When I Was Your Man – part 4

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to KD. This is  a continuation to When I was your Man – part 3.


A/N: Fourth part na po ito mga kabisyu ❤ salamat sa pagbasa. Follow @tinangaquino( twitter & Instagram)– KD

 

Author : KD

 

~*~

 

Previously

 “Yes Doc. Ano pong nangyari sa asawa ko, dahil ba sa sugat niya sa ulo, is she fine?” Richard said. Nagaalala, tumingin si James kay Maya, alam niyang iyon na ang huli nilang pagkikita dahil nagawa na niya ang parte niya. Ang makapagpaliwanag kay Maya.

“No, it wasn’t. She’s almost 2 weeks pregnant” The doctor said and smiled to Richard. “Congratulations” The doctor offers a handshake then leave.

“Buntis si Maya?” tumingin sina Richard at James kay Maya.

“Congratulations Mr.Lim” wala naman duda na si Richard ang ama ng dinadala ni Maya dahil hindi naman ito nagkaroon ng secret affair with James.

“Ikaw ang nasa puso niya Richard, nasa isip niya lang ako. Now do your part” James gave him a smile and give Maya a kiss in her forehead. Then he left.

Ricardo, ipaalam natin kina Teresita ito, magandang malaman nila”  Sinabi ni Manang Fe, hindi maalis sa isip ni Richard ang sinabi ni James. He is right; he has to do his part.

“Manang, paano na kung malaman ni Maya na buntis siya at ako ang Ama , paano niya matatanggap yun, eh hindi naman niya ako kilala” Sinabi ni Richard kay Manang Fe.

“Ricardo, kilala ka ni Maya, hindi ka lang niya matandaan, Edi ipaalala mo sa kanya muli. Ligawan mo, suyuin mo, Hindi ka mahirap mahalin muli lalo na si Maya eh mahal na mahal ka niya” sinabi ni Manang Fe.

“Buntis ako?” Nagulat si Manang Fe at Richard ng malamang gising si Maya at narinig ang lahat.

“Maya”

Part 4

Hindi alam ni Maya kung ano magiging reaksyon, magiging masaya ba o malungkot. Pero alam niya sa sarili niya na masaya siya hindi niya lang maipakita kina Richard.

“Gusto ko ng umuwi, iuwi niyo na ako” Sinabi ni Maya. Sa mansion inuwi nila Richard si Maya, gusto man nito makasama ang nanay sa San Nicolas pero hindi pwede dahil bilin ng doctor na bawasan ang mga activities at paglabas labas nila. Para hindi mailang si Maya, sa kwarto nila ni Richard siya pinatuloy at si Richard ang nasa guest room.

After 2 weeks

Wala pa rin maalala si Maya kahit kasama na niya ang mga Lim sa iisang bahay pero nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga ito at pagaalaga sa kanya kaya hindi naman siya nahirapan makisama dito, tinatawagan naman siya ni Nanay Teresita at Kute. Nagsisimula ng maglihi si Maya sa mga panahon na ito.

Isang gabi..

“Hindi ako makatulog, gusto ko ng gatas at mangga” Maya said, hindi siya makatulog ng maayos. 12 am na ng madaling araw at alam niyang tulog na ang lahat. Makababa nga baka may mangga sa ref. She thought, bumaba si Maya sa kusina at dahil madilim, nangangapa siya ng Ilaw ng bigla niyang natabig ang cabinet at nakalikha ito ng konting ingay.

“Nasan na ba kasi yung ilaw dito, bat sobrang dilim naman kasi dito” Maya said, still didn’t find the switch when suddenly she felt someone is staring at her. Nakakaramdam din siya ng lamig at nakakarinig ng kaluskos. Natakot si Maya kaya nagdesisyon bumalik sa kwarto ng may nabangga siya.

“Ay pusa!” she shouted

“Maya” He said calmly while holding her arms, As Maya knew that it was Richard. She hugged her hindi na alam ni Maya ang magiging reaksyon kaya napayakap ito kay Richard sa takot.

“Why? you are shivering” Richard said while rubbing Maya’s back. He removed his robe and put it on Maya.

“ eh Ricky, natakot kasi ako eh para kasing may kaluskos doon sa kusina” Sabi ni Maya na parang batang nagsusumbong, naalala ni Richard noong bago silang kasal, nangyari din ito kay Maya, nagulat si Richard na bigla siyang tinawag ni Maya na Ricky. Ngaun na lang niya ulit ito narinig sa kanya. Binuksan ni Richard ang ilaw at wala naman nakitang tao.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo dito, its 12 am already, dapat natutulog ka na dahil hindi maganda sa buntis ang nagpupuyat” Sinabi ni Richard, napakamot ng ulo si Maya at nagpout ng lips. Alaala lang ang nawala sa kanya pero siyang siya parin ang Maya noon bago ang aksidente.

“Eh kasi, gusto ko ng gatas at mangga e, ayaw ko naman makaabala kaya bumaba na lang ako” Sinabi ni Maya na napangiti si Richard.

“Sige na umupo ka na, Ako na kukuha para sayo” ngumiti si Maya at umupo, pinapanood niya si Richard na asikasuhin siya, ngayon lang sila nakapagusap ng ganoon, ng sila lang dalawa.

Kumain ka na, may gusto ka ba pa? I can drive you to a ministop if you want” Sabi ni Richard

“Naku, okay na ito, Salamat ha” Sabi ni Maya, ngumiti si Richard. Biglang napaisip si Maya na itanong na kay Richard kung paano ba sila nagkakilala dahil talagang wala siyang maalala tungkol sa kanila.

“I know that look Maya, ano ung itatanong mo?” sabi ni Richard, napakamot ulit ng ulo si Maya.

“Eh, paano ba tayo nagkakilala? May pictures ba tayo noon? Baka pwede ko makita?” Sabi ni Maya, ngumiti si Richard. “Wait me here” sabi ni Richard, umakyat siya ng kwarto nila at kinuha ang wedding album nila at iba pa nilang pictures. Kinuha rin ni Richard ang scrapbook ni Maya.

“Ito Maya, tignan mo” Sabi ni Richard.

“Wedding Album? Atin ba talaga ito?” Sabi  ni Maya, Richard join her as she turn the pages.

“Ang ganda naman nito, Ang ganda ko naman dito” Sabi ni Maya, Richard look at her and said “You will always be beautiful Hon”  Maya looked at him, nagulat pero napangiti.

“Maya, I mean Maya, I’m sorry” Richard said, iniiwasan nito na mailang si Maya sa kanya dahil baka mahirapan siya na maalala siya nito.

“Hon? Iyon ba ang tawag mo sa akin?” Maya asked with her mischievous smile.

“Yun ang naisip mong itawag sa akin, nahawa lang ako, haha” Richard said and they both laugh, hindi rin makapaniwala si Maya na natawag niya si Richard ng ganoon. They looked at the photos once again. Nakita ni Maya ang photo kung saan nag kiss sila. She felt a spark and She starts to picture some moments in her mind.

“Maya okay ka lang?” Richard asked.

“Okay lang ako Richard, Ano naman itong pink na ito?” Tinutukoy ni Maya ang scrapbook niya.

“Iyan yung scrapbook mo na ginawa sa noong nagliligawan pa lang tayo” Sinabi ni Richard, binuksan ni Maya ng scrapbook at ngumiti siya sa mga litrato na nakita, nakilala niya si Mamang pero hindi matandaan na wala na ito.

“Si Mamang, nakakamiss ang kasungitan ni Mamang, bakit kaya wala siya sa ospital nung pagkagising ko, ah siguro binantayan ang chibugan” Sabi ni Maya. Hindi alam ni Richard kung paano sasabihin ito kay Maya hanggang sa nailipat ni Maya ang scrapbook page sa litrato kung saan burol ni Mamang.

“Sino ang nakaburol sa amin?” tinanong ni Maya kay Richard, nagkatinginan si Maya at Richard sa mata at narealize ni Maya na si Mamang ang namatay. Tumulo na lang ang luha nito.

“Wala na si Mamang? Kailan pa? Bakit? Paano?” Naluha si Maya na sinubukang pigilan ni Richard.

“Namatay si Mamang pagkatapos ng pamamanhikan ko sa inyo, hindi lang siya nagising na, namatay siya 2 years ago, 2 months before tayo ikasal” Sabi ni Richard, nakita ni Richard ang kalungkutan ni Maya, hindi niya iyon nakita noong burol, ngayon lang nagpakita si Maya ng emosyon sa pagkakamatay ni Mamang.

“Ricky, gusto ko ng matulog” Sinabi ni Maya. He just nodded at hinatid siya sa kwarto. Bago lumabas si Richard ng kwarto. Hinawakan ni Maya ang kamay niya.

“May kailangan ka pa ba Maya?” Tanong ni Richard.

“Pwedeng wag mo muna akong iwan, please?” Umiiyak pa rin si Maya. Lumapit si Richard at umusog ng konti si Maya para makaupo si Richard sa tabi niya.

“Salamat” sabi ni Maya, ipinikit na niya ang mata niya at si Richard ay pinapanood lang siya matulog, kinanta ulit ni Richard ang theme song nilang dalawa. Napangiti ulit si Maya nito at yumakap kay Richard. Nakatulog silang dalawa  na magkayakap.

Next Day

“Manang fe, si Dad po ba umalis ng maaga, chineck ko siya sa guest room wala e” Sabi ni Luke habang nakain silang magkakapatid.

“Nandiyan pa yung kotse niya eh, ewan ko lang” Sabi ni Manang fe, tumayo si Abby sa lamesa.

“Oh baby saan ka pupunta?” sabi ni Nikki.

“I’ll wake Mama up na, para makasabay na tayo sa breakfast, dapat healthy si Mama kasi magkakaroon tayo ng bagong baby diba!” Sabi ni Abby, “Wait baby sama kami!” sabi ni Nikki at Luke, naguunahan pa ang magkakapatid sa hagdan. Nag binuksan nila ang pintuan ng kwarto.

“Mam..” tinakpan ni Nikki ang bibig niya dahil muntikan na niyang magising si Maya at Richard.

“aww. Magkatabi na ulit sina Mama at Daddy matulog” Sabi ni Nikki na kinikilig pati si Abby.

“Ang sweet nilang tignan diba?” sabi ni Luke. “Hayaan muna natin sila matulog, tara na” Dagdag pa ni Luke, dahan dahan nilang sinarado ang pintuan at bumaba na sa kusina.

Ang himbing ng tulog nila Maya at Richard, sa kanilang dalawa si Richard ang unang nagising, nakita niya si Maya ay himbing na himbing na natutulog sa dibdib niya, hinawi ni Richard ang buhok ni Maya at pinagmasdan ito, nakatulog muli si Richard.

10 am

Pagmulat ni Maya nagiisa lang siya sa kwarto. Ng may nakita siyang sticky note sa may end table.

Good morning , Gonna go to work I’m late but if you need me, just call okay? See you later J

Ngumiti si Maya sa nabasa niya lalo na ng may nakita pa siyang sun flower sa vase. Tumayo si Maya at naligo na..

Hindi naman na bored si Maya sa mansion dahil dinalaw naman siya ng kaibigan niyang si Emman, hindi man niya ito maalala pero hindi naman nagtagal nawili si Maya sa mga kwento nito kasama sina Doris at Sabel.

“Hi Mama!” sabay sabay na bati ng magkakapatid kay Maya. Binigyan nila ng halik sa pisngi si Maya at yakap ng dumating sila galing school, hindi naman na rin naiilang si Maya sa mga ito dahil halos 2 linggo na sila magkakasama.

“Kumain na ba kayo? May meryenda dito dala ni Kuya Emman ninyo, masarap siya red velvet cake ” sabi ni Maya, nagbihis muna ang mga bata at bumalik sa kusina para kumain, nagyaya mag swimming ang mga bata at nagpaalam kay Maya, mapilit ang mga ito kaya pumayag naman. Ang saya saya nila sa baba, nagtatawanan at nagkwekwentuhan.

“Manang Fe, nasaan sila Maya at ang mga bata?” Tanong ni Richard na may dala dalang mga mangga, hinog at hilaw at iba pang mga prutas.

“Ah, nandoon sila sa baba, nagswiswimming” Sabi ni Manang Fe, bumaba si Richard at nakita si Maya sa may swimming pool na pinipicturan sina Abby.

“Hon mahulog ka diyan” Sinabi ni Richard, hindi niya ito napansin kahit si Maya pero ang mga anak nito ang nakapansin.

“Uii si Daddy ang sweet” Sabi ni Abby, nagtawanan silang lahat habang si Maya ay namumula at nahihiya.

“Para sayo” Inabot ni Richard kay Maya ang sunflower bouquet. Ngumiti si Maya at nagpasalamat sa pamamagitan ng halik sa pisngi. Pag akyat niya sa kusina ay nakita niya na maraming prutas lalo na mangga, tuwang tuwa si Maya.

Hindi naman tumagal at napapalapit na ang loob ni Maya kay Richard, madalas nag uuwi si Richard ng mga bilin ni Maya, kaya naman satisfied na satisfied ang pagbubuntis nito, Maya gained weight pero hindi halata dahil hindi naman tumaba ang pisngi nito pero malaki ang pinagbubuntis ni Maya. Every 2 weeks nagpapacheck up si Maya sa ob-gyne na kaibigan ni Rafi, sinasamahan siya ni Richard everytime nagpapacheck up ito.

After 3 months

Clinic

Nagpa check up si Maya ulit sa kanyang doctor kasama si Richard, ngayon na nila pwedeng malaman kung ano ang anak nila, babae ba o lalaki.

“Ricky, kinakabahan ako, Pano kung alam mo iyon may deperensya ung bata kc diba naaksidente ako noon” Umiral ang pagka paranoid ni Maya , hinawakan ni Richard ang kamay niya. “Don’t worry, I know it won’t, Inalagaan mo siyang mabuti” sinabi ni Richard.

“Ikaw kaya nagalaga sa akin, tara na” Sabi ni Maya, pumasok na sila sa loob ng clinic at inultrasound na si Maya.

“ Ang laki naman ng baby mo Mrs.Lim” Sabi ng Ob-Gyne. Nasa gilid lang si Richard dahil baka maging incomportable si Maya, pero nakita ni Richard na inaabot ni Maya ang kamay niya. “Ricky tignan mo, dali” sabi ni Maya, inabot naman ni Richard ang kamay ni Maya at pareho nilang tinitignan ang bata sa ultrasound ng magkahawak ang kamay, Sa sobrang saya ni Maya ay naluha ito. Hinalikan niya si Richard sa labi. Kinagulat ito ni Richard at mas ikinasaya, unti unti na siyang naalala ni Maya, Hinalikan naman ni Richard si Maya at niyakap ito ng mahigpit.

“A baby boy, Congratulations!” Sabi ng Ob-Gyne. Pagkabalik nila sa kotse, hinawakan ni Maya ang kamay ni Richard.

“Ricky.. ah.. Hon?” Sabi ni Maya na ikinangiti ni Richard.

“Yes Hon?” Sabi ni Richard at mas hinigpitan ang hawak niya sa kamay ni Maya.

“Salamat ha” Sabi ni Maya, Unti unti ng naayos ang mga nangyari sa kanila ni Maya. Ilang buwan pa ang nakalipas at mas napalapit sila sa isa’t isa, magkatabi na rin ulit sila sa kwarto dahil natanggap naman na ni Maya na magasawa sila at may tiwala naman siya dito dahil sa mga pinakita nitong kabutihan sa kanya. Richard is a true gentleman as always. Lumipas pa ang ilang buwan at mas nakilala ni Maya ang mga Lim. Malapit na rin manganak si Maya nito.

 

“James, We still need to talk” Maya called him up, Pumayag si James na makipagkita dito at nagusap sila sa isang coffee shop na wala masyadong tao.

Coffee shop

“You look good even you’re pregnant” James said.

“Thank you” sabi ni Maya, hindi alam ni Maya kung saan magsisimula  sa sasabihin niya kay James.

“Maya, about what happened, I’m sorry” James said , he’s really sorry.

“James hindi kita pinapunta dito para sisihin ka o awayin ka” Maya said, she hold his hand.

“James, gusto ko lang sana magpasalamat” Maya said. Hindi alam ni James kung bakit ito nagpapasalamat, Kaya hindi na inantay ni Maya na magtanong ito.

“James, salamat dahil hindi ka nag take advantage sa akin noong oras na hindi ko maalala si Richard” she said. Lumaki ang mata ni James at ngumiti ito.

“Bumalik na ang alaala mo?” sabi ni James. “Hindi pa James, hindi na rin siguro babalik yun” Sabi ni Maya.

“Pero kahit hindi ko na maalala yun, okay lang dahil marami naman magagandang nangyari ngayon, lalo sa amin ni Richard” sabi ni Maya.

“That’s good to know Maya, I won’t take advantage of you , Alam ko naman kung gaano ka kamahal ni Richard dahil nagusap na rin kami noon bago pa lang kayo ikasal” Sabi ni James na ikinagulat ni Maya.

“Ano naman napagusapan ninyo?” gusto pa rin malaman ni Maya ito.

“ A gentleman’s agreement , He said that kung ako ang pipiliin mo, tatanggapin niya yun. Dahil mahal ka niya, ngayon Maya alam kong siya ang mahal mo, at katulad ni Richard, rerespetuhin ko iyon, dahil mahal kita.” Sabi ni James.

“So kailangan ko ng umalis Maya, yung flight ko malapit na” Sabi ni James at tumayo.

“Ako din James, inaantay na siguro ako ni Richard” sabi ni Maya.

“So is this goodbye?” Tanong ni James. “Goodbye James” Ito ang sagot ni Maya sa kanya, niyakap siya ni James at umalis na ito. Lumingon si James sa kanya at binigyan ito ni Maya ng isang kaway. That was their closure.

—-

Umuwi si Maya at nagluto ng pagkain para kay Richard.  Tuwang tuwa ang mga bata dahil nagluto si Maya, dumating na si Richard galing work.

“Hi Hon. Upo ka na, sabayan mo na ang mga bata kumain” umupo si Richard pero tahimik ito parang may sakit at walang gana.

“Hindi ako nagugutom, parang gusto ko na magpahinga, bukas na lang siguro” Sabi ni Richard, hinalikan niya sa noo si Maya at pumanik na sa kwarto nila. Naramdaman naman ni Maya na may problema ito.

“Mga anak, kain lang kayo ah, nandyan naman si Sabel at Doris pag kailangan niyo” Sabi ni Maya, umakyat ito sa kwarto, nakita niya si Richard na nasa may terrace.

 

“James, are you alright, gusto mo pagusapan?” Sabi ni Ryll, umupo ito sa tabi ni James.

“Okay lang, kamusta na asawa mo?” sabi ni James.

“Ok kami pero this is about you muna, kamusta naman?” inulit ni Ryll.

“ Nakapagusap na kami ni Maya, hindi na siya galit sa akin, okay na siguro yun noh.” Sabi ni James, Ryll tap him in his shoulders.

“Pero alam mo Ryll, habang buhay ko pagsisisihan na pinakawalan ko pa si Maya, Ako na yung mahal ng taong mahal ko eh, pinakawalan ko pa. Pero nung nakita ko siyang masaya at mahal ni Richard, okay na rin ako. Ngayon hindi ko na sisisihin ang sarili ko na naging miserable ni Maya, dahil mas maganda ang nangyari , nakilala niya si Richard” Sabi ni James, natuwa si Ryll sa sinabi ni James, dahil matapos ang tatlong taon ay napayapa na ito.

“May ipagcecelebrate pala tayo eh, That’s my best friend. Tara sumama ka sa bahay nagluto si Misis, sumabay ka na sa amin kumain” Sabi ni Ryll, hindi naman tumanggi si James at sumama sa bahay nila Ryll, nakilala ni James ang kapatid ng napangasawa ni Ryll, si Infinity.

 

 

“Hon, okay ka lang ba?” Sabi ni Maya.

“Umalis ka ba kanina?” Tanong ni Richard.

“Oo, umalis ako. Nakausap ko si James” Pinagtapat naman ito ni Maya agad na nakapagpagaan ng loob ni Richard ng konti.

“Maya, iiwan mo na ba kami?” sabi ni Richard, hindi ito makatingin kay Maya dahil baka hindi nito makayanan.

“Hon.. hindi” sabi ni Maya habang hinawakan ang pisngi ni Richard para humarap ito sa kanya.

“Ano ang napagusapan niyo ni James?” Sabi ni Richard.

“I just thanked him for not taking advantage at we parted ways” Maya said. She can tell that Richard was scared in bringing up the topic.

“Hon.. look at me, hindi kita iiwan, hindi man kita maalala noon, I’m sorry. Pero hindi mo din ako iniwan diba?, pinatunayan at pinakita mo sa akin kung gaano mo ako kamahal, iyon ang pinagpapasalamat ko sa lahat. Richard mahal kita. Isipin ko pa lang na iwan ka, hindi ko na kaya. Wag mo sanang isipin na iiwan kita dahil hindi” Sabi ni Maya, na kinabigla ni Richard.

“Mahal mo na ako Maya, naalala mo na ba ako?” Richard asked.

“Hindi Richard, pero sinasabi ng puso ko na mahal kita” Hinalikan ni Maya si Richard at niyakap ni Richard si Maya.

“Mahal na mahal kita Maya”

“Aray. Teka ang sakit ng tiyan ko!” Biglang napahawak si Maya sa tyan niya.

 

Advertisements

13 thoughts on “When I Was Your Man – part 4

  1. Pingback: When I was Your Man – part 5 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s