Diary ni Ser Chief – part 9

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Allysa Grace. This is a continuation to Diary ni Ser Chief – parts 7 & 8.


A/N:Hello po!🙂 Eto na po si Chapter 9…Medyo mahaba-haba na po yan!😀

 

Author: Allysa Grace

 

~*~

 

 

Chapter 9: “Yes she is.”

It’s November 02,All souls day. We visit my wife Alex.

“Dad! Come on? Let’s go?” sabi ni Nikki.

Okay,Papunta na ako jan. sabi ko

‘Nauna ang mga anak ko sa akin,Habang ako nasa kwarto inaalala ko yung mga araw na buhay pa si Alex…

“Kung sumama lang ako sa kanila papunta kay Maya,Siguro nagkaroon pa ako ng time na makapag bonding sa kanya. Pero wala eh,Mukhang hindi na talaga. Hindi ko naipadama sa kanya yung pagmamahal ko. Nagsisisi ako dahil ako mali ako,hindi ko alam kung bakit ako ganito puro trabaho lang nasa isip buti na lang at nagkapamilya ako nagkaroon ako ng mga anak sina Luke at Nikki…Alex,kung nasaan ka man. Mahal na Mahal ka namin lalo na ako.”

Daaaaaaaaaaaaaad! Let’s go na. sigaw ng mga anak ko

‘Bumaba na ako at pumunta sa kinaroroonan nila.

“Hijo,Sabihin muna kay Alex ang dapat mong sabihin.”
sabi ni Manang Fe sabay hawak sa aking balikat

“Oho,Manang Fe sasabihin ko sa kanya na mukhang magbabago na ang pamilyang ito.” sabi ko

Naku! Ser,Ingat kayo baka bumangon sa kilig si Maam Alex. sabi ni Doris

Huuyy! Doris,Ser pagpasensyahan niya na po ah. Pero Ser baka nga bumangon tumalon pa sa tuwa. sabi ni Sabel

“Ser,Wag niya nga itong pansinin ang mga ito di pa kasi kumain.” sabi ni Joma

“Hahahaha,Sige aalis na kami ng mga bata.” sabi ko

Ingat,Ricardo. sabi ni Manang Fe

“Himala si Ser,di nagalit tumawa pa.” sabi ni Sabel

Haveyyy! Ang joke natin. sabi ni Doris

“It’s Maya Dela Rosa Ventura Fever.” sabi ni Joma

Maya Dela Rosa Lim Fever kamo! At tsaka di pa natuloy kasal nila! sabi nila Doris at Sabel

So,Ganon? Kailangan sabay? sabi ni Joma

“Tama na nga yan,Mamaya kayo pa ang multuhin jan ni Alex.”

Nanjan na din sa Capt. James! Lagot kayo!!!

‘sabay alis ni Manang Fe sumunod si Joma,At silang dalawa na iwan ng biglang lumamig.

“Daaaaaay! takbo na!” sigaw ni Doris

“Ahhhhhhh!” sabi ni Sabel

(Oh ayan! Ate Sabel At Ate Doris! Nakakatakot po ba? Hahahaha.)

Sa kotse,

“Hmm,Dad…Can I ask you a question?” sabi ni Nikki

What is it? Baby Girl? sabi ko

“Dad,What if you fall in-love again in other woman?” sabi ni Nikki

‘Nagulat ako sa tanong niya,Kaya bigla akong prumeno na wala sa oras.

“Niks! Ahm,Dad. Gusto mo ako na lang po mag drive?”
sabi ni Luke

No,Son okay lang..Yung tanong mo baby girl,What if your dad has a girlfriend na? Gusto niyo ba?

“Yessssss!” sabi nila Nikki at Luke

We’re here na,Visit your Mom na. I will wait here. sabi ko

‘Habang inaantay ko sila nakita ko ang pamilyar na kotse,Tama nga ako at kay Maya yun nagulat ako kasama niya si Abby…Pinuntahan ko silang dalawa..

Sa puntod ni Alex,

“Mom,Did you know that Dad is nagbibinata nanaman,For how many years……Mom,Dad is okay na.. He Move on he make us happy…And we have a good news mom..Tita Maya and Dad met na and there is a something going on between them..Mom,I miss you! -sob- You know Mom,I’m happy because kahit wala ka na you make a plan for us to be happy.” Sabi ni Nikki na umiiyak na

“Niks! Ang drama mo naman.” sabi ni Luke

Sa puntod ni James, Nandoon ako at narinig ko si Abby nagsalita kaya nakinig ako.

“Hello! Daddy,I miss you..I love you po daddy…Sana po masaya ka po jan together with Papa God e-hug niyo po ako sa kanya ah..Daddy,Mommy has a boyfriend na!

*Nagulat si Maya at si Richard..

Baby! Anong boyfriend? ka jan…sabi ni Maya

Shhhhh! Mommy! sabi ni Abby

Ahh,Oh sorry baby.. sabi ni Maya

Yes,Daddy..Mommy has a boyfriend na..Tito Kristian

*Nagulat si Richard si Maya naman nakatingin lang kay Abby

Not Tito Kristian Daddy.. The Man that I met in my school he is so handsome! Pero daddy ikaw pa rin po ang pinaka handsome aa lahat ng daddy..Tie na lang po kayo para di niyo po siya multuhin

“Nakahinga ng maluwag si Richard at napangiti sa mga sinabi ni Abby..

Daddy,his name is Tito Richard Lim..The owner of Lim Aviation…Nagkita na po sila ni Mommy..

*Nagulat si Maya dahil hindi niya akalain nakilala niya si Richard at alam na nagkita sila…

“Daddy,Thank you po ah..Kasi I feel na I will having a chinese dad.” bulong niya…

‘Umalis si Abby,Lumabas muna siya kaya ako takbo agad ako..At Nakita ko si Luke naman ang nagsasalita…

“Mom,You’re right…We will have a mother that will care and love for us. Thanks mom for updating me..I miss you mom,Lalo na po yung mga bonding moments na buhay pa po kayo..Sana po kung nasan po kayo enjoy lang po kayo and have fun at kami naman po together with Tita Maya will be happy…Magiging masaya na po kami Mom…Yung sobrang masaya sa masaya.. I Love You Mom.” sabi ni Luke

Kuya!!! Ikaw nga jan ang mas madrama jan eh! sabi ni Nikki.

“At least hindi iyakin,Like YOU!!!! Nikki Grace Lim The Crying Lady hahahahaha.” sabi ni Luke

Nikki! Luke! It’s my turn naman. sabi ko

“Okay,Dad!” sabi nila

*Habang inaantay nila ako nakita ni Nikki si Abby kaya naman sumigaw siya at nilapitan niya si Abby.

“Oh My Gee!!! Kuya,Tita Maya is here…Oh My Gee! Abbyyyy!” sabi ni Nikki

*Si Luke nakatingin lamg sa kanya…

“Ate Nikki!!!” sabi ni Abby

*Hugs and kisses

“Kuya,Meet the only daughter of Capt. James Ventura and Ms. Maya Dela Rosa..Abigail Ruth Dela Rosa Ventura.” sabi ni Nikki

“Wow,Hello! Abby! You are the luckiest little baby in town.. Daddy mo Captain and your Mommy is a Lead Flight Attendant.. Wow… I’m your Kuya Luke.. Luke Andrew Lim..” sabi ni Luke

Hello,Kuya Luke..Nice to meet you.. sabi ni Abby

Sa puntod ni James,

“Alam mo…Babe,namimiss kita..Kung di sana nangyari yun kasal na tayo ngayon sabi nila sakin ako daw yung dalagang ina..Tumayo ka nga jan magpakasal tayo nauna din naman honeymoon natin eh..Babe,namimiss na talaga kita di ka nagpaparamdam sakin…

-biglang lumakas ang hangin-

Oo na babe,Medyo nakakatakot…Babe…namimiss kita mahal kita mahal na mahal sobra pa sa mahal na mahal bakit mo kami iniwan ni Abby? Bakit ka kinuha agad agad? Hindi ka nga nakita ng anak mo eh. Puro sa picture na lang..Alam mo ba babe,Gustong gusto niya magkaroon ng daddy ako naman..Hindi ko alam gagawin ko kasi mahal pa kita eh..Mag aantay ako ng isang lalaki na gagamkt sa puso ko sa akin…Hindi pa nawawala ang mga iyon James,Sana kayo ni Bff jan masaya para sa amin kasi kita mo naman nagkakilala na kami…Kaya James..Mahal na mahal kita kung si Richard yun si Ser Chief kung siya ang makakagamot ng puso kong sugatan..Hay naku babe tama na nga!,Salbahe ka talaga pinaiyak mo nanaman ako. Patay ka na nga eh pinapaiyak mo pa ko. I love you babe.”

sabi ni Maya

Sa puntod ni Alex,

Sweetie,I Love You and I Miss You.. Lahat na nasabi na sayo ng dalawang anak natin..Yes,Nagkakilala na kami ni Maya..Well,Lagi ko siyang hinahatid sundo at ngayon ko lang nalaman na may asawa na pala siya at may anak…Parehas lang kaming dalawa…Pero alam mo hindi ko alam kung paano ko siya mamahalin dahil ikaw mahal ko tapos siya mahal niya si James pero Alex I try kung paano maka move on kapag nakikita ko si Maya parang ano parang gusto ko siyang lapitan at sabihin na mahal na mahal ko siya pero di ko magawa eh alam kong si James pa rin na sa puso niya lalo na yung si lalaking nakita ko kahapon..Pero Alex……Give me a sign na dapat ko ng mahalin si Maya..

-Nahulog yung mga bulaklak na dala nila-

Nakakagulat naman ang sign na yan…I Love You Alex mahal kita mahal na mahal,Ingat ka jan.”
sabi ko

*Lumabas na ako sa puntod ni Alex ganon din si Maya lumabas na din siya sa punto ni James,Nang lumabas kami nakita namin ang nga anak namin na naglalaro at tuwang tuwa sila habang naghahabulan kaya ako lumapit kay Maya.

“Maya,Sorry last night…Medyo mainit ulo ko at pagod ako.”
sabi ko

May sakit ka Ser Chief? -sabay haplos sa ulo at leeg ni Richard,Hindi naman ito nakatakas sa mga mata ng mga bata kaya kunyare naghahabulan sila pero nagmamasid-

(Dumadamoves si Ate Tita Mommy Maya! Ay bongga! :D)

“Ayieeeee! Si Tito Richard oh! Namumula hihihi.” sabi bi Abby
“Baby! Ikaw ah! hahaha. Oo nga dumadamoves si Dad kunyare may sakit.” sabi ni Nikki
“Abby,You can call your Tito Richard as a dad kasi mukhang magiging magkakapatid naman tayo.” sabi ni Luke

*Tumawa lang sina Nikki at Abby,Kaya di namin na malayan ni Maya na nasa likod na pala namin sila..
Nang hinaplos ako ni Maya sa ulo at leeg hinawakan ko ang kamay niya sabay tingin sa kanya.

“Maya,-hawak ko kamay niya- Wala akong sakit ano kaba.” sabi ko

*Hindi nakaimik si Maya pero namumula ang mukha niya kinikilig siguro hahaha.

“Ahhh,Richard…Ay! Ser Chief ahh kasi ano.. Ahh,Asan na yung mga bata?” sabi ni Maya

-Nabitawan ko agad kamay ni Maya-

“Ay! Oo nga pala,Asan na sila?” sabi ko

-Lumingon kami patalikod nakita naman sila-

“WAAAAAH!” gulat ng mga bata.

-Napayakap si Maya sakin-

(May mga bata! Lagooooot! :D)
Ahmmm,Dad……? sabi ni Luke.

“Mommy! Nakikita po kayo ni Daddy at Tita Alex!” sabi ni Abby

Ay! Sorry! Sorry! Kasi naman kayo kung manggulat eh! sabi ni Maya

‘Habang tinitignan ko sila,Tuwang tuwa ako kasi yung mga anak namin ni Maya parang magkakapatid ng lumingon ako sa puntod ni Alex..Nakita ko siya kasama niya si James at tuwang tuwa sila..Siguro sila talaga ang para sa isa’t isa.At kami ni Maya para sa isa’t isa,Kaya nung simula nang makita ko sila na masaya…Nag iba na ang lahat.

“Dad,Saan po tayo?” tanong ni Luke

Maya,Uuwi na ba kayo ni Abby? Gusto mo kain muna tayo? tanong ko

“Ah,Eh…Kasi….” sabi ni Maya

Naku,Tita…Kayo na lang po ni dad magsama sa car at kami nila niks and abby sa kotse.Sige po una na kami. sabi ni Luke

*Umalis na ang mga bata

“Your the beast! Kuya!” sabi ni Nikki

Whaaaat? Beast? sabi ni Luke habang nagdadrive.

“Hahahahahahahaha! Best Beast In The Whole World

*Tawanan sa loob ng kotse

“Iniwan na tayo ng mga bata,Wala ka pa rin bang balak sumakay sa loob ng kotse Maya?” sabi ko

*Walang imik si Maya nakatitig lang sakin

“Iwan kita jan…” sabi ko

Ayyyyyyy! Ser Chief! Ser Chief! Ito na nga ako ito na!”
sabi ni Maya

‘Nakarating na sila sa restaurant at….

“So,What did you want guys?” sabi ko

“Tito,Syempre food kasi po nandito tayo sa restaurant oh!” sabi ni Abby

“Hahaha! Oh My Gee. I Like That!” sabi ni Nikki

“Dad,Mayroon na pala mambabara sa inyo eh.” sabo ni Luke

Like,her mom… sabi ko

“Ano? Ikaw baby ah’ pati ako dinadamay ng Tito Richard mo..Ako na nga lang oorder.” sabi ni Maya
na napikon sa asar

*Kaya kaming apat nanahimik sumandali nang umalis na si Maya nagtawanan kami

“Dad! Inaway mo si Mommy ah! sabi ni Luke

“Lagot!!! Daddy di pa nga tapos LQ ni Mommy may sunod agad?” sabi ni Nikki

“Daddy! Mommy will make palo palo you!” sabi ni Abby

*Samantalang ako,Gulat na gulat sa mga anak ko..Tama,Mga anak ko dahil si Abby magiging anak ko na din

“So,Dad..Tita Maya is the one?” sabi ni Luke

“YES,SHE IS.” sabi ko

Ayieeeeeeeeeeee! sabi nila Abby at Nikki

(Hanggang jan na lang po hahaha,Gagawa pa po kasi ako ng kwento TRAGEDY para po sa aming ROLE PLAY ako po yung director at writer…

Halah! Si Tito Chief may third eye! Awwwoooooo! Antayin po si Chapter 10 “Torpe” hihihi.Nakisama lang po ako sa mga panahon ngayon :D)

3 thoughts on “Diary ni Ser Chief – part 9

  1. Pingback: Diary ni Ser Chief – part 10 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s