Reservation for Three – Part 9

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to missserenity. This is a continuation to Reservation for Three – Part 8.


A/N:  Author’s note: As promised, here is Part 2 of their anniversary celebrationsa cruise ship. I hope you enjoy this part as much as you enjoyed the first part. =) Hindi ko pa alam kung kailan ko mapopost ang next update pero sana mabigyan ako ng sapat na oras at inspirasyon para masulat ang next chapters. I would like to thank my readers na walang sawang sumusuporta at naghihintay sa updates ng fanfic na ito kahit minsan, natatagalan. Para sa inyo talaga itong fanfic na ito at para sa iba pa nating kapwa adik. =) Of course, laging nasa author’s note ang pasasalamat ko sa EBU for posting my fanfic in their wonderful collection of fanfics. Tama na ang pasasalamat. Here it is, part 9. Enjoy! =)

 

Author: missserenity

 

~*~

 

Umalis na si Maya at si Richard sa deck upang bumalik na sa kanilang kwarto at magpahinga. Nang malapit na sila sa kwarto nila ay nakita nilang may nakaabang na staff ng cruise sa labas ng kanilang kwarto. Mukhang may hinihintay ito. Nang makita ng staff ang dalawa ay agad niyang nilapitan si Maya at Richard.

 

Staff: Mr. Lim, heto na po yung hinihingi ninyo. Huwag po kayong mag-alala, kumpleto po yan. It’s all there.

Richard: Thank you.

Inabutan ni Richard ng tip ang staff and with that, inabot na ng staff ang nirequest ni Richard at umalis na ito. Pumasok na rin sa kwarto nila si Maya at Richard. Pagkapasok na pagkapasok  nila sa kwarto ay hindi napigilan ni Maya na magtanong kung ano ang iniabot ng staff kay Richard.

 

Maya: Ser Chief, ano ba yang inabot sa’yo nung staff kanina? Mukhang kanina pa siya dun at talagang hinintay pa tayo.

Richard: Ah, this? Iniabot ko kasi sa isang staff yung camcorder na dala ko bago ako umakyat dun sa stage. I asked him to record the whole thing para may remembrance tayo. Gusto ko marami tayong remembrance kaya nagpapicture rin tayo  after our performance di ba? I know you’ll like it na marami tayong remembrance kasi I know that you’re very sentimental with these kind of things. Do you want after nating mag-ayos before going to bed panoorin natin yung video ng performance natin kanina?

Maya: Nahawa ka na sa pagkasentimental ko, Ser Chief. Pahingi rin ako ng kopya ah.Sige, panoorin natin mamaya. O siya, mauna ka nang magbihis sa CR.

 

Habang nag-aayos ng sarili si Richard sa CR ay kinuha ni Maya ang phone ni Richard at pinasa niya sa phone niya ang picture nila ni Richard na kinuhanan kanina doon sa stage ng function hall. Plano niyang ipaprint ito at ilagay sa kanyang scrapbook na puno ng remembrance ng masasaya nilang alaala.

 

Matapos mag-ayos ni Maya ay nakita niyang abala si Richard sa kanyang laptop. Akala niya ay may ginagawa ito para sa kanyang trabaho ngunit nagkakamali lamang siya ng akala.

 

Richard: Maya, nalipat ko na yung video ng performance natin dito sa laptop.

Maya: Tara Ser Chief, panoorin na natin.

 

Matapos panoorin ang video…

Maya: Ser Chief! Tingnan mo naman yung itsura ko kanina!

Richard: Pero gustong gusto ko talaga kung paano ka tumitig sa’kin nung kumakanta ako. I just love the way you look at me, Maya. I hope hindi magbabago ang pagtingin mo sa’kin. Baka mamaya kasi pag tumanda na ako, hindi mo na ako titingnan ng ganyan.

Maya: Ser Chief, kahit dumating sa point na pumuti na ang lahat ng buhok mo, ikaw pa rin ang Ser Chief na minahal ko at patuloy kong mamahalin at hinding hindi magbabago ang pagtingin ko sa’yo, pangako yan.

And with that, they shared a tender kiss on the lips.

Richard: Maya, let’s sleep na. Para magising tayo ng maaga at marami tayong magawa bukas.Unless… you want to do something else tonight? (he said in a teasing tone, wearing a mischievous grin on his face)

Maya started blushing at the thought.

Maya: Ser Chief naman e! Matulog na tayo! (in her thoughts: Ser Chief, gustuhin ko man, hindi ko alam kung paano ba talaga ginagawa yun. Sabi ni Kute, parehas lang daw yun ng tinuturo sa school, pero iba talaga e. Hayaan mo, Ser Chief. Babawi ako sa Honeymoon natin, promise.)

Richard: Sige na nga, halika nga rito. Good night hug and kiss man lang, honey, please? (Richard said with matching naglalambing tone)

Maya hugged Richard tightly and kissed him on the lips. The kiss was broken when they were both catching their breath.

Maya: Okay na ba yan, Ser Chief ko?

Richard: Very okay. Come, tabi ka na sa’kin.

Maya: Malamang, pag hindi sa tabi mo, saan ako matutulog?

Richard pinches Maya’s nose. Nanggigil si Richard kay Maya.

Richard: Ang kulit mo talaga!

Maya: Parang ikaw hindi ah!

Richard: Behaved ako, Ms. Dela Rosa. Haha. Good night, Maya! I love you!

Maya: Good night, Ser Chief ko! I love you more!

 

And with that, natulog sila ng magkayakap the whole night.Naunang magising si Richard. Pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Maya na nasa harapan niya. He tucked the stray strands of hair behind her ear and he kissed her lightly on the lips. And with the feeling on her lips, Maya stirred. Akala niya nananaginip lang siya, yun pala hinalikan talaga siya ni Richard. When she opened her eyes, nakita niyang nakatitig sa kanya si Richard filled with love in his chinky eyes.

Richard: Good morning, honey! Sorry nagising kita.

Maya: Good morning, Ser Chief ko! (She kisses him lightly on the lips) Okay lang yun. (she whispers to herself: Sana ganito na lang ang gigising at bubungad sa’kin araw-araw pagkagising ko.)

Sa sobrang lapit nila sa isa’t isa ay narinig ni Richard ang binulong ni Maya sa sarili niya. He smiled at what she said.

Richard in his thoughts: Yan pala ang gusto mo, Maya. Well, malapit lapit na mangyari yan. If I have to kiss you every morning para magising ka, gagawin ko. I would do everything just to make you happy, my love.

Maya: Ser Chief, kain na tayo ng breakfast, nagugutom na ko e.

Richard: Sige, I’ll just order para dalhin na lang yung food natin dito. You can fix yourself first para mamaya when we arrive sa destination natin, ready na tayo.

Maya: Sige, Ser Chief. Ay oo nga pala, saan nga pala yung destination natin? Hindi mo pa nasasabi sa’kin the whole time na nandito tayo.

Richard: Makakarating din naman na tayo dun mamaya e. I don’t have the right to spoil my own surprise for you.

Maya: Ay oo nga pala. Kailangan ko na talaga masanay diyan sa mga surprise mo. Pero hindi ako nagrereklamo ha. I love it when you surprise me. Pero kahit one year na tayo, sadyang hindi ko masanay ang sarili ko.

Richard: Okay lang din naman kahit hindi ka masanay. I love seeing your reaction everytime I surprise you.

 

Nag-ayos na si Maya habang si Richard naman ay hinihintay ang kanilang inorder ng food. Lumabas si Maya ng CR ng naka bath robe. Nakahanda na ang pagkain nila nang makalabas si Maya kaya inaya na siya ni Richard na kumain.

Richard: Halika na, Maya. Let’s eat.

Maya: Sandali lang, Ser Chief. Magbibihis lang ako.

Richard: Akala ko ba gutom ka na? Lalamig pa yung food niyan. Halika na kasi.

Maya: Sige na nga.

 

Matapos nilang kumain ay si Richard naman ang nag-shower sa banyo. Si Maya naman ay namimili ng kanyang susuoting damit. Ngunit sa kadalihanang hindi niya alam ang pupuntahan nila, she decided to wear maong pants and loose fitting blouse. Nang lumabas si Richard ng banyo ay hindi nakalagpas sa kanya ang suot ni Maya.

Richard: Maya, I just noticed yang suot mo.

Maya: Bakit Ser Chief? May problem aba sa suot ko.

Richard: Wala naman. It seems na very appropriate naman yang suot mo para sa pupuntahan natin mamaya. Pero make sure you wear flat, comfortable shoes. Mahaba habang lakaran ang gagawin natin.

 

(A/N: I have not experienced riding in a cruise ship kaya pagpasensyahan niyo na. Hindi pa rin ako nakakapunta dun sa destination nila rito kaya this part of the fanfic is solely based on research and imagination. =))

 

Nang makalabas na sila sa cruise ship, namangha si Maya sa kanyang nakita.

Richard: Well, here we are. Our destination, Coron, Palawan.

Maya: Wow, Ser Chief! Ang ganda naman dito!

Richard: I know you’ll like it here. Let’s go, nandiyan na yung sasakyan natin.

 

Their first destination in Coron is Mt. Tapyas. “A 30-minute trek from the town proper, Mt. Tapyas provides a breathtaking view of Coron Island, the residential areas, the commercial buildings, the greenery of Coron and the road to Busuanga.” (description provided by: http://www.coronphilippines.com/thingstodo.php)

 

When they arrived at the foot of the mountain, Maya marveled as she looked at the mountain. As Maya’s eyes feasted on the wonderful site, Richard was amused with the sight he’s seeing. It was a very beautiful sight that he wants to look at every day. The sight that was being referred to was Maya’s priceless reaction as she intakes the breathtaking view of the mountain. Richard feels really happy with Maya’s reaction. Seeing her this amazed and happy makes him feel the same as well. He can’t wait for her reaction as they reach the view deck where they can see the even more breathtaking view of the Island. After a few more minutes of appreciation of the view, the guide led them to the bottom of a staircase of hundred steps that leads to the spacious view deck with a giant cross on top of Mt. Tapyas.

 

Maya: Ser Chief! Tara na! Akyat na tayo!

 

At umakyat na si Maya sa staircase para makapunta agad sa view deck na naghihintay sa taas. Hindi na nahintay ni Maya si Richard dahil sa naguumapaw na enthusiasm nito.Sumigaw si Richard.

 

Richard: Maya, wait!

 

Hinabol ni Richard si Maya hanggang sa makita ni Richard na nakahinto si Maya sa kalagitnaan ng staircase. Nakita ni Maya si Richard at sinalubong niya ito.

 

Maya: Ser Chief! Ang tagal mo naman.

Richard: Ikaw kasi hindi mo ko hinintay. Nakakatampo ka na ha. Iniwan mo ko. (sinabi niya ito na parang bata with matching pouty lips pa.) (A/N: Just imagine this scene, adiks. This is oh so cute. ;))

Maya: Sorryna, Ser Chief ko. Tara na, akyat na tayo.

Hindi pa rin kumikibo si Richard.

Maya: Ser Chief naman nagiinarte pa oh! Sorry na, tara na nga. Seeeer Chieeefff! Sige ka, iiwanan ulit kita diyan!

Papaakyat nasana ulit si Maya nang hawakan ni Richard ang braso niya. Nang matigilan si Maya ay binuhat siya ni Richard.

 

Maya: Ahhh! Ser Chief!

Richard: Let me do this, Maya. Pag hindi mo pa ko hinayaang gawin ‘to, magtatampo na talaga ko sa’yo. (A/N: Grabe ka, Ricardo! Sino ba namang babae ang hindi kikiligin diyan sa mga pinaggagagawa mo!)

Maya: Hindi naman ako mananalo sa’yo di ba? Sige na nga. Ayoko naming magtampo amg Ser Chief ko sa’kin. Pero sorry talaga hindi kita nahintay kanina ha.

Richard: It’s okay. I understand naman na dala lang yun ng excitement at enthusiasm mo.

 

And with that, umakyat na si Richard sa natitirang steps habang buhat buhat si Maya. Si Maya naman ay nakahawak sa leeg ni Richard at palihim na tinititigan ang mukha ng kanyang Ser Chief. Ang hindi alam ni Maya ay napapansin na ni Richard na tinititigan niya ito. Hinayaan niya na lang si Maya dahil gaya nga ng sabi niya, he loves the way she looks at him.

 

Nakarating na sila sa viewing deck. Binaba na ni Richard si Maya. Hindi namalayan ni Maya na nakarating na pala sila sa taas.

Richard: Maya, nandito na tayo. Maya? Maya!

Maya: Ay Maya! Wow Ser Chief ang ganda naman dito!

Richard: I know you’ll like it here. Wait lang, Maya ha. Ipapadala ko lang dito yung kakainin nating lunch. It’s almost lunch time na kasi e.

Maya: Okay, Ser Chief.

 

Pagkatapos tumawag ni Richard sa magdadala ng lunch nila, binalikan niya ang isang manghang manghang Maya na nakatitig lamang sa view sa kanyang harapan. Richard hugs her from behind.

 

Richard: Do you like the view?

Maya: Sobra sobra, Ser Chief. At ang mas makakapagpaperfect pa sa moment na ‘to ay nandito ako kasama ang taong pinakamamahal ko.

Hindi napigilan ang pagtulo ng luha ni Richard sa sinabi ni Maya.

Maya: Oh, Ser Chief? Dapat ako yung naluluha at nagmomoment dito. Bumebest actor ka ha!

Richard: Ikaw talaga, Maya. You never fail to make me happy. And with what you said earlier, I know na sobrang saya mo rin ngayon. It warms my heart to see the woman I love happy and to think na isa ako sa mga dahilan kung bakit siya masaya makes me even happier. I love you so much, Maya!

 

Ngayon, si Maya naman ang umiiyak dahil sa sobrang kasiyahan at sa nararamdaman niyang pagmamahal mula sa Ser Chief niya.

 

Maya: Sobrang mahal kita, Ser Chief ko.

 

While they were in each other’s arms, tinitigan lang nila ang magandang view na natatanaw mula sa view deck. There was silence that exemplifies serenity. Nakakarelax. Hindi nila kailangang mag-usap lagi para maparamdam sa isa’t isa ang pagmamahal. Basta’t magkasama sila, lahat ng moment na mayroon sila ay nagiging perfect.

 

Natigil lang ang moment nila nang may tumawag ng atensyon ni Richard. Isang waiter ang tumawag ng atensyonni Richard na napansin din ni Maya.

 

Waiter: Mr. Lim, ready na po yung pinahanda niyong lunch. Please follow me.

 

Sinundan ni Richard at Maya ang waiter at dinala sila ng waiter sa isang place kung saan hindi matao. Nirequest talaga ni Richard na sa isang hindi mataong part ng deck sila maglalunch ni Maya para mas maenjoy nila ang lugar ng silang dalawa lang. Ang pinahanda ni Richard ay hindi isang ordinaryong lunch lamang. Bagay ang ipinahandang lunch ni Richard sa look at feel ng view deck na kinaroroonan nila ngayon.

 

Maya: Ser Chief ha! Laging unique ang mga surpresa mo sa’kin. Aba! Kahit lunch, kailangan out of the ordinary!

Richard: Of course, ang mga surpresa ko parang tayo, we’re not just an ordinary couple, Maya. (A/N: So true, SC!Kaya nga minahal namin kayong dalawa ng ganito e!)

Ang pinahandang lunch ni Richard ay isang picnic. May nakalatag na tela kung saan sila mauupo at kakain. Sa gitna ng tela ay nakapatong ang isang picnic basket kung saan nakalagay ang kanilang pagkain. At sa isang sulok ng tela ay nakaready na ang utensils na gagamitin nila sa pagkain.

 

Matapos kumain ay nanatili silang nakaupo.

Richard: Maya, before we go, let’s take a picture muna.

 

(A/N: May purpose at may sense ang lagi nilang pagpapapicture. You’ll find out on the next chapters kung bakit laging kailangan magpicture sa special moments na ito at kung bakit pati si Maya ay ginusto na ring magkaroon ng copy of their photos. ;))

 

Tinawag ni Richard ang waiter at inabot ang phone niya para makunan sila ni Maya ng picture habang nakaupo sa tela at katabi pa rin ang picnic basket para mapakita na nagpicnic sila. Pagkatapos mapicturan ay inabot naman ni Maya ang phone niya sa waiter at dito naman sila nagpicture.

 

Maya: Kuya, dito rin sa phone ko, please. Para pati ako may remembrance rin. Okay lang bay un, Ser Chief?

Richard: Sure, Maya.

 

Matapos nila magpapicture kung saan sila nagpicnic ay pinasunod nila ang waiter sa parte ng deck kung saan makikita ang magandang view at doon nagpapicture ang dalawa sa pareho nilang phone.

 

Nagkwentuhan sila, kumain ng meryenda at nagkwentuhan ulit just enjoying their time together hanggang sa maabutan nila ang sunset sa view deck. Sabay nilang pinanood ang paglubog ng araw.

 

Maya: Ser Chief, ang ganda lagi ng paglubog ng araw.

Richard: Oo nga, Maya. Pero mas naaappreciate ko ito kasi kasama kita habang pinapanood ko ang paglubog ng araw. I love you!

Maya: I love you too!

 

And they shared a tender kiss on the lips.

 

Pagkatapos panoorin ang sunset ay hindi pa nila nilisan ang view deck at napagdesisyunan nilang dito na rin maghapunan. Ang dinner naman nila ay may pagkasosyal. They were seated at a table for two people where at the center of the table there was a candle light illuminating. May string quartet na nagpapatugtog ng instrumental romantic music. They ate steak and had red wine. (A/N: Walang basagan ng trip ha, alam kong medyo mahirap mangyari ‘to in real life sa view deck ng Mt. Tapyas, pero fan fiction naman ito kaya okay lang. Tsaka si Richard Lim kaya yan, anything is possible. Kahit ano gagawin niya para mapasaya lang si Maya. Back to the fanfic. ;)) After eating their dinner,

 

Richard: Maya, dahan dahan lang sa pag-inom ng wine ha. Remember your last encounter with this kind of drinks?

Maya remembers the time nung nagtetraining pa lang siya. They had wine tasting and instead of spitting out the wine they taste afterwards, she drank the wine which made her tipsy. The way she acted that day still amuses Richard ‘til this very day he remembers that event.

Maya: Ser Chief naman! Kalimutan mo na yun! Grabe! Nakakahiya talaga! Waiter! Can you just get me some water, please?

Dinalhan na ng waiter si Maya ng tubig at tubig na ang ininom ni Maya.

Richard: Eto naman. I was just teasing you. Uminom ka naman agad ng tubig.Haha.

Maya: E kasi. Okay na yan para maagapan ko. Baka kasi pag natamaan na ko ng alak e buhatin mo pa ko pababa. Baka mahirapan ka pa, 100 steps yan. Ayoko naming gawin yan sa’yo.Anniversary natin, dapat pareho tayong nagsecelebrate. Hindi yung pahihirapan kitang buhatin ako kasi tipsy na ko. Kaya ikaw, Ser Chief, tama na rin yan. Hindi kita kayang buhatin pababa ha.Sige ka, pag nalasing ka, kakaladkarin kita pababa.

Richard: Sige na nga, honey.

Maya: Tara, Ser Chief. Picture muna tayo.

 

Nagpapicture sila sa may table kung saan sila kumain. Pagkatapos nila magpapicture ay pinuntahan ni Richard ang string quartet at nirequest na patugtugin ang instrumental version ng “The Way You Look Tonight”.

 

Pagkabalik ni Richard kay Maya ay inabot ni Richard ang kamay niya kay Maya signaling her na he wants to dance with her. Kinuha naman ni Maya ang kamay ni Richard at nagsayaw silang dalawa. The way they danced was slow, perfect lang sa tempo ng tugtog. Their bodies real close to each other. Perfect ang height nila. Maya can place her head on Richard’s shoulder while maipapatong ni Richard ang chin niya sa ulo ni Maya. While dancing, kinakanta ni Richard ang lyrics ng kanta.

 

 

Video Credits to Jufren Cervantes. Thank you for this lovely video! =)

 

(A/N: Pahintay na lang yung song, the song starts in 0:38 in the video. ;))

 

Some day, when I’m awfully low,

When the world is cold,

I will feel a glow just thinking of you

And the way you look tonight.

 

You’re lovely, with your smile so warm

And your cheeks so soft,

There is nothing for me but to love you,

And the way you look tonight.

 

With each word your tenderness grows,

Tearing my fear apart…

And that laugh that wrinkles your nose,

It touches my foolish heart.

 

Lovely … never, ever change.

Keep that breathless charm.

Won’t you please arrange it’

’cause I love you … just the way you look tonight.

 

With each word your tenderness grows,

Tearing my fear apart…

And that laugh that wrinkles your nose,

It touches my foolish heart.

 

Lovely … never, ever change.

Keep that breathless charm.

Won’t you please arrange it’

’cause I love you … just the way you look tonight.

 

(A/N: Kumpletos rekados na talaga! Kagabi may song number, ngayon naman ay dance! Haha. Acting na lang ang kulang. ;))

 

Pagkatapos ng kanta ay pumunta ang dalawa sa view deck para sa kanilang huling sulyap sa view ng bundok. They watched the night sky shining with the bright stars and the full moon na parang abot kamay lang nila dahil sa sobrang taas ng kinatatayuan nila.

 

Maya: Alam mo, Ser Chief, sobra sobra ka na talaga magpakilig. Kahit hindi ito ang unang beses na panoorin natin ang sunset o tingnan ang mga bituin o magsayaw ng magkasama, iba pa rin talaga ang epekto mo sa’kin. Siguro kasi kahit ulit-ulitin ko ‘tong mga scenario na ‘to sa utak ko, hindi ako magsasawang ulit ulitin ang mga moments na ‘to kasi sobrang mahal kita, na dati pangarap lang kita, na crush lang kita pero tinupad mo ang mga pangarap ko. Naging regular FA ako tapos ikaw, kayo ng mga bata ang nagsilbing bonggang bonggang bonus! Salamat Ser Chief dahil tinupad mo ang mga pangarap ko at isa ka na dun sa mga pangarap na yun, kasi pangarap lang kita dati tapos ngayon, heto ka, kasama mo ko at pinaparamdam mo talaga sa’kin na sobrang mahal mo ko. Salamat talaga, Ser Chief ko, mahal na mahal kita!

 

Richard: No, Maya. Thank you kasi binago mo ang dating malungkot naming household. Noon, sobrang sungit ko pati yung mga bata mahirap malapitan, si Abby hindi nagsasalita, pero when you came along everything changed for the better. Hindi lang si Abby ang iniba mo pero pati kaming lahat. Thank you for the patience and for the love you gave me and the love and concern you gave sa mga kids. Hindi mo na rin kailangang mag thank you para sa lahat ng ‘to because you deserve this, Maya and I’m just God’s instrument para matupad mo ang mga pangarap mo. I love you and you know that, hindi ako nainlove sa’yo dahil maganda ka. Nainlove ako sa’yo dahil sa puso mo, sa ugali mo and everything you are. Bonus na lang yang ganda mo, Maya. I would do everything just to make you happy and my heart somersaults in joy at this moment na nakikita kitang masaya dahil sa’kin and sa fact na ganyan ka pa rin kiligin kahit matagal na tayo together. I love you so much, Maya!

 

Maya was left teary eyed and Richard wiped her tears off with his thumb and then he embraced her ever so tightly.

 

Bumaba na sila ng staircase. This time, sabay na silang bumaba with matching holding hands pa. Hindi maialis ang ngiti sa kanilang mga labi.

 

Nang makabalik sila sa cruise ship ay dumiretso na sila sa kwarto nila and they readied themselves for bed. Dahil sa sobrang pagod ngayong araw ay nakatulog na sila agad and just like last night, they slept facing each other na magkayakap.

 

Author’s note: Hanggang dito na lang po ulit! May kasunod pa atang part ‘to. Last part na ng anniversary celebration sa cruise ang kasunod. I hopia like this one! Hindi ko pa po alam kung kailan ang next update dahil matatambakan na kami ng gawain dahil malapit ng matapos ang sem! Pero feel ko hindi naman matatagalan ang next update. Breathe in and feel this chapter first ha. Kapit-bisig and till the next chapter!😉

 

2 thoughts on “Reservation for Three – Part 9

  1. Pingback: Reservation for Three – part 10 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s