The Auction Chapter 11

Hope you guys find time to visit my blog @ roxygirl5.wordpress.com/.  Love to read your comments. 

Kapit-bisig everyone :)

CHAPTER 11

Halos araw-araw ay pumupunta sa kanya si Richard.  Pinagsisilbihan niya ito na parang asawa. Sinisigurado niya na matatapos niya lahat ng trabaho sa opisina ng “Little Pards” ng sa ganun ay makauwi siya ng maaga at makapagluto bago pa man dumating ito.  Kung may pagkakataon naman na talagang hindi na kaya ay ipinauubaya na lang niya ang ilang trabaho sa kanyang assistant na si Miss Lapuz.

Sinisigurado rin niya na hangga’t maaari ay makakauwi din ng maaga si Richard sa mansiyon.  Ayaw niyang maging sagabal sa “quality-time” ng mag-aama bukod pa sa ayaw din niyang mahalata ng mga ito na nagkikita sila ni Richard.

Tuwing Biyernes naman ay pumapayag siya na sa bahay niya matulog si Richard pero walang nangyayari sa kanila.  Madalas lang itong yumayakap, humahalik at naglalambing sa kanya.   Lagi naman kung matutulog na ay magkatabi lang silang magkayakap but Richard never made a move para magsiping sila ulit.   Hindi niya alam kung ano ang dahilan nito pero ayaw niyang isipin na malapit na siyang iwan nito dahil nagsawa na ito sa kanya.

Maya is just trying to enjoy kung ano man ang meron sa kanila ngayon ni Richard.  Naalala tuloy niya ang sinabi ni Richard noong prom ni Nikki… “iba tayo eh”… siguro nga iba sila.

********************

Hindi niya mapigilan na hindi ngumiti tuwing kausap niya si Maya.  Kababa lang niya ng telepono para ipaalam dito na nakarating na siya ng mansiyon.  Halos araw-araw kasi ay pinupuntahan niya ito kaya naman sinisigurado niya na natatapos niya ang lahat ng trabaho ng maaga.  Kung may pagkakataon naman na talagang hindi na kaya ay ipinauubaya na lang niya ang ilang trabaho kanila Liza at Sonny.  Alam niya na nagtataka na rin ang mga ito kung bakit lagi siyang nagmamadaling makauwi hindi katulad ng dati na halos buruhin niya ang sarili sa opisina at trabaho.

At kung ang mga teenager ay gustong-gustong mag-Biyernes dahil kinabukasan ay walang pasok, sa kanyang lagay naman ay gustong-gusto niya ang araw ng Biyernes dahil alam niyang puwede siyang matulog sa bahay ni Maya.  Hindi kasi ito pumapayag  na hindi siya umuwi during weekdays lalong-lalo na during Sunday.  Ito lang daw kasi ang bonding-time niya sa mga bata at ayaw maging sagabal ng huli sa “quality-time” nilang mag-aama.

Mahirap man but he is not making any move para magsiping sila ulit.  Gusto niya sa susunod na may mangyari sa kanila ay maayos at klaro ang kung ano ba talaga ang meron sa kanila.  Gusto niyang ipadama dito na he wants to start  anew kalimutan kung ano man ang nangyari before.  He realized na hindi na siya papayag pang mawala sa kanya si Maya.  Kakayanin niyang kalimutan ang ginawa nito two years ago so that he can be with her for good.

Sa ngayon ay nagkakasya lang muna siya kung ano man ang meron sila.

******************

Papasok si Nikki sa opisina ng ama para magpa-alam about sa lakad nila ng mga kaibigan kasama si Nicholo ng makita niyang kababa lang nito ng cellphone at hindi maalis ang ngiti nito.  Bukod pa dito ay ang madalas nitong pag-uwi ng gabi at hindi nito pagtulog sa mansiyon tuwing Biyernes sa dahilang lagi itong may meeting na kailangang puntahan.

May napapansin siyang kakaiba sa aura ng kanyang ama.  Parang may iba sa mga ngiti nito ng mga nagdaang linggo.   Her dad looks… happy.

Umupo siya sa upuang nasa harapan nito at hindi napigilang hindi itanong sa ama ang nasasaloob niya.

“Dad are you… dating?”

“N-no… why?” mariing tanggi ni Richard sa anak.

“Nothing.  It’s just that parang may iba sa iyo.  You look… happy.”

“Why?  Naging sobrang masungit ba ako sa inyo?”

“Not exactly… ok medyo.” Ngumiti ito sa ama.  “Anyway dad, magpapa-alam lang sana ako.  Me and Stacy is going out sana tomorrow kasi kakatapos lang ng exams.  Don’t worry kasama namin si Nicholo.”

“Nicholo?” Alam niyang may gusto ito kay Nikki pero Nicholo is man enough to talk to him and Luke at nangakong manliligaw lang ito kay Nikki when she reach 18.   Dahil doon ay naging kampante na siya kay Nicholo.

“Dad…”

“Ok but be sure to be home by 10 and magpasama kayo kay Joma.”

“Thanks dad.” Lumapit si Nikki sa ama, she hugged and kissed him.  Papalabas na ito ng opisina ng muli itong nagsalita.  “Dad it so nice to have you back… I mean it’s so nice to have our “happy” dad back.”

Ngumiti si Richard kay Nikki, napakasuwerte niya talaga sa mga anak niya dahil kahit nagiging masungit siya kapag mayroong problema andun ang mga ito to cheer him up.  They never gave up on him.

*******************

“Good morning…” ang masaya niyang bati kay Richard ng makapasok siya sa opisina nito.  She knows that she’s quite early and she also knows that he’s busy pero sometimes mas maganda kapag busy ang bestfriend niya dahil hindi siya masyadong masesermunan nito.  “I brought some breakfast kasi siyempre alam kong you’re so busy to have one.”

Kunwari ay busy niyang hinahanda ang breakfast nila kahit alam ni Rafi na nakatitig lang sa kanya si Richard at alam din niyang nagtiger-mode ito ng makita siya.

“And siyempre I also brought my pasalubong for you and the kids.  Pasensiya na kasi…”

“You need to explain Rafi… hindi mo ako makukuha sa mga pasalubong mo.” Ang madiing sabi nito sa kaibigan.

“Chard… SSorry na.”

“You know that she’s going to be in the Auction?” gusto lang malaman ni Richard ang totoo.

“A-actually y-yes, pero Chard sino ba naman ang makakatanggi sa kanya.  I mean ng malaman niya ang tungkol sa Auction, kinausap niya ako agad and it’s quite obvious naman that she still loves you and…”

“What did you say?”

“What?”

“About her…”

“What about her?”

“Rafi!!!” naiinis na talaga siya sa kaibigan.

“Ok, ok… sungit.” Kunwari pa ay sumimangot siya kay Richard.  “I said it’s obvious that she still loves you.”

“You think?”

“My God Chard, how can you be so dense?  Of course she does dahil kung hindi, hindi siya mag-aaksayang lumapit sa akin para sumali sa Auction na yun at i-suggest na isali ka.  Knowing Maya napaka-conservative ng babaing yun para sa mga ganung bagay.”

Nanatiling tahimik lang si Richard… malalim ang iniisip.

“Wait, ano bang nangyari sa weekend ninyo ni Maya?   Sorry but I need updates ang tagal kong nawala.”

“S-sa amin na lang yun.”

“Okaayy.” Nakakalokong ngiti ang binigay ni Rafi kay Richard.  “O sige so kayo na ulit?”

“I’m not sure.”  Ang totoo hindi naman talaga alam ni Richard ang sagot sa tanong ni Rafi.

“Bakit hindi mo alam?”

Nagkibit-balikat lang si Richard.  Again, wala siyang matinong maisagot kay Rafi.

“No, you need to tell me something. “ pangungulit ni Rafi sa kanya.

“Well she said she loves me…once.”

“Yun naman pala so what’s the problem bakit hindi mo alam kung kayo na ulit?”

“Because I’m not sure kung maniniwala ako.”

“Chard… if it’s because of what happened before.  Sana you can forgive her because maybe she has her reasons kung bakit niya nagawa yun.”

“The truth is gusto kong magsimula kami ulit, kalimutan ang lahat.  Kaso lang parang laging may nakaharang sa aming dalawa and hindi ko alam kung ano yun.” Nalilitong pahayag ni Richard sa kaibigan.

Awang-awa man si Rafi kay Richard pero wala siyang magawa.  Hindi niya puwedeng sabihin dito ang dahilan ni Maya dahil ayaw din naman niyang masira ang tiwala ng huli sa kanya.

“Chard, my advice, ituloy mo yan.  You and Maya deserved each other.”

“Thanks.”

“So let’s eat na.” Ngumiti si Rafi sa kaibigan.

****************

After going to Richard’s office, Rafi decided to go to Maya.  She wants to talk to her at pilitin itong sabihin na ang lahat kay Richard.  Sa tingin niya ay hindi na tama ang nangyayari sa dalawa.  Bakit kailangan pang pahirapan ng dalawa ang mga sarili nila when obviously they are so in-love with each other.

Kayang kalimutan ni Richard ang anumang nagawa ni Maya at si Maya naman ay gagawin ang lahat huwag lang magkagulo o may masaktan sa pamilya ni Richard.  Kung hindi pa ba pagmamahal yun, well hindi na niya alam kung ano pa ang itatawag doon.  Isa pa, siya yata ang number one fan ng love-team ng dalawang ito kaya kailangan na niyang gumawa ng paraan.

Pumasok si Rafi sa opisina ni Maya. Wala ang huli sa upuan nito.

“Maya.” Tawag niya dito.

Walang sagot… maya-maya pa ay narinig na lamang niyang lumalabas ng pinto ng banyo na konektado sa opisina nito si Maya.  Maputlang-maputla ito.  Agad niya itong sinalubong at inupo sa sofang malapit sa desk nito.

“What happened?  You looked so pale?”

“Ang sama kasi ng sikmura ko kaya sumuka ako.  Ewan ko ba ilang araw na akong ganito.”

Sandaling natahimik si Rafi.  “Maya, when was the last time you had your menstruation?”

“Ha.  Bakit mo tinatanong?” nagtatakang bali-tanong ni Maya kay Rafi.

“Did it ever occur to you that you might be pregnant?”  si Rafi.

 

to be continued…

-roxygirl5-

Advertisements

13 thoughts on “The Auction Chapter 11

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s