The Art of Letting Go – part 35.5

Note: This is a continuation of The Art of Letting Go – part 35.

A/N: I remember the episode on TV where Mamang died. I remember watching that scene and I really got teary-eyed. It actually hit something inside of me. It reminded me of my lola who’s at the hospital that time. Hindi lang ako nalungkot sa napanood ko, but I also fell sad remembering my grandma’s condition. Ever since, I already thought of writing something for her. Something that would somehow reflect how great of a person she was.

Mamang may have already died on the TV series and other fan fics followed the same plot as well but I don’t think I’d be going for the same. Mamang reminds me so much of my grandma. Just like Mamang, grandma is also someone who’s sobrang mapag-mahal sa pamilya, maalaga, sobrang matulungin, hindi mareklamo kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan. And even just through a fan fic, I’d love to keep her legacy alive.

This special chapter is dedicated to my grandparents. My lolo really isn’t a fan of teleseryes when he’s still living but as for lola, I’m not quite sure if she ever became a fan of BCWMH. As much as I’d love to share my work to them, I know na hindi din nila ito masyadong katutuwaan because they’re really not into reading stories but I know they’ll be proud all the same. So to my Lolo Jose and my Lola Celing, I know you’re already together now once again, and at peace. In a place where sickness, disease, pain, not even death has power over you. This chapter is dedicated for the both of you and to all grandparents out there. :D

Author: princemackaroo

~*~

As the celebration drew to an end, each guests approached Donya Esmeralda to greet her once more and bid her goodbye. Everyone, including the Lim & dela Rosa household undeniably had a great time.

“This is the best birthday ever. Thank you so much darling.” Donya Esmeralda went to Don Roberto and gave him a sweet tight hug. A couple of seconds later, she then turned to Richard. “Hijo, thank you.” Donya Esmeralda hugged him as well.

“Don’t mention it Ma. We love you so much and we only want to make you happy.” Richard smiled sweetly at her mother.

“Awww. Thank you so much talaga Ricky. And of course, this birthday celebration will not be half as fun if not of course to my soon-to-be daughter-in-law, my balae, and my kumare. Salamat din sa inyo, Maya, Tere, Conching, Cris, Jeff, Cho. Thank you so much,” said Donya Esme who’s already teary-eyed.

“Ma, gaya nga po ng sabi ni Richard, mahal namin kayo at ang gusto lang po namin ay mapasaya kayo,” said Maya.

“Oo nga naman balae. Alam naming mahalaga para sa iyo ang okasyong ito kaya hindi maaaring palampasin ang pagdiriwang na ito,” added Nanay Teresita.

Mamang moved next to her and put her arm around Donya Esme’s shoulders. “Alam mo Mare, mag-kaibigan ngang talaga tayo. Ma-drama tayong pareho eh.” Everyone laughed at Mamang’s response. “Alam mo Mare, sa sandaling pagkakakilala natin, nakita ko kung gaano ka kabuting tao at kung gaano ka kamapag-mahal kaya naman hindi ka rin mahirap mahalin. Kung ano man ang meron ka ngayon, ang kaligayahan na meron ka ngayon, karapat-dapat ka sa lahat ng yan.”

“Salamat Mare. Napakabuti mo talagang kaibigan.” Donya Esmeralda turned and hugged Mamang which the latter returned earnestly.

“Nako! Nag-drama pa itong dalawang ito. Magkaibigan nga kayong dalawa,” quipped Don Roberto.

“Ah mawalang galang na Mamang at Tita Esme ha. Pero baka kasi magkaroon pa ng bahaan portion ngayong gabi. Aba’y dapat ay nagsasaya tayo ngayon. Dapat happy happy ang lahat. Tigil po muna tayo sa drama. Sige po kayo, baka po mainggit sa inyo niyan itong sila Nanay at Maya matulad narin po sa inyo, hindi na po natin matigil ang tuluyang pagbaha dito sa mansion,” said Kute. Everyone laughed at her banters.

“Ikaw talaga Kute! Kami na naman ni Nanay ang nakita mo!” smiled Maya.

“Ikaw talaga Cris. Nagmomoment lang naman kami nitong si Mareng Conching eh,” defended Donya Esme.

“Oo nga naman Cristina Rose! Ikaw talaga,” added Mamang.

“Ok guys, tama na ang mga moment moment na yan. Cris is right. We should be happy kaya stop na muna ang drama. Besides, it’s already late and everyone must already be tired. Ang mabuti pa, let’s all have our rest,” joined Richard.

“That’s more like it hijo. I feel tired and seriously in need of sleep now,” said Don Roberto.

Everybody else agreed. “So pano balae, mare, bukas nalang ulit tayo mag-chikahan. Medyo pagod narin ako. Mabuti pa ngang magsitulog na tayong lahat,” said Donya Esmeralda.

Everyone left and went to their respective rooms.

~*~*~*~*~*~*~*~

It was already 30 minutes past midnight but Maya still found it hard to sleep. No matter how much she twist and turn, sleep refused to succumb her. As she sat up from bed, she saw Mamang, Nanay Tere, and Kute all in deep slumber. Maya stared at them for a moment and suddenly felt nostalgic seeing them at peace. Her heart swelled with happiness and contentment at the sight of her own family.

Maya decided to get herself a warm glass of milk. She got out of the room and went to the kitchen. As she made herself a warm glass of milk, she decided to drink it at the veranda and stay there until sleep starts to envelope her.

As she sat herself at the coffee table, Maya couldn’t help but be lost in her own reverie. Smile crept up her lips as recollection of her childhood invaded her mind.

“Can’t sleep?” Maya didn’t notice that Richard was already sitting beside her and his words brought her back to reality.

Startled by his sudden presence, Maya turned to look at him. “Kanina ka pa?”

Richard smiled. “Medyo.” Richard reached her hand and held it. “Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Something bothering you?”

Maya smiled reassuringly at her and placed her free hand on top of his hand holding hers. “Wala naman. Naalala ko lang nung mga maliliit pa kami ni Kute. Naaalala ko lang yung buhay namin noon. Nung mga time na kasama pa namin sila lolo at tatay.”

Richard’s brows shot up. “So your reminiscing your childhood? You haven’t told me anything about your lolo. You did tell me things about your father but not your lolo.”

“Ah. Grade 2 palang kasi ako ng mawala si lolo kaya wala ako masyadong maalala tungkol sa kanya. Yung iba, mga kwento nalang nila Nanay at Mamang. Ang alam ko, dating guerrilla si lolo ng panahon ng hapon at isa siyang magsasaka,” said Maya.

“Oh. Siguro matapang ang lolo mo. Ngayon alam ko na kung kanino ka nagmana sa pagiging matapang at palaban mo,” chuckled Richard.

Maya giggled with his remarks. “Alam mo ang isa sa talagang naaalala ko kay lolo yung paggawa niya ng alkansya para sa amin ni Kute.”

“Alkansya? Ginagawan kayo ng lolo mo ng alkansya?” asked Richard.

“Oo. Nung maliliit pa kami nila Kute, tinuturuan kami nila Mamang at lolo ng pag-iipon. Tinuturuan nila kami ng kahalagahan ng pera. At para mas matuto kaming mag-ipon, ginagawan niya kami ng alkansya na gawa sa kawayan. Naaalala ko noon na nag-uuwi siya ng punong kawayan. Puputol siya at gagawin niyang alkansya para sa amin ni Kute.”

“Mukhang mabait at masipag ang lolo mo ah,” remarked Richard.

“Oo. Sabi nila Mamang, likas na masipag at mapagmahal si lolo. Pero sabi niya, sobrang strikto din daw non. Sabi ni Mamang, hindi daw pwedeng nasa lansangan parin kami pagtungtong ng alas-singko ng hapon. Dapat daw, pagdating ng oras na yun, nasa loob na daw kami ng bahay.”

Richard raised a brow in amusement. “Really? Hmm.. Siguro kung naging lolo ko ang lolo mo, baka lagi nalang akong napapagalitan at napapalo. Kasi during my teenage years, kahit late night nasa labas parin ako.” Both he and Maya laughed at his story.

“Nako eh malamang nga. Baka puro kunsumisyon ang abutin sa’yo nun pag nagkataon,” chuckled Maya.

“How did he die? Do you know?” he asked.

“Ang sabi ni Nanay, nagkasakit daw sa bato si lolo and at the same time, may diabetes din daw ito. Mahilig daw kasi sa maalat si lolo at sobrang hilig din daw sa softdrinks. Lahat ng pagkain niya, kailangan may patis. Kahit sa mga prutas na kinakain niya, kailangang may sawsawang patis. Pati nga daw pakwan. At sa lahat ng pagkain niya, kailangang may ka-ternong softdrinks. Hindi nagtagal, natanggalan ng isang bato si lolo. Ang sabi ni Nanay, nagkaroon daw ng sepsis at pneumonia si lolo na naging sanhi ng pagkamatay niya,” explained Maya.

“Sorry to hear that,” said Richard in an apologetic tone. Maya just smiled reassuringly at him.

“Sabi ni Nanay, mula ng mawala si lolo, sa amin na daw ibinuhos ni Mamang ang lahat ng atensyon niya. Naaalala ko nga, siya ang laging kasama namin ni Kute lalo na kung kailangang maghanap-buhay nila Nanay at Tatay. May mga oras nga na kasa-kasama namin siya kahit sa mga fieldtrips o ibang school activities.”

As Maya continued to share her childhood stories, rain suddenly began to pour. Maya looked outside and smiled as another recollection surfaced her mind.

“Alam mo honey, si Mamang, sa tuwing umuulan, ipagluluto niya kami ng champorado at tuyo.”

“Really? Pero champorado at tuyo?” asked Richard, apparently bewildered by the combination.

“Oo! Masarap yun! Si Mamang nga ang nagturo sa amin noon eh. Ganun ang gawain niya nung mga bata pa kami. Naaalala ko nga, hinding hindi ka magugutom pag si Mamang ang kasama mo. Mahilig kasi siyang magluto ng magluto. Naaalala ko nga, kakakain lang namin ng almusal, magtatanong na agad siya ng gusto naming merienda. Pagkakain ng merienda, magtatanong na siya ng gusto naming pananghalian. Pagkakakain ng lunch, magtatanong na naman ng gusto naming merienda. Pagkakain ng merienda, hapunan naman ang itatanong sa amin. Kung siguro nauso sa amin ang midnight snack, malamang hindi na matulog pa si Mamang at magluluto nalang siya ng magluluto buong maghapon at buong magdamag.”

Richard laughed at what he heard. “I guess ayaw lang niyang maging malnourished kayo kaya ayaw niya kayong magutom.”

Maya paused for a while before continuing. “Si Mamang din ang naging sandigan namin ng mawala si Tatay. Lagi siyang gumagawa ng paraan para mapasaya kami.” Maya smiled at the thought. “Nung nag-desisyon akong dito sa Manila mag-college, nahuli ko si Mamang sa kwarto niya na umiiyak. Si Mamang kasi kahit na nasasaktan na siya o nahihirapan, hindi niya pinpakita, hindi niya pinapahalata. Lagi niyang pinapakita sa amin na masaya siya, na ok siya. Kaya nung nahuli ko siyang umiiyak, nalungkot ako. Sabi niya sa akin noon nalulungkot daw siya kung bakit kailangan ko pang lumayo, kung bakit pa namin kailangang maghiwalay. Pero ang sabi niya, mahal na mahal daw niya kami para hadlangan niya kami sa mga pangarap namin. Kaya kahit mahirap at masakit para sa kanya ang mapalayo ang isa man sa amin, hinayaan niya lang kami.”

“You’re very lucky to have her. Mahal na mahal niya talaga kayo.”

“Oo nga eh. Kaya naman kami nila nanay, ginagawa din naman namin ang lahat ng magagawa namin para maibalik namin sa kanya ang pagmamahal na ibinigay niya sa amin. Maswerte kami at pinagkalooban kami ng mapagmahal na lola tulad ni Mamang. At si lolo. Kahit na wala ako masyadong maalala tungkol sa kanya, alam kong mahal na mahal niya din kami.”

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

This chapter is a reflection of what my grandparents were like. I’m not sure if there had been a mention of Maya’s grandpa on the TV series, so whatever is written on this chapter is a reflection of what my grandpa is like. (But unlike in this story, my grandpa passed away 5 years ago, I’m already an adult.) As for my grandma who just passed away 3 days ago, like in this chapter, it’s been her hobby to cook for us: breakfast, merienda, lunch, merienda, dinner. Some might find it funny in a way but there really is no exaggeration to it. Talagang kakakain lang namin, she’d already ask us what we’d like to eat! And of course, she never fails to cook our favorite dishes.

As I’ve mentioned in the early chapters of this series, death is something that we all have to face one way or another, it is inevitable. Still, no matter how hard we try to prepare ourselves for it, the effects have always been the same. The pain of being left out by the people we dearly love will always be there, it’s something that we can never change. That’s why it is best that we not only cherish every moment we spend with our loved ones, we ought to make the most out of every moment as well. Express your love to those dear to you. Show them how much you care and appreciate them. Because there really is no way to know how much more time we’ll have with them. It’s easy to take people for granted, but it’s harder to miss them especially when they’re already gone.

9 thoughts on “The Art of Letting Go – part 35.5

  1. Lam m b princemackaroo Hindi me mhlig mgbasa,pero ng mkta k ung excess baggage n Ito nphlig me mgbasa ng dahil sa mga love story nyo taung kol sa mga idol k ,ngppslmat Ako sa lhat ng Author’s ng Excess Baggage,take care:)

    • Hello Elsa! I’m someone who actually loves to read, specially fictional stories like Harry Potter, Twilight, Fairytales, etc. What am not really fond of is writing, not to mention writing stories. But like you, as I stumbled upon EBU, not only did I get hooked with the stories, they also inspired me a lot to the point that my view about writing, turned upside down. Same with you, I’m also thankful for the admins of this site and the authors who relentlessly contribute/share their stories to us and of course, the readers who never fail to show their support and appreciation to each contributors.😀

  2. Thank you..my grandparents were just like the way your grandparents were too.Will always cherish their memories and All Saints and All Souls Day are quite approaching…Lets give these days “special”for them…Amen..♥♥♥

    • I agree with you hannah. Let’s continue to cherish the happy memories they’ve left us with. They may no longer be with us physically, but they’ll always remain in our hearts.😀

  3. Pingback: The Art of Letting Go – part 36 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s