In Sickness and In Health

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to gryffindork.


A/N: (This oneshot starts when Maya missed the wedding they have to attend because she was sick.)

 

Author: gryffindork

 

~*~

 

Palingon-lingon si Richard habang nakaupo sa loob ng simbahan katabi si Abby. Wala parin si Maya. At nag-aalala na sya dahil di naman ugali ni Maya ang pagiging late comer at lalo na’t hindi nagpapasabi kung bakit. Ilang beses na rin syang nagtext at inattempt na tumawag pero walang reply o sagot syang natanggap. Nasaan na kaya sya? May nangyari kaya?

Nabaling lang ang atensyon nya mula sa pag-aalala ng marinig nyang magtanong si Abby.

“Daddy, kapag kinasal po kayo ni Ate Maya, pwede ko po ba syang tawaging Mommy? Hindi po ba magagalit si Mommy pag tinawag ko si Ate Maya ng ganun?”

Napangiti si Richard sa anak. Di naman kasi sya nagtataka kung bakit itinuturing na ni Abby na nanay nya si Maya. Sya ang dahilan kung bakit gumaling ito, sya ang dahilan kung bakit sumaya at natutong magtiwala ulit si Abby, silang lahat. Nahilom ni Maya ang sugat na iniwan ng pagkawala ni Alex.

“You have to ask Ate Maya, baby. Kung okay lang ba sakanya na tawagin mo syang Mommy. Pero I’m sure papayag yun at matutuwa sya. Tsaka Mommy will not get mad at you. I’m sure Mommy will want us to move on and be happy. And Ate Maya makes us happy, diba? Tsaka you won’t forget naman about Mommy diba? As long as she’s in our hearts, alam ko masaya sya para satin at binabantayan nya tayo. Lalo kana, Mommy is your guardian angel.”, he answered endearingly to his little girl.

“Yes, Daddy. Mommy will always be in my heart po. Sinabi din po sakin yan ni Ate Maya, na Mommy is guiding me always. I’ll ask Ate Maya nalang mamaya pagdating nya kung okay lang sakanya. Where is she na po ba pala?”, Abby said.

“I don’t know eh baby. She’s not replying to my texts or answering my calls. Pero I’m sure papunta na yun. Natraffic lang siguro.”, sagot ni Richard.

Maya-maya bigla namang nagvibrate ang phone ni Richard at ang tumatawag ay si Maya. Tumayo muna sya sa kinauupuan at lumabas sa may gilid ng simbahan.

“Hello Maya, finally, I’ve been texting and calling you kanina pa. Where are you?”

Nagulat at lalong nag-alala si Richard ng iba ang sumagot sakanya sa kabilang linya.

“Sir Richard, si Emman po ito.”

“Emman, what happened? Where’s Maya? Is she okay?”, balisang tanong ni Richard.

“Hindi po kayo mapupuntahan ni Roomie dyan, naabutan ko po kasi sya dito na mataas yung lagnat.”, sagot ni Emman.

“What?! Bakit hindi sya nagsabi kagad. Pupuntahan ko siya dyan ngayon. I’ll just drop Abby off sa bahay.”

“Eh ayaw pa nga po nyang pasabi sainyo kasi mag aalala lang daw ho kayo. Tsaka alam nya po na pupuntahan nyo sya at wag na daw po kasi baka mahawa daw po kayo sakanya, eh tapos mahawa daw po yung mga bata. Nakatulog po sya after pinainom ko ng gamot kaya natawagan ko po kayo.” , paliwanag ng kausap.

“I don’t care Emman. I’m her fiance. It’s my privilege to take care of her. I’ll just excuse ourselves kay Coreen then I’ll drop Abby off and didiretso na ko dyan. Please Emman makitignan muna sya ha? Thank you for informing me. Bye.”

“Ako po ang bahala kay Roomie, don’t worry. Sige po, ingat kayo. Bye.”

Binaba ni Richard ang phone at bumalik ito sa upuan nila ni Abby.

“Daddy, was that Ate Maya po? Is she on her way na?”, tanong ni Abby.

“No baby, it was Kuya Emman. He just informed me na Ate Maya couldn’t come kasi she’s sick. And I think we have to go and excuse ourselves so I could take you home and go to her.” sagot ni Richard.

“But Daddy I want to come! I want to take care of Ate Maya. Like she does to me pag may sakit ako.” protested Abby.

“Hindi pwede baby eh. Ate Maya said so. Pati nga ako ayaw nyang pumunta. Baka daw kasi mahawa tayo. Pero syempre I’ll go. But I agree with her na wag muna kayong mga kids. You understand naman diba baby?”

“Okay po Daddy. But promise me you’ll take extra care of her for us ha? Para gumaling sya kagad. And Daddy, don’t forget to give her the magic medicine.” seryosong sagot ni Abby.

“Don’t worry baby. I’ll make sure Ate Maya will be okay in no time. And what’s the magic medicine?”

“Daddy! Nakalimutan mo na ba? The one I give you when you were sick po. Yung magic kiss ko. Pero dahil hindi ako pwede, ikaw na po ang bahala. Basta Ate Maya should get my magic kiss. I’m passing my powers to you, Daddy.” sagot ni Abby.

Napangiti si Richard despite of the worrying that is settling in his stomach for her fiancée. Napakabait talaga ng baby nya, ng baby nila ni Maya. At napakaswerte nya to have kids like them.

“Okay, baby. But you have to kiss Daddy so I can pass it to Ate Maya.” sagot ni Richard habang hinahawi yung bangs ni Abby. Kiniss sya ni Abby sa pisngi.

“There, Daddykins. You have my magic kiss na po.”

“Thank you baby. Makakarating kay Ate Maya. Let’s go find Ms. Coreen na so we could excuse ourselves.”

Tumayo na sila at hinanap si Ms. Coreen, ng makapagpaalam dito ay inihatid na ni Richard si Abby sa bahay at nagdrive na papunta sa condo ni Maya.

 

******

Napabalikwas si Emman sa kinauupuan ng marinig ang mga katok. Lumabas kagad sya ng kwarto ni Maya at binuksan ang pinto ng condo.

“Emman, kamusta na sya?” nag aalalang tanong ni Richard.

“Tulog parin po sya Sir Richard pero mataas parin po yung lagnat nya eh.”

“Salamat Emman for taking care of her and for telling me. She can be really protective of us and stubborn. May I go to her room?” sabi ni Richard.

“Alam nyo naman po si Roomie. Pero syempre hindi ko sya papabayaan. Kaya nga po I decided na hindi na ko tutuloy mamaya for our tour para sa training. I’ll stay nalang po dito so I can watch her.”

Naimpress si Richard sa kung gaano ang malasakit ni Emman kay Maya at natuwa sya dahil alam nyang maraming nagmamahal dito. Lalo nyang naramdaman kung gaano sya kaswerte na sya ang minahal at papakasalan ni Maya.

“You don’t have to do that Emman. Training nyo yun. It’s important. At alam kong hindi rin papayag si Maya na maiwan ka dito. If you don’t mind, can I stay with her nalang dito sa condo mo?” tanong ni Richard.

“Sabagay po may point kayo Sir. Hindi po yun papayag, si Roomie pa eh ayaw nun ng feeling na nakakaabala sya kahit hindi naman talaga. Oo naman po. So kayo na po bahala sakanya ha Sir Richard? Itext nyo rin po ako kaagad kung kailangan ko umuwi for her at kung ano na po condition nya. Feel free po dito sa condo. Punta muna po ako sa kwarto at mag aayos para sa training.” sagot ni Emman.

“Thank you Emman.” sagot ni Richard at pumasok na ito sa kwarto ni Maya.

Tulog parin si Maya at nakakumot ito hanggang sa baba ng abutan nya. Linapitan nya ito at umupo sa tabi nya. Hinawakan nya ang noo nito at naramdaman nyang mainit pa talaga si Maya. He brushed his fingers on her fringe and continues to stroke her hair gently. Maya-maya nakita nyang nagflutter ang eyelids ni Maya at unti unti itong dumilat.

“Ricky?” mahina at matamlay na sambit ni Maya.

He could never explain pero sobrang saya nya pag naririnig nya si Maya na tinatawag sya. Iba eh. May softening sa tono nya, may intimacy, may pagmamahal.

“Before you get aggravated as to why I am here, I want you to know na nagtatampo ako sayo kasi hindi mo man lang ako sinabihan na may sakit ka pala. I am your fiance. Bakit ayaw mong alagaan kita?”

“Tinawagan ka ni Emman noh?” napabuntung hininga si Maya. “Hindi naman sa ganun. Ayaw lang kitang mahawa. Tsaka pag nahawa kita pano yung trabaho mo at yung mga bata.” paliwanag ni Maya.

“That’s not a sufficient reason. Gusto kitang alagaan. Kahit mahawa pa ko, I don’t care. Hindi naman to burden sakin kung yun ang iniisip mo. Gusto kong gawin to. Gusto kong alagaan ka. I want to be by your side. At diba ito naman yung ipapangako natin sa isa’t isa come November? In sickness and in health diba? Kaya wag ng stubborn. I am staying and I’ll be taking care of you whether you like it or not.” sagot ni Richard at inabot ang kamay ni Maya at hinalikan ito.

“Ikaw talaga. Wala eh. Lagi naman akong talo sayo.”

“Precisely. Pinatuloy ko na nga pala si Emman sa training kasi alam ko di ka rin naman papayag na di sya makasama dahil gusto nyang magpaiwan at alagaan ka. So kailangan mong pagtyagaan yung muka ko dahil ako ang nurse mo ngayon.”

“Ha? Eh paano yung trabaho mo at yung mga bata?”

“Nandun naman si Liza. She’s capable enough. Sya nga pala, tinawagan ko sya kanina at pinaexcuse na kita sa Time Airways. At tungkol naman sa mga bata, malalaki na yung mga anak mo.” sagot ni Richard sabay kindat.

Hindi mapigilang mapatawa ni Maya. Ang cute ni Richard. At sobrang touched sya na nandito si Richard at inaalagaan siya. At yung sinabi nya. Malalaki na yung mga anak mo. Mga anak nila. Nahihilo sya lalo sa kilig.

“Ricky naman eh.”, hirit ni Maya habang nagbablush.

“Bakit? Wala naman akong ginagawa ah. Teka nga pala, how are you feeling?”, tanong ni Richard.

“Medyo masakit yung ulo ko tsaka parang nanghihina ako.”, sagot ni Maya.

“Saan masakit?”, tanong ni Richard habang hinahaplos ang noo ni Maya. “Dito ba? O baka dito?”, sambit ni Richard after placing tiny kisses on  Maya’s forehead.

“Or baka banda di—“, akma sanang ikiss sya ulit sa noo ni Richard pero pinigilan sya ni Maya and she cupped his face with her hands. Richard pouted. Maya smiled.

“Ricky, di naman sa ayaw ko na ikiss mo ko. Kaya lang baka mahawa ka sakin. Wag mo muna akong i-kiss, please? Ayaw kong mahawa ka.”, sagot ni Maya.

“Naaalala mo ba yung sagot mo sakin nung namanhikan ako sainyo at nalasing ako tapos gusto mo parin akong ikiss nung paalis na kahit sinabi kong I don’t smell good? Sasabihin ko din yun sayo ngayon. Wala akong pakialam. Kahit mahawa pa ko.”, sagot ni Richard before cupping Maya’s face in his hands and leaning in to kiss her on the lips.

Kahit hesitant si Maya, hindi nya maitatanggi yung saya at kilig na nararamdaman nya dahil sa sweetness ni Richard. Ang swerte nya sa fiancé nya. Di nya halos macomprehend na this wonderful man will be with her for the rest of their lives. In sickness and in health. Forever.

“Sya nga pala, kumain kana ba? Anong oras yung susunod mong pag-inom ng gamot? Gusto mo ba magpacheck up na tayo?”, sunud-sunod na tanong ni Richard his face only inches apart from hers is etched with concern and worrying.

“Pinilit akong kumain ni Emman kanina bago ako nakatulog kaya hindi pa ako nagugutom. At maya-maya pang 3pm ako ulit iinom ng gamot. Kung pwede ayaw ko munang magpacheck up, lagnat lang naman to. At isa pa, meron naman na akong gwapong nurse na nag-aalaga sakin. Kaya wag ka ng masyadong mag-alala please. Okay lang ako.”, sagot ni Maya habang hinahaplos ang muka ni Richard then placing a tiny but lingering kiss on his nose.

Napapikit si Richard habang sinesavor yung moment. Ganito sila magkasamang tatanda. This is the only woman he wants to spend forever with.

“Tutal dito naman ako mag-iistay tonight, magpapalit lang muna ako ng damit ha? I want to be comfortable para maasikaso din kita ng maayos. Do you mind if I use your bathroom?” sabi ni Richard bago kunin ang bag na nilapag nya sa may paanan ng kama ni Maya.

“Oo naman. Sige magpalit kana.” Sagot ni Maya.

Pagkatapos magpalit  ni Richard ng tshirt at pajamas, tumabi ulit sya kay Maya at pinatong ang kamay nya sa noo nito.

“Mainit ka parin. Ano ba bang nararamdaman mo?”, tanong ni Richard.

“Nilalamig ako eh. Sana bumaba na yung lagnat ko, ang dami ko ng naaabala.” Sagot ni Maya.

“Silly. Stop thinking na you’re troubling anyone. You’re not. Tatabihan kita ha?”, sabi ni Richard at humiga sa tabi ni Maya. “Oh, halika ka na dito, I’ll try my best to keep you warm.”

Maya smiled and scooted willingly to his side. He put his arms around her and she draped her arms on his waist. He smelled really good. Clean and fresh. And she knows she can stay like this for the rest of her life. With this wonderful, wonderful man. Richard continuously stroke her hair and kiss her head every now and then.

“Nilalamig ka pa ba?”, tanong ni Richard.

“No, I am perfectly warmed up.” Sagot ni Maya habang ini-sniff ang damit ni Richard.

“Oh? Bakit mo ko inaamoy?” tanong ni Richard na nakangiti.

“Wala lang. You smell nice. I want to remember this smell. I am creating a memory.”, sagot ni Maya.

“Hmmmm.”hummed Richard contentedly.

They stayed like that for a while hanggang sa makatulog ulit si Maya in Richard’s arms. And when she woke up around late afternoon, she felt better and stronger already. Si Richard lang pala ang kailangan. Yung pagmamahal at pag-aalaga nya lang yung kailangan nyang gamot para maging okay ulit. And she couldn’t wait to spend every waking moment with this man. I want to be with him. I want to be with him. I want to be with him.

“Ricky, I love you.”, sambit ni Maya bago niya ikiss sa lips si Richard. All hesitations of getting him sick gone.

“I love you too, my Maya. I love you so much.” Nakangiting sagot ni Richard habang hinihigpitan ang yakap sakanya.

*End*

 

 

 

 

 

 

9 thoughts on “In Sickness and In Health

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s