Palusot 8

Palusot 8

Unedited….

“Good morning Tita, Tito…..” sabi noon bagong dating na bisita. Nakatalikod si Maya pero kilalang-kila niya ang nag mamay-ari ng boses na iyon. Hindi siya puedeng magkamali. Napahigpit ang hawak ni Maya sa kutsara niya.

Tandang tanda pa niya ang lahat simula noon huli silang nagkita nito….

FLASHBACK….

“Don’t cry my pumpkin.”

“Bakit kasi kilangan mo pa umalis? Sabi mo mahal mo din ako.”

“Yes. I do love you. Alam mo yan.”

“Then huag mo ako iwan.” umiiyak na sabi ni Maya.

“Para sa atin din ito pumpkin. I love you kaya I want you to have a normal teenage life. Ayoko sa akin muna iikot ang mundo mo, gusto ko ma enjoy mo yan. Prmosie babalik ako ag 18 ka na.”

“Promise?”

“Promise, pumpkin.”

“I will wait for you My Ken.”

Pero di nakarating si Joselito sa 18th birthday Maya. Naaksidente ito papuntang airport. Ngunit dinyon alam ni Maya. Di sinabi ng mga magulang nila ang naging kalagayan ni Joselito. Nagalit si Maya dito at kinalimutan na nito ang usapan nila.

End of Flashback.

Huminga ng malalim si Maya at saka humarap sa bago dating na bisita.

“Pumpkin is that you? sabay akap dito. Si Maya nakatulala lamang at panay ang agos ng luha.

“Stop crying pumpkin. I’m here na. Di na kita iiwan. Unless you are alreay taken” malungkot na sabi nito sabay tingin kay Richard.

Pinagbabayo ni Maya si Joselito sa dibdib nito. “Bakit? bakit di mo tinupad iyon pangako mo noon 18th birthday ko My Ken?”

“My Ken” bulong ni Richard. “Tinawag niya isi Ochel na My Ken at si Ochel Pumpkin naman ang tawag kay Maya. Please God don’t tell me….”

“Pumpkin…..I’m sorry…pero di ba sinabi sa yo nina Mommy at Tita what happen to me back then?”

Umiling si Maya at umiiyak pa din.

“Sshhhh, stop crying pumpkin….Everything will be alrigh.”

“Tita…Tito…sorry po. Hindi ko po intensyon na masira ang almusal ninyo with Maya.” hingi paumanhin ni Joselito/Ochel sa mga ito.

“Pinapunta po kasi ako dito ni Mommy. Para ibigay ito mga nalikom niya donations para sa charity event ninyo next month. Di po kasi makakapunta si Mommy mamayang hapon dito.” mahabang paliwanag ni Joselito.

Samantala si Richard naman at shocks pa rin sa nangyari eksena. Masakit para sa kanya makita umiiyak si Maya at inaalo ito ni Ochel. Natanong niya sa sarili niya kung ano meron sa dalawa?. Kung bakit di napigilan ni Maya umiyak….

“Ah…pare puede ba tayo mag usap dalawa?” sabi niya kay Ochel na yakap yakap pa din ang humihikbing si Maya at hinahalikan ang ulo nito. Ayaw man niya amininsa sarili niya pero nagseselos siya.

“Sige pare. Pumpkin wait lang ha mag-uusap lang kami ni Richard. Tapusin mo na muna yan breakfast mo. Then we will talk. Ok?”

Tumango lang si Maya. Nag excuse ang dalawang lalaki. Nakatingin ang mag-asawa na may halong pagtataka kay Maya.

“Ngumiti si Maya sa mga magulang ni Richard. “Tita, Tito pasensiya na po sa inasal ko kanina. Di ko lang po napigilan ang sarili ko eh.”

“Meron ba kayong nakaraan ni Ochel?” prangkang tanong ni Esmeralda kay Maya.

“My Ken, is my first love. Nag promise siya sa akin noon 15 palang ako na babalik siya sa 18th birthday ko. Pero di niya iyon tinupad….” naiyak na naman si Maya.

“Mahal mo pa rin ba siya? Siya pa rin ba ang nandiyan sa puso mo after 10 years?”

“Honestly speaking, hindi ko po alam…a part of me is masaya na nakita ko siyang muli.”

Nasa ganun silang tagpo noon bumalik sina Richard at Ochel. Pareho seryoso ang pagmumukha, Pero noon humarap kay Maya ay ngumiti ang mga ito.

“Ochel mabuti ay umupo ka na at sabayan mo na kaming mag almusal.” yaya dito ni Esmeralda.

“Naku huag na po….nakakahiya po….”

“Ano ka ba, Joselito, kumakain ka dito dati ngayon ka pa ba nahiya?” sabi naman ni Rberto.

Kaya walang nagawa si Ochel kung di umupo sa tabi ni Maya. Dinulutan naman siya ni Manang Fe ng plato at kurbeirtos….

Habang kumain sila…..kumuha si Ochel ng daing na bangus, hinimay ito at nilagay sa plato ni Maya.

Napatingin dito si Maya. “Tanda mo pa?”

“Of course pumpkin….wala naman ako nalimutan about you….alam komkahit paborito ang bangus pero kung walang maghihimay sa yo. Never ka kakain,mkasi takot ka na matinik muli.” naka ngiting sabi dito ni Ochel na patuloy sa paghimay ng bangus.

“Eat pumpkin….” tumalima na lang si Maya sa pagkain. Si Richard naman ay nagpupuyos ang damdamin. Kaya kumuha din siya ng bangus upang ipang himay ito. Kumuha ito bg buntot. Kasi ulo ang kinuha ni Ochel.

“Pare hindi kumakain ng buntot si Maya.” sabi nito kay Richard na may pang-asar na ngiti. Parang sinasabi nito, wala ito alam pag dating kay Maya.

Nakaramdam ng tension si Maya. Kaya sabi niya…”ok lang kumakain na din ako ng buntot ngayon.”

Ngumisi naman si Richard kay Ochel. Pahiya ka noh,,..kaso patapos na kumain si Maya, wala pa din nahihimay na matino si Richard. May tinik na laging nakakasama ang binibigay nito kay Maya. Kinasamaan palad pa ay lagi si Ochel ang nakaka kita noon.

Asar na asar na si Richard. Pero di siya puedeng magpakita na guso na siya sumuko. Lalaban siya, alam niya may pag-asa siya kay Maya. “Meron nga ba?” bulong ng konsensiya niya. Lalo nag init ang ulo ni Richard. Tumayo ito……

“Tapos ka na?” tanon dito ni Maya.

“Oo, nalimutan ko may appountment nga pala ako sa dentist ko.”

“Sino ang maghahatid kay Maya kung aalis ka?” tanong ng ina nito.

“Don’t worry tita, ako na po ang bahala kay Maya.” sabi ni Ochel.

“Pero….”

Pinutol ni Maya ang iba pang sasabihin ng mama ni Richard, “It’s ok tita, ayos ang po si Joselito ang maghatid sa akin. After all he is My Ken.”

“Iyon naman po pala Ma eh. So paano ai will you all, mauna na ako. Bye Maya,” sabay halik sa pisngi nito.

“Bye Richard….thanks sa pag sundo sa akin kanina.”

“No problem…”

Pagka-alis ni Richard. Biglang-bigla naman ata ang appointment ni Richard sa Dentist niyang si Melanie,

Sa natinig na pangalan binanggit ng ina ni Richard. Parang may kumurot na pino sa puso ni Maya. Nasabi niya, mas pinaboran ni Richard si Melanie kesa kanya. Napa smirked siya.

Di na rin nagtagal sina Maya at Ochel. Dahil sa pangyayari, di na naman na pag usapan ang cake ni Donya Esmeralda…..

Lingid sa kaalaman ng lahat di umalis si Richard. Pinarada lang niya ang kotse niya sa di ka layuan sa bahay nila. Bago ang kotseng gamit niya ang Suburban. Kaya malakas ang loob niya di siya mapapansin ng mga ito. Nakita niya lumabas ba ang mga ito, isang nakangiting Maya naka abrisiete pa kay Joselito ang lumabas ng bahay nila. Samantal naka akbay naman dito si Joselito. Nag ngingitngit ang kalooban nito. Kaya sa inis ay bigla niya pinaharurot ang sasakyan niya at umalis sa lugar nila.
Nagmura si Ochel dahil sa ginawang pagharurot ng sasakyan not knowing na si Richard iyon.

Ang plano sundan niya ang mga ito ay sandali nawaglit sa kanya isipan. Kaya dali-dali siya nag park di kalayuan sa main gate nila. Noon nakita dumaan na at lumabas na ang gate nila. Nagpalipas muna siya ng ilan segundo bago lumabas ng gate nila.

Dahil one way lang naman ang daan. Madali niya nakita ang sasakyan ni Richard. Di masyadong tinted ang sasakyan ni Ochel. Kaya kita niya ang mga tao sa loob. Nakita niya nagtatawanan ang dalawa. Napansin niya papuntang south ang sasakyan ng mga ito. Di pa Makati kung saan ang bahay ni Maya.

Sa kakasunod niya sa dalawa ay dinala siya sa Tagaytay. Dito nagpunta ang dalawa.

Sa Splendido Tagaytay nagpunta ang dalawa….hindi na sumunod si Richard. Muli niya tinahak ang daan pabalik ng Manila.

Sa Condo niya sa The Fort nag punta si Richard. Derecho siya sa mini bar niya at kumuha ng alak, naalala niya ang usapan nila ni Ochel kanina.

FLASHBACK

“Pare usapan lalaki” Ano meron kayo ni Maya?” tanong ni Richard kay Ochel.

“She is my girlfriend….pero need namin magkalayomkasi 15th pa lang siya noon at 25 na ako. Nagpunta ako ng States para mag masteral. Gusto ko ma experience ni Maya ang maging normal na teenager kaya pumayag na rin ako sa kagustuhan ng mga magulang namin na sa States na mag-aral. Mahirap noon una pero nangako ako babalik pag 18th na. Kaso ai met an accident na nagpabago ng lahat. Nakulong ako ng ilan buwan sa wheelchair at nawalan ng memorya. I’ve iin a rehab for a year. Akala ko sinabi ni Mommy at Tita ang totoo kay Maya, but the way she acted kanina. Mukhang wala siyang alam sa akin.

After a year I tried na kontakin siya, pero bigo ako. Hindi ko alam kung nasaan si Maya. Hanga lumipas ang mga taon. Pero never ko nakalimutan si Maya dito sa puso ko, kahit nagkaroon ako ng relasyon. Di iyon nagtatagal. Hinahanap ko pa din si Maya. Siya pa din ang nandito sa puso ko,” sabi ni Ochel.

“Ikaw naman ang tatanungin ko. Ano kayo ni Maya?”

“Sad to say, wala magkaibigan lang kami. Kakakilala ko lang sa kanya last week. Pero di ibig sabihin noon ay susuko na ako. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Maya.”

“Kung ganun may the best man win. Pero siguro naman lamang na lamnag na ako sa yo.”

“Huag kapapasiguro para…bilog ang bola. Matagal ka na nawala at maaring nabago na ang tinitibok ng puso ni Maya.sabi naman ni Richard.

Medyo nawala ang ngiti ni Ochel pero sandali lang. Pero nakita mo naman iyon reakson niya kanina. May damdamin pa di siya sa akin.”

Nagsalubing ang mga kilay ni Richard. “Ok fine, may the best man wins.” sabay lahad ng kamay para makipag kamay kay Ochel.

End of Flashback

Naibato ni Richard ang hawak niyang baso. Pesteng pag-ibig ito. Bakit kasi bumalik pa siya…..

———

Bibigyan ng jacket ni Ochel si Maya. “Wear this malamig baka ginawin ka.”

“Dati ikaw ang human jacket ko, bakit ngayon totoo jacket na binibigay mo sa akin.”

“Baka lang kasi may iba ka na human jacket eh.” sabi ni Ochel.

“Wala kaya. Now tell me, bakit di mo ako sinipot noon 18th birthday ko? -Anong nagyari sa yo?

“Pumpkin, I’m so sorry….hindi ko alam na di pinaalam sa yo nina Tita at mommy ang nangyari sa akin.”

“Bakit ano ba nangyari sa yo?”

“Papunta na ako airport ng maaksidente ako. Isang car aksident na halos ikamatay ko.”

Napasinghap si Maya sa sinabi ni Ochel.

“Noon nagkamalay ako. Wala ako maalala. Tapos I undergo an operation kasu namalmaan ang binti ko. I undergo a physical rehap for a year. Then Nagbalik lang din ang buong memorya ko after a year. Meron din kasi silang nakita blood clot sa ulo na kailangan ng agaran operasyon.”

Umiiyak si Maya habang kinukuwento ni Ochel ang nangyari sa kanya. I’m sorry hindi ko alam. Masamang masama ang loob ko sa yo noon. At lahat ng bagay na nagpapaalala sa yo ay akin na tinago sa pinakasulok ng bahay namin. Hangga ngayon ay di ko pa rin iyon binubuksan.”

“Noon naka recover ako…hinanap kita. Pero sabi ng mommy mo huag na kita guluhin at ayaw mo na raw ako makita. Nasaktan ako noon. Pero di ako sumuko…hinanap kita pero di kita matagpuan….until this morning.”

“Sa Korea ako naglagi during those years….doon ako tumira, 20 years old na noon bumalik ako dito sa atin. Ikaw kelan ka bumalik dito?”

“Just last month.”

“Nagpunta ako sa bahay ninyo…pero sabi ng katulong ninyo out the country daw kayo lahat.”

“ah baka noon nanganak si ate Kris. Nagpunta nga kami sa States nokn. Pero matagal na kami may communication ni Tita but she never say anything about you. Suki ko siya sa mga cookies ko.”

“Did you asked her about me?”

“No, nahiya na kasi ako…noon kasi sabi ko ayaw ko makarinig ng kahit ano about you. Hindi rin ba ako naikukuwento sa yo ni Tita?”

“I asked her about you pero umiiwas siya na sagutin ang mga taning ko, Hindi konalam kung bakit….”

“My Ken, di kaya ayaw nila tayo para sa sia’t-isa?” Bakit ganun sila sa ati?”

“I don’t know pumpkin. Siguro iniisp nila I’m too old for you.”

“10 years gap is not a big deal for us before ngayon pa kaya. Teka baka naman meron ka na asawa o girlfriend.”

“Wala ako girlfriend. Ikaw pa rin ang nandito. Ako ba napalitan na diyan sa puso mo? Si Richard na ba ang nandiyan?”

“Sa totoo lang hindi ko alam. Masaya ako nakita ka ngayon at makasama ka, Pero aamin ko na kahit sandali pa lang kami nagkakakila ni Richard may puwang na siya sa puso ko,”

“Naguguluhan ako. All this years wala ako naging boyfriend. After you si Kuya Alex lang ang naging ka close ko. Anak siya ng kasosyo nina papa sa negosyo. Isa siyang Koreano, pero wala ako naramdaman sa kanya. Pero noon nakilala ko si Richard last week, para nagising ang puso sa matagal na pagkakatulog.”

“Hindi kita pipilitin na muling mahalin ako. Pero lagi mo tatandaan na lagi ako nandito kapag kailang mo ako.”

“Salamat My Ken…”Sabay akap dito.

“I’m so happy muli kitang naakap pumpkin.”

“Tara uwi na tayo…baka ma trapik tayo pabalik ng Manila.” aya ni Maya dito.

Masaya magkahawak sila ng kamay na bumalik sa sakyan ni Ochel. Kumain muna sila ng mushroom burger bago bumalik sa Manila.

Madilim na noon nakarating sina Maya at Ochel sa bahay nina Maya. Nakatulog sa byahe si Maya.

“Pumpkin, wake up nandito na tayo sa inyo.”

Naginat si Maya. “ang sarap ng tulog ko.”

“Di ka pa rin nagbabago. Basta busog madaling antukin. Hahaha”

Nag pout si Maya. “Pumpkin, ano ginagawa ko sa yo kapag nag pa-pout ka ng lips?” nakangiting sabi ni Ochel dito.

“Ha?” Sabay bawi nagnaka pout na lips.

“Hahahaha.” Napatawa si Ochel sa ginawa ni Maya. Pero hinalikan pa rin siya nito sa lips, its just a peck…bumaba na ito ng kotse at pinagbuksan ng pintuan si Maya.

Lahat ng mga iyon ay nakita ni Richard. Andun siya kina Maya, hinahantay niya dumating ang mga ito, paglabas ni Maya ng sa sakyan ni Ochel. Ay siya rin baba ni Richard sa kotse niya.

“Maya”

“Richard”

***************

13 thoughts on “Palusot 8

  1. bakit ang dali namang nagpatawad ni maya kay my ken niya,walang tanong tanong,,sama kaagad at ang saya pa,,wawa si RL,,di bale RL,ikaw naman ang gusto ni maya.

  2. Nice story…first love niania c joselito pero bka ang true love nia c Richard Lim….nxt chapterafter po plzz…..!pampawalaa ng inip…hbng nghihintay ng rewind…heheh

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s