Palusot 14

Sorry kung super natagal ang updates ko. Been very busy at pagdating sa house, all,i want is to rest…..kaya eto ngayon ako muli naka pag updates….pasensiya kung may typo error..unedited kasi ito eh..

Happy reading…

Palusot 14

Nagulat ang lahat ng empleyado ni Richard ng biglaan ito ng patawag ng meeting. As in lahat, inutusan niya mag lagay ng signage na malalate ng 30 minutes ang bank opening nila. Gulat at pangamba ang dulot ng meeting na iyon para sa lahat ng empleyado. Pinapupunta sila lahat sa rooftop ng building, doon kasi gaganapin ang impromtu meeting.

Nagulat ang buong empleyado dahil bumabaha ng pagkain at ang daming mga pastries. Kanya kanya silang bulungan, kung anong meron…..lahat sila at nagtataka….

Di nagtagal ay dumating ang Director nila walang iba kungdi si Richard. Tumikhim muna ito bago nagsalita sa make shift platform….

“Alam ko lahat kayo ay nagtataka sa biglaan pagtawag ko sa general meeting na ito. Lalo pa at wala kayong alam na may upcomng events tayo dito. Well, isa lamang itong pasasalamat sa maganda ninyo performance at para na rin sabihin sa inyo na di magtatagal ay lalagay na rin ako sa tahimik. Yes, finally sinagot na ako ng babaeng nililigawan ko. Ang babae nagpatibok ng puso ko, ang babae nagpabago sa akin. Sa kanya ko lang ito naramdaman.”

“Wow, sir congrats po sa inyo.”

“Sir sino po iyong lucky girl?”

“Sir kelan ninyo siya dadalhin dito?”

“Maganda ba siya sir?”

“Sir kelan ang kasalan?”

“Sir is that for good na talaga? Wala na ba kaming pag-asa mga girls dito?”

Nagkatawanan ang lahat sa sinabi ng isa sa mga empleyado ni Richard.

“Busy pa lang ngayon si YAM ko sa ngayon. Don’t worry dadalhin ko siya dito para makilala ninyo siya.”

“Yes she is very beautiful…..”

“And yes she is for keeps..kaya nga binakuran ko na siya eh.”

“YAM?” sabi ni Wilmer kaibigan ni Richard….”ang cheesy mo pare…..”

“Inggit ka lang dude, wala ka pa kasi nakikila babae magpapatibok ng puso mo?”

“Meron na yan pare, sabat naman ni Floyd”

“Talaga? Eh di masaya…. Lahat tayo in love….”

Muling bumaling si Richard sa mga empleyado nila…..”kumain lang kayo diyan, you make take some sa pagbalik ninyo sa mga puwesto ninyo…. bilisan lang ninyo at baka mag rally na mga clients natin at sarado pa tayo. Baka isipin nila ay may di maganda nangyayari sa bangko natin….”

“Yes sir, maraming salamat po ulit and we wish you goodluck sa inyo po ng future Mrs. Richard Lim.” sabay sabay sabi ng mga empleyado niya.

“Salamat….salamat…”

Lumapit si Richard kina Wilmer at Floyd…..”sino naman iyon lucky girl na nagustuhan mo pare?”

“Kilala mo siya pare….” sabat naman ni Floyd.

“Sino?” tanong ni Richard.

“Iyon tiga purplebutterfly bakeshop”.

Biglang kinabahan si Richard, oo nga sinabi niya na may nobya na siya pero di pa rin kilala ng mga ito na si Maya iyon ang may-ari ng purplebutterfly. Tanging si Alex lang ang may alam dahil nakita sila ni Alex na magkasama at pinakilala pa sa parents ni Alex.

“Si-no na naman doon?” kabadong tanong ni Richard.

“Pare, bakit bigla ka nag stummer diyan at kinakabahan?” tanong ni Wilmer.

“Ano ka ba excited lang ako malaman kung sino bago mo chicks pare.”

Sasagot na sana si Wilmer, ng bigla mag excuse ang mga empleyado ni Richard at isa-isa nagpaalam ang mga ito at nagpasalamat kay Richard. Nakita ni Richard si Alex, tinawag niya ito.”

“Mr. Park, please dropped by in my office later around 10AM.”

Tumango lang si Alex at ngumiti dito.

“Ano ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon ha…” sabi ni Floyd

“Pare don’t tell me na….” sabi naman ni Wilmer.

“Mga ugok kayo, may pag uusapan lang kami ni A..Mr. Park. Ang dudumi ng kokote ninyo. Sino na nga iyon chick mo pare.”

“Si Bham iyon tiga purplebutterfly. Sagot ni Wilmer, pare tinamaan ako dito sapul.” sabay turo sa puso niya

Nakahinga ng maluwag si Richaed sa sinabi ni Wilmer. Akala niya ay magkakaroon pa sila magkaibigan ng gap dahil sa isang babae.

“Well, gusto mo tulungan kita?”

“Talaga? Tutulungan mo ako?”

“Oo naman pare…”

“Teka baka naman sulutin mo sa akin si Bham.”

“Sira, may girlfriend na ako at mahal na mahal ko YAM ko.”

“Cheesy mo pare, kinikilabutan ako sa yo. Sabi naman ni Floyd.”

“Inggit ka lang,”

“Teka pare, kelan mo naman papakilala sa amin yan YAM mo.”

“Mamaya, sumama kayo sa akin, group date tayo….para makilala ninyo ang YAM ko.”

“Sige call ako diyan, sabi ni Floyd. Matawagan na nga ang akin YAM na si Ellen.”

“Hoy, huwag ka manggaya ng tawag.”

“Pare ako na bahala kay Bham, siya ang date mo mamaya.”

“Sinabi mo yan ha….”

“Oo, tara balik trabaho na tayo…..”

Binalingan ni Richard ang mga utility staff niya, “kayo na bahala dito, inyo na ang lahat ng natira pagkain diyan. Paghati-hatian ninyo.”

“Salamat po sir.”

————

“Sir, nandito po si Mr. Park.” sabi ng secretary ni Richard.

“Ok papasukin mo siya.”

Pumasok si Alex.

“Have a seat Alex.”

“Ano po ba ang pag uusapan natin sir”

“Tayo dalawa lang kaya call me Richard.”

Tumango lang si Alex.

“Ah, Alex, alam ko alam mo na kung sino ang tinutukoy ko girlfriend right?”

“Si Maya.” nakangiting sabi ni Alex.

“Alex, pasesnsiya ka na ha. Alam ko nanliligaw ka rin sa kanya. At”

Pinutol ni Alex kung ano man ang sasabihin ni Richard. “Wala iyon sa akin, kasi matagal na ako sinabihan ni Maya, na hangga kapatid lang ang tingin niya sa akin. Hindi na raw iyon mababago. Na sana raw, tanggapin ko ng maluwag sa dibdib. Matagal na ako tumigil sa panliligaw.”

“Pero sinabi mo noon na niligawan mo siya.”

“Nasabi ko lang iyon…pero wala meaning iyon.”

“Salamat naman kung ganun, now, tell me things about her…alam ko matagal din kayo magkasama sa Korea……”

Inabot ng isang oras ang kuwentuhan nina Richaed at Alex. Madami na share si Alex about Maya kay Richard.

“Just remember to take care of that angel. Kasi pagpinakawalan mo siya, baka may makakita pang iba at di na siya bumalik sa yo.” sabi ni Alex kay Richard.

“I will. She is my angel forever.”

Tney shake hands bago lumabas ng opisina ni Richard si Alex.

———

Napansin naman nina Bham at Jaja ang kakaibang aura ng kaibigan cum boss nila.

“Good morning!” masayang bati ni Maya sa mga tauhan niya noon dumating itomsa shop.

“Good morning din bossy friend. Hmm, mukha masaya ang araw mo ngayon ah.” bati ni Bham

“Blooming ka ngayon. Sino ang naghatid sa yo.”

“Si Richard…..” nakangitin sabi ni Maya sa dalawa. Dali-dali pumasok ng opisina niya si Maya. Alam niya di magtatagal ay kasunod na niya ang dalawa.

“Come on spill it out…..” sabi ni Bham

“Oh bakit kayo nakasunod dito sa opis? Sino ang bantay sa labas baka bigla may pumasok na customer.”

“Close muna ang shop for 30 minutes or less…hangga di mo sinasabi sa amin ang latest.” seryoso sabi ni Jaja.

“What, sinara ninyo ang shop?”

“Sandali pang naman eh, basta ba sabihin mo nasa amin ang dahil bakit ka blooming.” sabat naman ni Bham.

Walan nagawa si Maya, kungdi umamin sa dalawa niyan makulit na kaibigan. “It’s official, kami na ni Richard.”

Bigla tumili iyon dalawa sabay akap sa kanya. “Congrats friend, we are hapoy for you. This calls for a celebration, dapat makilatis namin yan si Richard. Mamaya labas tayo ha, isama mo si Richard.” sabi ni Jaja.

“Oo na. Tatawagan ko siya. Lumabas na kayo doon at baka may customer na tayo.”

Bago lumabas ang dalawa ay nadinig pa niya ang mga ito na tawagan iyon iba pa nla kaibigan para nga mamaya…impromtu get together dahil babalatan daw nila ng buhay si Richard. Natatawa na lang siya sa mga ito.

——-

Tinatawagan ni Maya si Richard pero di niya ito makontak…..di alam ni Maya ay kumukontak din sa kanya si Richard….

“Hmmm, mamaya na ako tatawag sa lalaking iyon. Sino naman kaya kausap noon ng ganitong kaaga sa celphone niya?” bulong ni Maya sa sarili niya.

Pero wala pang 5 minutes , nag ring ang phone ni Maya ay nakita niya si Richard ang tumatawag sa kanya, napangiti siya.

“Hi! I’ve been trying to call you pero busy ang phone mo. Bungad agad ni Maya dito.”

“Na miss mo agad ang boses ko?” biro naman dito ni Richard.

“Of course not, sino naman yan kausap mo? Business o Monkey Business?” pang-aasar naman ni Maya.

“Hey, yan cellphone mo nga ang busy eh, kasi kanina pa din ako tawag ng tawag sa yo eh.” sabi naman ni Richard.

Nagkatawanan sila dahil alam nila na sila rin iyon dahilan kung bakit busy ang mga phone nila.

“Anyway, honey, gusto ka makilala ng mga friends ko eh. Ok lang ba sa yo mamaya mag dinner tayo with my friends.?” sabi ni Richard kay Maya.

“Actually, yan din ang sasabihin ko sa yo kaya ako tumatawag….gusto ka makilala ng mga kaibigan ko. Babalatan ka nila ng buhay…hihi”

“Hmmm, bakit di na lang natin pag-isahin para mas masaya. The more the merrier.”

“Hmmm puede, why not choconut….”

“Hmmm alam mo ba? Si Wilmer type niya si Bham. For sure kasama siya mamaya di ba?”

“Talaga, saan naman niya nakita si Bham? Nagpunta na ba yan dito sa store?

“Malamang…diyan niya daw nakita si Bham eh.”

“Masaya ito…by the way, kasama din natin mamaya si Kuya Ochel ha.”

“What? Kasama natin si Ochel?”

“Oh ano masama doon? Don’t tell me nagseselos ka pa din sa kanya?”

“Hindi ah, mas guapo kaya ako kesa kay kuya. Kaya nga na-inlove ka sa akn at fall out of love sa kanya. Kasi di mo ma resist ang kaguwapuhan ko.”

“Paki ulit nga. Di ka rin mayabang noh?”

“Di iyon pagmamayabang, nagsasabi lang ako ng totoo.”

“Whatever…Saan nga pala tayo mamaya?”

“Actually may plano ako, we will have dinner just the two of us. Tapos let’s tell them na magkita kita na lang tayo sa Rebubliq sa Resort’s World.”

“Di natin sila isasama sa dinner?”

“First dinner date natin as a couple mamaya, ayoko madami istorbo.”

“Hello, 2nd na po, nag dinner na kaya tayo kagabi…..”

“It’s not counted kasi the place is to crowded, gusto ko romantic iyon ambience kapag ng dinner date tayo.”

“Mr. Richard Lim, wala ka naman pinaplano kalokohan.”

“Wala po….i will pick you up at 6PM sa bahay ninyo. Is that ok with you?”

“Yeah, sounds good. So I will informed na my friends about tonight?”

“Yap, ako din sasabihin ko na sina Wilmer tuloy tayo mamaya sa Republiq. I Love You “YAM” mwah…”

Kinilig si Maya sa sinabi at ginawa ni Richard. “I love you too.”

“Asan iyon kiss ko?”

“Ang korni mo…eto na..”Tsup”

“Ang sarap naman ng kiss mo…it taste so sweet, parang ikaw.”

“Hay naki, nambola ka pa. Sige na mag trabaho ka na diyan. Love you.”

“Love you too.” sagot ni Richard bago pinatay ang cp.

Napangiti na lang si Maya.

“Iba na talaga ang in love….” sabi ni Bham.

“Kanina ka pa diyan?” tanong ni Maya dito.

“Hindi kakapasok ko lang po. Huag ka mag-alala di ko naman nadinig usapan ninyo. Except iyon paalaman ninyo dalawa.”

Namula si Maya sa sinabi ni Bham. “May sasabihin ka ba?”

“Oo, tuloy ba mamaya para masabihin ko na iyon mga friends natin.”

“Yap, gusto din daw ako makilala ng mga close friends niya eh. Kita-kits na lang tayo sa Republiq ng 8PM. And Bham, paganda ka mamaya, meron ako ipakikilala sa yo.”

Tinaasan lang siya ni Bham ng kilay. “Promise meron nga ako ipapakilala sa yo mamaya, friend ni Richard, actually sa inyong dalawa ni Shobe… meron ako ipapakilala sa inyo.”

“Make sure guapo mga yan….”

“Tiyak iyon kasi guapo kaya ng boyfriend ko.”

“In love talaga. Ok see you later na lang.”

2 thoughts on “Palusot 14

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s