Yo Soy Maya La Fea – Parts 9-11

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to CorUnum. This is a continuation to Yo Soy Maya La Fea – parts 7&8.


A/N:Hi EB readers! Thanks so much sa pag-appreciate sa aking latest fan fic… Natutuwa naman ako at nae-enjoy ninyo ang Maya La Fea. BTW okay na po ang kapatid ko. Salamat po sa mga nag-ask about her. At wala nga po pala akong blog… hindi naman po kasi ako talaga seryosong writer. Sobrang mahal ko lang po talaga ang BCWMH kaya napapa-fan fic ako. =) I hope enjoy pa rin po kayo sa kabanatang ito ng Yo Soy Maya La Fea. At dito nga pop ala ay may ibang versionng harana si Ser Chief. #LaughterIsTheBestMedicine –CorUnum

 

Author: CorUnum

 

~*~

 

SELOSAN SA SINEHAN

 

Tumingin si Richard sa Rolex wrist watch n’ya. Malapit nang mag-alas-siete. Napabuntong-hininga s’ya. Sa isip n’ya ay hindi umalis-alis ang pangit n’yang accountant na si Maya dela Rosa… ang accountant n’yang napaka-galing (Magaling din kaya s’yang maglambing???)… ang accountant n’yang sobrang efficient… ang accountant n’yang smart ‘di gaya ng ibang babae na puro pagme-make-up lang ang alam… ang accountant n’yang may movie date ngayon kasama ang manliligaw n’ya (Naisip ni Richard kung mas gwapo sa kanya ang manliligaw ni Maya na si Simon)… ang accountant n’ya na s’yang dahilan kung bakit narito s’ya sa isang supermarket at nakapila ngayon para magbayad ng binili n’yang Belgian Chocolates (Magustuhan kaya ni Maya ito?).

 

Medyo mahaba pa ang pila kaya nakapagmuni-muni pa si Richard. Napailing s’ya sa sarili. Hindi pa rin n’ya maintindihan ang nangyayari sa kanya… kung bakit n’ya ginagawa ang lahat ng ito para kay Maya. Sabi nga ni Ryan, ‘wag na lang ituloy ang pustahan. Eh bakit ipinagpipilitan pa rin ni Richard na may gusto sa kanya si Maya? Malinaw na ngang wala ‘di’ba? Kaya nga may iba s’yang ka-date… at sa totoo lang, wala namang dapat ika-windang si Richard dahil isang babae lang naman si Maya. Sandamakmak ang mga babaeng nagkakandarapa para lang i-date n’ya. So ano ngayon kung ayaw ng pangit na si Maya na makipag-date sa kanya? Pangit nga s’ya ‘di’ba? “Richard?” Naputol ang malalim na pag-iisip ni Richard nang may tumawag sa kanyang isang babae. “Yes?” “Hi! I didn’t expect to see you here.” Ngumiti lang si Richard. Mukhang pamilyar ang babae pero hindi n’ya maalala kung sino. Mahaba at may brownish highlights ang buhok ng babaeng ito. Napatingin si Richard sa malusog na hinaharap ng babae. Naka-plunging neckline kasi ito. Agad ding inalis ni Richard ang pagkakatingin dito at sa halip ay tumingin s’ya sa mukha ng babae… kahit anong pilit n’ya, hindi talaga n’ya maalala ang pangalan ng babaeng kaharap n’ya. Ngumiti ang babae sa kanya, at halatang natuwang napansin ni Richard ang dibdib n’ya.

 

“You don’t remember me, do you?” “Ahmmm… Diana?” “No! It’s Ingrid.” “Oh… sorry.” “That’s OK… So… are you free tonight Chard?” Hmmm… Nasabi ni Richard sa sarili: “Pagkakataon mo na ito, Richard. You just might get lucky again tonight… sumama ka na at pabayaan mo na sa date n’ya ‘yang pangit mong accountant. ‘Di hamak na kaaya-ayang tingnan itong si Ingrid kesa kay Maya…” Pero parang hindi sumusunod ang puso n’ya sa utak n’ya dahil ang sinabi n’ya ay: “Ah, sorry Ingrid. But I have something to do tonight.” “Really?” “Yeah. It’s very important.” Wow Richard Lim! Kailan pa naging very important ang pag-stalk sa pangit mong accountant?!?! What the heck are you thinking???

 

“Oh, well… Siguro next time.” Sabi ni Ingrid na halatang disappointed. Akmang hahalikan sa pisngi ni Ingrid si Richard. Mabilis na umiwas si Richard. Nagtatakang tumingin sa kanya ang babae. “Uhmmm… sorry.” ‘Yun lamang ang nasabi ni Richard. “I get it… So finally, isang babaeng nagpatino rin sa palikerong tulad mo.” “What? N-no… I…” “Huwag ka nang mag-deny Chard. Don’t worry, no hard feelings. Sige, I have to go!” Minasdan ni Richard habang papaalis si Ingrid. Naku Richard Lim! Tingnan mo ang ginawa mo! Patuka na ang lumalapit sa manok, tinanggihan mo pa! Ano bang meron ‘yang Maya dela Rosa na ‘yan at nagkakaganyan ka??? Well… pangit s’ya… pero iba s’ya eh… matalino s’ya… maraming ideas… nag-o-oppose s’ya sa mga sinasabi mo… hindi tulad ng ibang babae na puro ‘oo’ na lang ng ‘oo’… At si Maya ang kauna-unahang babaeng hindi humabol sa’yo. At ang mga mata ni Maya… for God’s sake para talagang magnet ang inosente n’yang mga mata!

 

Nang matapos magbayad si Richard, mabilis n’yang tinungo ang parking lot. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang Be Careful With My Heart the movie na ayon sa kanyang source ay ang pelikulang papanoorin nina Maya at Simon. ‘Ni hindi kilala ni Richard ang bida sa pelikulang ito. Isa pa, romance ang movie dahil diumano’y ang love team na JoChard ang gaganap. Hindi mahilig si Richard sa romansa. Pero dahil hindi s’ya mapakali at alam n’yang may kasama si Maya na ibang lalaki, nagpabili s’ya kanina sa sekretarya n’yang si Liza ng ticket.

 

Pagpasok n’ya sa sinehan, marami nang tao… pero wala s’yang pakialam sa mga ito. Nilibot ng chinito n’yang mga mata ang lugar. Hinahanap n’ya si Maya. “Darn it! The things you do to me, Maya dela Rosa!” Pagmumura ni Richard habang sa loob n’ya’y tinanggap niyang may pagtingin s’ya sa pangit n’yang accountant.

 

***

“Simon!” “Oh? May problema ba?” “Para kasing ‘yung mamang singkit ‘dun sa may entrance kilala ko.” “Ha?” Tanong ni Simon kay Maya habang tumitingin sa may entrance. May lalaking chinito ngang nakatayo doon at mukhang may hinahanap. “Naku, Simon si Sir Richard yata ‘yun!” “Sinong Sir Richard?” “S’ya ‘yung boss ko sa Lim Aviation.” “Eh anong problema? Bakit parang nagulat ka? Hindi ba s’ya fan ng JoChard?” “Ewan ko… hindi ko alam.” “Malay mo fan din s’ya. Ano bang problema kung andito s’ya?” “Naku Simon, mahabang istorya. Tsaka ko na iki-kwento sa’yo… Naku lagot! Nakita n’ya yata ako at papunta s’ya dito!” “Oo nga, papunta nga dito. Teka, bakit dito s’ya pupunta eh wala nang bakanteng upuan dito?” “Naku, tama yata ang kutob ko… sinundan nga ako dito ni poging singkit!” “Bakit ka naman n’ya susundan?” “Naku ewan ko ba d’yan. ‘Nung isang linggo pang weird kumilos ‘yan.”

 

Tumingin si Maya sa papalapit na si Richard. “Simon, favor please. Maging sweet ka naman sa’ken.” “Ha? Yuck!” “Simon sige na… kapag pumayag ka, ililibre kita ng paborito mong kwek-kwek.” “Kwek-kwek lang?” “Kahit ano… sige na Simon malapit na si Sir Richard!” “Ayoko.” “Sige na Simon. Wala naman tayong malisya sa isa’t-isa ‘di’ba? Tsaka ganito, ilalakad kita kay Eds.” “Sinabi mo ‘yan ha? Ilalakad mo ako.” “Oo!” Inakbayan ni Simon si Maya. Matamis silang nagngitian.

 

Ito ang eksenang inabutan ni Richard. Parang gusto n’yang upakan si Simon… magalit kaya si Maya kapag sinuntok n’ya si Simon? One time lang. Sa malamang magalit si Maya… kaya pinigilan ni Richard ang sarili. “Maya!” Pagalit na tawag ni Richard. Ano ba ‘yan Richard Lim? Bawas pogi points ‘yan. Tiger-mode ka na agad. “Sir Richard?” Kunwari’y nagulat si Maya. Na-realize ni Richard na mukhang weird ang set-up. Halatang-halatang nanghihimasok s’ya sa date nina Maya at Simon. Wala s’yang plano para magpalusot. Mga ilang segundo rin s’yang nakatingin lang kina Maya at Simon… nang biglang “Hi Richard!” Napatingin sina Richard, Maya at Simon sa babaeng katabi ni Maya (nasa gitna si Maya nina Simon at ng babae). “Ingrid!” Natutuwang sagot ni Richard.

 

Natuwa s’ya dahil may palusot na s’ya! Good one! “Manonood ka rin?” Tanong ni Ingrid. “Ah, yes.” Nahihiyang sagot ni Richard. “Oh, good. Come sit beside me. ‘Yung friend kong katabi ko kanina pumunta ng comfort room. Tapos ngayon nag-text na hindi na s’ya makakapanood kasi nag-e-LBM s’ya.” Nakangiting tumabi si Richard kay Ingrid. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon… ang nabakanteng upuan ay malapit kina Maya at Simon!

 

Maya-maya pa’y nag-opening credits na  ang pelikula. Napangiti si Richard sa opening theme… “If you love me like you tell me please be careful with my heart…” Nagiging cheesy na si Richard ngayon. Inisip n’yang sana sila na lang ni Maya ang magkatabi at magkasamang nanonood ng romantic film… ‘yung silang dalawa lang… sa TV room ng condo n’ya… ‘yung magkayakap sila… ‘yung pagmamasdan n’ya ang magagandang mata ni Maya. ‘Yung… ‘yung movie hindi na n’ya maintindihan kasi puro si Maya ang iniisip n’ya.

 

Panakaw na sumulyap si Richard kay Maya.Nakita n’yang napaka-lambing ni Simon kay Maya. Naisip ni Richard sa sarili. “Ano ka ba Maya dela Rosa? ‘Di hamak namang mas gwapo ako kesa d’yan sa bagitong ka-date mo. I bet kulang sa practice ang totoy na ‘yan!” Lalo pang nagpanting ang tenga ni Richard nang marinig ang sinabi ni Simon kay Maya. “Maya… ang tagal ko nang nanliligaw sa’yo… kailan mo ba ako sasagutin?” “Ha?” Gulat pero nakangiting sabi ni Maya (Sa isip ni Maya, nagpapa-thank you s’ya sa best acting peg ni Simon). Sasagot pa sana si Maya pero malakas na sinabi ni Richard kay Ingrid. “Ingrid, it’s good you’re not involved with any man…hindi gaya ng iba d’yan. Nagsine lang paglabas taken na.” Parehong napatingin sina Maya at Simon kay Richard. Kumulo ang dugo ni Maya sa lalaking major, major crush n’ya. Magsasalita pa sana si Ingrid pero malakas namang sinabi ni Maya kay Simon: “Simon ‘di’ba gaya nga ng sabi mo, matagal ka nang nanliligaw sa’ken? Ibig sabihin kung sasagutin man kita, hindi ‘yon dahil sa sine lang… kaya OO Simon… sinasagot na kita!”

 

Sa puntong ito, halos pumutok ang dibdib ni Richard dahil sa selos. Hindi na s’ya nakapag-isip ng tuwid. Bigla n’yang hinalikan sa labi ang katabing si Ingrid. Sa nakita ni Maya ay tuluyan na itong lumabas ng sinehan. Hindi na n’ya kaya ang ginagawa ni Richard. Sa totoo lang, nasaktan s’ya sa ginawa nito. Agad napansin ni Richard ang paglabas ni Maya. Naisip n’yang ito na ang kanyang pagkakataon… Tumayo si Richard para sundan si Maya. Pinigilan s’ya ni Ingrid. “Chard… don’t tell me that’s the girl… I mean… she’s… ugly!” Natigilan si Richard sa narinig at tiningnan ng masama si Ingrid. “I would have you know that she is more, MUCH MORE than an ugly face! Excuse me.” Mabilis na sinundan ni Richard palabas si Maya. Narinig ni Simon ang sinabi ni Richard sa babaeng kasama nito. At nang dahil dito ay naintindihan si Simon ang buong pangyayari… Napangiti siya at napabulong sa sarili: “Best friend… magkaka-love life ka na.”

 

 

YO SOY MAYA LA FEA Part10:

ANG PANGIT AT ANG SINGKIT — KOMPRONTASYON

 

Mabilis ang lakad ko, kasing bilis ng paghinga ko. Parang magha-hyperventilate yata ako sa ginawa ni palikerong singkit. Hindi ko alam kung mas naiiyak ako sa selos o dahil sa inis sa kanya… susunod-sunod s’ya sa movie-date namin ni Simon tapos sisirain n’ya lang ang gabi ko. Naku! Kung hindi ko lang talaga s’ya boss (at kung hindi ko lang talaga s’ya crush)! Nagco-concentrate ako sa pagpigil sa sarili kong umiyak nang marinig ko ang boses n’ya. “Maya wait!” Kunwari ay wala akong narinig. Dire-diretso ako sa paglalakad… Pero nakalimutan kong mas mahaba nga pala ang binti n’ya kesa sa’ken kaya madali n’ya rin akong naabutan. Hinawakan n’ya ako nang mahigpit sa braso. I tried to yank my arm free pero parang may super-glue ang kamay n’ya… hindi ko maalis!

 

“Ano bang gusto mo?!?! Masaya ka na bang sinira mo ang movie-date ko?” “I did no such thing!” “Talaga bang nang-aasar ka sir o malakas ka lang talagang mang-trip?! Una lilituhin mo ako sa mga pabula-bulaklak mo at pag-aaya mong lumabas. Tapos ilalapit mo ang mukha mo sa’ken na parang hahalikan mo ako. Tapos manonood ka lang ng sine na may kasamang babae mo paparinggan mo pa ako sa harap ng ka-date ko! Sir ano po bang kasalanan ko sa inyo?” “Wala.” “Eh anong problema n’yo?” Naiinis na ako… pero parang naiinis na rin si Sir Richard. Hindi mo ba nakikita Maya dela Rosa? Ikaw ang may kasalanan nito. Ang galing-galing mo tapos pa-hard to get ka kaya ayan… “You want to know what the problem is?” Tanong ni Sir Richard na kitang-kita sa singkit na mga mata ang exasperation. “Oo sir, gusto kong sabihin mo sa’ken ngayon kung anong problema mo!” Sagot ko na exasperated na din. “You really want to know?!!?” “Oo nga sabi!” “This is the problem!” Pasigaw na sabi ni Sir Richard sabay halik sa akin sa labi. Panandaliang nadala ako… Grabe halimaw makahalik itong si poging singkit… makalusaw-utak!!!

 

Pero bago tuluyang malusaw ang utak ko ay naalala kong kani-kanina lang ay hinalikan n’ya rin ang kasama n’yang babae… Naku, modus operandi yata nitong si singkit ang manghigop ng baga ng babae! Itinulak ko s’ya palayo. “Talaga bang hobby mo ang manghalik ng babae? Tsaka pati ba ako idadamay mo? Kailangan na bang pataasan ng grado ‘yang salamin mo Sir? Baka hindi ka aware, ipapaalala ko lang sa’yo… PANGIT AKO! Kaya pwede ba, ‘wag mo akong paglaruan ng ganyan!” Napabuhos na lahat ng galit ko. Oo crush ko s’ya… at siguro nga mahal ko na s’ya… pero alam kong dala lang ng pagiging palikero n’ya ang ginawa n’ya… hindi ako papayag na mapaglaruan ng poging singkit kahit pa may pagtingin ako sa kanya! Ang mga sunod n’yang sinabi ang gumulat sa akin ng bonggang-bongga.

 

“Darn it Maya, listen to me!” Panimula n’ya. Pagkatapos ay nagbuntong-hininga s’ya… parang nangilid pa nga ang luha sa mga mata n’ya. Ano namang palabas ito??? “Maya… I… I think I love you.” Natigilan ako… ano ba ito totoo o baka naman bigla n’yang sasabihing joke lang?! “I swear to God, I didn’t expect to fall for you. Yes I am fully aware… PANGIT KA! Oo Maya dela Rosa, pangit ka! Pero mula nang nag-defend ka ng sarili mo para i-hire ka namin ni Papa during your interview… mula nang magsimula kang magtrabaho as my accountant at hindi na ako nambroblema sa balance sheets ng kompanya ko… mula nang ipamukha mo sa akin na hindi sukatan ang kagandahan at kagwapuhan para mahalin… Maya, mula noon nakita ko nang maganda ka!” Siguro mga 5 seconds akong tumahimik. Tapos napatawa ako. “I’m dead serious Maya and you’re laughing at me?” Sabi n’ya na medyo hurt. “S-sorry Sir. Pero kasi naman sinabi mong maganda ako eh. Hindi ba joke ‘yun?”

 

“Maya, you wear no makeup. You wear nerdy glasses and wear clothes from a long-forgotten era. You have orthodontics. But put all those away, you are beautiful. Ang ganda ng mga mata mo. At oo, dahil babaero ako, nakikita ko ang maganda mong katawan kahit pa itago mo sa mga sinusuot mong damit… Look, I know it’s hard to believe I find you attractive but I do! Your intelligence and even your stubbornness are so alluring! And I know it’s hard to believe that I am a changed man… but that’s because of you! Ikaw ang nagbago sa lahat ng paniniwala ko tungkol sa pagmamahal at kagandahan.”

 

Marami nang nagsabing matalino ako… at alam ko sa sarili kong totoo ‘yun… Alam ko kasing pangit ako kaya palagi kong ginagalingan sa academics. Matalino ako… pero walang Mathematical problem na kasing komplikado nitong problema ko ngayon! Hindi ko talaga maintindihan kung maniniwala ako kay poging singkit. Matagal-tagal sigurong nakatingin lang ako kay Sir Richard na hindi nagsasalita…  “Maya? Maya, please talk to me.” “Sir Richard…” “Richard.” “Sir Richard, pwede bang time-first muna?” “Time first?” “Oo… time first… pwedeng mag-isip muna ako?” “Maya, I love you.” “Gusto kong paniwalaan ‘yan… gustong-gusto kong paniwalaang ang isang gwapong gaya mo ay magmamahal ng isang pangit na tulad ko… pero kahit saang anggulo ko tingnan sobrang imposible.”

 

“Maya, it’s not impossible for a guy to love you. Bakit si Simon? ‘Di’ba nga sinagot mo na s’ya?” “Eh hindi naman totoo ‘yun.” “What?” Napatungo ako. “Best friend ko si Simon. Hindi ko s’ya manliligaw.” “What?!? Eh bakit sabi mo sa’ken manliligaw mo s’ya?” Muli akong tumingin sa gwapo n’yang mukha. “Para tigilan mo na ako. Nakakalito ka kasi. Binigyan mo ako ng bulaklak at inayang lumabas. Muntik mo na akong halikan at ngayon nga ayan, hinalikan mo na ako.” At grabe, nagulantang ako sa halik mo! “Anong nakakalito ‘dun? Mahal nga kita.” “Mahal ka ‘d’yan! Eh ano ‘yung pahalik-halik mo ‘dun sa Ingrid na ‘yun?” Naiinis na tanong ko kay poging singkit. Tumawa s’ya.

 

“Anong nakakatawa?!!?” “Relax Maya. Nakakatawa ang reaksyon mo. Nagseselos ka ano?” “Hindi ako nagseselos!” “Nagseselos ka eh.” “Hindi nga sabi… tsaka ‘wag mong ibahin ang usapan. Ang lakas ng loob mong sabihing mahal mo ako eh kanina lang hinalikan mo si Ingrid.” Ngumiti si pogi… naku naman! Tinamaan ng kunat na ngiti ‘yan!!! Nagkabuhol-buhol nanaman ang neurons ko!!! “Maya… there’s nothing between us ni Ingrid. I kissed her because I was so jealous ‘nung sinagot mo si Simon.” “Wow ha, ang bongga mong magselos. Halik agad sa ibang babae.” “Maya please… I do love you. In fact, I bought you chocolates. It’s in the car.” “Sir Richard, hindi tsokolate ang batayan ng totoong pagmamahal.” “Then what can I do to prove to you how much I love you?” “Ewan ko… gaya nga ng sabi ko kanina, time first! Hindi ko kasi alam kung maniniwala ako sa’yo o hindi… basta ang alam ko lang hindi ko na nasubaybayan ang pinaka-aabangan kong pelikula dahil sa’yo.”

 

Nagbuntong-hininga si poging singkit. “I won’t rush you, Maya. But I swear to God I’ll prove to you that I love you.” Ilang segundo n’ya rin akong tiningnan na parang sinasaulo ang hitsura ko. Pagkatapos ay umalis na s’ya. Habang sinundan ko s’ya ng tingin, lalo lang akong nalito. ‘Ni hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naku, Richard Lim! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa’yo!

 

YO SOY MAYA LA FEA Part11:

DAMOVES NI SINGKIT

 

“Anak?”  Tawag sa’kin ni Tatay ng makita n’yang nakatulala ako sa bintana. “Ay, ‘tay.” “May problema ka ba?” “W-wala po.” “Sus naman ang bunso ko… may problema ka eh. Tatay mo ako. Alam ko kapag hindi ka OK.” “Tatay… pangit ako ‘di’ba?” “Anak ang kagandahan ay nasa kalooban.” “Tatay naman eh. Sinasabi mo ‘yan kasi tatay kita. Pero ibig kong sabihin ‘yung itsura ko… pangit ako.” “Hindi naman mahalaga ‘yun. May mga babaeng magaganda nga ang hitsura, pangit naman ang ugali.”

 

“Tatay, kunwari hindi mo ako anak. Sa tingin mo ba may lalaking magkakagusto sa’ken kahit pangit ako?” “Oo naman.” “Eh tatay parang mahirap yatang paniwalaan.” “Bakit naman? Mabait ka. Matalino. Mapagmahal. Malambing.” “Pero pangit.” “Kapirasong anggulo lang ng pagkatao mo ang hitsura anak… teka, bakit mo ba naitanong ang mga bagay na ‘yan? May nanliligaw ba sa’yo?” “Hindi ko po alam. Naguguluhan po ako ‘tay eh.” “Hay naku anak… hindi naman sa sinasabi kong magpaloko ka… pero sana, ‘wag mo namang isiping imposibleng may magkagusto sa’yo. Malay mo naman totoo ang nararamdaman n’ya para sa’yo.” “Paano po pag hindi?” “Eh ‘di hindi. Kahit naman ang mga magaganda minsan naloloko rin sa pag-ibig.” “Eh ano pong gagawin ko?” “Kalma lang.” “Kalma?” “Oo… ‘wag ka munang mag-assume na totoo nga… pero ‘wag ka ring mag-assume na hindi totoo. Hintayin mo kung anong mga gagawin n’ya. Dapat patunayan n’ya ang sarili n’ya sa’yo. Habang hindi pa n’ya ginagawa ‘yun anak, kalma ka lang.” Napalakas yata ang buntong-hininga ko. “Naku ang bunso ko. Dalaga na. Pinopormahan na. Kung sino man ‘yang maswerteng lalaking ‘yan dapat makilala ko ‘yan kapag nanligaw sa’yo.” “Tatay naman eh!” Tumawa si Tatay at niyakap ako. “Basta tandaan mo anak. Kahit lokohin ka ng lalaking ‘yan, nandito lagi si Tatay para sa’yo.”

 

***

As usual, alas-siyete pa lang ay nasa opisina na ako. Isang katutak na self-assurance ang ginawa ko bago ako pumasok. Magkahalong ayaw ko na gustong makita si poging singkit. Naku po! Eto nanaman ang nakakalitong araw kasama ang boss kong crush kong nuknukan ng gwapo pero nuknukan din ng palikero! Nagulat ako nang may makita akong regalo sa ibabaw ng table ko. Ano nanaman ito??? Tiningnan ko lang ang regalo. Biglang lumitaw si poging singkit.

 

“Good morning, Maya.” Tumingin ako sa kanya, tapos tumingin ako sa regalo, tapos tumingin ulit ako sa kanya. “Won’t you open my gift?” “Ha?” “Iyang gift ko. That’s for you.” “Hindi nanaman kailangang…” “Maya ‘di’ba sabi ko sa’yo papatunayan ko sa’yong mahal kita? I know that’s not enough but that’s a start.” Tiningnan ko ang regalo at naisip kong wala naman sigurong masama kung bubuksan ko. Para namang OA na ako kapag nagmatigas pa akong h’wag buksan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

 

“Be Careful With My Heart the movie???” “I contacted a friend of mine who works in Star Cinema. I had to pull some strings but in the end, he was able to give me a DVD copy of the movie.” “Hindi ba bawal ito? Hindi ka kaya makulong?” “Relax Maya. Hindi illegal ang pagkakuha ‘d’yan. I let out some cash…” “Ginastusan mo pa? Magkano?” “That’s not important. The important thing is that I got you the movie. Pwede mo nang panoorin. Kasi ‘di’ba nga, dahil sa’ken hindi mo napanood ang movie kagabi? And oh, by the way, if you want a movie date, I’m free.” “Sir…” “I know. I won’t rush you. I’m just saying just in case. Anyway, I hope you enjoy. Pinanood ko na ‘yan.” “Pinanood mo na pala eh. Bakit nagvo-volunteer ka pang maki-movie date?” “Iba pa rin ang kilig s’yempre kapag kasama kitang manood.” Nginitian muna n’ya ako ng pamatay n’yang ngiti bago s’ya bumalik sa pagtatrabaho.

 

Hala! Ano nang gagawin ko? Paano pa ba ako magre-reaction formation nito eh sobrang sweet n’ya? Enebeyen! Kinurot ko ang sarili ko… nananaginip ba ako??? Maya, anong next step? Bibigay ka na agad? Maniniwala ka na sa palikerong poging singkit na ‘yan? Hindi! Hindi pwede! Naku, tingnan lang natin. Sigurado ako mananawa ka rin sa ka-sweetan mo Richard Lim! Siguro ‘yung ibang mga babae madaling nagpadala sa damoves nitong si poging singkit kaya hayun, madaling naloko at napaiyak nitong si palikero. Hindi ako ganun… Pero in fairness… waging-wagi ang naisip n’yang ito! Panonoorin ko talaga ito!

 

***

Nag-check ako ng wallet ko at sinigurado kong may pera pa akong pambili ng lunch. Hindi naman sa wala akong pera. Malaki nga ang sweldo ko sa Lim Aviation. Pero nag-iipon kasi ako. Pinag-iipunan ko ang kinabukasan ko at ng pamilya ko. Isa pa, kung hindi man ako maging flight attendant, magta-travel pa rin ako at gusto kong libutin ang mundo kaya nag-iipon ako. Gaya nga ng palagi kong pinaniniwalaan, ‘pag nagsarado ang pinto may bintana…

 

“Hello po Ate Sabel!” Bati ko sa nagse-serve ng pagkain sa canteen. “Hi Ma’am Maya!” “Wow, kare-kare! Favorite ko ‘yan. Magkano ‘yan tsaka whole rice? Tapos ang drinks ko iced tea.” “Ay Ma’am hindi n’yo na po kailangang bayaran.” “Bakit? May promo ngayon?” “Naku wala po. Ibinilin kasi ni Richard na ‘wag ka nang pagbayarin. Sagot na raw n’ya.” “Ha? Bakit daw?” “Eh hindi ko po alam. ‘Nung itinanong ko nga po kung bakit nginitian lang ako. Sabi n’ya basta siguraduhin ko raw na kakain kayo ng maayos at hindi ko kayo pagbabayarin.” “Naku Sabel ‘wag na. Eto oh, magbabayad ako.” “Eh Ma’am baka naman po ako ang mapagalitan ni Sir Richard.” “Teka, ilang babae na ba ang napalibre dito sa canteen dahil ni Sir?” “Sa totoo lang po, kayo pa lang.” “Sus, chika-ding! ‘Yung totoo Sabel.” “Ma’am Maya naman eh. Para naman pong sinasabi n’yong sinungaling ako.” “Naku hindi naman sa ganon Sabel.” “Totoo po talaga Ma’am Maya. First time nag-utos si Sir Richard ng ganun.” “Sige na nga…” “Ayan! Sige Ma’am ipagtatakal na kita.”

 

Nang itanong ko kay Sir Richard kung bakit pati lunch ko ay sinagot na n’ya, simple lang daw ang sagot. Nagpapalakas s’ya sa’ken para maniwala na akong mahal n’ya ako. Sinabi ko sa kanyang may pera naman ako at hindi na n’ya kailangan pang gawin ‘yun. Ang sagot n’ya ay: “Look Maya, pagtatalunan pa ba natin ito? I know I don’t need to do this for you. But I want to.” At dahil ‘dun, natahimik na ako.

 

***

Sa bahay ng mga Dela Rosa…

 

Pinipilit kong kumain ng maayos. Nakakahalata na kasi ang pamilya kong aligaga-mode nanaman ako… ayokong ma-interogate tungkol kay poging singkit. Bigla kaming may narinig na tumutugtog sa labas. Akala namin kapit-bahay lang na magvi-videoke. Pero… “Para sa iyo ito, Maya dela Rosa.” Lahat kami — si Tatay, Nanay, Kute, Mamang at ako ay napatakbo sa may bintana para silipin kung anong nangyayari.

 

Nasa harapan ng bahay namin si poging singkit! May dala s’yang microphone at speakers at may kasamang gitarista! Manghaharana ba s’ya???? At ayun na nga, nagsimula na s’yang kumanta. Parang sasabog ang dibdib ko sa kilig at kaba! (A/N: Isipin n’yo pong may version si Ser Chief ng kanta ni Daniel Padilla.)

 

Pag-ibig ko sa’yo’y totoo ‘ni walang halong biro

Kaya sana’y paniwalaan mo ang pag-ibig kong ito.

 

Walang ibang mamahalin kundi ikaw lamang giliw.

Kaya sana’y paniwalaan mo ang pag-ibig kong ito.

 

Sa aking buhay ay walang kapantay

Aking pagmamahal asahan mong tunay.

 

Pag-ibig ko sa’yo’y totoo ‘ni walang halong biro.

Kaya sana’y paniwalaan mo, ang pag-ibig kong ito.

Kaya sana’y paniwalaan mo, ang pag-ibig kong ito.

Sa aking buhay ay walang kapantay

Aking pagmamahal asahan mong tunay.

 

Pag-ibig ko sa’yo’y totoo ‘ni walang halong biro

Kaya sana’y paniwalaan mo ang pag-ibig kong ito

Kaya sana’y paniwalaan mo ang pag-ibig kong ito.

Ang pag-ibig kong ito… ang pag-ibig kong ito…

 

Nagtutulakan na sa kilig sina Mamang at Nanay. Kahit si Kute na barako at maton kinikilig na rin. Si Tatay naman kalma lang pero ngumingiti-ngiti rin sabay sulyap kay Nanay. Alam ko na ngayong gabing ito na noon pa man ay nadala na ako kay poging singkit… kahit noon pa, mahal ko na s’ya… at ngayon ngang walang humpay ang da-moves n’ya, parang yelong natunaw na ang reaction formation ko. Napangiti ako kay poging singkit. Nakita n’yang nakangiti ako sa kanya kaya nginitian n’ya rin ako… Hindi ko alam kung gaano katagal kami ganoon pero ang natatandaan ko lang, para akong nakalutang habang nakatitig at nagngingitian kami sa isa’t-isa.

 

TO BE CONTINUED! =D

17 thoughts on “Yo Soy Maya La Fea – Parts 9-11

  1. Mak ng Tokwa naman oh!!! Sadyang doon pa kami binitin?! Seriously? Hindi namn masamang mambitin.. kaya lng.. Oh Please! wag naman sa ganoong eksena! hehe.. Next na po please… Don’t keep us waiting..

  2. Pingback: Yo Soy Maya La Fea – part 12 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s