Almost – part 13

This is a continuation to Almost – part 12

 

Author : nylcoen

 

~*~

 

Maya stirred the moment she felt Richard’s fingertips as he drew a line that started from her nose bridge and ended to her lips. Pretending to be asleep , she caught his finger and bit at  it playfully the moment it reached her lips.

“Ouch!’

Richard complained. Shaking his hand when she released his finger.

“Di mo ba alam masamang istorbohin ang taong tulog? Pagod yung tao eh.”

Maya smiled.

“Mamaya ka na matulog ulit. Let’s talk.”

Richard pulled her closer so they could snuggle together. Richard heave a sigh, caressing Maya’s bare back tenderly.

“I miss you so much. “

“Miss you too..bakit mo ba ako iniiwasan .. tapatin mo nga ako Richard Lim. Nagsasawa ka na ba sa akin? Kung di pa kita i-seduce di tayo magtatabi ngayong gabi.”

Maya propped an elbow to raise herself  and look down at him for awhile.,

“What?! Of course not! Baka ikaw! Ikaw tong nahuli kong nakikipag dinner sa iba.”

Richard snapped. Maya with a confused look stared at him.

“Ahhh alam ko na…teka, di ba yon yung gabing sinungitan mo ako sa principal’s office, hmmm?”

“And why not?! I was so excited to see you at the airport tapos nakita kitang sumakay sa sasakyan ni James.  You know how much I dislike that guy di ba?”

“So sinundan mo kami from the airport? Bakit di ka nagpakita? Or di mo kami nilapitan sa restaurant?”

“And why should I do that? Eh kung lumapit ako baka nasuntok ko pa siya sa init ng ulo ko?”

Richard pulled her down to snuggle back at him.

“Honestly Maya, I was upset with what I saw. I know magagalit ka but I have to say this, I thought you are having an affair with James.”

For a moment Maya was silent. Surprised with Richard’s confession.

“Since nasabi mo na din yan, aaminin ko na din. Akala ko din nambababae ka.. Aaminin ko nagalit ako dahil dun sa Denise na yon.”

“And I know di ka naniwala when I said wala kaming relasyon di ba? That’s why yung nakita ko kayo ni James I assumed gusto mong gumanti sa akin…”

“Gumanti? Of course not. Kahit kailan di ko magagawang ipagpalit ka noh. Natakot nga akong mapalitan tapos gagawin ko yon?”

“Eh kasi naman ikaw eh. You’re acting weird lately. Let’s start with di ka umuwi at nagpuntang bar na di man lang nagpaalam.”

“Kasi galit ako sa’yo that time.”

“You went to the parlor sabi mo pa gusto mo magpaganda, take note, nag-drive ka mag-isa…FOR THE FIRST TIME!”

Maya laughed.

“Don’t laugh at me cause it’s not funny! Di mo ba alam I was worried then? May parting words ka pang ayaw mong maging too dependent sa akin? Eh kahit kailan di ka naman naging dependent ah. Yon na nga lang pagda-drive for you ang nagagawa ko minsan tapos ayaw mo ng gawin ko for you.”

Maya kept laughing so hard making Richard uncomfortable.

“Sorry..”

“You are making fun of my misery, Maya..YOU. ARE . SO . MEAN!”

“Alam mo bang pinagalitan ako ni John that time? Nagdrive nga ako, pero hanggang sa gate lang ng village. Paglabas ko, tinawagan ko si John para papuntahin. Talagang dinistorbo ko ang tulog niya para lang puntahan ako. Ayung galit na galit, dahil daw sa kalokohan ko nadadamay siya! “

“You mean… Maya ! “

“Sorry na nga…”

Maya giggled, as she gestured the famous ‘V’ sign.

“Then came the zumba and gym membership! Imagine that? Sino di mababaliw kakaisip when all of a sudden malalaman mong ang asawa mong walang kahilig-hilig magpapawis ay bigla na lang pupunta sa gym!’

“Ehh kasi naman nung makita ko si Denise parang nahiya naman ako sa laki ko. Ang sexy niya , tapos bata pa..paano kung madevelop ka din sa kanya? Paano na ako?”

“Maya! First of all, sexy ka din at maganda..second, mas bata ka nga sa akin ng ilang taon maghahanap pa ba ako ng mas bata pa sa’yo? Ano ka ba! And lastly, kung maghahanap pa ako ng ibang babae bakit pa ako nagpakasal sa’yo di ba? Di mo ba naisip yon? ..Maya, I love you. You and the kids, kayo lang ang importante sa akin. That day that I decided to propose alam kong ikaw lang yong babaeng gusto kong makasama habang buhay. Please remember that tumaba ka man o ano pang maging itsura mo pagdating ng panahon, mas mauuna pa din akong mangungulubot sa’yo.”

Maya slapped his arm while Richard was laughing.

“Nakakainis ka! Okay na sana eh, mapapaluha na ako, umurong na lang bigla!”

“No seriously…Maya, di ko nakikita ang sarili kong tumanda with someone else but you. I love you and love you and love you…never ending na yon. That’s what I promised you in our wedding day, remember? A promised I made to you and to God on our wedding day,  so please huwag ka na mag-isip ng kung anu-ano diyan..As time goes by we will change…magiging kulubot na tayo at lahat, ang importante magkasama tayo..and the kids..our kids..yon lang ang gusto ko.”

“Talaga? “

“Oo! Honest to , promise!”

Maya slapped his arm again.

“Ikaw puro ka biro.. sorry kung nagduda ako..sorry din kung binigyan kita ng sakit ng ulo. Di ko kasi maiwasang matakot eh.”

“It’s okay…actually pareho lang naman tayo eh. Sorry din kung nagduda ako sa’yo. Dala lang yon ng selos at yung mga ka-werduhang ginagawa mo eh. Alam mo naman kasing nagseselos ako kay James tapos sumasama ka pa.”

“May tinanong lang akong importanteng bagay sa kanya kaya ako pumayag sa imbitasyon niya.”

Richard look at Maya, brows furrowed as he stares at her with so much curiousity.

“Kasi may narinig akong usap-usapan na parang may opening daw yung TA training school, nagbakasakali kung pwede akong mag-apply dun as trainor. He promised to let me know if qualified akong mag-apply. “

“Anong ibig mong sabihin?”

“Na-realized ko kasi parang masyado akong nagfocus sa pagiging FA ko…gusto ko parin magtrabaho syempre, pero gusto ko din mas may oras pa din ako sa inyo…”

“But it’s your dream Maya…di ko naman hiningi na bitiwan mo yung pagiging FA mo di ba? Yes, minsan kulang yung time mo with us pero naiintindihan namin yon. You don’t have to quit.”

Richard moved and held her head with both of his hands as he look deeply in her eyes.

“Ricky, alam ko. Pero gusto ko ding mas magkaroon pa ng time sa inyo. Binigyan mo na ako ng panahon  para tuparin yung pangarap kong maging FA..this time, gusto ko yung isang pangarap ko din naman…yung pangarap kong bumuo ng isang masayang pamilya kasama kayo ang bubuuin ko.”

Richard was touched with her words. Maya never fails to surprise him. He kissed her forehead then hugged her lovingly.

“Thank you Maya.”

“Thank you? Para saan?”

“For being my source of happiness… I love you.”

“Thank you..”

“Thank you? You don’t love me anymore?”

“Porke nag-thank you ako di na kita mahal? Di ba pwedeng mag-thank you ako kasi mahal mo ako?!..  Thank you at  I love you too sana yon eh, pinutol mo lang agad-agad. Nagmamadali ka Ricky?”

“Silly!”

Richard chuckled. For a moment they lay on bed in silence, Richard was caressing her arm for awhile while Maya snuggled closer, listening to his steady breath while her ears pressed to his chest.

“Maya?”

“Hmmm?”

“Saan mo nakuha ang lakas ng loob mo kanina?”

Maya blushed upon hearing him. Richard could tell she was nervous, he could only hide a smile.

“Di ba sabi mo gusto mong bumuo ng masayang pamilya? Simulan mo na!”

Suppressing a laugh. Maya knew what he meant  and got so embarrass. But knowing Maya, she won’t let him win.

“Ano ka sinuswerte? Tapos na ako magtrabaho . Ikaw na ulit, mahiya ka naman sa asawa mong maganda!”

Richard knew it’s her way to avoid him. It’s up to him on how keep the ball rolling. Richard moved and position himself on top of her. Smiling down at her like a fool, pulling back the covers exposing both of their naked form.

“In case attorney, di na ako mag-aargue..ikaw na ang nanalo. So saan mo gusto magsisimula? ahhh let me guess..here?”

Richard kissed her neck, trailing kisses downward. Maya could only gasp in anticipation.

 

 

 

 

Since sabi nila wala pang definite date ang ending ng love story ni Maya at Ricky Boy, di ko rin lalagyan ng ending ang love story nila dito, hahayaan kong kayo ang mag-isip kung ano ang gusto inyong ending ng magjowa, este, mag-asawa, este mag-partner pala (ano ba talaga kuya?) ..BUT….this will be the last part of Almost :)

Salamat sa lahat ng nakiki-Almost sa akin everyday .

 

God bless us all! ♥♥♥

20 thoughts on “Almost – part 13

  1. Naaliw ako dito sa story mo. Thanks ng marami. Kakatuwa kasi I saw Richard and Maya undergo an experience na maganda ang resolution. Sarap ng ending… gagawa ng babies sayang lang walang details hahahahahahahaha…🙂

  2. hello te!🙂 hmmm. sensya na dili ko pimri naga-leave ug comment ha? (you know naman the reason) haha. anyways… You can actually consider me as one of your silent readers I think? nasubaybayan ko tong “Almost” series mo eh, and I love it!❤ ibang storyline nanaman. thank you for this one te, though sana may continuation pa. Or kaya by any chance are you writing another story? hihihihi. ^_^ at since di mo talaga officially tinapos to kasi kami na nga magpapatuloy. feeling ko maloloka ako kakaisip kung ano na mga susunod mangyayari sa kanila. haha. Ay basta! I love this one. Good job te! Keep it up.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s