When I was Your Man – part 5

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to KD. This is  a continuation to When I was your Man – part 4.


A/N: Last part na po ito mga kabisyu❤ salamat sa pagbasa. Epilogue nlng po! Pasensya na sa pagbibigay ng inis sa inyo nung nalimutan ni Maya si Richard  doon po kasi talaga iikot ang storya heheJ

Follow @tinangaquino( twitter & Instagram)– KD

 

Author: KD

 

~*~

Previously

 “Hon.. look at me, hindi kita iiwan, hindi man kita maalala noon, I’m sorry. Pero hindi mo din ako iniwan diba?, pinatunayan at pinakita mo sa akin kung gaano mo ako kamahal, iyon ang pinagpapasalamat ko sa lahat. Richard mahal kita. Isipin ko pa lang na iwan ka, hindi ko na kaya. Wag mo sanang isipin na iiwan kita dahil hindi” Sabi ni Maya, na kinabigla ni Richard.

“Mahal mo na ako Maya, naalala mo na ba ako?” Richard asked.

“Hindi Richard, pero sinasabi ng puso ko na mahal kita” Hinalikan ni Maya si Richard at niyakap ni Richard si Maya.

“Mahal na mahal kita Maya”

“Aray. Teka ang sakit ng tiyan ko!” Biglang napahawak si Maya sa tyan niya.

Part 5

Hospital

“Maya, malapit na tayo, kaya mo yan” Richard said, pinagpapawisan ito. Parang first time niya maexperience ito. Iba pa rin kay Maya.

“Maya, iha kalma ka lang” Sabi ni Manang Fe.

“Ricky, ang sakit. Hoo.. hooo. Ricky!” Sigaw ni Maya na tila pinagpapawisan din.

“Mama, kaya mo yan” Sabi ni Nikki.

“Kami na po ang bahala sa kanya, dito na lang po kayo” Sabi ng Nurse.

Naghintay sina Richard at sila Manang Fe sa labas ng delivery room, hindi mapakali si Richard dahil 2 oras na siyang nagaantay.

“Mr.Lim?” sabi ng doctor.

“Doc, kamusta?” Sabi ni Richard.

“Hindi pa siya nanganganak, pero hinahanap ka niya, sumama ka na sa loob” sabi ng doctor.

Kasama si Richard habang nanganganak si Maya. Ng marinig nila ang iyak ng bata, umiyak si Maya.

“Ang gwapo ng anak natin Hon, kamukha mo” sabi ni Maya habang karga ang sanggol. Hinalikan ni Richard si Maya, tila masayang masaya sila.

“Ricky anak, how’s Maya?” sabi ni Donya Esme.

“How’s my new grandson Son?” Dagdag pa ni Don Roberto, maya maya pa ay dumating na sina Nanay Teresita at Kute.

“Richard nak, kamusta si Maya, yung apo ko?” Sabi ni Nanay Tere.

“Si bunso, ayos lang ba, nahirapan ba siya, nasan siya?” sabi ni Kute.

“Okay lang si Maya, natutulog siya sa loob ng kwarto kasama sina Manang fe at ang mga bata” sabi ni Richard. “Yung baby nasa nursery room, maya maya dadalhin na siya sa kwarto” sabi ni Richard. Lahat sila excited na makita ang bata.Maya maya lang ay pumasok na ang nurse sa kwarto dala dala ang baby.

“Ito na po yung baby niyo Mr. and Mrs.Lim” Inabot kay Maya ang bata. At natural naman dito ang pagiging iyakin. Yakap yakap ni Richard ang mag ina niya.

“Ang cute cute niya Mama diba ate Niks?” Sabi ni Abby, nahahawa si Nikki sa pagiging iyakin ni Maya.

“Umiiyak ka ba Niks? Haha” Asar ni Luke na kinatuwa ng lahat

“You’re so G-R-R talaga kuya!” sabi ni Niks sabay pahid ng mga luha niya.

“Kamukhang kamukha mo siya Ricardo noong bata ka” Sabi ni Manang fe

“Oo tama ka diyan Fe” sabi ni Donya Esmeralda.

“Hindi na ata dapat bunso ang tawag ko sayo Bunso, dahil nanay ka na rin” sabi ni Kute na parang nagpapatawa.

“Ikaw talaga Kute, syempre ako pa rin ang bunso niyo! Haha” Sabi ni Maya

“Gusto mo bang tawagan si Tatay bunso?” Tanong ni Kute

“Si Tatay? Nakausap mo na si Tatay?”

“Oo anak, nakausap na natin ang tatay mo, matagal tagal na rin” Sabi ni Nanay Teresita, inabot ni Kute ang cellphone niya kay Maya.

Arturo: Oh Anak Christina Rose, kamusta kayo?

Maya: Tay? Si Maya po ito

Arturo: Maya anak. Oh napatawag ka?

Maya: Ah Tay, nasa ospital po kami ngayon

Arturo: ha anak? Bakit, may nangyari ba sayo, kamusta ang dinadala mo?

Maya: Alam niyo po na buntis ako?

Arturo: Oo naman, linggo linggo nagkakausap kami ni Christina Rose at Nanay mo, kinukwento ka nila sa akin.

Maya: Tay nanganak na po ako, lalaki po. Ang gwapo gwapo

Arturo: Talaga anak? Congratulations anak, hindi ka ba nahirapan anak?

Maya: Nahirapan po pero nung nakita ko ang bata hindi naman na, ang saya saya ko Tay

Arturo: Masaya ako para sayo Maya

Maya: Tay, kung gusto niyo po makita ang apo ninyo, magsabi lang po kayo ha, wala pong problema sa akin.

Arturo: Talaga anak? Sige anak, hayaan mo magsasabi ako

Maya: Sige tay, Ingat po kayo

Arturo: Salamat anak, kayo din

Binaba na ni Maya ang cellphone, at nagtawanan silang lahat dahil iyakin talaga si Maya.

“Anong ipapangalan niyo sa bata anak?” Tanong ni Nanay Teresita

“Roberto Jr. Kaya?” Sabi ni Don Roberto na tinawanan ni Donya Esmeralda

“Ano ka ba Roberto, mahal kita pero masyadong makaluma ang pangalan mo, kaya nga hindi ko pinangalan kay Ricky eh” Mas lalong nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Donya Esmeralda.

“Mavin Dayle, Yun ang gusto ko sanang ipangalan sa bata” Sabi ni Maya.

“Maganda, Gusto ko yan” Sabi ni Richard.

“Aww it’s so cutiepatootie Mama and Dad” Sabi ni Nikki , natuwa naman ang lahat at punong puno ng kasiyahan sa kwarto.

“Let’s call him Mavie” Sabi ni Don Roberto Dayle” sambit naman ni Donya Esmeralda, mas lalong nagtawanan ang lahat dahil nagtatalo sila.

Hi Maya! Congratulations! Wow, that’s a big boy!” Dumating si Rafi. “Ninang ako ha”

Masayang masaya sina Maya at Richard. Makalipas ang tatlong araw ay umuwi na sina Maya sa mansion, sinamahan muna siya ni Nanay Teresita para naman matulungan ang anak sa pagaalaga sa bata. Syempre nandoon din si Manang Fe.

Isang araw napansin ni Maya na madalas na nasa kwarto lang si Abby, samantalang sina Nikki at Luke ay madalas pumunta sa kwarto nila para makalaro ang baby.

“Hon, sandali lang ha” Sabi ni Maya kay Richard, iniwan niya ang mag aama sa kwarto at pinuntahan si Abby.

“Baby?” Sabi ni Maya habang binubuksan ang pinto, nakita nito na nagdradrawing si Abby habang naiyak.

“Oh baby, what’s wrong?” Tanong ni Maya at tumabi ito kay Abby.

“Mama, hindi niyo na po ba ako love?” sabi ni Abby

“Ha? Ano ka ba baby, hindi totoo yan” Sabi ni Maya at niyakap si Abby

“Alam mo baby, kahit may baby chief na tayo, ikaw pa rin ang baby lady ko , love na love ka kaya ni Mama” Sabi ni Maya, pinunasan ni Abby ang luha niya.

“Talaga Mama?” Sabi ni Abby

“Oo naman, kaya wag ka na malungkot ah, kasi sayang ang pretty face mo” Sabi ni Maya at hinalikan si Abby sa noo.

“Hi Baby!”Sabi ni Nikki at Luke habang si Richard ay dala dala si Mavin.

“Wag ka magselos baby, syempre walang papalit sayo”Sabi ni Luke

“At baby don’t worry kasi ikaw naman ang bunsong babae always e, you will always be our little princess”Sabi ni Nikki.

“Sorry po pero thank you po”Sabi ni Abby, nag group hug sila, Tumingin si Maya kay Richard at nabasa ang buka ng bibig nito. Thank you

Isang araw hindi pumasok sa trabaho si Richard dahil gusto niyang samahan si Maya at Mavin. Paguwi ng mga bata galing eskwelahan. Sabay sabay silang kumain sa dining ng meryenda at si Doris muna ang nagkarga sa bata. Habang nagkwekwentuhan sila at nagtatawanan, may nag doorbell sa mansion.

“Sir Richard, may naghahanap po sa inyo” Sabi ni Sabel.

“Hi Chard” Isang babae ang nagsalita, maganda at mukhang modelo, napatingin si Maya sa babaeng ito at nanahimik.

“oh Precious ikaw pala yan” Tumayo si Richard, bineso ni Precious si Richard which made Maya really pissed. Or jealous

“By the way, This is Maya my wife, and my kids, Luke,Nikki,Abby and Mavin” Sabi ni Richard napansin niya na nananhimik si Maya at sabihin na nating nacucutan siya sa asawa pagnagseselos.

“Nagdala ako ng bilo bilo para sayo, luto ko yan” Inabot nito ang daladalang bilo-bilo.

“busog na ako, sarap ng luto ni Sabel, aakyat na ako” Sabi ni Maya, napansin ng mga bata na nagseselos ito at natatawa din sa nangyayari.

“Ma, sama kami!” Sabi ng mga bata, binuhat ni Maya si Mavin at umakyat ang magiina sa taas.

“Nagselos ata ang asawa mo Chard, hindi mo pa ata sinasabi na pinsan kita e, iyan tuloy haha, I’m going na, alam ko kasi paborito mo iyan e, kamusta mo na lang ako kina Tita Esme at Tito Roberto, at infairness kamukhang kamukha mo ang bata ah” Sabi ni Precious at natawa si Richard

“Sinadya ko talaga yun, ang cute kasi niya pagnagseselos, haha okay sige ingat ka” Sabi ni Richard at umalis na.

Umakyat si Richard at nakita ang mga anak na nanonood ng palabas habang buhat ni Luke si Mavin.

“Nasaan ang Mama niyo?” Sabi ni Richard

“ay Dad nasa kwarto, lagot ka dad haha pinagselos mo si Mama” sabi ni Luke at nagtawanan ang mag aama. Pumasok si Richard sa kwarto at nakita si Maya na nakaupo sa terrace.Niyakap niya ito mula sa likod.

“Ang cute mo magselos Hon” sabi ni Richard, tinatangi ito ni Maya. Richard made her turn to face her.

“Pinsan ko si Precious, kaya wag ka na magselos” dagdag ni Richard, nagulat si Maya at nagtakip ng mukha.Hinawakan ni Richard ang kamay niya at natatawa.

“Ricky naman e!” Sabi ni Maya. Hindi maiwasan ni Richard ang matawa dahil nacucutan siya sa reaskyon ni Maya.

“Okay I’m sorry, I love you” sabi ni Richard at hahalikan si Maya ng bigla itong umiwas.

“Ah ganon” Sabi ni Richard, kiniliti nito si Maya.

“Ricky teka! Nakikiliti ako eh, haha Ricky!” sabi ni Maya, natumba silang dalawa sa kama, nasa ibabaw si Richard, hinawi nito ang buhok ni Maya at hinalikan sa labi.

“Maya, will you marry me? Again?” Nagulat si Maya sa sinabi ni Richard.

“Ha, bakit hindi ba kasal na tayo?” sabi ni Maya.

“Hindi ba wala ka parin maalala, gusto ko na kahit wala ka ng maalala, maranasan mo na ikasal” Sabi ni Richard.

“I love you Ricky!” It means yes.

“I love you too Maya” Sabi ni Richard

2 thoughts on “When I was Your Man – part 5

  1. Pingback: When I Was Your Man- Epilogue | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s