Reservation for Three – Finale

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to missserenity. This is a continuation to Reservation for Three – Part 11.


A/N: Bago ako bumalik sa real world for the more toxic second sem, I just need to finish this fanfic, of course for you guys.🙂 Super thankie to everyone who read and commented on my first ever fanfic in my writing stint. If ever I’ll have a new story again, I hope you would still be there to read my work (clingy lang masyado, missS?) Thank you, EB admins for posting my fanfic sa EBU site. So, here it is, part 12, uh, I mean the finale. Enjoy!😉

P.S. Please take note that this story takes a different path from the show’s main storyline.Similarities to other fanfics/stories and the show’s main story are purely coincidental. I give my sincerest thank you to the brilliant writers of Be Careful with My Heart and to the fan fiction writers in Excess Baggage Universe for serving as my inspiration in writing this story, Reservation for Three.

 

Author: missserenity

 

~*~

 

Previously on Reservation for Three…

Maya: E, Kute, nasaan sila Mamang at Cho?

Kute: Ayun, nasa taas. Si Mamang nagpapaganda kasi darating daw si Richard.Haha. Si Cho naman nag-aayos lang sandali sa taas. Sandali, bunso ha, napasarap ang pag-uusap nating dalawa rito e. Hi Richard, Luke, Nikki, Abby! Nay! Sino po ba tinitingnan niyo diyan?

Napalingon silang lahat kay Nanay Teresita at sa taong tinitingnan niya.

Nanay Teresita: A-a-Arturo?

Tatay Arturo: Oo, Teresita, ako nga.

On with Part 12…

Kute: Aba, nay! Ang lakas naman ng loob ng asawa niyo na magpakita ulit dito ha! Sa tinagal tagal ng panahon, naisip niyo pa talaga bumalik! Hindi niyo man lang ba naisip na maayos naman kaming nabuhay ng wala kayo? Tapos guguluhin niyo ang buhay namin matapos ang labing anim na taon? Labing anim na taon!

Tatay Arturo: Hindi ako pumunta rito para manggulo, anak.

Sakto namang bumaba na si Cho at Mamang.

Cho: Tita Ninang!

Mamang: Maya, apo! Richaaaard!

Then, Mamang and Cho saw the scene downstairs. Jeff went to get Cho. Ayaw niya munang masama si Cho sa panggagalaiti ni Cristina Rose at Mamang.

Mamang: At anong ginagawa mo rito? Matapos mong iwanan ang mag-iina mo, babalik balik ka? Kung kailan maayos na ang buhay namin?! Ano pa ba ang gusto mo? Lumayas ka na rito! Alis! Kung ayaw mo malintikan ka sa’kin!

Maya: Mamang! Kute! Kumalma kayo! Kalma lang po tayo! Kung pwede sana, ako na po ang nakikiusap sa inyo na pakinggan niyo po muna kung ano ang sasabihin ni Tatay bago niyo po siya pagsalitaan ng ganyan at palayasin dito!

Nanay Teresita: Nay, Cristina Rose, mukhang tama si Maya. Kung ayaw niyo pakinggan si Arturo, pakinggan niyo naman siya para na rin sa ikatatahimik natin, para na rin magkaroon ng kasagutan ang mga tanong na matagal nang nangangailangan ng sagot.

Richard: Hindi naman po sa nangingialam ako, Mamang, Cris, pero I agree with Maya and Nay Teresita. Sana po pakinggan niyo po muna yung side ni Ta- este Mang Arturo.

Mamang: O sige na nga, Richard. Hahayaan ko na ngang magpaliwanag yan! Pasalamat ka, Arturo kung hindi ako pinakiusapan ni Richard kanina pa talaga kita pinagtabuyan palayo rito! (A/N: Si Mamang talaga basta si SC ang nagrequest e! I miss you, Mamang!)

Maya: Kute, pumayag ka na. Please. Hayaan mo nang makapagpaliwanag ng maayos si Tatay.

Kute: Ano pa nga ba ang magagawa ko? E lahat kayo hahayaan siyang magpaliwanag.

Maya: Salamat Kute! Tara po, akyat na tayong lahat sa taas ng doon na po tayo makapag-usap-usap ng maayos.

When they finally settled themselves at the living room…

Cho: Nanay, Lola Mamang, sino po ba siya? Tsaka bakit niyo po ba siya inaaway?

Mamang: Naku, Pocholo! Yan ang balasubas na nang-iwan sa Lola Nanay mo. Mga bata pa lang ang Nanay at Tita Ninang mo, iniwanan na sila ng walang hiya nilang ama!

Cho: Siya po ang lolo ko?

Maya: Oo, Cho.

Cho approaches Tatay Arturo.

Cho: Hello po! Ako po si Cho!

Tatay Arturo: Hello, apo! Ako ang Lolo Arturo mo. Ang cute cute naman ng apo ko.

Cho: Pwede ko po ba kayo tawaging Lolo Tatay? Kasi di ba po kayo yung partner ni Lola Nanay?

Tatay Arturo: Lolo Tatay? Parang ang haba naman apo. Pwedeng Lolo na lang.

Cho: E Lolo na po ang tawag ko sa tatay ni Papa Pards. Lolo Tatay na lang po para partner po kayo ni Lola Nanay.

Tatay Arturo: Sige, apo. Kung iyan ang gusto mo.

Kute: Ah, pasingit na muna sa moment niyong maglolo pero pwede niyo na pong simulant ang pagpapaliwanag ninyo.

Maya: Kute naman e! Panira ka ng moment ni Tatay at Cho!

Tatay Arturo: Okay lang, Maya, anak. Magpapaliwanagna ako kung bakit ako nawala mga labing anim na taon na ang nakararaan.

Flashback:

San Nicolas, 16 years ago… (Take note na mahirap pa ang buhay nila Maya noong panahon na ito.)

Kakauwi lang ni Tatay Arturo mula sa kanyang trabaho.

Maya and Kute: Tay!

Maya and Kute hugged their Tatay so tight. Unknown to them, this might be the last time that they may get to hug their father for a long time.

Pagkatapos yumakap at magmano ng mga bata kay Tatay Arturo ay kumain na silang mag-anak. Ilang oras pa ang lumipas at natulog na ang mga bata sa kanilang kuwarto. Naiwan sila Teresita at Arturo sa sala.

Teresita: Arturo, may dumating na disconnection notice rito kanina. Mapuputulan na talaga tayo ng kuryente nito kapag hindi pa tayo nakapagbayad.

Arturo: Kakasuweldo ko lang noong isang linggo di ba? Anong nangyari run?

Teresita: Ilang araw na kasing pabalik balik dito si Aling Ibing. Sinisingil na tayo dun sa inutang natin para sa iba pang mga gastusin. Iyon, dahil medyo malaki laki na yung utang natin sa kanya, kakaunti na lang ang natira dun sa suweldo mo. Nakakahiya naman kay Aling Ibing kaya binayaran ko na lang. Baka mamaya hindi na tayo pautangin nun kung sakali.

Arturo: Hayaan mo at gagawan ko ng paraan, Teresita. Hahanap ako ng iba pang raket para naman kumita ako ng extra.

Teresita: Sige, Arturo. Salamat.Lagi kang mag-iingat ha.

Arturo: Oo naman, Teresita.

Kinabukasan…

Arturo: Nay Conchita, mauna na po ako.  Teresita, mahal, baka malate ako ng uwi mamaya kasi mamaya na ako maghahanap ng ibang raket na pwede ko pang pagkakitaan pagkatapos ko sa trabaho.

Teresita: Sige, mahal. Wag ka masyadong magpapagabi ah. Mag-iingat ka. I love you!

Arturo: I love you too! Bye Mahal! Bye Nay Conchita! Ikiss mo na lang si Cristina Rose at Maya para sa akin. (Tulog pa ang mga bata ng mga oras na ito.)

Pauwi na si Arturo at ang mga kasama niya sa trabaho nang bigla siyang lapitan ng isa niyang katrabaho.(A/N: Ayoko siyang pangalanan. He’s so mean. :()

Katrabaho: Arturo, narinig ko na nangangailangan ka raw ng pera ngayon. May raket ako mamaya baka gusto mong sumama.

Arturo: Tamang tama, hindi ko na kailangan pang humanap ng raket. Salamat, pare ha. Ano ba ang gagawin natin diyan sa raket na yan?

Katrabaho: Matagal na kong rumaraket sa supplier na ito. Magdedeliver lang tayo ng mga produkto sa mga customer ng supplier na ito. Ayos na ito, may dagdag kita ka, kaysa naman pagtiyagaan mo yung kakarampot na suweldo natin dito buwan buwan. Mamaya lang makakauwi ka sa pamilya mo na may uwi kang pera.

Arturo: O, sige. Sasama na ako sa raket mong yan, pare.

Mahaba at malayo ang kanilang nilakbay. Hindi na nga alam ni Arturo kung nasaan siya sa layo at liblib ng kanilang pinuntahan. Mukhang sa ibang bayan na sila nagpunta.Nang makarating na si Arturo at ang kanyang katrabaho sa bodega ng supplier na tinukoy ay pinuntahan nila ang pinaka-“boss” dito.

Katrabaho: Boss, may baguhan akong dala para sa inyo.

Boss: Ano ang pangalan nitong baguhan na ito?

Arturo: Arturo dela Rosa po, boss.

Boss: Samahan mo ‘tong si Arturo sa una niyang delivery.

Katrabaho: Opo, boss.

Boss: Bago ka magsimula, alam mo ba itong pinasok mo, Arturo? Alam mo ba kung ano ang mga dinedeliver mula rito?

Arturo: Hindi ko po alam, boss.

Boss: Para sa iyong kaalaman ay hindi basta basta ang pinasok mo. Magdedeliver kayo ng mga ipinagbabawal na gamot. Kapag matagumpay niyo itong nagawa ay malaki ang makokomisyon niyo sa akin.

Arturo: Mawalang galang na po, boss. Mas gugustuhin ko na lang po ang kakarampot na suweldo basta marangal ang aking trabaho. Hindi ako ang tipo ng taona gagawa ng mga ilegal na bagay katulad nito. Kailangan nang matigil ang mga ganitong gawain. Ipagpaumanhin ninyo at ako ay aalis na.

Katrabaho: Bumalik ka rito, Arturo, mapuputulan na kayo ng kuryente, naghihirap na kayo, mababaon na rin kayo sa utang yang dangal mo pa ang iniisip mo!

Arturo: Hindi ko magagawa yang pinapagawa ninyo sa akin! Ayokong mapunta ako sa kulungan at mawalan ng respeto sa akin ang mga anak ko!

Boss: Sige, umalis ka kasama ng dangal mo. Ngunit kapag nagtangka kang magsumbong sa pulis ay hindi lang ikaw ang malilintikan pati na rin ang pamilya mo!

And with that warning, umalis na si Arturo. Sa kadahilanang hindi niya alam ang lugar at gabing gabi na, maghahanap na lamang siya ng lugar na maaaring tuluyan sa gabing iyon. Hindi pa siya masyadong nakakalayo sa bodega nang biglang may dumating na sasakyan ng mga pulis. Sinugod ng pulis ang bodega. Tinuro ng isang concerned citizen na malapit sa lugar ang bodega. May kahina-hinala raw siyang mga nakikita kapag siya ay napapadaan doon. Hinuli ng pulis ang mga tao sa loob ng bodega. Dahil nasa likod na bahagi ng bodega ang boss at ang katrabaho ni Arturo upang maglabas pa ng supply ay nakakaripas ng takbo ang dalawa sa pintuan sa likod at nagtago panandalian hanggang sa makaalis na ang mga pulis. Lumapit si Arturo sa may bodega.

Arturo: Buti hindi ako sumama sa kanila kung hindi makukulong din ako at hindi ako mapapatawad ng pamilya ko pag nangyari yun. Mabuti na lang at tama ang ginawa ko.

Narinig ng dalawa si Arturo ngunit ang narinig lang nila ay ang mga salitang “Mabuti na lang at tama ang ginawa ko.” Lumabas sila at nagpakita kay Arturo.

Boss: Sinasabi ko na pare e, yang walang hiyang kaibigan mong marangal ang nagsumbong sa mga pulis.

Katrabaho: Arturo naman! Binalaan ka nanaming kanina tinuloy mo pa rin! Ngayon, harapin mo yang kapalit ng dangal at konsensiya mo!

Arturo: Hindi ako ang nagsumbong sa mga pulis, pare.

Boss: Huwag mo kong niloloko, Arturo! Ikaw lang naman ang nakakaalam ng kung anong nandito!

Dahil mukhang hindi naman maniniwala sa paliwanag niya ang dalawang lalaki ay kumaripas na lamang  ng takbo si Arturo at nagpakalayo-layo. Hinabol siya ng dalawang lalaki. Nang hindi na siya kayang habulin pa ng mga lalaki ay sumigaw ang mga ito.

Katrabaho: Hindi pa tayo tapos, Arturo! Humanda ka sa’kin pagbalik mo sa San Nicolas! Hindi lang ikaw ang malilintikan sa’min ni boss!

Nang makitang wala ng naghahabol sa kanya ay huminto panandalian si Arturo. Dahil sa banta sa kanyang buhay at sa buhay na rin ng kanyang pamilya ay nagpakalayo layo na lamang siya. Nilakad niya ang malayong parte ng bayan kung nasaan siya at nakahanap siya ng trabaho sa isang taniman. Ilang taon din siyang nanatili roon at naging mapayapa naman ang buhay niya. Ngunit sa bawat araw na lumipas ay hindi pa rin niya makalimutan ang kanyang pamilya. Nagtangka siyang bumalik ngunit napangunahan siya ng kanyang takot. Hindi pa rin niya maialis na kapag bumalik siya ay maaaring manganib pa rin ang buhay ng kanyang pamilya. Isang araw nitong taon lamang na ito ay kinausap siya ng kanyang pinakamalapit na kaibigan sa taniman na si Julio. Nalaman ni Julio ang kuwento ng buhay ni Arturo. Malapit ng umalis papuntang Maynila si Julio at dinamihan niya ang kanyang ipon upang makasama niya si Arturo paluwas ng Maynila.

Arturo: Julio, ikaw na lang. Ano naman ang gagawin ko sa Maynila?

Julio: Isipin mo, Arturo. Mas maraming trabaho sa Maynila at mas malaki ang kikitain mo dun. Kapag nakapagipon-ipon ka na, balikan mo ang pamilya mo sa San Nicolas at dalin mo sila dun sa Maynila. Panigurado hindi ka na hahuntingin ng mga illegal drug dealer na yun sa Maynila. Kaysa naman nandito ka at kakarampot ng kinikita mo tapos wala ka pang tsansang makabalik sa pamilya mo dahil diyan sa takot mo. Tsaka wala ka nang dapat ipag-alala. Sagot ko naman ang pamasahe mo, pare. Tutulungan pa kita humanap ng trabaho pati ng matutuluyan pag nakarating na tayo dun.

Arturo: Payag ako, Julio basta gusto ko may parte ako dun sa babayaran. Nakakahiya naman sa’yo pag ikaw ang sumagot ng lahat ng gastusin.

Julio: Sige, pare. Deal!

At nakarating nga si Arturo at Julio sa Maynila. And the rest is history noong naaksidente ang anak ni Mang Lem at tinulungan niya ito.

Going back to the present time in San Nicolas…

Arturo: At noong nagkita kami ni Richard at nalaman kong siya ang boyfriend ni Maya, hindi ko na pinakawalan ang pagkakataon. Unti-unting natalo ng pagmamahal ko para sa inyo yung takot kong yun. At kung dumating man ang mga taong nagtatangka sa buhay natin, hindi na ako natatakot ibuwis ang buhay ko para sa inyo.

Mamang: Sana sinabi mo man lang sa’min! Hindi yung sinarili mo yung problema mo at basta basta mo na lang iniwanan ang mag-iina mo!

Cho: Si Lola Mamang, hindi nakikinig. Paano masasabi ni Lolo Tatay e hindi na nga niya nakuhang bumalik e.

Mamang: Ay, oo nga. Pasensiya na.

Kute: Naintindihan na po kita Tay. Pero sana maging leksiyon na para sa ating lahat na huwag na huwag tayong padadaig sa takot. Sayang lang po kasi yung mga taon na dapat magkakasama tayo. Kapit-bisig nga di ba?

Tatay Arturo: Oo, inaamin kong nagkamali ako sa desisyon kong yun pero sana maintindihan ninyo na ayaw ko kayong idamay sa gulong pinasok ko. Gusto ko lumaki kayong mga anak ko nang normal. Yung wala kayong kaba at takot na nararamdaman. Masakit sa loob ko na iwanan kayo pero kailangan kong tiisin para lang mailayo ang pamilya ko sa panganib. Sa tingin ko ngayon na ang tamang panahon para mabuo ulit tayong pamilya, ngayong maayos at masaya na ang lahat.

Maya: Tama, tay! Oh, Nay! Bakit po kayo umiiyak?

Nanay Teresita: Mahal, hihingi rin ako ng tawad sa’yo kasi pinag-isipan kita ng masama, na tinakasan mo lang yung problema natin noon o kaya naman nambabae ka, naisip ko yun at patawarin mo ako. Ngayong narito ka na, sang-ayon ako, gusto ko ring mabuo na ulit ang pamilya natin. Labing anim na taon , Arturo pero sa labing anim na taon  na yun, hindi ako tumigl sa pagmamahal sa’yo. Ilang taon akong umasa na balang araw babalik ka. Pero sa tagal ng panahon, tinanggap ko na lang at hindi na ako umasa.

Tatay Arturo: Mahal, hindi mo kailangang humingi ng tawad. Ako lang ang may kasalanan dito. Sorry sa lahat at salamat kasi kahit wala ako, napalaki mo ng tama at maayos si Cristina Rose at si Maya. Salamat din po, Nay Conchita, sa pagtulong at pag-alalay kay Teresita sa pagpapalaki sa mga anak namin. Mahal, ako ba ay mapapatawad mo pa at matatanggap ng buong-buo?

Nanay Teresita: Oo, Mahal. Matagal man akong nagkaroon ng sama ng loob at pagdududa sa’yo, noong nalaman ko ang tunay na dahilan at mali ang akala ko, siyempre, mahal. Mapapatawad kita.

Tatay Arturo: Cristina Rose, Nay Conchita?

Kute: Kung ang Diyos nga nagagawang magpatawad, ako pa kayang tao lang? Tsaka siyempre, para na rin sa kaligayahan ni Nanay deserve naman niya na magkaroon ng katuwang sa buhay, may sari-sariling buhay na kami ni Maya at medyo nababawasan na yung oras naming para kay Nanay, iba pa rin kapag nandiyan po kayo. Pinapatawad ko na po kayo, Tay.

Mamang: Kung napatawad ka na nilang lahat, sino ba naman ako para magtanim pa ng galit at sama ng loob? Basta ipangako mo sa akin na hindi mo na ulit iiwanan ang mag-iina mo kung hindi lagot ka talaga sa’kin.

Tatay Arturo: Pangako po yan, ‘nay.

Maya: Yehey! Okay na lahat! Group hug!

And the dela Rosas and the Lims share one big group hug. The whole family is now complete.

After the long talk, they arranged their things in their respective rooms and rested for a while. They ate lunch together. As they were about to leave the table, Richard announced something.

Richard: Please excuse us, everyone. If I may do so, Nay, Tay, Mamang, gusto ko lang po sanang idate si Maya mamayang hapon.

Tatay Arturo: Sige, Richard. Kami nang bahala sa mga bata.

Mamang: Maya, apo, mag-ayos ka na at kami na ng Nanay mo ang bahala diyan.

Nanay Teresita: Oo nga anak, tama si Nanay. Mag-ayos ka na dun.

Maya: Sigurado po kayo diyan ah, sige po.

Nang makalayo na si Maya at nasa loob na siya ng kwarto…

Richard: Kids, Tay Arturo, kayo na po ang bahalang magpaliwanag sa kanila ng plano kong party ha?

Nanay Teresita: Anong party yun, Richard?

Richard: Sila na po ang bahalang magpaliwanag sa inyo.

Nikki: Don’t worry, Lola Nanay Teresita. We’ll all talk about it later. Dad, make sure to text me na lang pag pauwi na kayo para you know.

Richard: Okay, Niks. Will do. Sige po, abangan ko na po si Maya sa labas ng kuwarto.

Matapos mag-ayos ay lumabas na si Maya.

Richard: Let’s go?

Maya: Hmm. Sige. Magpapaalam lang ako kila Nanay.

Maya: Nay, Tay, Mamang, Kute, alis na po kami ni Ser Chief!

Nanay Teresita: Sige ‘nak! Mag-iingat kayong dalawa!

Maya: Sige po, bye!

Richard and Maya had a fun day roaming around San Nicolas. They visited churches, the plaza and the most romantic place of Nanay Teresita and Tatay Arturo. Meanwhile, when Maya and Richard left the house, the Lims explained the planned proposal of Richard to the dela Rosas.

Nikki: First of all, everyone, you might have noticed na dad said something about a “party”. Party ang tawag natin sa planned proposal ni dad para hindi mahalata ni Ate Maya. If Ate Maya asks you anything about what we’re doing for the proposal, just tell her na we will organize a party for Tatay Arturo’s return. If there are any questions, just ask me after I tell you all about the plan, okay?

They all agreed and they listened attentively to what Nikki is telling them.

Nikki: So, that’s the plan? Are there any questions? Make sure you all took note of your participations ha.

Nanay Teresita: Okay, Nikki. E yung mga kailangang gamit para sa “party” e meron na ba?

Nikki: Yes, Lola Nanay. We brought everything na. We’ve already prepared for this po sa Manila pa lang.

Nanay Teresita: Mabuti naman kung ganon.

Kute: Sandali, Nikki ha? Hindi ba pwedeng ako na lang ang maggitara?

Jeff: Pards naman! Ako na lang! Basta ikaw ang kakanta tapos kaduet mo ko.

Nikki: Ate Cris, Kuya Jeff is right. Tsaka it’s for Ate Maya naman e. Pretty please.

Kute: Sige na nga. Kung hindi lang talaga para kay bunso ito.

Nikki: Yay! So, everything’s settled. We just need to do last minute finishing touches and then we’re ready. Remember guys, this will be tomorrow na so we have the whole day to prepare. Mamayang gabi pa raw uuwi si dad and Ate Maya. Looks like nagenjoy sila sa time nila together. Oh my gee! I’m so excited! This is gonna be a super bonggang pasabog!

They prepared everything and it is all set para sa proposal night.

A few hours before the proposal night,

Nikki: Ate Maya, we’ll all go ahead na po ah. We have to prepare everything pa kasi for Tatay Arturo’s party. I’ll text you na lang po kung pwede nang ihatid si Lola Nanay and Tatay Arturo dun sa Most Romantic Place nila. Basta ikaw na po ang bahala sa kanilang dalawa, Ate Maya ha?

Maya: Walang problema, Nikki! Ako ang bahala kila Nanay at Tatay!

Nikki: Thankie Ate Maya! We’ll go ahead na, Ate Maya ha.

Maya: Sige, ingat kayo!

After that, Maya checked how Nanay Teresita is doing…

Maya: Tapos na bang magpaganda ang mahal kong Nanay?

Nanay Teresita: Hindi pa ako tapos, ‘nak e. Kailangan ba talagang mag-ayos pa ako?

Maya: Natural, ‘nay! Party po ni Tatay yun e! Kailangan kayo po ang pinakamaganda! Tingnan niyo nga po pati ako pinag-ayos nila.Lalo pong dapat kayong mag-ayos. Tulungan na kita, Nay.

Nanay Teresita: Mabuti pa nga, ‘nak.

About an hour later, Nikki texted Maya that they can go to the romantic place and that everything is set.

Maya: Nay, Tay, halika na po! Alis na po tayo.

Tatay Arturo/Nanay Teresita: Sige, anak! Susunod na ako.

Maya noticed that there were lanterns hung on the branches to give light to the party. There is also a table for two with candlelight and sunflowers serving as the centerpiece of the table. It was near the tree where Nanay Teresita and Tatay Arturo’s name was carved. Everyone was wearing semi-formal clothes for this event.

Maya in her thoughts: Parang hindi naman party ‘to, date ata ‘to e. Sabagay, mas maganda nga pag nagdate sila Nanay at Tatay dito sa most romantic place nila.

Nang nakalapit na sila sa may puno, lumabas si Nikki sa may likod ng puno kung saan nagtatago ang iba at siya ay nagsalita.

Nikki: Well, we all know that tonight is a very special night for all of us. And to kick off this special night, here’s Ate Cris and Kuya Jeff to start the song we prepared for you.

Jeff: Ready, Pards? 1,2,3.

Kung tayo ay matanda na

Sana’y di tayo magbago

Kailan man, nasaan ma’y

Ito ang pangarap ko…

Makuha mo pa kayang

Ako’y hagkan at yakapin, hmm

Hanggang pagtanda natin

Nagtatanong lang sa ‘yo

Ako pa kaya’y ibigin mo

Kahit maputi na ang buhok ko…

Pagdating ng araw

Ang ‘yong buhok ay puputi na rin

Sabay tayong mangangarap

Nang nakaraan sa ‘tin…

Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm

Ipapaalala ko sa ‘yo ang aking pangako

Na ang pag-ibig ko’y laging sa ‘yo

Kahit maputi na ang buhok ko…

Maya in her thoughts: Aww. Ang sweet naman nila.Tapos ginagawa pa nila ‘to para kina Nanay at Tatay. Sana nakapaghanda rin kami ni Ser Chief ng ganyan. Sayang naman.

Nikki: We have another song number and we’ll ask Lola Nanay Teresita and Tatay Arturo to help us start with this one. Kuya Jeff, Lola Nanay, Tatay Arturo? Let’s start na?

Tatay Arturo: She walks in and I’m suddenly a hero

I’m taken in my hopes begin to rise

Nanay Teresita: Look at me can’t you tell I’d be so

Thrilled to see the message in your eyes

Tatay Arturo: You make it seem I’m so close to my dream

And then suddenly it’s all there

Richard walks in from behind the tree. He took Maya’s hands and look intently and lovingly at her eyes as he sings the rest of the song.

Suddenly the wheels are in motion

And I, I’m ready to sail any ocean

Suddenly I don’t need the answers

Cos I, I’m ready to take all my chances with you

How can I feel you’re all that matters

I’d rely on anything you say

I’ll take care that no illusions shatter

If you dare to say what you should say

You make it seem I’m so close to my dream

And then suddenly it’s all there

Suddenly the wheels are in motion

And I, I’m ready to sail any ocean

Suddenly I don’t need the answers

Cos I, I’m ready to take all my chances with you

Why do I feel so alive when you’re near

There’s no way any hurt can get thru

Longing to spend every moment of the day with you

Suddenly the wheels are in motion

And I, I’m ready to sail any ocean

Suddenly I don’t need the answers

Cos I, I’m ready to take all my chances with you

(Credits are properly given to the owners of the content posted here such as the videos and the lyrics.)

Nagtataka si Maya kung bakit siya kinakantahan ni Richard. Hindi man niya alam ang dahilan ay inenjoy na lang niya.

Nang matapos ang kanta ay pinatingala ni Richard si Maya para makita nito ang langit.

Richard: Fire it up guys! Maya, just look at the sky; wag mong iaalis ang tingin mo ha.

Nagulat si Maya sa nakita. There were fireworks in the sky. Not just ordinary fireworks, but it forms a message with it. The message revealed by the fireworks is: Will you marry me Maya?

At mula sa di kalayuan ay may nakitang maliit na parachute si Maya na nahulog mula sa taas ng puno. Sinalo ni Richard ang parachute and the small box that came with it. After that, Richard kneeled in front of Maya and opened the small blue velvet box that came with the fallen parachute. Inside the box was a size 6 round cut diamond ring. Just how Maya is, the ring is simple but elegant.

Richard: Maya, I love you so much! And like what the songs said, I want to take all of my chances with you and be with you kahit maputi na ang buhok ko. Will you marry me?

Maya stared at Richard for a few seconds before saying…

Maya: Yes, Ser Chief, Yes!

They hugged each other so tight and shared a passionate kiss on the lips.

All this time, she thought it was going to be a Nanay Teresita-Tatay Arturo moment. But no, she was dumbfounded. She did not know that this preparation was all for her. This man in front of her is the man that she loves. And this man never fails to surprise her everytime. She can’t wait to spend the rest of her life with him. And with that, their journey to happy ever after begins…

Author’s note: This is an incredibly long chapter, sana nakabawi ako from last time. Thank you once again to everyone who read my first fanfic. Sorry for all of the inconsistencies and errors, if there are any. This is the end of Reservation for Three. I hopia like it! Once again, thanks everyone and till next time! Kapit-bisig!😉

4 thoughts on “Reservation for Three – Finale

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s