When I was your Man – part 1

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to KD.


A/N: Hi guys, may mga naisulat na akong stories dito but unfortunately hindi ko natatapos pero baka sa story na ito matapos dahil hindi naman siya ganun kahaba. Thanks po! God speed -KD

 

Author: KD

 

~*~

 

“Ricky natatakot ako, parang hindi pa ako handa”

“Handa saan?”

Huminga ng malalim si Maya

“Na maging asawa mo.”

Napaatras sa pagupo si Richard ng marinig niya ang sinabi ni Maya, napatulala na lamang ito.

“Ricky..”

“You really think I’m gonna do that to you?” He asked. Mahahalata sa boses ni Richard ang kaba at takot na biglang umatras si Maya sa kasal nila.

“Baka kasi matulad tayo kina tatay. Baka iwan mo din ako” Nangingilid ang luha ni Maya ng sabihin niya ang mga ito. Hinawakan ni Richard ang kamay niya.

“Dahil lang ba talaga kina Nanay at Mang Arthuro?” Tanong ni Richard, hindi nakasagot si Maya dahil alam naman ni Richard na hindi lang iyon ang kinakatakot nito.

“Maya, iniwan na rin ako at masakit, hindi ko naman gusto maranasan iyon uli, at hinding hindi ko gustong iparanas iyon sayo, dahil sobra kitang mahal Maya. Kung natatakot ka, natatakot din ako pero hinaharap ko yung takot dahil alam kong ikaw ang makakasama ko.” Sabi ni Richard, habang pinupunasan ang mga luha ni Maya na hindi na niya napigil pa.

“I’m sorry Ricky, sorry kung naisip ko nga na iiwan mo din ako, katulad ni..” Hindi na natapos ni Maya ang sinasabi dahil hinalikan siya ni Richard.

Ako sana ang wag mong iiwan Maya, dahil baka hindi ko na makayanan” Niyakap ni Maya si Richard ng matagal. “Hindi, hinding hindi kita iiwan Ricky, dahil mahal na mahal kita”.

 

{after 2 years}

“Pre ang ganda pala ng mga singsing na ito o” Sabi ni Daryll. Walang kagana gana si James na makinig sa sinasabi ni Daryll, dahil unang una parang allergic siya sa jewelry store lalo na pag nakakakita ng wedding rings.

“Pre 3 taon na nakalipas mula nung drama mo, hindi ka pa rin nakakamove on?” Biro ni Daryll kay James.

“Tumingin ka na nga lang diyan” Sabi ni James ng may napansin siyang singsing sa may gilid. “Will you marry me?,” “ Oo James, oo!”. JAMES ano ba! Tama na, matagal na iyon.

“Wow, miss magkano ito?” Teka parang kilala ko ang boses na iyon. Lumingon si James at nakita si Maya.

“Maya?” Lumingon si Maya at nagulat ito ng sinalubong siya ng isang ngiti.

“James? Wow. Long time no see” Lumapit si Maya at binigyan siya ng isang yakap.

“Daryll, ikaw na ba yan?” Binigyan din ni Maya ng yakap si Daryll.

“Grabe, Ikaw na ba yan Maya? Gumaganda ah” Tulala lang si James ng makita si Maya.

“Salamat, ikaw.. teka anong ginagawa niyo dito, sino magpapakasal?” Tanong ni Maya at biglang nagtaas ng kamay si Daryll.

“ Seryoso ka, ikakasal ka?” Asar ni Maya, ng biglang napansin ni Daryll na hindi umiimik si James

“Oo nga e pero ang nakakagulat ay naunahan ko pa si James, e mas gwapo sa akin ito e, diba James” Napailing si Maya pero hindi naman niya ito pinahalata.

“Loko ka Ryll, kamusta ka naman Maya?” binago ni James ang topic dahil alam naman niya na hindi na dapat ito pagusapan. Bakit kasi sa dinami dami ng lugar dito ko pa sila makikita.

Okay naman ako, FA na rin mga 3 years na rin pala” Sabi ni Maya.

“How about personal life, are you seeing someone?” Tanong ni James, sasagutin na ni Maya si James ng biglang pumasok si Richard sa store at inakbayan si Maya.

“Maya, ano nakapili ka na ng gift para kay Mama?” Sabi ni Richard. At nakangiti din ito.

“Yes Hon, pina engraved ko lang yung name ni Mama sa bracelet, nga pala Hon. Sila ang mga highschool and college friends ko, actually tropa talaga. Si Daryll ..” Kinamayan ni Richard si Daryll, bago pa man sabihin ni Maya ang pangalan ni James, kusa na itong nagpakilala.

“James”

“Nice to meet you” Sabi ni Richard.

“Daryll, James. Si Richard” Sabi ni Maya. Ng tinawag siya ng saleslady. “Miss ito na po yung bracelet”

“Ako na Maya, sige lang.” Richard excused himself para pirmahan ang resibo.

“Husband ko” ng sinabi ni Maya ito, nagulat si James.

“You are married Maya? Naunahan mo pa ako?” Sabi ni Daryll just to cut the silence dahil alam naman niya na iyon ang magiging reaksyon ni Maya.

“Yes, 2 years ago na”

“Ok na Maya.” Sabi ni Richard.

“Cge na guys alis na kami ah, nice to see you again. Let’s catch up some time ha” Sabi ni Maya.

“Invited ka sa kasal ko ha, bigyan mo naman kami ng new number mo” sabi ni Daryll. Binuksan ni Maya ang bag niya at inabot ang kanyang calling card.

“Cge bye!” Sabi ni Maya at Richard.

“Sir ito na po ba nag bibilihin niyo?” tanong ng saleslady

“ah oo.”

“Alam mo dude, kung ako sayo magmomove on na ako kasi unang una.”

“Unang una ano?” Sabi ni James na alam naman niya kung ano ang gustong sabihin ni Daryll.

“Ikaw yung sumuko, tara na nga my flight ka pa bukas diba?” Sabi ni Daryll. Isang piloto si James at hindi lang basta piloto, sikat na sikat na piloto ito sa United States.

 

{sa loob ng kotse}

“Hon, patugtog naman tayo, ang tahimik e” sabi ni Maya , pumayag naman si Richard, at pagkabukas na pagkabukas ng radio: I just can’t believe that you are mine now, You were just a dream that I once knew I never thought I would be right for you I just can’t compare you with Anything in this world You’re all I need to be with forevermore.

“Oh bakit mo inoff?” Tanong ni Richard “Ang ganda ng song ah”

“Wala, parang mas okay pag tahimik pala” Sabi ni Maya habang nakaiwas tingin kay Richard.

“You know what Hon, alam ko may problema ka, you can tell me everything you know” Richard said and hold Maya’s hand.

“Sure, I love you” She kisses Richard’s cheek.

 

 

 

 

 

{5 years earlier}

Flashback of the memories (papaikliin ko lang po ito)

“Happy Anniversary!” Maya said. “Nalimutan mo noh?” Instead of being mad, hindi niya iyon pinakita, she still makes the night worth it.

“Babe, Dinner tayo, pwede ka ba?” Tanong ni Maya

“Sorry ha, may Seminar kaming mga pilots e, sorry talaga, babawi ako”

“Ah okay sige, I love you” Binaba ni James ang phone ng hindi man lang naririnig ang I love you ni Maya sa kanya, pero pinagpasensyahan ito ni Maya.

“Babe! Pasok ako sa mga top pilots sa school!” Sabi ni James through phone

“Talaga? Celebrate natin!” Sabi ni Maya na proud na proud sa boyfriend niya.

“Sige next time ha”

“I love you” Pero hindi parin umaabot ang I love you ni Maya sa phone.

“Babe, pwede mo ba ako sunduin dito sa Time Airways, ang lakas kasi ng ulan e” Sinend ni Maya ang text kay James pero hindi ito nagrereply.

“Tara na Maya, hatid ka na namin” Sabi nila Eds. “Hindi susunduin ako ni James” Sabi ni Maya

“Nako, narinig ko na yan, sigurado ka ah” Sabi ni Eds. “Oo sure na sure, ingat kayo ha” Sabi ni Maya.

Pero mas lumakas pa ang ulan at wala pa ring reply si James, sinubukan niya itong tawagan pero cannot be reach. Anong nangyayari sa amin ni James? Hindi naman kami ganito noon eh, ganoon ba talaga pag naabot na ang pangarap, nalilimutan na ang girlfriend?

Lumakad si Maya sa gitna ng ulan, habang umiiyak ng may bumusina sa kanya.

“Maya?”

“Richard”

“Sumakay ka nga, magkakasakit ka niyan” sumakay si Maya sa kotse ni Richard at binilihan siya nito ng kape.

“Uminom ka muna ng kape, ito jacket oh, nilalamig ka na.” Sabi ni Richard sa kanya. “Bakit naman naglakad ka, pwede ka naman magtaxi at bakit late ka na umuwi, kanina pa sarado ang time airways diba?” Tulala lang si Maya at hindi narinig ang sinabi ni Richard. Hinatid siya nito sa condo .

“Roomie! Anong nangyari sayo?” Sabi ni Emman.

“Emman, hindi na ako mahal ni James, mas mahal niya ang trabaho niya”

“Roomie bat mo naman nasabi iyan?”

“mag tatatlong buwan na kaming hindi nagkikita at parang hindi na ako kasama sa plano niya” Maluha luhang sabi ni Maya. “Sabi ni Richard baka naman daw iniisip ko lang, pero bakit parang totoo?”

“Richard? Sino yun. Baka nga tama siya roomie, baka iniisip mo lang, wag kang bumitiw. Pagsubok lang iyan.”

“Pero Emman, isang taon na nga kami pero hndi ko nman naramdaman na kasama ko siya. Masaya lang kami for the first 5 months, after nun wala na.”

“Sumusuko ka na ba roomie?” Tanong ni Emman na napaiyak si Maya dahil alam ni Maya na hindi niya kayang bumitaw.dahil una mahal na mahal niya si James.

 

{Back to the present day}

“Good morning Mahal na Hari! Breakfast tayo dali!” Sabi ni Maya habang ginigising si Richard.

“Ha? 5 am pa lang Maya, diba 7 pa ang flight mo, nagugutom ka na ba, saglit lang, inaantok pa ako e” Sabi ni Richard na parang bata pero ibang klase talaga ang bed room voice nito.

“Ano bang breakfast ang gusto ng mahal na hari, ako maghahanda?” Sabi ni Maya na medyo nagising si Richard.

“Kahit ano? Talaga?” Napaupo ito sa kama.

“Kahit ano.” Sabi ni Maya na kinasaya ni Richard, hinatak nito si Maya at natumba sa ibabaw niya.

“Ikaw gusto ko” Nakiliti si Maya at tawa ng tawa.

“Ricky! Nakikiliti ako, haha tama na!”

“Sige na pagbigyan mo na ako” Sabi ni Richard na parang tuta na nagpapacute kay Maya.

“Okay Mahal na hari, tara breakfast na tayo” Sabi ni Maya.

 

“Goodmorning mga anak” bati ni Maya

“Goodmorning Ma” Sabi ni Nikki, Luke at Abby

“Nasan po si Dad?” Tanong ni Nikki

“Napuyat ata si Dad , diba Ma?” Asar ni Luke na napatawa si Abby

“Ikaw talaga Luke, kumain na nga kayo” Masayang sabi ni Maya

“Goodmorning kids, Goodmorning Hon” sabay kiss sa cheeks ni Maya.

“Goodmorning Dad”

“Goodmorning mahal na hari, ito na ang kape mo” sabi ni Maya habang inaasikaso ang kanyang mag aama

“Umupo ka na, kain na tayo” sabi ni Richard, sobrang sweet naman ng dalawang ito.

“Sweet naman! Tara na guise malalate na tayo” Sabi ni Luke

“Oo nga, Abby wag kakalimutan kainin yung baon mo ha, baka magutom ka” Paalala ni Maya.

“Cge Ma, Dad mauuna na po kami, bye!” Paalam ng mga bata.

“Hon, magpapasundo na lang ako sa service, baka malate ka sa meeting mo?” Tanong ni Maya kay Richard na tila sarap na sarap sa almusal na hinanda ni Maya.

“Nope, ihahatid kita, kaya pa ng oras , don’t worry” Sabi ni Richard with his matching side smile.

“Masarap ba?” Tanong ni Maya.

“Ang alin ba, yung kanina o itong pagkain?” May pagkapilyong tanong ni Richard, namula si Maya sa sinabi ni Richard sa kanya.

“Hon naman e.. kaw talaga” namumulang sabi ni Maya at pilit tinatakpan ng kamay ang kanyang pisngi.

“Biro lang, ang cute cute mo Hon, masarap itong luto mo.” Sabi ni Richard at hinalikan ang kamay ni Maya.

Sa Airport

“Hon, baka malate ako ng uwi ha” Sabi ni Maya habang inaayos ang gamit niya.

“Sige sunduin na lang kita, ingat ka sa flight mo” Sabi ni Richard.

“Okay Sige, ikaw din”. Sagot ni Maya. “I love you” sabay pa silang dalawa.

He kisses Maya and She returned the kiss to him. They parted ways very sweetly. Hanggang airport dala dala ni Maya ang ngiti na binigay ni Richard.

 

“Ang tagal kong hindi nakita iyang ngiti na iyan sayo”

“James?” nagulat si Maya dahil nakita niya si James sa airport

“Gulat na gulat ka ata, nalilimutan mo ata na piloto ako, natural na makikita mo ako sa airport” Sabi ni James

“Hindi, alam ko kasi hindi ka na dito nag pipiloto.”

“Oo nga eh, may gusto kasi akong ..” Inaantay ni Maya ang sasabihin ni James. “nevermind”.

“So anong flight mo?” James asked. Napatingin si Maya sa phone niya dahil nakipagpalit si Eds ng flight sa kanya. “ Ah, Sa Manila to Cebu” Sabi ni Maya.

“Wow, same flight. Tara na baka mainip ang pasahero natin” sabi ni James.

What? Magkaflight kami. No, No, No! . sa isip ni Maya.

4 thoughts on “When I was your Man – part 1

  1. Pingback: When I was your Man – part 2 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s