Reverse! (Side A)

A/N: Another walang kabuluhang story frm me. Pagtyagaan nyo na lang haha.
As usual wala akong maisip na title eh.

-*-*-*-*-*-
It has been 6 months pagkatapos nyang ipahanap ang isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ng kanyang fianceè, the whole Dela Rosa family cant hide their surprise when he brought Arturo dela Rosa to them. Pagkatapos ng mahabang paliwanagan sa kung ano ba ang tunay na nangyari sa haligi ng kanilang tahanan at ang rason ng matagal nitong pagkawala, tinanggap nila ito ng buo at pinatawad. Just like what Nanay Teresita have told them before that a simple sorry from her husband is already enough and she will accept him whole heartedly once again. Cho is quite thrilled at the fact that he has somebody whom he can call “Lolo Tatay.” Christina Rose on the otherhand didnt want to talk to their father, she remember all the hardships that their family has endured and the times that they are yearning for a father’s love.

“Nay, di nyo naman ako masisisi kung makaramdam ako ng hinanakit kay tatay di ba? Ang tagal nya tayong iniwan, nakapagtapos si bunso, ipinanganak si Cho at namatay si mamang ng wala siya.”

“Oo Nak, nauunawaan kita, kahit ako man din ay nasaktan. Mas triple pa nga ang sakit dahil ako ang asawa pero alam mo ba mas pinili ko ang magpatawad kasi yun ang tama. Nagkaroon ako ng kapayapaan dito sa puso ko nung pinatawad ko ang tatay nyo, masaya ako kasi wala akong kinikimkim na galit o anupamang hinanakit kay Arturo. Mas masarap sa pakiramdam ang ganito Cristina Rose. Di ka namin pipilitan na tanggaping muli ang tatay mo, pero sana anak bigyan mo sya ng isa pang pagkakataon.”

After realizing that her mother is indeed right, she finally learned to forgive their tatay Arturo.
-*-*-*-*-*-
Since its weekend, the engage couple decided to fly to San Nicolas to visit Maya’s family. Namimiss na rin daw kasi ni Maya na makasama ng buo ang pamilya nya. SerChief immediately obliged, he thought it is also a good time to get to know and of course to impress his future father in law. It is almost lunchtime when they arrived at their destination.

“Richard, Maya tamang tama ang dating nyo mga anak, katatapos lang naming magluto ng pananghalian paniguradong gutom na kayo.”

“Oo nga po Nay Teresita, di kami masyadong nakakain ito kasing si Maya ang aga sa airport, sobrang excited.”

“Ay, syempre naman SerChief namiss ko kaya itong nanay ko na ubod ng ganda.”

“Ang nanay mo lang ang namiss mo? Pano naman ako?”

“Tay!”

Maya immediately run towards her father, and the two of them envelope each other in a warm embrace. He can clearly see how much Maya adore her father.

“Magandang tanghali po, Tay Arturo. Kamusta po kayo?”

“Mabuti naman Richard, salamat nga pala ulit sa mga naitulong mo sa pamilya ko, lalong lalo na dito sa pinakamamahal kong bunso.”

“Walang anuman po yun, napakabuting tao ni Maya, I’m sure kahit sino di magdadalawang isip na tulungan sya.”

“Oh siya tama na muna ang kwentuhan at tayo nang mananghalian.”
-*-*-*-*-*-
Marahil dala na rin siguro ng masarap na simoy ng hangin sa probinsya, agad siyang nakaramdam ng antok. He woke up at around 3pm in the afternoon. He immediately search for Maya, thinking that she might be downstairs helping at the Chibugan, he went there.

“Bugoy, nakita mo ba si Maya?”

“Ay Ser Richard umalis po kasama si Chris, may bibilhin lang daw po saglit sa bayan. Babalik din naman daw po sila agad.”

“Ahh ganun ba, sige salamat.”

“Gusto nyo po bang magmeryenda muna? Ipaghahain po namin kayo.”

“Mamaya na, hihintayin ko na lang muna si Maya. Salamat.”

“Sige po, basta kung may kailangan po kayo Ser Richard sabihin nyo lang po sa amin.”

He decided to walk around until he reach the souvenir shop, liliko na sana sya pabalik sa chibugan when he heard the voices of Tay Arturo and Nay Teresita.

“Di ba parang ang bata pa ng bunso nating si Maya para mag asawa?”

He knew very well that its not right to eavesdrop at the other people’s conversation, but he felt like he needed to hear this out.

“Arturo, matanda na ang anak mo may sarili na syang pag iisip. Sigurado naman akong di gagawa ng desisyon yang si Maya na pag sisisihan nya din sa huli.”

“Alam ko naman yan, pero ang inaalala ko eh yung mapapangasawa nya.”

“Si Richard? Naku mabuting tao yang si Richard, pati ang mga magulang nya wala kang masasabi. Yung mga anak nya kay babaet at kegagalang. Di sila mahirap mahalin.”

He smiled upon hearing those words from Nanay Teresita.

“Di naman sa nanghuhusga ako, pero di ba sya masyadong matanda para sa anak natin? Bente sais pa lang si Maya samantalang siya mahigit kwarenta na ang edad, bukod pa doon may tatlong anak na sya. Bata pa si Maya, maganda, mabait at matalino pa. Di ba mas maganda kung magsisimula sya ng pamilya yung kanya talaga at hindi yung magiging pangalawang asawa at ina na lang siya?”

“Arturo, kilalanin mo muna si Richard ng mabuti, at mauunawaan mo kung bakit sa dinarami daming nanligaw dyan sa bunso mo siya ang minahal ng lubos ni Maya.”
-*-*-*-*-*-
Upon arriving home, she noticed the sadness in her SerChief’s eyes. Kahit anong tanong nya kung may problema ba, ngingiti lang ito at magsasabing ayos lang ang lahat. Dahil kilala na nya ito kaya di sya naniniwalang walang problema. So she decided to talk to him later about what’s bothering him.
-*-*-*-*-*-
He decided to give Rafi a call, to share his sentiments.

“Hey Chard, whats up may problema ba?”

“What makes you think na may problema nga Rafi?”

“Well aside from the fact na ako ang bestfriend mo Mr. Lim, you didnt even bother denying na may problema ka. So come on, speak up.”

“Its about Tatay Arturo.”

“Maya’s father? What about him?”

“I think he doesnt like me as Maya’s future husband.”

“What makes you think like that Chard? Di ba nga Maya’s whole family ay tanggap ka.”

He proceeded to share the conversation of Nay Tere at Tay Arturo.

“Tingin ko naman Chard, nasabi lang yun ng tatay ni Maya kasi di ka naman nya ganun kakilala. Unlike Nanay Teresita and Cristina Rose. Hayaan mo na lang muna.”

“That’s what Im planning to do but of course di ko rin maiwasang isipin yung mga sinabi nya.”

“That you’re much older than Maya?”

“Yes and the fact that I already have a 3 kids with me. Im already at the prime of my life, while she is just starting her own.”

“Chard, so what if you’re twenty years older than Maya, there’s nothing wrong about that. You love each other and Im sure di mahalaga kay Maya ang mga bagay na ganyan.”

“I know..”

“As for your children, have you ever felt ba na di sila minahal ng totoo ni Maya?”

“No! Maya clearly love them as her own. Thats one of the reason why I fall for her.”

“Then there’s really nothing to worry about. Mr. Lim dont let your insecurities get the better of you. You are handsome, smart, responsible, successful and loving maswerte kayo ni Maya sa isat isa.”

“You are just saying that because Im your bestfriend.”

“Haha this is not like you, what happened to the confident Mr. Richard Lim, hmm?”

“I dont know Rafi, when it comes to anything that concerns Maya, Im beginning to lose my confidence. Gusto ko syang mapasaya but sometimes Im afraid na baka di ko magawa yun.”

“Aww you’re really inlove arent you Chard? Dont worry Im pretty sure with your charm, you can get Tatay Arturo’s approval.”

“Im keeping my fingers cross on that. Thanks for listening Rafi.”

“Its nothing Chard, just give me a call if something happens okay.”

“Bye.”

Around 7 PM when he heard the voice of Simon downstairs.

“Magandang gabi po Nay Teresita, Tay Arturo. Pinapabigay po pala ni Nanay nagluto po kasi sya ng laing.”

“Nag abala pa ang nanay mo, pakisabi anak salamat dito ha.”

“Napakamaalalahanin talaga nitong si Simon, kung ikaw sana ang napusuan ni Maya maswerte kami, napakabait mong bata eh.”

Di nya maiwasang makaramdam ng kalungkutan sa mga naging pangungusap ni Tay Arturo, napatingin sa kanya si Simon na para bang humingi ng paumanhin sa mga nasabi ng kausap.

“Magandang gabi Ser Richard, naghatid lang po ng ulam.” Simon extended his hand for a handshake.

“Magandang gabi din Simon. Why dont you join us for dinner, para makapagkwentuhan na din tayo nila Maya.”

“Tama nga naman si Richard, sumabay ka na sa amin Simon.”

“Sige po.”
-*-*-*-*-*-
He just sit there quietly, listening to the banterings of everyone on the table.

“Alam mo ba Tay na record holder yang si Maya dito sa San Nicolas?”

“Kute!”

“Oh talaga?”

“Opo, record holder yan sa dami nyang binasted na manliligaw. Bente dos katao ang nakarinig ng kanyang famous line na, “Pasensya na, wala pa kasi sa isip ko ang mga ganyan.” Kawawang mga nilalang.”

“Hala, di po yun totoo Tay, imposible naman yun Kute.”

“Indenial ka pa, Hoy Maya dela Rosa alam ko ang lahat. Kanino ka ba humihingi ng tulong noon kapag di mo na alam ang gagawin mo sa mga makukulit mong manliligaw, di ba sa akin?”

Maya just pout her lips.

“Kahit nga di ba yung anak ni Mayor eh niligawan ka din, pero basted din. Ito nga lang ata si Simon ang di sumuko noon.”

“Makulit lang talaga ako Kute, binasted din ako ni Maya unang araw ko pa lamang nanliligaw.”

“Ikaw na talaga bunso, haba ng hair.”

“Ewan ko sayo Kute.”

“Mukhang itong si Richard lamang ang di nakaranas mabasted. You’re the one.” Cristina Rose said.

“Oo naman anak sa dami ng nagpalipad hangin sayo, bakit kay Richard pa na byudo at may mga anak na, mahirap makisama sa mga anak na di naman sayo nagmula.”

He cant help but to think na pinaparinggan sya ni Tatay Arturo.

“Siyempre kasi tay, mahal na mahal na mahal ko ang mamang singkit na ito… Maya embrace him from behind
…Papakasalan ko na, mahirap na baka maagaw pa ng iba.”

“Kasalan na!”Cristina Rose shouted that makes all of them laugh.
-*-*-*-*-*-
Later that evening when they are all preparing to sleep…

“Ricky, may problema ka ba sa opisina, kasi kanina ko pa napapansing matamlay ka.”

“Ayos lang ako Maya.”

“Hindi ka ayos, kala ko ba walang sekreto dapat sa pagitan natin.”

He just pull her towards his body and kiss her forehead.

“Ricky?”

He didnt want to worry her but he already learned his lesson before. Ayaw nyang maglihim kay Maya dahil involve na rin ito sa issue .

“Can I ask you a question?”

“Oo naman.”

“Does it ever bother you, na matanda na ako. I mean twenty years ang age gap natin. Ako ang 1st boyfriend mo tapos ikakasal tayo agad. Di mo lamang mararanasang makakilala at makipagdate ng ibang guys, yung mga kaedad mo, yung binata at walang excess baggage unlike me. Mag aadjust ka sa akin, you’ll be an instant mother sa dalawang teenager and to a 7 year old kid. You’ll be facing a huge responsibility of being a mother after we got married. At the age of 25 you are still young. Compared to me you are just starting your life, your career. After 15 years, I will be a senior citizen, who knows baka alagain na ako that time. Is it really alright for you to spend your life with me? Kasi ako I cant imagine now our life without you.”

“Ano ba namang klaseng tanong yan Ricky, kahit kelan hindi ko naisip kung gaano man kalayo ang agwat ng edad natin, kahit pa may 3 o 6 anim ka pang anak. Mabubuting bata sina Luke, Nikki at Abby. Madali silang mahalin at masaya ako dahil sa dinarami dami ng tao sa mundo ako ang binigyan ng Diyos nang pagkakataong maging nanay ng 3 mababait na bata. Di ko iniisip na excess baggage mo sila, para sa akin sila ang bonus nung makilala at mahalin kita. Di ko rin iniisip na pagkalipas ng maraming taon eh baka maging alagain na kita kasi ang importante lang para sa akin eh yung kahit pareho nang puti ang mga buhok natin, magkasama pa rin tayong dalawa. Yung walang iwanan, kapitbisig sa hirap at ginhawa. Di naman mahalaga sa akin kahit di ko maranasang makipagdate sa ibat ibang lalaki, bakit pa ako hahanap ng iba kung sa simula pa lang natagpuan na ng puso ko ang taong gusto kong makasama habambuhay, at ikaw yun SerChief. Kahit naman kasal na tayo pwede ko pa rin naman ipagpatuloy ang pangarap ko eh. Kaya wag ka ng mag isip pa ng kung ano Mr. Lim ko, di kaya bagay sayo ang nakakunot noo. Sige ka papangit ka.”

This woman really knows how to lift his troubles away. He realize that instead of having himself get affected by Tay Arturo’s words, why not prove his worth. He is willing to do everything in his power, kahit magmakaawa pa sya maipakita nya lang kung gaano nya kamahal si Maya.
-*-*-*-*-*-

“Tay, maaari ko po ba kayong makausap?”

“Richard ikaw pala yan, Oo naman tara sa labas. Ano bang gusto mong pag usapan?”

“Una gusto ko po sanang humingi ng paumanhin, alam ko pong hindi tama pero narinig ko po ang pinagusapan nyo ni Nay Teresita.”

“Patawarin mo sana ako Richard kung di man naging maganda sayo ang mga sinabi ko, pero alam kong nauunawaan mong gusto ko lang maging maayos ang kalagayan ng mga anak ko. Isa ka ring ama tulad ko, kahit gaano na katatanda ang mga anak natin di pa rin natin maiiwasang mag alala.”

“Of course, nauunawaan ko po kayo. Di naman po ako nagagalit sa inyo.”

“Salamat Richard.”

“Pero may hihingin po sana ako sa inyong pabor.”

“Pabor?”

“Opo, gusto ko sanang bigyan nyo ako ng pagkakataong patunayan na karapat dapat ako sa pagmamahal ng bunso nyo. Gusto kong makuha ng buo ang approval nyo. Mahalaga kayo kay Maya, at ang mga opinyon ng mga mahal nya sa buhay ay mahalaga din po sa akin.”

“Sigurado ka ba Richard? Handa ka bang patunayan ang sarili mo?”

“Opo”

(to be, jollibee, continue….)
-*-*-*-*-*-
Ayun abangan natin after 50years ang next chapter nito, ang pakikipagsapalaran ni Richard Lim.xD

Patawad sa mga errors mapagrammar man yan o spelling,TAMAD AKO mag edit haha.

Thankee for reading!

11 thoughts on “Reverse! (Side A)

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s