the peculiar teleserye of all times

A/N: hi everyone!first of all I would like to thank those readers who appreciated my last fanfic lalo kay ms.sharpie na nagpost dito sa ating library.. hehe!

7 days to go na lang at malapit na ang #BCWMHFairytaleWeddingOfTheYear! At alam kong hindi lang ako ang excited dito,kundi pati ang buong mundo! So,let me share to you my feelings!hahaha…

This is not a story nor poem…this just my point of view and also my another way of saying thank you to my favorite teleserye. (sana may isang taga-becarefulwithmyheart ang makabasa nito..makarating man lang sa kanila ang pagpapasalamat ko!hihihi!)

Enjoy!🙂

~~~

July 9,2012 nang magpasimula sa tv ang Be Careful with My Heart.

Sa isang buong taong nagdaan, maraming beses tayong pinaligaya at pinakilig ng palabas na ito. Ewan ko ba, sobrang na-hook at adik na adik ako dito. Umabot sa point na halos maging stalker ako ng casts at ng bumubuo ng show!ultimo kamag-anak na yata nila pinagkainteresan ko! (piece po! di po akong masamang tao,wala kong masamang motibo) hahaha!

Aaminin ko, maraming bagay ang nagawa ko na hindi ko naman nagagawa noon. Imagine, wala naman akong twitter noon at hindi pa ko marunong gumamit pero ngaun dalawa na twitter ko! Isang ang pang personal (private) at  ung isa pang fan mode! (Public) hahahaha! yun ang gamit ko pangtulong sa pagtrend!hihi!  Grabe…lahat ng taong may kinalaman sa show pinafollow ko! Di ko rin pinalagpas ang fb! Lahat ng masesearch kong pangalan add lang ng add! At syempre! At instagram present din! Nagpapasalamat nga ko sa modern technology kasi ang saya ng life! Haha.. because of that, mas lalo kong napatunayan ung kaibahan ng show sa lahat.

Isang Pamilya…

Yan sila. On and off cam walang halong kiyeme or what,yan sila..

Tunay na isang pamilya,naniniwala ako sa sagot ni Ate Jodi sa isa nyang interview noon,at natandaan ko yun ah! Sabi nya pamilya sila sa set. Ang ganda ng pagsasama nilang lahat from the directors,cameramans,crews at casts magkakasundo which is good for the success of the show. Importante kasi yun e, at hindi bigo ang show sa effort nila.. kasi kitang kita oh..nagrereflect sa mga episodes nila ung gusto nilang maitawid sating mga viewers,ang maging isang pamilya.

Hindi man tayo magkakamag-anak,magkakadugo o kahit magkakakilala,pinag-isa tayo ng show na ito. Tinuruan tayong posible sa mga tao ang maging isang pamilya. Napaka-gandang example ng show na ito sa atin. Hindi lang sila magkakatrabaho o magkakaibigan,kundi magkakapamilya..🙂

Laging Kapit-bisig….

Oo kapit-bisig, ganyan sila palagi.. Puyat at pagod ang madalas nilang tinatahak. Ilang bagyo at ulan ang nagdaan pero eto sila patuloy na lumalaban para lang ipagpatuloy ang pagbibigay satin ng kaligayahan.

Umabot sa point na nagkakasakit na sila. I remember Nicolo ( Marlo Mortel) when he got sick..chicken pox, ginawan agad ng paraan ung part nila ni Nikki. Naging maganda naman ung result kasi nakapagdivert sila agad within short period of time and it turned into a new cute and kilig concept. Kilig pa rin ung dala nila..hehe! si Abby (Mutya Orquia) naalala ko din un na nagkasakit pero ayun din,may way pa rin sila through the use of camera tricks. Ganun din ung ginawa nila kay Maya (Jodi Sta.Maria) nung na-dengue sya. Halos malungkot ang fans nung one week na wala siya but still the whole management try their best na mapakita ang presence ni Maya kahit phone calls lang at may double sya.

Hindi lang yun..even the natural calamities hinaharap nila at kapit-bisig pa rin para lang magtaping. Ang tindi na rin ng mga pinagdadaaanan nila. Sana lang, kahit nahihirapan,wag silang sumuko kasi maraming umaasa sa magic na dala ng show na ito. Siguro kahit pumuti na ang buhok ni Cho o kaya ni Abby mamahalin at mahal na mahal ko pa rin ang show..heheheh!

Humility…

ito ang isa sa minahal ko sa kanilang lahat. Oo,lalahatin ko na silang lahat. Di lang casts o mga artista kundi lahat. I admit,hindi ko pa man nakikita lahat ng bumubuo ng show o di ko man sila kilala personal, gusto ko nang sabihin na ugali talaga nila ito. Meron sila nito. Ang pagiging mababa. Napaka-down to earth nila at hindi sila mayayabang. Minsan nga, kahit avid viewer lang ako..mas nararamdaman ko pang ako pa yata ang mayabang..hahaha! alam nyo un, nakaka-proud kasi! tas ang taas pa ng ratings tas well-known pa sila,minsan tuloy napapa-tweet ako,lagi ko talagang pinagmamalaki ang show. Tas pag may haters,aawayin ko sa twitter kahit di ko sila kilala! hahaha! grabe,ang lakas ng epekto nila.. Natatawa nga ko,kasi mas kalmado pa ung mga artista kesa sa fans. Ung mga fans pa ung galit na galit sa haters nila,sila pa ung umaawat na wag na lang daw pansinin o kaya patulan..ehehe!

Dagdag pa natin ung mga awards na natatanggap nila, ilang beses na silang tumanggap ng parangal pero ganun pa din sila.. Hindi nagbabago, Hindi lumalaki ang ulo,at puro pagpapasalamat lang ung maririnig natin sa kanila. Marunong silang tumanaw ng utang na loob. Malaki at lubos ung pasasalamat nila sa mga taong tumatangkilik sa kanila. Mabababa at walang ere sa katawan, Best example jan sina Richard Yap and Jodi Sta.Maria. Sila ung lead stars at given na mas sikat sila kasi sila ung pinaka-nagdadala sa show,but inspite of that, mas lalo nilang ibinababa ung mga sarili nila. Hindi sila mayayabang.. Mas lalo ko tuloy silang minahal at lalo pang mamahalin!🙂

Selfies…

Natutuwa ako sa mga crew! kasi pati sila nagseselfie din pala sa set! hahaha! nag-iinstagram kasi ako kanina, actually araw araw akong nag-iinstagram tas naka-save na dun sa ise-search ko ung tag na “becarefulwithmyheart” at “bcwmh” para madali ko nang makikita ung mga updated pics nila. E kanina, napadpad ako sa mga ig yata ng 3 crew at camera man yata yun, ang kukulit lang sa pic tas nakilala ko ung lugar set ng becareful! kaya un,pati sila ini-stalk ko na din! hahaha!

nakakaaliw din ung mga make-up artist at ung ward drobe! nagbakasyon yata silang magkakasama,ang kukulit ng pics! si mama francia nagpost ng pic ni wimjay na parang na-hit and run, nagcomment agad sina Joma (Micah) Doris (Tart) at Maya (Jodi) hahaha! alalang alala ung tatlo e! ang kulit talaga nila!

syempre, di mawawala ang selfie ng mga casts! lagi na lang tayo nilang inaaliw sa kulitan at masasayang moments nila sa set. Si ate Jodi pag may pic sila ni Papa Chen sa ig ni Papa Chen,dapat sa ig nya meron din! (lakas talaga magpakilig oh! haha!) di nagpapahuli! kaya sa honeymoon nila sa Japan ah! umaasa ko na marami dapat silang selfie! mga 99! haha!

Sila Mutya,Janella,Marlo, laging ang kukulit ng post nilang selfie sa ig. May kumakanta o minsan sumasayaw sila. Latest nga ung kay tita Raffi (Maricar) e, nagcharade sila. I know,gabi na un pero buhay na buhay at ang taas taas pa din ng energy nila! parang lahat sila sinaniban ng espiritu ng ka-hyperan ni Maya! hahaha..

Well,solomot! sana ituloy nyo lang ang pagseselfie! malaking tulong sa kaligayahan naming mga adik yan. Naiibsan ang aming kalungkutan tuwing dadalaw kami sa ig world at ang inyong mga mukha ang aming masisilayan..like agad yan! :DDD

The Magic

It has a magic. Kakaiba ung powers na dala nito. This show is really one of a kind. Very rare na tumatagal sa isang taon ang isang light na plot at wala pa sa primetime. Oras kasi ng pasok sa school at trabaho ung time slot nila,pero wala e!dahil adik,si tropang iwantv ang takbuhan ng mga adik people! haha!

Very rare ung nagkaroon ng rewind kahit napanood na ung past episodes due to public demand. Iba talaga to’ sa lahat.

Ito lang ang show na nakakapagpaiyak sakin kasi sobrang apektado ako sa scenes na pinapalabas nila.. Ito lang ung show na kahit wala akong boyfriend,  wagas na wagas ung pagbibigay sakin ng kilig! Ung tipong pictures lang nila Maya at Ser chief ang makita ko,kinikilig nako! hahaha!

Dito lang ako,nagsave ng files sa laptop at phone ko ng sariling folder na ang laman e panay becareful! (truelalu yon! walang bahid ng kaechosan)

siguro,paghahanda ko un,lagi ko kasing ina-anticipate na anytime darating ung pagkakataon na matatapos itong show. Masakit mang tanggapin, darating at darating ung ending.

Pero ito lang ung show na di ko alam kung anong mangyayari sakin pag-end.

feeling ko,katapusan na ng happiness! hahay!

minsan nga kausap ko bestfriend ko,tinanong nya ko kung sino daw boyfriend ko ngaun o kung may nagpapasaya sakin…proud ko syang sinagot, “wala,pero masaya ako..lagi nga kong kinikilig e! be careful with my heart lang ang kaligayahan ko noh? di naman kailangan ng boyfriend para sumaya..”

then realization came into my mind…

malakas nga talaga at malaki ang epekto ng show sa lahat ng tao.

maraming napapasaya at mga taong nabibigyan ng pag-asa sa buhay.

may mga aral tayong matututunan.

ang magic ng show na to’ na talagang kakaiba.

MARAMING SALAMAT! BE CAREFUL WITH MY HEART!

13 thoughts on “the peculiar teleserye of all times

  1. Dami talagang na-adik sa bcwmh lalo na ung mga middle-aged woman na katulad ko. Ngaun lang me nahook ng ganito sa isang teleserye. Kahit paulit-ulit panoorin hindi nakakasawa. Mga 3-4 times ko na napapanood bawat episode, mula sa daily show, sa replay sa mga tv tambayan, sa Sabado rewind at higit sa lahat sa collection ko ng dvd volumes 1-23. Pati sa mga blogsite ng writers di ko pinapalampas, hehe… Hayy, can’t imagine life without bcwmh.🙂

  2. Hi Maicschipipay, ang ganda ng evaluation mo sa teleseryeng bcwmh. Tama lahat ang sinabi mo pero me napansin ako sa mga isinulat mo – hindi mo nabanggit si Luke. Bakit wala kang sinulat tungkol sa kanya? Kita na hindi mo nabanggit ang buong casts pero sa pamilya ni SC na tawag mo almost all except Manang Fe and Luke.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s