Reservation for Three – part 10

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to missserenity. This is a continuation to Reservation for Three – Part 9.


A/N: I’m baaaack! Ang tagal tagal na pala since the last update. Sorry po, busy lang sa real world. Hindi pa nga po tapos ang finals week namin. May 4 day weekend lang kami kaya nakapagupdate ako despite sa kawalan namin ng sembreak. So, noong August pa ‘to nagsimula pero anong petsa na? Nauunahan na tuloy ako ng show sa mga isusulat ko. Bow down ako sa writers ng show, super galing niyo po. So, ito na nga pala yung last part ng cruise chapter. Pasensya na kung may inconsistencies, matagal na rin kasi bago ko ulit maupdate ‘to.Sa mga napaisip sa nilabas kong teaser, narito na ang hinihintay niyong kasagutan sa inyong mga tanong. I hope pareho tayo ng naisip. Pero I doubt it. Saludo ako sa inyo pag pareho tayo ng naisip. =) Sa mga hindi nakakita ng teaser pa shameless plug naman po. It can be found sa personal blog ko (www.missserenityfanfics.wordpress.com). I post random stuffs about the fanfic o mga teasers pag medyo matagal akong hindi makakapagupdate like now. Okay, sobrang haba na. Super big thankie to my readers lalo na roon sa mga nagkocomment for serving as my inspiration na isulat ang mga next chapters and sa EB for giving me the chance to post my fanfic in their wonderful site. So, here it is, part 10. Enjoy!😉

 

Author: missserenity

 

~*~

 

 

The next day, habang nagshashower si Maya sa CR ay tumawag ang mga bata kay Richard.

Nikki: Good morning, daddykins!

Abby: Good morning, daddy!

Luke: Good morning, dad!

Richard: Good morning, guys. Oh, napatawag kayo?

Nikki: Di ba dad sa Siete Pecados kayo pupunta ni Ate Maya today?

Richard: Ah, yes. Why?

Abby: Daddy, don’t you remember po?

 

*Flashback*

Nikki: Look, baby! It says here on what I searched, Siete Pecados is popularized by the shoot of a local television show of a mermaid love story. You know what this means right, baby? We should remake this mermaid love story sa darating na vacation nila Dad and Ate Maya!

Abby: Ate Maya will be Maya the Mermaid again, Ate?

Nikki: Yes, baby. But the cruise is coming very soon na. We need a legit mermaid costume para ipasuot kay Ate Maya.

 

Hindi alam ni Nikki at Abby na nakikinig na pala ang daddy nila the whole time na nag-uusap sila.

Richard: Niks, ako na ang bahala sa mermaid costume for Maya.

Nikki: Daddy! So good to hear na you’re in sa plan namin!

Richard: Of course, it would be so nice to see Maya the Mermaid once again, right baby?

Abby: Yes po, daddy! Don’t forget to take pictures po ah!

Nikki: Of course daddy won’t forget, baby. Magtatampo talaga ako kay dad kapag wala silang picture ni Maya the Mermaid!

Richard: Okay, don’t worry. I’ll take a lot of pictures for you guys.

Nikki and Abby: Yay!

 

One night, ipinakita na ni Richard kay Nikki at Abby ang binili niyang mermaid costume. Siya mismo ang pumili at bumili ng costume na ito.

Nikki: Oh my super gee daddy! This mermaid costume will be super bagay kay Ate Maya!

Abby: Ang galing mo po pumili ng costume daddy!

Richard: Nikki, you can put it na sa bag ni Maya. (Remember na nasa mansyon ang mga bag ni Maya bago mag cruise dahil si Nikki at Emman ang nagimpake nito.)

Nikki: No, dad! If I put it sa bag ni Ate Maya, malalaman agad niya! I want it to be a surprise sa last day niyo.

Richard: Then just put it in my bag.

Nikki: Great idea, dad! Make sure hindi makikita ni Ate Maya the costume ha!

Richard: Of course, Niks. I’ll go back na sa office ha. I’ll just check some emails. Kayo na bahala diyan.

Nikki and Abby: Okay, dad!

 

Nang nakaalis na si Richard…

Nikki: Baby, don’t you think it’s unfair for Ate Maya na siya lang ang magsusuot ng isang bagay na she doesn’t usually wear?

Abby: Yes, ate. Dapat si daddy rin po.Pero ano po yung ipapasuot natin kay Daddy?

Nikki: Hmm… Let me think about it, baby. Ah! I remember niregaluhan ko dati si Dad ng board shorts pero hindi naman niya sinusuot. Dad is the type of person na kahit magsiswimming e balot na balot pa rin. I think it’s still there sa closet niya. Since tayo naman ang pinaglalagay niya ng mermaid costume ni Ate Maya in his bag, let’s put na rin his board shorts sa bag niya without him knowing.

Abby: That’s a great idea, Ate! I can’t wait to see their pictures na po!

Nikki: Me too, baby! Let’s make kwento kay Kuya about this! I’m sure he’ll love our plans!

Abby: Okay, Ate. Tara na po!

 

*End of Flashback*

 

Richard: Ah, yes. Yung mermaid costume! Help me convince your Ate Maya to wear it ah!

Nikki: Of course, dad! Are you with Ate Maya now?

Sakto namang lumabas si Maya galing sa CR.

Richard: Ah yes, nandito siya with me.

Maya: Ser Chief (A/N: Balik Ser Chief muna tayo rito ha! Para lang sa consistency aspect. Sa next fanfic ko na lang po gagamitin yung Ricky. ;)) Sino yung kausap mo?

Luke: Dad, ispeaker phone mo naman kami para marinig kami ni Ate Maya.

Richard puts his phone on speaker phone while yung kids ay start pa lang ng call ay nakaspeaker phone na.

Richard: Maya, the kids want to talk to you pala.

Maya: Hi Luke, Hi Nikki, Hi Abby!

Luke, Nikki, Abby: Hi Ate Maya!

Nikki: So, Ate Maya, can we ask you a teeny bit of a favor?

Abby: Yes, Ate Maya, promise us you’ll do this ha.

Maya: Ano ba yung favor na yun?

Luke: Ate Maya, magpromise ka muna.

Maya: Ano ba kasi yun?

Richard: Just make a promise, Maya. Magtatampo yang mga yan sa’yo, sige ka.

Maya: Sige na nga, promise, gagawin ko yung hinihingi niyong favor. Pero sabihin niyo na sa akin kung ano yung favor.

Nikki: Oh my gee! Thankie, Ate Maya! Basta don’t break your promise ha!

Abby: Daddy, show Ate Maya na what she will wear!

Maya: Ser Chief? (Kinabahan bigla si Maya) A-ano yung ipapasuot niyo sa’kin?

Richard: Wait lang guys. I’ll just take it out from my bag.

Nikki: Okay, daddy.

Richard takes out the mermaid costume and he shows it to Maya.

Richard: Here it is, Maya.

Maya: Ser Chief naman e! Seryoso?Yan talaga ang ipapasuot niyo sa’kin?Bakit yan?Saan ba tayo pupunta ngayon?

The kids laugh at the other line.

Luke: Sabi ko sa inyo e. Ganyan na ganyan ang magiging reaksyon ni Ate Maya!

Nikki: Ate Maya, let me answer your question. The place kasi where you will go later is Siete Pecados, doon nagshoot ng isang teleserye featuring a mermaid love story. So, Abby and I decided na you should make your anniversary celebration memorable by remaking this mermaid love story with dad since you’re Maya the Mermaid naman, di ba?

Maya: Eeee! Hindi ko naman alam na iyan pala ang ipapasuot niyo sa’kin. Baka may mga taong makakita sa’kin na suot yan, nakakahiya!

Abby: But Ate Maya, you promised us. Di ba we should always keep our promises po?

Maya: Pero baby…

Nikki: Ate Maya, we’ll pitch you in on a deal. Dad, remember yung board shorts that I gave you before? It’s there in your bag. Ate Maya, pakihanap na lang sa bag ni dad if ever ayaw niya ‘tong kunin there.

Hinanap ni Maya ang board shorts sa bag ni Richard.

Richard: Guys, what are you up to this time?

Nikki: Just trust us on this, dad. It seems na ayaw pumayag ni Ate Maya so, we’re gonna use another strategy to convince her to wear the mermaid costume. Sayang naman yung efforts natin if ever she doesn’t wear it, di ba?

Maya: Nahanap ko na!

Nikki: So, the deal is, Ate Maya, you should wear the mermaid costume if dad wears those board shorts. Remember, dad is the kind of person that is balot na balot even when swimming. So this is your chance, Ate Maya! Is it a deal or no deal?

Abby and Luke shouts in the background: Deal! Deal! Deal na Ate Maya!

Richard in his thoughts: Sayang ang efforts ng mga bata, Chard. Pagbigyan mo na para mas maging memorable ang anniversary ninyo ni Maya.

Maya in her thoughts: Si Ser Chief?! Magboboard shorts? Once in a blue moon lang mangyari yan, Maya! Nag Maya the Mermaid ka naman na dati di ba? Ienjoy mo na lang. Wag pairalin ang negative vibes! Tsaka nagpromise ka sa mga bata. Masama ang hindi pagtupad sa promise!

Maya: Okay, sige na. Susuotin ko na yung mermaid costume!

Nikki, Luke and Abby: Yes! Pumayag na si Ate Maya!

Luke: Dad, siguraduhin niyo lang po na susuotin niyo yung board shorts ha.

Richard: Fine. Kung hindi lang talaga magsusuot ng mermaid costume si Maya e.

Nikki: At last! Maisusuot na rin ni dad yung gift ko para sa kanya!

Abby: Dad, don’t forget the pictures po ah!

Richard: Yes, baby. Daddy won’t forget.

Nikki: Dad, Ate Maya, we have to go. Manang Fe is calling us na.

Richard: Okay, bye guys!

Maya: Babye!

Luke, Nikki, Abby: Bye dad! Bye Ate Maya!

 

They ended the call.

 

Richard: I’ll just take a shower, Maya. Iready mo na yang mermaid costume mo. (winks)

Maya: Basta ba Ser Chief magboboard shorts ka e!

Richard: Of course, Maya. I won’t break my side of the deal.

 

Pagkalabas ni Richard ay suot suot na nito ang board shorts. Maya was caught off guard. Hindi niya akalain na susuotin na agad iyon ni Richard. Napatitig siya sa matipunong katawan ng kanyang Ser Chief. Nakatitig si Maya kay Richard with mouth slightly open, Richard took advantage of the situation at hinalikan ang slightly opened mouth ni Maya. Noon lang natauhan si Maya.

 

Maya: Ay! Abs ni Ser Chief! Ser Chief naman e! Nakakagulat ka naman!

Richard: Baka ikaw, kung nakakatunaw lang ang mga titig mo kanina pa ko naliquify rito! I’ve done my part of the deal. Bakit hindi ka pa nakacostume?

Maya: E kasi Ser Chief… Medyo nahihirapan ako isuot ‘to mag-isa.P-pwe-pwede bang patulong? (Her cheeks blushed because of embarrassment and giddiness kasi tutulungan siya ni Ser Chief na magsuot ng mermaid costume)

Richard: Are you sure, Maya na you need my help? I mean, okay lang talaga sa’yo na ako tutulong sa’yo magsuot niyan ha?

Maya (looking down, blood still rushing through her cheeks) she can only nod.

Richard: Okay then…

 

(I will let you imagine this part na lang! Haha! Oo, madaya ako. Basta ako naiimagine ko na itong scene na itooo! Oxygeeen!)

 

Matapos tulungan ni Richard na magpalit si Maya sa kanyang mermaid costume…

Richard: Wait, before we go there, let’s take a picture muna sa phone ko.

Maya: S-sa phone ko rin ha, Ser Chief.

 

After taking the pictures…

Richard: Maya, look! Grabe is it my camera or pulang pula ka talaga?

Maya: Ser Chief naman e! Siyempre, hindi naman ako ganitong kakomportable sa suot ko.

Maya in her thoughts: Tsaka nakakadistract yang abs mo, Ser Chief!

Richard: Maya, you look wonderful. Tsaka kung iniisip mo na masyadong daring yang suot  mo, ganyan naman talaga ang suot ng mga mermaid di ba?

Maya: E kasi, Ser Chief! (Lalo siyang naconscious na exposed masyado yung upper body niya) Siya nga pala, Ser Chief, paano ko makakarating dun sa lugar e hindi nga ako makatayo rito oh?

Richard did not answer Maya’s question but instead he lifts her up and carries her.

Richard: Did this help solve your problem, my dear Maya the Mermaid?

Maya just nods and hides her red face in embarrassment.

(Bakit ako kinikilig sa scene na ito? Ako lang nga ba?)

 

They arrived at Siete Pecados na dala dala pa rin ni Richard si Maya sa kanyang mga bisig.

Richard noticed na nakatakip pa rin ang mukha ni Maya.

Richard: Maya, Maya… We’re here na.

Maya looks at the surroundings.

Maya: Wow! Ser Chief! Ang ganda naman dito!

Richard: Wait, I brought my underwater camera with me. Yes, ready ako sa mga mangyayari. Haha. Let’s take a picture. Ilalapag na kita my dear mermaid ha.

 

After nilang magtake ng picture…

Kid: Mommy! Mommy! Look may mermaid!

Child’s mom in her thoughts: Siguro gimik talaga rito yang mga sirena na yan. Naalala ko pa yung teleseryeng pinapanood ko dati e dito nga raw nagshushoot.

Mom: Gusto mo ba magpapicture with the mermaid, anak?

Kid: Yes, mommy! Let’s go to the mermaid na!

 

Nilapitan ng mag-ina sinaMaya at Richard.

Mom: Ah, sir (referring to Richard), gusto lang po sana magpapicture ng anak ko dun sa mermaid, may bayad po ba ang pagpapapicture?

Richard: Wala pong bayad ito. Dare lang po ng mga anak namin ‘to sa kanya. Sige, little girl lapit ka na sa kanya. Siya nga pala si Maya the Mermaid.

Maya: Hello, ako si Maya the Mermaid! Ikaw, anong pangalan mo?

Kid: Hello po, Maya the Mermaid! My name is Abby!

Richard: Hi Abby! Kapangalan mo pala yung baby namin!

Mom: In fairness sa inyo Mam Maya, ang sexy niyo pa rin kahit may mga anak na kayo ni Sir ah!

Maya: Ay, Ate…

Richard: Oo nga po e. Nagpapasexy po talaga yan para sa’kin. Let’s take your picture na, Abby.

 

After magpapicture…

Abby: Thank you, Maya the Mermaid. Mag iingat ka po rito ha!

Maya: Oo naman, Abby! Babye!

Mom: Thank you! Mauna na kami! Let’s go, anak!

 

Matapos makaalis ng mag-ina…

Maya: Ricardo! Ano yung pinagsasabi mo kanina?!Nagpapasexy ako para sa’yo? Tsaka bakit hindi mo ko hinayaang icorrect yung iniisip nung ale kanina?

Richard: Maya, here we go again. You can’t always correct the wrong perceptions people make about us. Tsaka doon din naman tayo hahantong di ba so why correct them?

Maya: Oo na, Ser Chief. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nasabi mo na e.

Richard: Good. Tara, magswimming na tayo.

Maya: Makakapagswimming ba ko rito sa suot ko?

Richard: Swimmable yan! Subukan mo. Mafifeel mo na talaga ang pagiging mermaid.

 

Nagswimming na sila at tama nga si Richard, nakapagswimming naman si Maya suot ang mermaid costume. Nag enjoy silang dalawa sa kakalangoy. Noong umahon na sila ay nagkakagulo ang mga tao at mukhang sila ang tinitingnan ng mga taong ito.

Kid 1: Look! There’s the mermaid! (Wow, English speaking ang mga bagets!)

Kid 2: Mom, can we take a picture with her?

Dahil sa dami ng taong nagpapicture kay Maya, naisip ni Richard na videohan ang mga taong nagseselfie kasama si Maya.

Richard in his thoughts: The kids should really see this! Naging tourist attraction si Maya.Hahaha.

Nang matapos na magpapicture ang mga tao kay Maya ay nilapitan na siya ni Richard.

Richard: Kumusta naman ang tourist attraction ng Siete Pecados? (Richard could not help but giggle)

Maya: Ser Chief naman e! Pagtawanan ba naman ako? Grabe, ang daming batang nagpapicture! Hindi ko naman inakala na mangyayari ‘to. Pero masaya ako at nakapagpasaya ako ng mga bata.

Richard: Ano, let’s eat? Mukhang napagod ka e. Nagpadala ako ng food dito para di na kita kailangang buhatin. (A/N: Medyo weird naman yung outfit ni Maya pag tinanggal yung mermaid’s tail di ba? So I decided na bubuhat buhatin na lang siya ni Ricardo habang nakacostume. ;))

 

After kumain ay binuhat na ni Richard si Maya pabalik ng cruise ship.

Nagpalit na sila ng damit. Richard wore a short sleeved polo shirt and maong pants while Maya wore maong shorts and white tank top.

Richard: Maya, you know the drill. Magsasunset na oh!

Maya: Tara na sa deck, Ser Chief!

 

Maya: Ang bilis ng oras, Ser Chief! Akalain mo, pabalik na tayo ng Manila. Ang bilis lang talaga ng mga pangyayari.

Richard: Don’t worry, this is just one of many vacations that we’ll spend together, either alone or with the kids.

Maya: Oo nga pala ‘no? Pupunta tayo ng San Nicolas ilang araw pagkauwi natin.

Richard: Excited?

Maya: Oo naman, Ser Chief! Pero kinakabahan ako para kay Tatay. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Kute at ni Mamang pag nagpakita si Tatay. (A/N: Hindi ko po pinatay si Mamang dito so, technically, buhay siya. =))

Richard: Don’t be scared, Maya. Just have faith na matatanggap din ni Cris at ni Mamang si Tay Arturo. Hindi man agad agad, in due time, they will.

Maya: Sana nga, Ser Chief.

 

And they watch yet another glorious sunset together by the deck.

A few minutes after…

Maya: Ser Chief, bago tayo makauwi, susulitin ko na yung oras natin dito sa cruise ship. Kasi parang ang sarap magsenti rito oh, parang Titanic. Gusto kong umarte na parang si Rose.

Richard: Do you know the lines? We can act it out here kung gusto mo talaga.

Maya: Weh? Ser Chief?Seryoso ka? Ako, alam ko yung lines kasi ilang beses ko kayang napanood yun! E ikaw, Ser Chief? Alangan mo namang panoorin mo lang ako rito mag monologue? Kailangan may kaeksena ako! (She was teasing him)

Richard: Believe me, Nikki made me watch this movie with her a lot of times to the point na nakabisa ko na yung lines ng main characters. Pinagdududahan mo yung acting skills ko ‘no? Okay, you start the scene and mafifigure out ko yung next lines.

Maya: Sige, Ser Chief. Palitan na lang natin yung mga pangalan. Sige, sisimulan ko na ha.

(A/N: Heto na yung scene na nasa teaser. Akala niyo kung ano ‘no? May clue na actually sa Part 9 kung saan nasa isang author’s note na may song number, sumayaw na rin sila, kulang na lang acting. So eto na yung acting scene. Pakinggan niyo na lang yung “My Heart Will Go On” habang binabasa yung susunod na lines. Ivoice over niyo rin sa isip niyo na si RY at JSM ang nagsasalita para mas dramatic. ;))

 

 

Credits to the owner of the video, credits are also given to the brilliant writers of Titanic. Please let me borrow some lines from the movie. Direct quotation ang mangyayari rito. =)

 

Maya: I love you, Richard.

Richard: Don’t you do that, don’t say your good-byes. Not yet, do you understand me?

Maya: I’m so cold.

Richard: Listen, Maya. You’re gonna get out of here, you’re gonna go on and you’re gonna make lots of babies, and you’re gonna watch them grow. You’re gonna die an old… an old lady warm in her bed, not here, not this night. Not like this, do you understand me?

Maya: I can’t feel my body.

Richard: Winning that ticket, Maya, was the best thing that ever happened to me… it brought me to you. And I’m thankful for that, Maya, I’m thankful. You must do me this honor. Promise me you’ll survive. That you won’t give up, no matter what happens, no matter how hopeless. Promise me now, Maya, and never let go of that promise.

Maya: I promise.

Richard: Never let go.

Maya: I’ll never let go, Richard, I’ll never let go.

 

And Richard hugged Maya so tight and he turned her around so that she could face him. He tucked the stray strands of her hair. He caressed her face and he kissed her on the lips filled with passion.

 

Author’s note: I guess hanggang dito na lang ang chapter na ito. Don’t worry, next chapter, balik Manila na sila tapos San Nicolas na. Akala niyo siguro may masamang mangyayari. Syempre wala, di ba good vibes lang tsaka Kingdom of Happy Ever Afters nga e. Wish me luck sa natitirang exams ko! Grabe namiss ko magsulat ng SC-Maya fanfic! I hopia like this one! Till the next chapter! Kapit-bisig!😉

 

 

 

 

3 thoughts on “Reservation for Three – part 10

  1. Pingback: Reservation for Three – part 11 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s