Palusot 3

Palusot 3

“Are you sure ok lang sa mom mo na may kasama ka?”

“Oo naman, she will be delighted.”

Napansin ni Richard na may dala-dala si Maya paper bag. “Ano yan dala-dala mo?”

“Ah, ito ba? Nakaka hiya kasi sa mama mo na basta na lang ako susulpot na kasama mo. Kaya eto nagdala ako ng house specialty namin cookies.”

“Ah iyon Masa Pudrida?”

“Yap.”

“Alam mo ba na may tau- I mean ka-opisina ako na kilala ka at paborito daw ng mama niya yan Masa Pudrida ninyo.” sabi nito.

“Talaga? Small world ha. Sino siya?”

“Si Alex Park. Sagot ni Richard sa kanya.

“Really magka-opisina kayo ni Oppa Alex? What a small world. Same department ba kayo?”

“No we’re not on the same department. “Oppa?”

“I called Alex “Oppa” kasi iyon na ang nakasanayan ko tawag sa kanya.”

“Di ba endearment iyon sa Korea?”

“Hindi naman actually, terms of endearment iyon eh. “Oppa” ang tawag ng mga nakaka batang babae sa kuya nila.”Hyung” naman ang tawag ng mga nakaka batang lalaki sa mga kuya nila. Magkaiba sila ng tawag, di tulad sa atin na basta mas matanda sa atin it’s kuya or ate. Sa Korea hindi….may iba-iba silang tawag. Halimbawa, sa mga babae naman…… Ang tawag ng mga nakaka batang babae sa ate nila Unni while ang mga nakaka batang lalaki naman ang tawag nila sa elder sister nila ay Noona…..”

“Talaga? Ganun pala sa kanila.”

“Oo, pero eventually iyon “Oppa” naging terms of enderment na rin sa iba. Kasi ang cute, unique ang dating.”

“Sa yo ano iyon Oppa mo kay Alex?”

“Why do want to know?”

“Wala lang kasi sabi ni Alex sa amin nanliligaw daw siya sa yo.”

“Hahaha…sira talaga ang isang iyon.”

“Bakit naman?”

“Op..I mean Alex or Jae-Yup and I are just best of friends. Magkaibigan ang family namin dalawa. Kaya parang kapatid ko na rin siya.”

Sa narinig parang nabunutan ng tinik si Richard at di niya mapigilan mapa-ngiti.

“What’s that smile for?”

“Nothing meron lang ako bigla naalala.”

“Alam mo si Alex isa siyang hardworking person. Kahit mayaman mas gusto niya huag umasa sa yaman ng magulang niya. Dito siya ng college, dapat nga sa amin siya titira pero mas gusto niya sa isang boarding house tumuloy. Then nag working student siya. At noon nakatapos na siya, naghanap siya ng work saka ulit nag-aral ng isa pang kurso. Hindi siya humingi nag tulong sa parents niya. Ayaw rin niya ng impluwensiya ng father niya. Kaya Alex ang ginamit niya instead na Jae-Yup.”

“Bakit naman?”

“Gusto kasi maranasan ni Alex ang magsimula sa ibaba at paano maging empleyado. Para daw pag siya na ang nag manage ng company nila alam niya na kung paano pakikitunguhan ang mga tauhan niya.”

Sa mga narinig niya papuri para kay Alex. Nakaramdam siya ng inggit at selos dito. Pakiramdam niya ay nakakalamang si Alex sa kanya sa paniningin ni Maya. Sabi na lang niya sasarili niya…”hindi ka pa kilala ng lubusan ni Maya, huag ka mawalan ng pag-asa.”

“Bilib na bilib ka kay Alex ah….pero tama ka, he is a very hardworking person. Kaya nga siya ang head ng Economic Research Division.”

“At matalino pa.”

“Yeah right, here we are…. Let’s go…..”

Huminga muna ng malalim si Maya saka lumabas ng kotse noon pag buksan ito ni Richard.

———-

Tumunog ang door chime kaya alam nina Jaja at Bham na may pumasok na customer….

“Yes? Good afternoon, Is there anything we can do for you sir?” tanong ni Jaja sa bagong pasok na customer.

Good afternoon too! I’m Mr. Arman Lopez, this one is Mr. Floyd de Guzman, we are from AA&C.” Sabay abot ng mga kamay nila kay Jaja. “We are looking for Maya dela Rosa.”

“Good afternoon again. I’m Ms. Jacque Kudo and this is Ms. bham Sta. Ana” sabay tanggap sa kamay ng mga ito para makipag shake hands. “Have a seat sir. Unfortunately Ms. dela Rosa is out for lunchm we are Ms. dela Rosa’s asisstant. What we can do for you, sir?”

“I see, as you can see Ms. dela Rosa is applying for a loan in our bank and we are here to do some Credit Investigation, for the approval of her loan.”

“Yeah, we know about that sir” sabi naman ni Bham.

“Very good then. Maybe we can start now the interview.”

Sinimulan na nina Arman at Floyd ang pagtatanong kina Jaja at Bham tungkol sa negosyo ni Maya. Sinagot ng mga ito ang bawat katanungan at nagbigay pa ng karagdagan supporting documents na hiningi nina Arman.

Di nagtagal natapos ang interviewhan nina Arman kina Jaja at Bham.

“Thank you so much for your time Ms. Kudo and Ms. Sta. Ana.”

“Thank you din po Mr. Lopez and Mr. de Guzman.”

“We will just call Ms. dela Rosa.”

“Haizts, ano sa palagay mo Bham? Approve kaya iyon loan application natin?”

“Hndi ako mapalagay. Ang guapo ni Arman, kahawig siya ni Ken Shou ng F4.”

“Oo nga eh…tapos iyon si Floyd kahawig naman niya si Mateo Guidicelli….

“Oo na noh…..pero mas gusto ko si PapaKEN….” sabi ni Bham.

“Puro ka talaga kalokohan…Bham. Double meaning yan pagkakasabi mo ng PapaKen.”

“Ikaw nga diyan eh…wala naman ako bang iniisip kaw lang.”

“Ewan ko sa yo. Sana lang ok talaga iyon loan application ni Maya.”

“Oo nga eh…pray na lang tayo.”

—————-

Pagpasok pa lang nina Richard at Maya sa Chateau nakita na agad ng mga mata ni Richard ang mama niya. May kausap ito sa cellphone niya. Nakalapit na sila ay may kausap pa din ito sa phone. Hinalikan ito ni Richard sa pisngi, at noon lang sila napansin nito kaya dali-dali tinapos ang pakikipag usap sa telepono.

“Hi! Ma….”

“Hello son and who’s this beautiful lady you are with?”

“Ma, I want you to meet Maya dela Rosa.”

“Maya, this is my ever beautiful mom- Mrs. Esmeralda Lim.”

“Hello Iha / hello po ma’am.”

“So son, is she your girlfriend or soon to be girlfriend? Gusto ko siya, pasado sa panlasa ko.”

“Naku ma’am, nagkakamali po kayo, hindi po ako girlfriend nor nililigawan ng anak ninyo po. Ako po iyon mag magdedesign ng cake ninyo para sa 60th birthday ninyo. Client ko po ang anak ninyo sa bakeshop ko. Sabi po niya birthday na ninyo sa October 24, kaya iyon nag-order siya sa akin ng cake. Iyon nga lang po, sa inyo ko na lang daw itanong kung ano ang gusto ninyo design. Kaya po sinama na niya ako dito sa lunch date ninyo mag-ina. Pasensya na po sa abala at sa privacy ninyo mag-ina. ”

“No Iha, you can join us. Akala ko lang kasi ikaw na ang girlfriend ipapakilala sa akin niting anak ko.”

“Ok lang po iyon. Lahat naman tayo nagkakamali eh.”

“Pero do I heard it right? For my 60th birthday?”

“Opo, madam.”

“Richard Lim!, may galit ka ba sa akin? I’m just turning 58 sa birthday ko. Bakit pinatatanda mo na ako? At my gosh 2 taon agad ang tinanda ko.”

“Ma, di ba magkasing tanda kayo ni Papa. Papa just turned 60 last June.”

“Hell no! I’m two years younger than your father.”

“Hindi naman halata eh…” naka ngiting sabi ni Richard sa ina.

Tingnan ng masama ni Esmeralda ang anak. Pigil naman ni Maya ang mapatawa sa kalokohan ni Richard sa ina. ”

“I’m joking Ma….” sabay yakap dito. “Naglalambing lang ako sa yo.”

“Hmp! Hay naku, iha mabuti na lang at hindi mo boyfriend ito anak ko. At kung sakali manligaw sa yo, huag mong sagutin. Walang galang sa magulang. Irereto na lang kita sa anak ng amiga ko. Mag guapong anak iyon si Ochel.”

“Ma…..”

Natigil ang usapan nila ng lumapit ang waiter sa kanila…..

“Good afternoon, Ma’am and Sir.” sabay abot ng menu sa kanila.

“Iha I try mo iyon best seller nila dito “Potence”

“Sige po.”

“Ah iha, why don’t you order what food you want for all of us.” sabi ni Donya Esmeralda.

“Po, pero baka po hindi ninyo magustuhan ang akin oorderin.”

“It’s alright iha, my son and I are not picky sa pagkain…go ahead. We trust your taste.”

Tiningnan ni Maya si Richard at tumango lang ito. Kinuha ni Maya ang menu book at binasa ang mga pagkain naka lagay dito. She studied every food from Appetizer to Dessert.

“Ok give us Tomato-Cheese Fondue, Salmon Pillow and Butter Baked Oyster for our appetizers, , Cream of Mushroom Soup, Grilled Asparagus and Tomato Salad, Potence with Mashed Potato on the sides and Earl Grey Tea.”

Tumingin si Maya kay Donya Esmeralda. Tapos kay Richard na ngingiti-ngiti. “ok na po ba iyon order ko?”

“Perfect iha…..yan ang paborito ng anak ko. Talaga bang wala kayo relasyon niong anak ko at hindi pa dinadala dito sa Chateau ng damuhing ito?”

Nanlaki ang mga mata ni Maya sa sinabi ng ina ni Richard.

“Ma….ano ka ba, nakakahiya kay Maya.” sita naman ninRichard sa ina ito.

“Okay..okay….fine.”

“Will that be all ma’am?” tanong ng waiter. “How about dessert po?”

“Later na lang iyon dessert……” sabi naman ni Maya.

Pag kaulit noon order nila. Umalis na iyon waiter…..

“By the way ma’am, pag pasenyahan na po ninyo ito dala ko para sa inyo” sabay abot ng paper bag kay Donya Esmeralda.

“Call me Tita Esmie. Ano ito at nag abala ka pa iha.”

“Wala po iyon, nakakahiya naman po kasi bigla na lang ako isinama ng anak ninyo sa lunch date ninyo dalawa eh. Yan po iyon specialty ng bakeshop namin.”

“Talaga….” sabay silip sa laman ng paper bag…..

Pagkakita sa laman ng paper bag…”Oh My Ghad….sa bakeshop mo pala ito nabibili….”

“Yes Ma, original recipe po yan ng family ni Maya.” sabi naman ni Richard.

“Iha, alam mo ba, ito ang paborito namin ng papa ni Richard….si Flor ang mama ni Ochel ang una nagpatikim nito sa amin.

“Tita, wait iyon Ochel na sinasabi ninyo po ba ay si Joselito Ramos na anak nina Tita Flor at Tito Rey Ramos?”

“Mismo, iha….kilala mo sila?”

“Opo…bestfriend ni Mama si Tita Flor. Kelan pa naging Ochel si Joselito.”

“What a small world, magkakakila na pala kayo ni Ochel.”

“Opo, we used to hang around po ni Joselito before po”

“Talaga what happened sa inyo dalawa?”

“Naku mahaba pong istorya Tita.”

Napasmirk naman si Richard sa narinig. Tumayo ito at…

“Excuse me, punta lang ako restroom…”

Tumango ang dalawang babae.

“Iha hindi ba talaga nanliligaw sa yo ang anak ko iyon? Baka nahihiya ka lang magsabi sa akin.”

“Naku hindi po talaga. Kagabi lang kami nagkakilala, noon nag punta siya sa bakeshop ko. Then kanina umaga dumaan ulit siya para nga po pag usapan namin iyon cake na oorderin niya para birthday ninyo.”

“Pero aminin mo guapo ang anak ko iyon noh?

Nahihiya napatango si Maya sa tanong ng ina n Fichard.

“Pag nanligaw sagutin mo agad ha. Wala ako balak na ipakilala ka sa anak ng amiga ko noh. Bagay kayo ng anak ko. Drama ko lang iyon kanina.”

“Tita talaga….”

Nakita ni Donya Esmeralda na pabalik na si Richard sa lamesa nila. Kaya noon malapit na ito…..

“So iha, may boyfriend ka na?”

“Naku wala pa po ako boyfriend.”

“Ma, ano ba yan mga tinatanong mo kay Maya.” sabi ni Richard sa ina noon paupo na ito sa upuan katabi ni Maya.

“Bakit hindi naman masama tanungin ko siya kung may boyfriend na siya. Di ba nga balak ko siya ireto sa anak ng amiga ko. Iha, si Ochel ba naging boyfriend mo?”

“Naku hindi po….. Magkaibigan lang po kami ni Joselito.”

“Good….since magkakilala na kayo at magkaibigan pa…hindi na mahirap na pagparehasin ko kayong dalawa.”

“Naku Maya, pasensiya ka na dito sa Mama ko. Sabik kasi yan sa anak na babae eh.”

“Wala kaso iyon sa akin. Pero tita, maiba tayo ano po ba ang gusto ninyo design sa cake ninyo?”

“Wala pa kasi ako maisip. Kasi di ko pa alam kung ano ba ang maging theme ng b-day ko. Kasi may charity event kami i-oorganize ng mga amiga sa birthday ko. Kaya di ko pa masabi sa yo. Kung may time ka this coming weekend, maybe You can dropped by sa house.”

Tiningnan ni Maya ang schedule niya sa weekend. “it’s fine tita, wala naman po ako schedule this weekend.”

“Good…iho puede mo bang sunduin si Maya sa bakeshop nila.?”

“Sure no problem Ma”

“Thanks son.”

“Excuse po naman, eto na po iyon orders ninyo….” isa-isa binaba ng waiter ang inorder nilang pagkain.

Habang kumakain ay pinaatuly nila ang usapan nilang tatlo.

“Iha, morning person ka ba…can we meet at around 9AM sa bahay ka ba mag breakfast…..sasabihin ko din kay Flor na isama niya si Ochel. Para magkta ulit kayo. Pero di ko sasabihin sa kanila na magkakilala tayo.”

“Kayo po ang bahala.”

“Son, bakit ang tahimik mo ata….”

“Wala Ma, gutom lang ako at alam mo naman pag paborito ko ang kinakain ko. Tahimik ako.”

“Sabagay….” sabi naman ng mama nito.

Pero kung alam lang ng mama ni Richard na kanina pa nagaaburuto ang kalooban ni Richard dahil sa ginagawa pambubuyo nito kay Maya para kay Ochel. Kilala niya si Ochel, guapo din ito, hawig nga ito ni Akihiro Sato. Alam niya madami din babae ang nagkakagusto dito. At sa sinabi ni Maya about Ochel ay para may nakaraan silang dalawa…..” nakakainis na ha…hindi lang isa dalawa pa ang karibal ko kay Maya na pareho close sa kanya. Pareho may advantage kumpara sa akin. Bulong ni Richard sa sarili niya.

“May sinasabi ka Richard?”

“Ha? Wala…sabi ko ang sarap talaga ng Potence dito sa Chateau.”

“Ah ok…akala komkasi may iba ka sinasabi eh….”

After there sumptious lunch nag order si Maya ng Coffee Pie at Earl Grey tea para sa kanila ng Mama ninRichard at Cafe Kahlua naman kay Richard.

Tiningan muli ni Donya Esmeralda si Maya.

“Yes, tita? Meron ka po ba gusto idagdaga o gusto mo palitan order ko dessert o drink sa inyo?”

“No, iha….it’s fine. I’m just wondering how did you know, my son loves coffee kung kagabi lang kayo nagkakilala.”

Namula bigla ang mukha ni Maya at nahihiya sumagot sa ina ni Richard.

“Kasi po tita, kagabi po noon pasara na ako ng bakeshop. May nakita ako ipad mini. Nahulaan ko po na kay Richard iyon. Kaya tinawagan ko siya sa celphone niya?”

“Alam mo agad cp number niya?”

“Binigyan po niya ako ng calling card.”

“I assume na personal calling card niya ang binigay niya sa yo. Kasi natawagan mo siya sa celphone niya eh.” nakangiting sabi ng ina nito. “Go on.”

“Noon tinawagan ko po siya, sabi niya importante sa kanya iyon ipad mini niya. Kung nasa store pa daw ako, babalikan niya. Sabi ko po naman papauwi na kami. So I gave him my house address, para doon niya kunin ang iyon ipad mini.”

Habang nagkukuwento si Maya, nagpipigil ng tawa si Dinya Esmeralda si Richard naman ay medyo un easy sa kinauupuan niya.

“Noon nasa bahay na po siya, tinanong ko po siya kung ano gusto niya inumin. Sabi niya coffee……kaya po iyon bingyan siya ng coffee ng maid namin. Tapos kanina umaga po, sa store, coffee rin ask niya while having a cake tasting. Kaya coffee iyon akin inorder para sa kanya.”

“Why Cafe Kahlua?”

“Naisip ko lang po. Bakit po?”

“Yan kasi ang paborito kape ni Richard dito aside sa brewed coffee.”

“Ah…..”

“Pero ano kamo importante sa anak ko ang ipad mini niya.?”

“Opo, iyon ang sabi niya eh.”

“Ma……”

“Bakit po….”

“Well, importante naman talaga sa anak ko iyon ipad mini niya kasi ma-mi-miss niya ang lahat ng games na naka install doon.”

“Ibig po ninyo sabihin na puro games lang ang andun sa ipad mini niya?” putang pula si Richard noon tiningnan ni Maya ito.

“Oo iha. Ang taas na kaya ng level niyan sa candy crash at subway surf….”

“Anong level ka na sa candy crash?” tanong ni Maya kay Richard….

“Level 400” pagmamalaki nito. “Ikaw”

“Level 480 lang naman ako.”

“What? Nag checheat ka siguro noh?”

“Excuse me…porke malapit na ako matapos sa sa pinaka final level nag che-cheat na agad. Baka ikaw. Pinaghirapan at pinag puyatan ko kaya ang bawat level ng CC” pagmamalaking sabi ni Maya.

“Eh sa subway surf”

“I don’t play that… Ayoko noon mga tumatakbo. Feeling ko ako ang napapagod eh.”

“Hahaha”

“Kayo tita naglalaro ba kayo ng Candy Crash?”

“Si Ma, hindi mo yan mapaglalaro noon, mas gusto niyan maghalo ng madyong”

“Pambubuko naman ni Richard sa ina.”

Nagkatawanan naman silang tatlo.

Napansin ni Donya Esmeralda ang oras. “Naku, pasado ala-una pala. Ala-una y medya kami magkikita kita ng mga amiga ko. Kinawayan nito ang waiter para hingiin ang bill nila.

“Sige na Ma, you go ahead. Ako na bahala sa bill natin.”

“Thanks son”, sabay halik sa pisngi nito. “Maya I will see this coming Saturday sa bahay ha.”

“Yes tita. Bye po and nice meeting you po.”

“Same here iha. I’m happy to meet you today.” Tumayo na ito at nakipag beso-beso kay Maya.

Pagka bayad naman ni Richard ay umalis na rin sila ni Maya.

*************

6 thoughts on “Palusot 3

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s