Letters (18): From Kute with Love

A/N: Thank you so much for your very kind words for Before They Marry. Here is letter #18 from Cristina Rose Dela Rosa.  This letter follows Letters (17): From Nanay with Love.

Here it is, kean! Kute’s POV!🙂

Author: iamgarie

~*~

FROM KUTE WITH LOVE

By iamgarie

Dear Bunso,

Eto na bunso. Ilang tulog na lang. Malapit nang matupad ang pinakapapangarap mo at minimithi sa buhay! Ang magpakasal sa pinakamamahal mong si Richard Lim! Umayos ka, Maya, ha! Bawasan ng konti ang ngiti at kilig at baka sa araw ng kasal mo eh bigla ka na lang himatayin. Hahaha! So, ano ba talaga ang feeling na sa wakas eh magiging asawa mo na ang lalaking dati rati ay pinagpapantasyahan mo lang?

Kilalang-kilala kaya kita, bunso. Alam mo bang unang beses mo pa pa lang magkwento sa kin ng paghanga mo kay Richard bilang boss mo, eh may naramdaman na kong kakaiba sa yo? Bakit kamo? Naku naman, Maya, ni minsan hindi pa kaya kita narinig na humanga sa isang lalaki nang wagas! (Maliban na lang sa Tatay mo na hinding-hindi naman kahanga-hanga!). Pero kung makapagkwento ka tungkol kay Richard noon pa lang, kahit puro deny ka na crush mo yung tao, di man kita nakikita tuwing magkausap tayo sa cell phone, damang-dama ko na ang ngiti, saya, at matinding paghanga at kilig na dulot niya sa yo. Di mo pa man maamin sa sarili mo ng mga panahon na yun kung gaano mo kamahal si Richard dahil nga boss mo siya, alam na alam ko na na siya lang ang tanging lalaking kukumpleto at magpapasaya sa yo. Bakit? Naku naman, bunso! Kilalang-kilala kaya kita! Wala ka kayang bukambibig kundi siya kaya– yung sobrang kabaitan niya at ang lahat ng tulong na naibigay niya sa yo, ang pagiging mapagmahal niyang ama sa mga anak niya, ang pagiging the best amo, bestfriend in the world! At kapag si Richard ang topic, boses ipis ka kaya! Haha! Halatang-halata ang kilig mo sa kanya! Naaawa na nga ako kay Simon ng mga panahon na yun kasi kahit gaano katindi ang da moves at pagsuyo niya sa yo, walang epekto lahat sa yo yun! Kay Richard ka lang talaga tinamaan!

Aaminin ko, medyo natakot ako para sa yo nung umpisa, lalo na nung napadpad ako sa mansyon at nakilala ko si Nikki na nuknukan ng matapobre ang dating sa kin nun. Mabait man si Richard, si Luke at si Abby, natakot ako para sa yo kasi nadama ko na mapanghusga si Nikki. Natakot din ako siyempre kasi kita kong hulog na hulog na ang loob mo, hindi lang kay Abby, pero lalo na din kay Richard. Nakita ko kung ano ang nagustuhan mo sa kanya. Nakita ko na mabait, ma-respeto at maalaga pero strikto siya pagdating sa yo. (OA pa nga siya sa pag-aalala nang akala niyang may ginagawa akong masama sa yo ng una niya akong makita sa loob ng mansyon, diba? Kung hilahin ka kaya palayo sa kin ng unang mag-krus ang landas namin sa mansyon, akala yata rapist o serial killer mo ako. Haha!) At oo na! May bonus pa! Di lang sobrang bait, pero gwapo na, mabango pa, sabi mo nga! Haha! Bigla ko tuloy naalala si Mamang! Matindi ang pagkahumaling ni Mamang kay Richaaaard! Karibal mo nga siya, diba? Haha! Yung mga pag singhot niya kay Richard nung Bagong Taon, grabe ‘no?  Sayang ‘no? Di na natin si Mamang kasama sa kasal mo. Pagnagkataon, baka umeksena pa yun sa kasal mo at himatayin din sa sobrang kilig para sa yo! Hahaha!  (‘Mang, peace po!)

Maliban na lang kay Nikki, kung ituring ka ng lahat ng tao sa mansyon nung mga panahon na yon, eh para ka na nilang kapamilya. Kampante akong umuwi sa atin noon kahit napagkasunduan pa rin natin na wag pa din ipaalam kay Nanay na nasa Maynila ka lang at wala sa Dubai. Pakiramdam ko nga mas naging maswerte ka pa na naloko ka ng recruiter dahil nakilala mo naman si Richard at dahil sa kanya natupad pa rin lahat ng pangarap mo sa buhay.

Pero sa totoo lang, hindi ko inakala na yung wagas na paghanga at pagmamahal mo kay Richard ay ibabalik din niya lahat sa yo. Kala ko one-sided love lang lahat! Yun pala, na in love na rin siya sa yo! Ibang klase ka talaga, bunso! Ang haba ng hair mo! May Simon na, tapos may Capt. Ventura pa, tapos siyempre si Richard! Haha! Napaamo mo ang dating suplado at mailap mong amo! At maging si Nikki na halatang-halata ko naman na kumukulo ang dugo sa yo, eh napalambot at napaamo mo rin! At ngayon, mahal na mahal ka pa. Kung alam mo lang kung ano pinaplanong sorpresa ni Nikki para sa yo sa kasal mo, baka maiyak ka na naman! Hahaha!

Bunso, salamat ha, sa patuloy na pag kapit-bisig! Kahit magkalayo tayo nang nagsimulang tumibok ang puso mo, patuloy mo naman sa king pinadama ang kahalagahan ko sa buhay mo bilang kapatid at matalik mong kaibigan, sa pagbabahagi mo sa kin ng lahat ng kilig, saya, takot, paghanga, at pagmamahal na nadama mo sa tanging lalaking nagpatibok ng puso mo! Damang-dama ko ang kilig mo ng una ka niyang ayain mag-date, unang beses niyong pag- I love you sa isa’t-isa, first hug, first kiss at lahat-lahat ng firsts sa relasyon niyo!  Salamat,  bunso!  Sobrang happy ako para sa yo! Ang swerte ko kaya na ako ang pinagkatiwalaan mo ng lubos sa iyong nakakakilig na kwento ng pag-ibig! Ayiiiee! Kinikilig na yan! Hahaha!

Bunso, alam ko may mga takot at pangamba ka sa relasyon niyo ni Richard. Natatakot kang baka may makilala siyang ibang babae sa hinaharap at iwan ka. Bunso, itigil mo na yang mga pag-aalala mo! Hindi tulad ni Richard ang Tatay mo! Ibang klase magmahal kaya yang lalaking papakasalan mo! Isipin mo na lang, bunso. Nang mawala ba ang asawa niya, pinalitan ba niya agad ito? Hindi, diba? Tinalikuran at pinabayaan ba niya ang mga anak niya nang mawala ang asawa niya? Hindi, diba? Limang taon kaya siya nagluksa sa pagkamatay ng asawa niya at di niya ni minsan naisipang pabayaan na lang ang mga anak niya! Loyal at matinding magmahal yang si Ricky mo!

Mahal na mahal na mahal ka kaya ni Richard. Nung graduation mo na lang nga, diba? Kulang na lang mag-ala Superman yang si Richard at ilipad ako patungo sa yo, diba? Ginawa naman niya, diba? Nag-MRT para lang makasiguro na makarating ako sa graduation mo nang tamang oras dahil alam niya kung gano kahalaga yun para sa yo. Mahal na mahal ka ni Richard! Napatunayan na niya yun ng ilang beses, okay? Nakita naman nating lahat kung gaano siya nag-alala para sa yo ng mawala si Mamang! Kulang na lang akuin niya lahat ng lungkot at pagod na naranasan mo dahil sa biglaang pagpanaw ni Mamang, eh gagawin niya! Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para masiguro na di ka mapapagod. Siniguro pa niyang bawasan ang lahat ng aalalahanin mo sa pagkawala ni Mamang. Siya at maging ang buong pamilya niya, nakikapit-bisig pa sa atin, diba? Mahal na mahal ka kaya ni Richard, at sa totoo lang, gaya nang nasabi ko sa pamamanhikan, lubos-lubos ang paghanga ko sa magiging asawa mo! Totoong-totoo yun, bunso! Wag ka nang mag-alala, okay? Bibihira na kaya ang mga lalaking tulad niya at maswerte kayong dalawa na natagpuan niyo ang isa’t-isa. Bagay kayo kasi ikaw man, Maya, matindi ang pagmamahal mo sa kanya. Bibihira na din ang babaeng tulad mo! At naniniwala ako na para talaga kayo sa isa’t-isa! Ika nga ng paborito nating kanta, ‘bagay talagaaaa!’

Alam mo ba kung ano pang ikinasasaya ko? Nangako sa kin si Richard na ni minsan eh hindi niya hahayaang bumitiw ka sa mga pangarap mo na pagiging flight stewardess dahil lang nagmamahalan kayo. Alam na alam daw niya kung gaano mo pinaghirapan na matupad ang mga pangarap mo kaya ni minsan hindi niya hahadlangan ang pagtupad mo sa lahat ng ito. Susuportahan ka pa kaya niya! Mahal na mahal ka kaya nung tao. Kaya please lang bunso, tigilan mo na ang pag-iisip ng kung anu-ano. Wala kang dapat ipag-alala. Mahal na mahal na mahal ka ni Richard tulad nang matinding pagmamahal mo sa kanya. Wag ka nang matakot, okay? Dahil wala ka naman dapat katakutan! Diba ikaw na din parating nagsasabi, ‘Wag nega, baka ma-block ang blessings!’ Good vibes lang bunso, okay?

Si Richard ay malayong-malayo sa Tatay mo. Yung Tatay mo kasi madaling natukso! At dahil sa pagkatukso kinalimutan na agad-agad na may asawa siya at dalawang anak na kailangan ng pagmamahal, kalinga at suporta! May nakilala lang ibang babae, kinalimutan na ang lahat! Bigla na lang naglaho na parang bula! Pinabayaan na lang niya ang asawa niya at dalawa niyang anak na makaranas nang matinding mga pagsubok at kahirapan sa buhay gawa lang nahumaling siya sa isang babae! Ano naman yun, diba? Buti nga sa kanya, nilayasan din siya ng babae niya! Naku ha, talagang suklam na suklam ako diyan sa Tatay mo! Anong klase naman yun, diba? Sobrang kapal ng mukha at naisipan pang magpakita sa atin ngayon! Pati sa anak ko, lumapit pa! Ang tindi ng kapal ng mukha niya ha! Walang kahiya-hiya sa katawan yang Tatay mo. Nakakagigil sa inis! Oo na, titigil na ko. Pasensya na! Nakaka-bad trip lang talaga yang Tatay mo kasi! Sana lang di ko siya makitang paali-aligid sa simbahan sa araw ng kasal mo! Baka di ako makapagpigil at kung ano magawa ko sa kanya!

Okay! Okay! Change topic na! Pag-usapan naman natin ang honeymoon mo. Handa ka na ba? Haha! Napag-usapan niyo na ba yan ni Richard sa marriage seminar na in-attend-an niyo? Nakakuha ka na ba ng tips kay Nanay at Emman? (Balita ko kasi may ipinapanood sa yo si Emman, eh! Buti na lang hindi niyo ako isinali sa panonood nun!) Hahaha! Good luck, bunso! Enjoy! Hahahaha! Alam ko lahat ng bagay at mga pangyayari sa buhay mo, ikinekwento mo sa kin, diba? Wala ka ngang inililihim, diba? Bata pa lang tayo, lahat nang pwedeng pag-usapan at pagkwentuhan eh pinag-uusapan natin, diba? Pero pwede bang wag na wag mo na kong kwentuhan tungkol diyan? Eew! Naiisip ko pa lang kung ano ikekwento mo sa honeymoon mo eh, nandidiri na ko. Hahaha! At tsaka yang mga ganyang bagay, bunso, di dapat pinagkekwentuhan yan. Private kasi. Sa inyo lang dapat ni Ricky mo yun. Hahaha!

Nakaka-proud lang, diba? Natupad mo ang mga pangarap natin. Hindi man ako maging seaman sa hinaharap, nandiyan naman si Cho, diba? Hindi ko man siya pinangarap at di ko man ni minsan inisip na may dadating na Jeff sa buhay ko, dumating pa din siya para magkaroon ako, kami ng isang Cho. (Anak ng tipaklong naman, Maya!  Tigilan mo nga ako!  Wag kang patawa-tawa diyan na parang kinikilig! Malabong matupad ang iniisip mo tungkol sa amin ni Pards, okay? Tatay lang siya ni Cho! Yun lang yun!). Nainis man ako kay Pards sa ginawa niyang desisyon na siya ang aalis para magtrabaho sa Dubai para makaipon kami at matustusan ang pag-aaral at mga pangarap ni Cho, tama siya, tama ka! Hindi ko makakayanang malayo kay Cho! Siya na ang buhay ko ngayon. Siya ang magandang regalo ng Maykapal sa akin. Okay na ko kung hindi man ako maging seaman, basta okay si Cho at masisiguro ko na matutupad lahat ng pangarap niya. At Maya, salamat sa pagmamahal at pag-aaruga mo sa pamangkin mo ng mga panahong busy ako sa pag-aaral, pati na rin sa mga naitulong mo sa pag-aaral niya! At hanggang ngayon, wala ka pa rin sawang bilhan siya ng kung anu-ano! Salamat nang marami, bunso! Alam kong mahal na mahal mo si Cho at para mo na rin siyang anak! Kaya naman si Cho, mahal na mahal ka rin! Salamat, bunso!

Akalain mo, bunso, wala pang dalawang taon eh natupad mo ang pangarap mo para sa atin at para na rin sa sarili mo.  Ang sayang isipin na hinding-hindi natin sinukuan ang lahat ng pagsubok na ibinato sa ating ng tadhana at di tayo basta-basta bumigay na lang sa matinding hamon ng buhay!  Talagang nagkapit-bisig tayo, kaya eto na tayo ngayon!

Bunso, ngayong malapit na ang kasal mo, sana walang magbabago ha. Nandito lang kami nina Nanay at Cho parati. Bibisita ka pa rin nang madalas ha. At tuloy ang chikahan natin ha basta off limits pag-usapan ang honeymoon niyo, okay? Mahal na mahal ka namin, okay? Kapit-bisig pa rin ha! Forever and ever!

Naalala mo pa ba yung sabi mo bago ka umalis ng San Nicolas para makipagsapalaran sa Dubai?  “Balang araw, darating din ang binatang ginawa ni God specially for me.”  Ang bilis naman ni Richard dumating sa buhay mo, ‘no?  At ang saya-saya mo naman! May bonus pa ngang Luke, Nikki at Abby, sabi mo nga! Seryoso, bunso, sobrang saya ko para sa yo!

Best wishes sa inyong dalawa ni Richard, bunso! Ipagdadasal ko ikaw, si Richard, sina Luke, Nikki, Abby at lahat ng magiging anak niyo (Ayiiee!) parati. I love you, bunso!

Love,
Kute

Written: 04 November 2013

*******

Disclaimer:  I do not own the creative minds behind ABS-CBN’s Be Careful with My Heart TV show. This creative endeavor is just for fan fiction purposes. The characters are ABS-CBN’s BCWMH TV show’s sole property.

Allow me to acknowledge and thank BCWMH’s brilliant Creative Team as some of the scenes and lines mentioned in this piece were taken from the TV series.

11 thoughts on “Letters (18): From Kute with Love

  1. Pingback: Why Maya is the One – Part 2 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s