, coffee or juice?”

“It’s Richard….., coffee will do.”

“Manang pahingi naman po kami dito ng coffee.”

“Ok, Richard, eto na ang ipad mini mo…buti na lang doon sa store mo yan naiwan..”kung hindi goodbye ipad mini na ang drama mo.”

“Oo nga eh, thanks again.”

” No problem”

“Pinaglabas ko din kayo ng cake masarap na katerno sa kape”. Sabi ni Manang.

“Thanks Manang. Matulog na po kayo ako na po ang bahala dito.”

“Yan meron na ako sample ng cake sa yo…”

“Ano ito cake ito…?

“Swiss roll chocolate cake”

“Masarap siya ha….”

“Bukas mas marami ka pang variety na matitikman…”

Nagkuwentuhan pa sila ng konti about cakes…..

“Paano, hindi na kita aabalahin alam ko gabi na at may trabaho ka pa bukas. Goodnight Maya.”

“Goodnight Richard…”

9 thoughts on “Palusot 1

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s