Yo Soy Maya La Fea – part 12

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to CorUnum. This is a continuation to Yo Soy Maya La Fea – parts 9-11.


A/N: Dear EB readers, I’m terribly sorry for this very late update! Super busy lang po kasi lately. Submission of grades po kasi… anyway, sa part 12, Richard will meet the dela Rosa clan… matutunghayan n’yo po ang kasungitan ni Tatay Arturo. Sa part 13 naman po I do hope kiligin kayo… hindi ko po sure kung kikiligin nga kayo kasi hindi naman po talaga ako magaling magpakilig… magaling lang po akong kiligin! I hope you enjoy! Kapit-bisig!

–CorUnum

 

Author : CorUnum

 

~*~

ANG POGING SINGKIT AT SI TATAY SUNGIT

 

Matapos s’yang makipagtitigan kay Maya ay pinatuloy si Richard ng pamilya nito sa kanilang bahay. Excited na excited ang lahat lalo na ang nanay ni Maya… well, excited almost ang lahat pero napansin ni Richard na “Taga-bantay” ang peg ng tatay ni Maya kung makatingin sa kanya. Napalunok s’ya at nagsimulang kabahan.

 

Pagpasok ni Richard ay binitbit n’ya ang chocolates at flowers para kay Maya. Medyo nabawasan ang kaba sa dibdib n’ya nang makita ang matamis na ngiti ni Maya sa kanya. “Anything for you, Maya.” Nasabi ni Richard sa sarili. “Magandang gabi po. Ako po si Richard Lim. Aakyat po sana ako ng ligaw kay Maya…” Pinagpapawisan na s’ya ng malamig. Nakangiti ang mga babaeng dela Rosa sa kanya, pero ang tatay ni Maya ay tumango lang. (Parang nadaig yata sa tiger-mode ni tatay sungit si poging singkit.)

 

“Magandang gabi naman. Ako si Teresita, ang nanay ni Maya. Eto naman ang asawa ko si Arturo. Si Mamang Conchita, ang lola ni Maya tapos si Cristina Rose, ang ‘kute’ ni Maya… ah, kute kasi kuya na ate…” Pagpapakilala ni Nanay Teresita. Ngumiti si Richard. “Ah, maupo tayo.” Pag-aaya ni Mamang. Nagsiupo silang lahat. Pinagitnaan nina Nanay Teresita at Tatay Arturo si Maya. Magkatabi naman sina Mamang at Kute. “Ah, Maya these are for you.” Sabi ni Richard sabay abot kay Maya ng dalang bulaklak at tsokolate. “Thank you.” Sagot ni Maya na hindi mapigilan ngumiti. Matapos nito ay naupo si Richard sa isang stool.

 

“Mamang, kuha po tayo ng mamemerienda.” Aya ni Kute sa kanilang lola. Tumango ang matanda at sabay silang pumunta sa kusina. Matapos ang ilang sandali ng katahimikan ay nagsalita si Nanay Teresita. “Ah, saan mo nakilala ang anak ko, Richard?” Tanong niya rito. Nanlaki ang mga mata ni Maya. Hindi nga pala alam ng pamilya niya na boss n’ya si Richard! “Ah, sa office po.” “Ano bang trabaho mo?” Biglang tanong ni Tatay Arturo. “Ah…. Eh…” Panimula ni Richard. Hindi n’ya alam kung paano sasabihin na s’ya ang boss ni Maya. “Siguro naman ay may trabaho ka. Ayokong may nanliligaw sa anak kong walang trabaho!” Parang nagbabanta ang tono ni Tatay Arturo. Napanganga si Maya habang napatingin kay Richard at pagkatapos ay sa tatay n’ya ulit! Naisip n’ya sa sarili: “Naku ‘tay! Una sa lahat, wala naman akong ibang manliligaw kundi si Sir Richard lang… masyado kang demanding! Pangalawa, may-ari s’ya ng pinagta-trabahuhan ko!” Nagpa-panic na si Maya.

 

“Ah, m-may trabaho po ako sir… I run a business po.” Sabi ni Richard. “Anong business aber?” Pagmamasungit ni Tatay Arturo. “Ah….” Napatingin si Richard kay Maya na parang sinasabing ‘Maya, tulungan mo naman ako sa tatay mo!’ Para namang nabasa ni Maya ang nasa isip n’ya. “Tatay… ahm… si Sir Richard… s’ya po ang may-ari ng Lim Aviation Services kung saan ako nagta-trabaho… boss ko po s’ya.” Saktong dumating sina Mamang at Kute galing kusina at lahat sila ay napa-sabi ng “ANO???!!!” Nganga si Tatay Arturo!

 

“Boss mo si Richard? Este si Sir Richard pala???” Tanong ni Nanay Teresita. Tumango lang si Maya. “Ah, please call me Richard.” “Eh, parang awkward naman ho yata ‘yun. Boss kayo ng kapatid ko… may-ari kayo ng malaking aviation company tapos first-name basis agad?” Sabi ni Kute. “Well, aside from me being the owner of Lim Aviation, I’m also Maya’s suitor. So I think it’s just right that you call me Richard.” Pagpapaliwanag ni poging singkit.

 

“Teka nga lang, ah Mr. Richard… Una sa lahat ho, itong anak kong si Maya ay simpleng babae lang. At kung nakikita naman ninyo eh hindi ho kami mayaman… nagtataka lang ho ako kung bakit n’yo s’ya liligawan.” Muli ay nagsalita si Tatay Arturo.

 

“Simple lang naman po ang sagot d’yan. Mahal ko po ang anak n’yo kaya ko po s’ya nililigawan.” “Aba mawalang-galang na Mr. Richard Lim. Pinipilosopo mo ba ako?” Tiger-mode na tanong ni Tatay Arturo. Nagulat si Richard. “Po? H-hindi po! Totoo pong mahal ko po si Maya!” “Anong palagay mo sa’ken hindi nakapanligaw? Siyempre alam kong kaya ka manliligaw sa babae ay dahil mahal mo. Pero ang punto ko eh mayaman ka. Isa pa Instik ka. Hindi ba ‘yung mga tipo mo ang mga nililigawan ay ‘yung mga mayayamang Instik din?” “Well, that would be following Chinese tradition sir. But in this case, I’d follow my heart rather than tradition.” Naku, pak na pak sa question and answer si Richard Lim!

 

Nag-tumbling ang puso ni Maya sa narinig. Anak naman ng singkit! Seryoso na ba talaga ito??? Panandaliang natahimik si Tatay Arturo. Pero hindi n’ya inaalis ang titig kay Richard. Marami nang naka-business deal si Richard — iba’t-ibang nationalities mula sa iba’t-ibang parte ng mundo. Pero ngayon lamang s’ya nakaramdam ng ganitong kaba. Sandali s’yang tumingin kay Maya… mahigpit ang pagka-hawak ni Maya sa balumbon ng tsokolate at bulaklak na ibinigay niya. Naisip ni Richard na kailangan n’yang gawin ang mga bagay na ito para kay Maya… kaya kahit nanunuyot na ang laway n’ya sa kaba, hindi s’ya nagpatinag.

 

“Hmp! Hanga ako sa galing mong sumagot, Mr. Lim. Pero paano ako nakakasiguradong totoo ang mga sinasabi mo?” Naku, mahirap na tanong ito… Pero sige pa rin si poging singkit! “Mr. dela Rosa… sa totoo lang po sa ngayon ay mahirap kong patunayan ang sarili ko sa inyo. This is the first time that we have met face to face. Alam ko pong hindi sapat ang harana, tsokolate at bulaklak para patunayan kong totoo ang aking pagmamahal sa inyong anak. I wish I could show you my heart… I wish you could read my mind so that you would know that what I say is true. I love your daughter very much.”

 

Medyo sumilip ang ngiti sa labi ni Tatay Arturo. Pero agad-agad din itong nawala. “Bweno. Kumain ka muna Mr. Lim at parang namumutla ka na.” Aya ni Nanay Teresita. Napabuntong-hininga si Richard. Mukhang mahihirapan s’ya kay Tatay Arturo…  

 

 

YO SOY MAYA LA FEA Part 13:

KILIG-KILIG DIN PAG MAY TIME

 

Siguro kung makakareklamo ang kutson ng kama ko ay nagawa na nito sa kababalikwas ko. Hindi talaga ako dalawin ng antok. Sinong babae ba ang makakatulog pa matapos haranahin at akyatan ng ligaw ni poging singkit??? At in fairness ha, kahit pinagsungitan s’ya ni Tatay, hindi s’ya sumuko… Totoo ba ang lahat ng ito? Ano kayang nakain ni poging singkit? Siguro nanawa na s’ya sa mga magagandang babae kaya sinusubukan n’ya naman ang pangit… Hay naku, ang hirap talaga unawain ng likaw ng utak ni pogi. Mukhang seryosong-seryoso s’ya… Nagpaalam pa s’ya sa pamilya ko… Kung hindi s’ya seryoso, hindi naman s’ya siguro mag-aaksaya ng panahon para umakyat ng ligaw… ano ba naman??? Nakakawindang ka na Richard Lim!

 

***

Habang nagbibihis ako, napatingin ako sa salamin. Ganoon pa rin naman ang mukha ko. Pangit pa rin ako… pero pakiramdam ko humaba ang hair ko… mga hanggang Jolo, Sulu… Naisip kong ang pangit na hitsurang ito na nakikita ko sa salamin ang nililigawan ni Richard Lim… may totoong-buhay palang fairy tale. Ipusod ko kaya ang buhok ko? Maiba lang… Sinubukan ko. Waley, pangit pa rin ako. Inalis ko ang salamin ko. Medyo nag-improve naman ang hitsura ko. Noon pa man, sabi sa’ken ni Mamang ay asset ko ang mga mata ko. Kaso lang wala naman akong makita kaya isinuot ko ulit.

 

“Nak?” Sabi ni Nanay habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. “Saglit lang po ‘nay.” Sagot ko. Sandali kong tiningnan pa ang sarili ko sa salamin. Pagkatapos ay isinuot ko na ang vest ko at binuksan ang pinto ko. “Handa na ang almusal mo. Medyo napapatagal yata ang pagbibihis mo kaya kinatok na kita. Baka kasi mahuli ka sa trabaho.” “OK na po ‘nay. Tara na po sa baba.” Bababa na sana ako pero pinigilan ako ni Nanay. “Anak… gusto ko lang sabihin sa’yo na… na masaya ako para sa’yo.” “Po?” “Maya, ‘wag ka nang mag-deny. Alam kong may pagtingin ka sa manliligaw mo. Pinagmamasdan kita kagabi habang hinaharana ka ni Sir Richard mo. Kitang-kita sa tingin mo sa kanya na mahal mo s’ya.” “Nay…”

 

Niyakap ako ni Nanay nang mahigpit. At pagkatapos n’ya akong yakapin ay pinahid n’ya ang luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. “Nanay bakit ka umiiyak?” “Masayang-masaya lang ako anak. Sa palagay ko ay magiging masaya kayo ni Richard.” “Talaga po?” “Oo naman anak. Mahal n’yo ang isa’t-isa.” “Sa tingin n’yo po ba ‘nay mahal ako ni Sir Richard?” “Ha? Oo naman ‘nak. Bakit naman parang nagdududa ka sa kanya?” “Eh kasi ‘nay play boy ‘yun eh. Tsaka…” “Tsaka ano anak?” “Hindi ko lang po maintindihan kung anong nakita sa’ken ni Sir Richard. Pangit po ako ‘nay. Parang imposible naman pong…” “Maya, ‘nak. Makinig kang mabuti sa akin. Sabihin na nating hindi ka pinagkalooban ng Diyos ng pisikal na kagandahan. Pero anak, napakabait mo at mapagmahal. Napaka-talino mo. Masipag ka. Mabuti kang tao. Lahat ‘yun anak, lahat ‘yun ay mga katangiang kamahal-mahal. ‘Wag mo sanang iisipin anak na hindi ka kamahal-mahal.” This time, ako naman ang nag-best actress. Napaiyak ako sa mga sinabi ni Nanay. Muli ay nagyakapan kaming mag-ina. “Oh, s’ya… bago pa tayo manalo ng FAMAS, halikana sa baba, anak at baka mahuli ka sa opisina, ma-miss ka ng boss mo!” “Nanay….” Tumatawa kami ni Nanay habang bumababa ng hagdanan.

 

***

Maaga pa ay nagmumuni-muni na si Richard sa veranda. Humihigop s’ya ng kape. Naaalala n’ya ang timplang kape ni Maya. Bukod sa efficiency nito sa pagiging accountant, napaka-efficient din nito sa pag-take down ng notes at pagtitimpla ng kape n’ya… ng napaka-sarap na kape. Kinuha n’ya ang kanyang cellphone. “Hello Liza? Have you put the flowers on Maya’s table? Don’t forget the card… Great! That’s great! I owe you Liza. Thanks.” Matapos kausapin ni Richard si Liza ay napangiti siya. Naisip niya ang magiging reaksyon ni Maya kapag nakita ang mga bulaklak. “Mukhang masaya ka yata Ricardo.” Si Manang Fe ang nagsalita, ang yaya ni Richard at ngayon ay mayordoma sa kanyang mansyon. Parang nanay na ang turing n’ya sa matanda. “How do you know Manang?” Tanong niya habang nakangiti pa rin. “Sus namang bata ito. Sa tagal kitang inalagaan, kilalang-kilala na kita.” “Yes Manang. I’m happy. I’m going to show Ryan that I’m right!” “Ha?” “May pustahan kami Manang. There’s this girl in the office. She’s my newly-hired accountant. Sabi ni Ryan walang gusto sa’ken itong si Maya, my new accountant. Ang sabi ko meron. Pinopormahan ko s’ya ngayon Manang. And by the looks of it, I think panalo ako sa bet.”

 

Napailing si Manang Fe. “Ricardo, ‘wag mong paglaruan ang damdamin ng mga babae! Baka mamaya bumalik sa’yo ‘yang lahat ng pinaggagagawa mo.” “Manang, please don’t be mad at me. It’s just for fun.” “Hay naku, Ricardo. Kapag nalaman ng babaeng ‘yan ang pinaggagagawa mo, mawawalan ka nanaman ng accountant!” At the thought of loosing Maya, biglang nabura ang ngiti sa mukha ni Richard. Hindi n’ya alam pero parang natakot s’yang mawala si Maya. “Oh ano? Natauhan ka na ba? Titigilan mo na ba ‘yang kalokohan mo, Ricardo?” Tanong sa kanya ni Manang Fe. “I… I can’t Manang…” Halos pabulong na sagot ni Richard. Sa ‘di malamang kadahilanan ay na-imagine n’ya ang paghalik n’ya kay Maya noong habulin n’ya ito sa labas ng sinehan. Inakala n’ya noong una na halos masusuka s’ya sa kanyang ginawa. Pero kabaliktaran ang nangyari. Marami na s’yang nahalikang babae… heck, hindi lamang halik ang ginawa n’ya sa isang katutak na babae. Pero ang halik ni Maya lang ang nakapagpatigil ng mundo n’ya. “Ricardo? Ricardo anong ibig mong sabihing I can’t? Malaking pera ba ang pinagpustahan n’yo ni Ryan?” “No Manang. There’s no money involved.” “Eh ‘yun naman pala. Tigilan mo na ‘yan. Tigilan mo na ang panliligaw sa bago mong accountant. Ipaliwanag mo ang lahat at mag-sorry ka sa kanya.” “Manang, hindi ko po pwedeng tigilan ang panliligaw kay Maya dela Rosa.” “Bakit???” Nauubos na ang pasensya ni Manang Fe sa alaga n’ya. “Because I think I am in love with her.”

 

***

“Good morning, Maya!” Bati ni Ms. Liza sa akin. Parang kakaiba yata ang ngiti n’ya ngayon. “Good morning, Ms. Liza.” Sabi ko habang nakangiti rin.  Pumasok na ako sa loob ng opisina namin ni Sir Richard. Halos mag-summersault ang puso ko nang makita ko ang bouquet ng flowers na nakapatong sa table ko. Tiningnan ko kung may card… meron nga… at in fairness, scented ito. Binuklat ko at para namang daig ko pa ang nag-viking nang makita ko ang nakasulat:

 

Dear Maya,

This is something to remind you of the constancy of my feelings. It’s not enough, I know. If only I could give you my heart to show you how much I love you, I would gladly do so. I hope you like the flowers.

                                                                                    Love, Richard

 

Hindi ko sure kung ilang beses ko binasa ang nakasulat sa card. Kahit paulit-ulit kong basahin, ang tindi pa rin ng epekto sa’kin. Nakaka-high ang pagmamahal ni Richard Lim.

 

“Good morning, Maya. I see you’ve found my gift out.” Narinig ko na lang bigla ang mala-anghel na boses ni poging singkit. “Sir, hindi ko naman po kailangan ng mga regalo. Hindi naman po kasi ako mahilig sa mga material things.” Ngumiti si poging singkit… tumigil nanaman ang mundo ko. Wala bang antidote sa kamandag ng ngiti ni poging singkit? “Maya, it’s not a question of whether you need gifts. It’s all about me needing to show you how much I love you. I know you still have doubts. Heck, I don’t blame you for that. I mean, I’ve been a bit of a player before. But Maya, I hope you give me the chance to show you that I love you.” Emergeeeerrrrdd! Kung nakakamatay ang kilig, nakaburol na ako!

 

“Sir, sinusubukan ko naman pong paniwalaan kayo… S-sa totoo lang naman po as much as the fact that I know you’re a player, there’s something else that keeps me from believing it’s possible for you to fall in love with me… It’s… it’s more of me having a hard time understanding why a handsome guy like you would fall for an ugly girl like me…” Halos parang sinok lang sa hina ang boses ko. Hindi ako makatingin kay poging singkit sa hiya kaya tumungo na lang ako… Mistake! Anak naman ng gwapo! He cupped my face and lifted it close to his to the extent na naamoy ko nanaman ang kabanguhan n’ya.

 

“Maya… Maya… does it matter if you don’t look like a super model or a beauty queen? I love you… I… LOVE…YOU… Please give me a chance… give US a chance… go out with me, Maya.” Nakalimutan ko ang pangalan ko… shemay! Ang alam ko lang nangungusap an gaming mga mata… “Well?” Tanong n’ya ulit. Bumuka ang bibig ko… gusto kong magsalita pero walang mabuong salita. Ganito ba kapag in love ka?

 

TO BE CONTINUED…

Abangan: Part 14-PERS DATE NINA SINGKIT AT PANGIT

                Part 15 – NANG MAGKABISTUHAN   

18 thoughts on “Yo Soy Maya La Fea – part 12

  1. kelan kaya yung next chapter??? sana ASAP na…hehehe. dami kong tawa lagi pag tong story na to ang binabasa ko. ano kayang mangyayari sa 1st date? exciting ito🙂

  2. Pingback: Yo Soy Maya La Fea – parts 14 & 15 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s