Palusot 13

Sorry gang dalawang updates lang nakayan ng lola ninyo. Next week ulit…

Palusot 13

Unedited…

” 안녕하세요, (hello) 아주머니 (auntie), 아저씨 (uncle)”

“Maya” gulat na sabi ng parents ni Alex. 처음 뵙겠습니다 ( it’s nice to see you.)

“안녕하십니까? 요즘 어떻게 지내 십니까? (kamusta na po kayo?)

“우리 지냅니다.”(we’re doing fine). 잘 지내십니까? (ikaw kamusta ka na. Iha?) sagot ng ina ni Alex.

“네, 잘 지냅니다, (ok, naman po ako.) 아주머니, 아저씨, 이람 남자친구, Richard Lim 씨 (auntie, uncle boyfriend ko po si Richard Lim). Boyfriend na pakilala niya tutal di naman naiintindihan ni Richard ang sinasabi niya.

Nagulat si Richard sa sinabi ni Maya, napangiti siya. Nag bow si Richard sabay sabi sa mga ito, “안녕하십니까, 아저씨, 아주머니. 저음 뵙겠습니다.” (hello, Uncle and Auntie, it’s nice to see you po.)

Nagulat si Maya noon nagsalita ito ng hangeul. Napatingin si Maya dito, sakto tumingin din naman sa kanya si Richard at kumindat pa. Nakangiti ito sa kanya ng nakakaloko. Namula si Maya.

Di malaman ni Maya, kung paano lulusutan ang sinabi niya sa mga magulang ni Alex.

“당신은 한국어를 말​​할 수 있습니까?” tanong ng ina ni Alex. (marunong ka mag korean)

“네, 아주머니.” (yes, auntie) sagot ni Richard.

“뭐?” (what?) gulat na sabi ni Maya.

“네, (yes) YAM”

Nagkatawaan ang lahat. Nag usap pa sila sandali at nagpaalam ma rin sa mga ito. Sinabi rin ni Alex na si Richard ang 부장님 o director ng bangko pinag tatrabahuhan niya.

Habang naglalakad sila papunta sa parking ng kotse nila. Naka-akbay si Richard kay Maya. Pasipol-sipol pa ito at masayang masaya. Samantala si Maya, naka pout an lips habang naglalakad. Kaya nagulat ito ng bigla ito halikan sa lips ni Richard. Peck lang naman

Hinampas niya ito, “bakit mo ako hinalikan?”

“Bakit masama ba halikan ko ang girlfriend ko. At isa pa sinabi ko na sa yo, don’t pout again dahil hahalikan kita. Kakasabi ko lang niyan sa yo kanina.”

“Haller di mo pa ako girlfriend.”

“Eh bakit sabi mo sa parents ni Alex ako ang namjachingu mo which means ay boyfriend.”

“Sinabi ko nga namjachingu kasi kaibigan kitang lalaki. Alangan naman sabihin ko na girlfriend kita. Unless bakla ka.” palusot ni Maya. Sana tanggapin ni Richard ang palusot ko. Bulong nito sa sarili niya.

“Weh di nga? Bakit ba kasi ayaw mo pa ako sagutin. Guapo, mabait, matalino, mapagmahal. Ano pa ba ang hahanapin mo sa akin?”

“Yabang mo. Alam mo gutom lang yan, kaya halika na bilisan natin para makarating na tayo ng Mega.”

“Basta para sa akin girlfriend na kita.”

“Ewan ko sa yo.” sabay walk out. Hinabol naman ito ni Richard.

Tahimik sila gang makarating sila sa megamall. Papasok na sila sa ng mall ng muli hawakan ni Richard ang kamay ni Maya at dinala ito sa labi niya para halikan. Napatingin dito si Maya…..

“Sarangheyo”

Napatawa si Maya sa sinabi ni Richard. Mukha naman na offend si Richard sa ginawa pagtawa ni Maya. Tumahimik na lang ito.

“Alam ko intsik ka at di Koreano tulad ni Alex. Bakit nag kokorean ka? Di ba dapat ‘Wa Ai Di’?” naka ngiting sabi ni Maya dito.

“Walang basagan ng trip, gusto ko mag Koreano eh. Sinasagot mo na ako?”

“Hindi pa rin. Maghintay ka nga. Masyado ka atat. Dalawang Lingga ko palang nanliligaw gusto mo sagutin na agad kita.?”

“Bakit pa kasi natin patatagalin, alam ko naman mahal mo din ako.”

Sasagot pa sana si Maya kaso nasa harapan na sila ng Dads.

“Good afternoon po Sir/Ma’am. Table for two po?”

“We have a reservation here under the name of Mr. Richard Lim?”

“Ah ok, wait lang po. Tatawagin ko lang isang receptionist para i-assist kayo sa table ninyo.”

“Thank you.” di nagtagal dumating ang isang receptionist para ihatid sila sa table nila.

“Richard, I’ll go to the restroom lang.”

“Ok. Ano pala gusto mo drinks?”

“Green Mango shake.”

Habang hinihintay ni Richard si Maya bumalik. Bigla naman may tumawag dito.

“Richard, it’s a surprise to see you here? Are you alone.?” sabay pulupot ng mga kamay sa braso ni Richard.

Sasagot sana si Richard, nag bigla may nagsalita sa likuran nito. “no he is with me, his fiancee.”

“Oh!” sabi noon babaeng hipon.

“Jhen, meet Maya dela Rosa, my fiancee.”

“Honey, this is Jhen, a friend of mine.”

“Hi! Nice meeting you.” sabi ni Maya.

“I’ll go ahead na. Doon ang table namin.” sabi ni Jhen sabay turo sa kabilang side.

“Ah ok. Sabi ni Maya.”

Pagkaalis ni Jhen, tiningnan ni Maya si Richard.

“She is an ex but not a serious one.”

“Wala naman ako sinasbai ah.”

“Wala nga pero yan mga tingin mo naman.”

“Why what’s with my looks?”

“Para ako kakainin ng buhay eh. Tapos kulay green na yan mata mo sa selos. Ngayon alam ko na selosa pala ang fiancee ko.” sabay kindat dito.

Namula naman si Maya. “uy ikaw din kaya seloso.”

“Now we’re even. So wala na talaga bawian…we’re official.”

“Do I have a choice?”

“Wala ka na choice kasi buking ka na.”

“Sabi ko nga buking na ako.”

“I love you” sabi ni Richard habang hawak nito ang kamay ni Maya.

Ngumiti lang si Maya kay Richard. Hindi muna niya ito sinagot. “Halika na kain na tayo at gutom na ako.”

Tumayo na rin si Richard at sinabayan kumuha ng pagkain si Maya. Tahimik sila kumakain dalawa. Hangga may lumapit na mga kumbachero at tinanong kung may gusto sila kanta at kakantahin nila ito sa kanila.

“YAM, ano may gusto ka ba song na ipapakanta sa kanila?

“Hmmm, ‘Help me get over’ iyon kanta sa My Husband’s Lover. Alam ninyo iyon?”

“Yes ma’am MRS nga po iyon sa amin eh.”

Napakunot si Richard. “Alam ko di ka mahilog manood ng teleserye, kaya makinig ka na lang. Later I will tell you what is it all about.”

Patuloy sila kumakain habang kumakanta ang mga kumbachero gang mayapos kumanta ang mga ito. Nagtanong pa ulit ang mga kumbachero kung meron pa sila gusto song. Nag request ulit si Maya iyon ‘Foreve’ naman nina TomDen. Pagkatapos ng dalawang kanta. Bingyan ni Maya ng mga ito ng tip.

Nakakunot ang noo si Richard at tinanong si Maya “What’s with that song? Hindi ka pa rin ba naka move on kay Ochel? Kaya di mo masabi sa akin na I Love You Too?” malungkot na tanon ni Richard dito,

“Huh?” Anong pinagsasabi mo diyan di pa naka move on kay Kuya Ochel?”

“Sorry pero nadinig ko iyon sinabi ni Tita kanina sa yo about sa kapritso mo mag mall hopping. Na gawain ninyo iyon ni Ochel.”

“Narinig mo ba ang sagot ko kay Mama?”

Umiling ito sa tanong ni Maya. “So iyon ang rason kung bakit ka tahimik kanina bago tayo umalis at gumawa ka pa ng palusot na gumagawa ka ng IT natin para mall hopping.” nakangiting sabi ni Maya.

“Nakinig ka na rin, dapat dinerecho mo na. Eh di nadinig mo sana ang sagot ko.”

“Naduwag kasi ako eh. Ano ba kasi ang sinagot mo?”

“Ayoko na ulitin. Nakakatamad. Pero ito lan ang sasabihin ko…kuya Ochel,is my cousin nothing more nothing less. Gusto ko lang iyon kanta iyon dahil OST iyon ng teleserye nga My Husband’s Lover.”

“Ano ba kasi iyan teleserye yan. Kasi kahit sa opisina ay pinag-uusapan yan.?”

“Yan kasi puro trabaho….well it’s about boy-boy relationship.”

“Kuwento ng bading?”

“Oo pero kasi iyon guy dito na may kabit na bading ay may asawa. Hay naku, mauubos oras natin pag kinuwento ko sa yo. Patapos na nga eh, infact, today October 12 may concert sila sa Araneta.”

“I heard that, kasi iyon mga empleyado ko manood sila.”

“Talaga buti pa sila. S Jaja kasi ayaw ako samahan.”

“Dapat ako niyaya mo.”

“Ikaw manonood ng ganun, eh di mo nga alam iyon teleserye nila eh.”

“Who is Tm-Den naman?”

“Vincent and Erik played by Tom Rodriquez and Dennis Trillo respectively. Sila iyon magka loveteam sa MHL.”

“Ah….kayo talaga mga babae ang hihilog sa drama.”

“Kakaiba kaya story nila dalawa. Madami nga nakaka-relay eh. Kung sa akin iyon mangyayari, naku di ko alam gagawi ko. Tibay nga n Lally eh, despite na bakla asawa niya, mahal pa rin niya ito.”

“Kasi that’s true love. At ganyan an nararamdaman ko sa yo. You are my one true love YAM. Huag ka mag-alala lalaking-lalaki itong fiancee mo.”

“Alam ko naman eh. Matinik kasi ako kumilatis kung isang beki o hindi iyon guy. Isang tingin ko pa lang alam ko na agad kung may halong berde ang dugo niya o wala.”

“Teka bakit ba sa usapan bakla napunta ang usapan natin. We should be talking about us. Now that You Are Mine officially today.”

“I know YM…I love you too.” sabay tayo at hinalikan ito ng smack sa lips. “kuha lang ako dessert.”

Natulala na naman si Richard sa sinabi ni Maya. Nagulat si Maya, nag bigla may pumulupot na kamay sa waist niya. Alam naman niya kung kanino iyon kahit di niya tingnan ang katabi niya. Bumulong ito sa kanya,

“You are such a tease. Lagot ka sa akin mamaya sa kotse.”

Napahagikhik na lang s Maya sa sinab nito.

Habang nag dedessert sila ay hiningi na n Richard ang bill nila.

“Grabe sobrang busog ko ang dami nilang food dito para tayo nag tour around the world from Asian, Chinese, American, Spanish, Eurupean, Japanese at Filipino food.” sabi ni Maya habang hinihintay nila ang pag bill out sa kanila.

“Oo nga eh, gusto mo mag kape sa starbucks”

“Take out na lang natin then mag-ikot ikot muna tayo sa atrium.”

“Ok, you’re the boss.”

Magkahawak sila ng kamay ng umalis ng Dads saka nag derecho ng starbucks sa tapat ng Dads.

Bago pa makapasok ng starbucks ay tinanong ni Richard si Maya ng “What’s the meaning of YM? Don’t try to answer Yahoo Messenger again at hahalikan kita dito.”

Ngumisi lang si Maya, “You’re Mine.” bulong ni Maya dito.

Hinapit ni Richard si Maya, “Yes, I’m totally yours” sabay halik dito sa lips. Light lang kasi nasa public place sila.

Nahampas ni Maya si Richard pagkatapos nito halikan siya, napagingin si Maya sa paligid nila. Namula ang mukha niya noon nakita niya marami ang nakatingin sa kanila. Dali dali nito hinila si Richard papasok ng starbucks.

**********

10 thoughts on “Palusot 13

    • Girl may translation naman eh. Hehehe🙂 nag practice lang ulit ako kasi been a year simula noon natapos ko ang crash ko sa korean language….planning to go to Korea next year kadi…

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s