Palusot 7

Palusot 7

Unedited…..

Maaga nagising si Maya…..excited siyang mag bake ng cake na kanyang dadalhin sa mama ni Richard plus the masa pudrida……siya mismo ang ang nagbake ng mga iyon. Kaya alam niya mas masarap ang mga iyon compare sa mga gawa ng baker nila sa kanilang bakeshop.

Nagulat si Manang na nakita niyang gising na ang kanyang alaga na galing sa mini kitchen nito sa likod bahay nila.

“Iha ang aga mo ata nagising.”

“Morning Manang….. Nag bake po kasi ako ng cake at masa pudrida na dadahil ko kina Richard.”

“Mukhang malapit na ako makahigop ng mainit na sabaw mula sa alaga ko ah.”

“Manang para kayo mga kaibigan ko. Magkaibigan lang ho kami ni Richard.”

“Doon naman nagsisimula ang lahat eh.”

“Manang hindi naman po siya nanliligaw….”

“Pero inaasam mo na sana manligaw siya sa yo di ba?”

Namula ang mukha ni Maya. Napangiti si Manang sa naging reaksyon ni Maya.

“Dalaga na talaga ang alaga ko.”

“Manang…ang-aga nag-aasar.”

“Oh bakit ka napipikon dati naman kahit biruin kita tungkol sa mga manliligaw mo hindi ka nag rereact. Bakit ngayon eh parang affected ka.”

“Ewan ko sa inyo Manang..diyan na nga po kayo. Maliligo na ako a baka mamaya lang dumating na si Richard.”

“Mag-almusal ka muna.”

“Nagkape na ho ako. Kina Richard po ako mag bre-breakfast”

—————–

“Good morning Ma!” bati dito ni Richard at nilapitan upang halikan sa pisngi….

“Iho ang aga mo ata nagising. It’s only 6AM.”

“Di po ba susunduin ko si Maya ngayon.”

“Masyado ka naman excited iho. Alas nuebe pa ang usapan natin nina Maya. Saturday naman ngayon kaya walang masyado trapik sa SLEX going sa place niya.”

“Di pa naman ako aalis eh, maybe around 7AM aalis na ako dito sa atin.”

“Tell me son, are you into Maya? Kilala kita, the reason why na dinala mo siya noon isang araw para makasama ako sa lunch. Is simply because you want me to see her. Am I right, son?”

Napakamot sa ulo si Richard. At napa ngisi na lang sa isa.

“Ano ba yan pinag-uusapan ninyo mag-ina? Mukhang seryoso ah.” noon pumasok sa may lanai area si Roberto.

“Hi! Pa.” Bati dito ni Richard.

“Good morning hon, eto kasing anak mo, mukhang nakita na ang babaeng nagpatibok ng pihikan puso niya.”

“And who’s that lady?”

“Mamaya makikilala mo siya. I invited her to join sa breakfast natin mamayang 9AM.”

“That’s good…so son malapit na ba ako magka-apo?”

Nasamid si Richard sa iniinom na kape dahil sa tanong ng ama nito sa kanya.

“Roberto, hindi pa nga nanliligaw yan anak mo eh.”

“Aba, son walang torpe sa lahi natin….ako nga pagkakita ko agad sa mama mo. Akin na agad sila pinormahan….di na ako nagpaligoy-ligoy pa. Nagtapat na agad ng pag-ibig sa kanya. Di ba hon?”

“Yes, darling. Naku etong anak mo, wala pa nangyayari, puro palusot pa ang alam gawin…”

“What palusot?”

“Palusot, ang dami ba alibi para lang makita si Maya. Kesyo kailangan niya iyon ipad niya naiwan sa store ni Maya, na kesyo kailangan ako ang mag decide sa design ng birthday ko……”

“What? Son baka gusto mo tulungan kita sa panliligaw.”

“I’m fine pa, kanya-kanya lang tayo ng style…..huag kayo mag-alala naka dinner date ko na siya kagabi.”

“Really? How? Saan kayo nag dinner? Sunod-sunod na tanong ng mama ni Richard sa kanya.”

Kinuwento ni Richard ang nagyari sa kanila ni Maya.

“Naku anak destiny siguro kayo dalawa. Sa dinami-dami ng bangko sa bangko pa natin niya naisipan mag loan at doon din nag open ng account.” sabi ng ina nito.

“Alam ba niya na atin iyn bangko son?”

“Noon dinala ko lang ang MC sa kanya. Sabi nga niya noon nag dinner kami kagabi. Di niya naisip ako iyon anak ninyo. Natuwa nga ako, kasi for the very first time ngayon lang nangyari na nakilala ako as me. At hindi iyon anak ng isang banker magnate. Gulat na gulat talaga siya. Tapos nahiya din siya kasi baka daw isipin ng iba na may pinapaboran ako dahil ang bilis nga na release noon loan niya.”

“Ano sabi mo?”

“Sabi ko di niya dapat iyon isipin. Ayaw nga niya pumayag na maliit lang ang interest na ibibigay ko sa kanya eh. Sabi niya, kung bibigyan niya ako ng interest na di angkop sa ni loan niya. Tatanggihan daw niya iyon MC kahit kailangan niya ng additional capital. Para sa kanya business is business.”

Napatango lang si Roberto sa sinabi ng anak. “I really wantbto meet her. Sa narinig ko isa siyang magaling na businesswoman. Ganyan ang mga dapat mong mapangasawa. May katuwang ka sa pagpapa-takbo ng negosyo mo.”

“Do you think so pa?”

“Yes son, kaya bilis-bilisan mo na. Teka baka naman meron na yan boyfriend?”

“Naku wala pa, natanong ko na si Maya.” sabat naman ni Esmeralda.

“Yeah, tinanong nga po ni Mama, pero ginawa niya iyon para ireto sa anak ni Tita Flor si Ochel.” sumbong ni Richard sa ama.

“Ginawa mo iyon Esmeralda?”

“Hahahaha….I’m just teasing your son that time. Gusto komkasi makita kung ano ang magiging reaksyon niya. And my instinct that time was right. May gusto siya kay Maya.” natatawaang sabi ni Esmeralda sa mag-ama niya.

“Naku son, you better hurry up. It’s almost 7:30AM na.”

Napatingin sa orasan si Richard. “Damn, I’ll better hurry Ma, Pa. Maliligo pa ako.”

“Magpapoginka anak ha.” sigaw ni Esmeralda sa papalayong anak.

Naka ngiting pinag masdan naman ni Roberto ang anak. Inakbayan ang asawa nito sabay sabing “soon mapupuno na ang masyon ito ng mga tawanan ng mga apo natin.”

“Sinabi mo pa Roberto. Siya, tara na ay magpapa handa na ako ng breakfast kina. Sabel at Fe para sa espesyal na bisita natin.”

“Teka, di ba ngayon din ang usapan ninyo nina Flor about sa charity event sa birthday mo next month?”

“Pero mamayang hapon pa yon. Tumawag na ako sa kanila at binilinan iyon katulong niyang si Sonia na sabihin kay Flor na inilipat ko sa hapon iyon meeting namin.”

“Good,”

Umalis na sa may lanai din ang mag-asawa para mag handa sa pag dating ni Maya.

———-
Beep….beep…beep..

“Manang kung si Richard po yan dumating, paki sabi baba na po ako,” sigaw ni Maya kay Manang Cherry niya.

D nagtagal bumaba si Maya….she is just wearing a skinny jeans and plain lavander tank top. Wala bahid ng make-up, tanging powder at lipstick lang pero litaw ang ganda nito.

“Hi! good morning. Pasensiya ka na, medyo natagal ako bago nakababa.” naka ngiting sabi ni Maya.

“It’s alright. No problem.”

“Halika na. Manang akina po iyon paper bag.”

Lmabas si Manang mula sa kitchen na dala-dala ang dalawang di kalakihan paper bag.

“Ano yan? Suhol sa in-laws mo?”

Namula si Maya sa sinabi ni Richard at kinilig ang puso niya, “Puro ka talaga kalokohan. Halika na nga.”

Di nagtagal nakarating sila sa bahay nina Richard. Namangha si Maya sa laki ng bahay ng mga ito.

“Araw-araw ganitong kalayo ang dina-drive mo papunta sa office mo?

“Nah, may condo unit ako sa Rockwell…..pag weekend lang ako nandito para makasama sina Papa at Mama.”

“I see….ako naman ayaw payagan nina Mama na mag condo….bakit pa daw ako sa condo titira eh tatatlo na lang daw kami. Si ate Kris kasi sa States na nakatira kasama ang pamilya niya.” sabi ni Maya.

Pagpasok nila ng bahay, agad sila sinalubong ng mama ni Richard.

“Maya, its good to see you again.” sabay halik sa pisngi nito.

“Hi! Tita good mornng po. Eto po nga pala dinalhan ko kayo ng. Strawberry cake at Masa Pudrida.”

“Naku salamat iha. Roberto will love this Strawbery Cake. Sinabi ba sa yo ni Richard na ito ang paborito ng ama niya?” sabi ni Esmeralda na naka tingin kay Richard.

“Talaga po? Nakaktuwa naman po. Wala kasi ako maisip na i-bake. Tamang tama iyon friend ko ponisa galing Baguio at dinalhan ako ng frsh strawberry. Kaya yan na lang po ang binake ko. Pero hindi po nasabi sa akin ni Richard na paborito iyan ng papa niya.”

“Anong paborito ko?” sabi ng isang matandang lalaki naka ngiti palapit sa kanila.

“Honey come here, tingnan mo ito dala-dala ni Maya.” sabi ni Esmeralda.

Lumapit si Roberto sa kanila.

“Darling, I want you to meet Maya….” Maya this is my husband and Richard’s father. Si Roberto.

“Hello po Sir.” sabi ni Maya.

“Sir? Call me, Tito o papa tutal doon naman iyon papunta di ba son?”

Namula pareho sina Maya at Richard sa sinabi ni Don Roberto. Napangiti naman si Esmeralda.

“Darling look may dala si Maya Strawberry cake at masa pudrida. Di ba noon isang araw ka pa nagpapahanap sa akin ng strawberry cake.”

“Talaga..marqming salamat iha nahuli mo ang gusto ko dessert. Halika na kayo at makakain na tayo. Nagutom ako bigla.”

“Ang sabihin mo gusto mo na kainin yan strawberry cake.” sabi dito ni Esmeralda.

Sabay naman naglakad sina Maya at Richard patungo sa dinng area nila.

“Pasensiya ka na kay Papa ha. Masyado lang iyon mapag biro.”

“Para ikaw din kanina sa bahay. Sa kanya ka pala nagmana eh.” sabi ni Maya dito.

Masaya silang nag-aagahan ng pumasok si Manang Fe. Kasunod ang bago dating na bisita.

“Good morning Tita….” sabi noon bagong daing na bisita. Nakatalikod si Maya pero kilalang-kila niya ang nag mamay-ari ng boses na iyon. Hindi siya puedeng magkamali.

*************

4 thoughts on “Palusot 7

  1. nyeeeeeeeeee!!!!!! parang kilala ko kung sino yung dumating? Di kaya si Ochel yung dumating …….. hala lalong sisingkit ang mata ni richard sa selos…… ayiiiiiiiiiiiieeeeee!!!!! thanks ms. purplepipay sa update.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s