Rich in Love – parts 141-160

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Kris Interino. This is a continuation to Rich in Love – parts 121-140.


Author : Kris Interino

~*~

Chapter 141

 

Kalalabas pa lang nila ng pinto ay bibitaw na agad si Maya kay Richard. Bubuksan agad ni Maya ang backseat at papasok. Hindi sisilipin ni Maya sina Richard sa labas ng kotse. Mapapabuntong-hininga si Richard.

 

Cheska (to Richard): Let’s go, Chard.

 

Mapipilitan mag-smile si Richard kay Cheska. Pagbubuksan nga ni Richard si Cheska ng passenger’s seat. Habang ini-insert ni Richard ang susi sa ignition ay biglang magsasalita si Maya habang kunwari busy sa paghalungkat sa shoulder bag niya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, unahin niyo na po akong ihatid. Baka nandoon na yun si Emman. Bored na naman yun kasi wala siyang kasabay mag-zumba.

 

Biglang titingin sa mirror sina Richard at Cheska.

 

Cheska (to Maya): Past time or exercise mo yan, Maya?

 

Mapapaisip si Maya.

 

Maya (to Cheska): Hmmm… Past time po siguro, Mam.

 

Richard while staring to Maya sa rearview mirror.

 

Richard (to Maya): Maybe, You’re going anywhere, Maya? Pwede naman kitang samahan.

 

Maya (to Richard): Ah! Wala na po, Sir Chief.

 

Kakambiyo na lang sana si Richard ng biglang lalabas ng pinto ng mansion si Nikki.

 

Nikki (to Richard): Kuya! Wait!

 

Bubuksan nga ni Richard ang window sa side niya.

 

Richard (to Nikki): Yes?

 

Nikki staring to Maya.

 

Nikki (to Maya): Ate Maya, ipasusundo kita kay Kuya Joma sa Condo niyo tomorrow.

 

Biglang mapapalingon si Richard kay Maya.

 

Maya (to Nikki): Po? Bakit po Mam Nikki? Ano pong meron?

 

Nikki (to Maya): Basta po, Ate Maya. Just wait, Kuya Joma will be there.

 

Maya (to Nikki): Okay po, Mam Nikki.

 

Nikki (to Maya): Bye!

 

Magwa-wave si Maya kay Nikki.

 

LIM RESIDENCE- KITCHEN- NIGHT

 

Kakarating lang ni Richard sa mansion. Habang nasa Salas naman sina Nikki at Kuya Joma.

 

Nikki (to Joma): Kuya Joma, pakisundo si Ate Maya sa Condo nila ni Kuya Emman. Alam niyo naman po yung, right?

 

Joma (to Nikki): Opo, Mam Nikki.

 

Saka naman sisingit si Richard. Pipigilan si Joma sa pag-alis.

 

Richard (to Joma): Ahm… Joma, ako na lang ang magsusundo kay Maya. Magpahinga ka na.

 

Hindi makakapaniwala si Nikki sa maririnig sa Kuya niya.

 

Nikki (to Richard): Really Kuya?! You’ll make sundo of Ate Maya?

 

Mapapakibit-balikat si Richard.

 

Richard (to Nikki): Why not? I’m not that busy.

 

Joma (to Richard): Sigurado po kayo, Sir Richard. Kararating niyo lang po ah.

 

Richard (to Joma): It’s okay.

 

Nikki (to Richard): Oh my geee! Thanks Kuya! You’re so bait talaga.

 

Richard (to Nikki): Binola mo pa ako.

 

Aalis na nga si Richard sa mansion.

 

TIAMEN- EMMAN’S CONDO UNIT- NIGHT

 

Lalapit si Richard sa Receptionist ng Condo.

 

Richard (to Receptionist): Hi! I’m Richard Lim. I’ve been here before. Susunduin ko lang sana si Ms. Dela Rosa.

 

Receptionist (to Richard): Okay po, Sir. Wait lang po. Tatawagan ko lang po si Ms. Dela Rosa.

Richard (to Receptionist): Thanks.

 

Tatawagan na nga ng Receptionist ang Unit nina Emman at Maya.

 

EMMAN’S UNIT

 

Habang umiinom ng juice si Emman ay may biglang tatawag.

 

Emman (to Receptionist): Hello po Ate?

 

Receptionist (to Emman): Sir Emman, may naghahanap po kay Ms. Dela Rosa. Si Mr. Richard Lim daw po.

 

Mapapahawak ng bibig si Emman sa pagpipigil na sumigaw. Magtataka doon si Maya.

 

Maya (to Emman): Oh! Napaano ka diyan, Emman? Nandiyan na ba si Kuya Joma?

 

Aalisin ni Emman ang kamay sa bibig.

 

Emman (to Maya): Roomie, hindi si Kuya Joma ang sumusundo sayo.

 

Mapapakunot-noo si Maya.

 

Maya (to Emman): Ha? E sino?

 

Emman (to Maya): Ang “Sir Chief” mo.

 

Hindi makakapaniwala si Maya.

 

Maya (to Emman): Ano?! Teka, bakit siya?

 

Magkikibit-balikat si Emman. Babalikan ang kausap sa kabilang linya.

 

Emman (to Receptionist): Ate, pakisabi po kay Mr. Lim, bababa na po si Maya.

 

Chapter 142

 

Palabas na ng elevator si Maya ng biglang tatayo si Richard mula sa pagkaka-upo sa isang rounded table. Lalapitan nila ang isa’t- isa. Smiling to each other.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, bakit po kayo ang sumundo sa akin? Nasaan po si Kuya Joma?

 

Richard (to Maya): Pinagpahinga ko na. So, shall we?

 

Maya (to Richard): Okay po, Sir Chief.

 

Pagbubuksan na nga ni Richard si Maya ng passenger’s seat. While on their way…

 

Maya (to Richard): Sir Chief, bakit po pinapapunta ako ni Mam Nikki sa bahay niyo? Ano pong meron?

 

Richard will Give Maya a short glimpse then back in driving.

 

Richard (to Maya): I don’t have any idea. I’m clueless just like you.

 

LIM RESIDENCE- SALAS- NIGHT

 

Papasok na ang kotse ni Richard sa garage saka lalabas si Nikki mula sa kitchen. Hindi na hihintayin pa ni Maya na pagbuksan siya ni Richard. Kakaway si Maya kay Nikki.

 

Maya (to Nikki): Hello po, Mam Nikki!

 

Nikki (to Maya): Hello Ate Maya.

 

Maya (to Nikki): Mam Nikki, akala ko po si Kuya Joma ang susundo sa akin?

 

Maririnig iyon ni Richard. Mapapataas ng mga kilay at mapapatabi kay Maya. Pero biglang hihilahin ni Nikki si Maya sa left arm ni Maya papasok ng mansion. Saka bubulong si Nikki kay Maya.

 

Nikki (to Maya): Ganito yun Ate Maya, when I’m asking Kuya Joma kanina to pick you up, Kuya Ricky just arrived and volunteered to pick you up.

 

Mapapalingon si Maya kay Richard sa likod.

 

Maya (To Nikki): Ganun po. Pero, ano po ba ang meron?

 

Mag-iipon-ipon sila sa kitchen. Together with Esme, Alfredo, Richard, Maya, Nikki and the kasambahay.

 

Nikki (to R & M): Kuya… Ate Maya…

 

Matamang makikinig sina Richard at Maya.

 

Nikki (to R & M): I need the help of both of you. I know naman na pareho kayo dumaan sa pagiging highschool and college.

 

Itataas ni Maya ang left arm. Mapapalingon si Richard kay Nikki.

 

Maya (to Nikki): Undergraduate po ako, Mam Nikki.

 

Nikki (to R & M): Still, dumaan ka pa rin during your highschool, Ate Maya. The thing is, making thesis is so mahirap. I need your help Kuya and Ate Maya.

 

Alfredo (to Nikki): Math wizard ang Kuya mo.

 

Richard (to Nikki): So far, hindi pa naman kinakalawang ang utak ko sa mga Math problems. I can be a help for you, Niks.

 

Nikki (to Richard): Yes!

 

Maya (to Nikki): Ahm… Mam Nikki, ano po ba ang maitutulong ko?

 

Nikki (to Maya): What’s your expertise, Ate Maya?

 

Maya (to Nikki): Photography po pero medyo kinakalawang na po ang knowledge ko ng kunti.

 

Nikki (to Maya): You know how to explain or elaborate your photos, Ate Maya?

 

Maya (to Nikki): Opo depende po sa content and sincerity ng kinukunan mo.

 

Nikki (to Maya): Good. I need that, Ate Maya.

 

Richard (to Nikki): So, are we settle?

 

Nikki (to Richard): Yes, Kuya. But we need to begin working now sa Porch. My things are there na. Including photos and surveys na ginawa ko.

 

Richard (to Everyone): So, ready na pala ang lahat e.

 

Pupunta na nga sila sa Porch. Well lighted naman ang Porch dahil malapit iyon sa kitchen. Sitting were Maya, vacant seat, Richard then Nikki. Richard while checking Nikki’s surveys.

 

Richard (to Nikki): So, what Chapter do you wanted to begin, Niks?

 

Nikki (to Richard): Problem solving part, Kuya. But, read it first then calculate whatever needed to be calculated. Then, saka mo na lang explain to me.

 

Richard (to Nikki): Fine.

 

Maya while sorting the photos.

 

Maya (to Nikki): Ang gagandan naman po Mam Nikki ng mga school mates niyo.

 

Nikki will laugh.

 

Nikki (to Maya): You can even see their faces Ate Maya kahit malayo. Parang magnifying glass lang.

 

Matatawa din si Maya.

 

Maya (to Nikki): Ang linaw po kasi ng kuha niyo.

 

Biglang may maiisip si Maya. Biglang tatayo. Mapapa-angat bigla ng tingin si Richard.

 

Richard (to Maya): Where are you going, Maya?

 

Maya (to Richard): Gusto niyo po ng kape, Sir Chief?

 

Richard smile.

 

Maya (to Nikki): Kayo po Mam Nikki? Gatas?

 

Nikki (to Maya): Ate Maya, do you want me na ba to sleep, you’re offering me a glass of water.

 

Mapapalingon sa isa’t isa sina Richard at Maya then sabay matatawa.

 

Maya (to Nikki): Juice na lang po?

 

Nikki (to Maya): Much better, Ate Maya.

 

Susundan ng tingin ni Richard si Maya. Pupunta na nga si Maya sa kitchen.

 

KITCHEN

 

Makikita ni Maya si Manang Fe sa kitchen na nagpupunas ng mga plato.

 

Manang Fe (to Maya): Oh Maya, may kelangan ka ba?

 

Maya (to M.F): Ipagtitimpla ko lang po ng kape at juice yung dalawa.

 

Ibababa ni Manang Fe ang basahan.

 

Manang Fe (to Maya): Ako na ang magtitimpla.

 

Biglang hahawakan ni Maya ang mga kamay ni Manang Fe.

 

Maya (to M.F): Ako na po, Manang Fe. Ayoko pong maistorbo pa kayo. Pakilabas na lang po ng juice at kape.

 

Mapapangiti si Manang Fe.

 

Manang Fe (to Maya): Siya. Sige. Ikaw bahala. Ang bait mo talagang bata ka.

 

Maya (to M.F): Si Manang Fe talaga.

 

Pagkalabas ni Manang Fe ng juice at kape.

 

Manang Fe (to Maya): Maya, magdala ka na rin ng cookies. Nag-bake si Nikki kanina.

 

Maya (to M.F): Sige po.

 

Pagkatapos magtimpla ni Maya ng juice at kape.

 

Manang Fe (to Maya): Tulungan na kitang magdala nito.

 

Maya (to M.F): Ang bait niyo po talaga, Manang Fe.

 

Manang Fe (to Maya): Ang batang ito! Nambola pa. Tara na!

 

Pupunta na nga sila sa Porch.

 

Maya (to R & N): Ito na po. Para habang nagsusunog po tayo ng kilay, nabubusog tayo.

 

Richard (to M & MF): Thanks!

 

Mauupo na nga si Maya. Gagawin na nga nila ang thesis ni Nikki.

 

Maya (to Nikki): Mam Nikki, bakit po hindi na lang ginawang groupings itong thesis niyo? Mahirap po kayang gawin itong mag-isa. Kelangan niyo pa pong maghanap ng teacher para dito.

 

Panakaw na lumilingon si Richard kay Maya.

 

Nikki (to Maya): Yan na nga rin po ang reklamo namin e. Nagiging independent daw po kasi sa ka-grupo kapag ganun kaya individual na lang po ang ginawa ng teacher namin.

 

Maya (to Nikki): Sobrang magastos po kasi kapag individual.

 

Nikki (to Maya): It wasn’t a problem naman po, Ate Maya. I have enough supplies naman po.

 

Babaling si Nikki kay Richard.

 

Nikki (to Richard): How about you Kuya?

 

Mapapaangat ng tingin si Richard kina Nikki at Maya.

 

Richard (to Nikki): What about me?

 

Mapapatigil ng kakasulat si Nikki.

 

Nikki (to Richard): Duh! Kuya, are you even listening to me? Are you with us?

 

Mailalapag ni Richard ang mga papers na hawak niya.

 

Richard (to Nikki): Nikki Grace Lim, I’m listening and I know what the two of you are talking about. The thing is, I’m busy thinking of some equations that could fit in your problem. And regarding my highschool or college days, all of my classmates were being dependent on me that’s why I agree that your teacher told you to do your project individually. You can learn by your own.

 

Hindi maiiwasan ni Maya na hindi matawa. Mapapalingon din si Richard sa kanya. Laughing too.

 

Nikki (to Richard): Fine. I won’t disturb you na.

 

Chapter 143

 

Continues pa nga sila sa paggawa ng thesis. Maya-maya.

 

Richard (to Nikki): Nikki, come here.

 

Tatayo si Nikki at tatabi sa Kuya niya.

 

Nikki(to Richard): Are you finish with the problem solving na agad, Kuya?

 

Richard (to Nikki): That’s why I called you. I teach you how I did.

 

Magtuturuan na nga sila. Busy na din si Maya sa nakatuka sa kanya. After magturuan nina Richard at Nikki. Makikita si Nikki na nakahiga na sa sariling braso niya. Si Maya naman ay magsisimula ng maghikab. Mapapansin iyon ni Richard.

 

Richard (to Maya): Sleepy?

 

Iwa-wave ni Maya ang mga kamay.

 

Maya (to Richard): Ay! Hindi pa po Sir Chief.

 

Pasulyap-sulyap pa rin ng tingin si Richard kay Maya. Then afterwards, ay hindi na mapipigilan ni Maya na hindi mahiga sa sariling braso niya just like Nikki. Lalabas naman sina Esme at Alfredo. Biglang mailalagay ni Richard ang isang daliri niya sa lips niya.

 

Richard (to E & A): Ssshhhh!

 

Esme (to R & A): Ricky, bring Maya sa guest room. Honey, bring Nikki sa Room niya.

 

Dahan-dahan ngang bubuhatin ni Alfredo si Nikki.

 

Alfredo (to R & E): Mabigat na pala itong si Bunso.

 

Biglang ilalagay ni Esme sa lips niya ang isang daliri.

 

Esme (to Alfredo): Ssshhh! Magigising ang bata!

 

Pupunta na nga si Alfredo sa room ni Nikki.

 

Esme (to Richard): Ricky, ako ng bahala dito. Buhatin mo na si Maya sa guest room. Ipinahanda ko na iyon.

 

Dahan-dahan ngang tatayo si Richard. Ihihilig ni Richard ang shoulder at ulo ni Maya sa shoulder niya. Then, ilalagay ni Richard ang right hand sa mga hita ni Maya saka dahan-dahan bubuhatin na parang baby. Saka ididiretso ni Richard si Maya sa guest room. Nasa labas ng guest room si Manang Fe. Smiling to Manang Fe. Pagbubuksan ni Manang Fe si Richard ng pinto. Bubulong si Richard kay Manang Fe.

 

Richard (to M.F): Thank you.

 

Papasok na nga sa loob si Richard buhat-buhat si Maya. Aalisin ni Manang Fe ang kumot. Saka dahan-dahan ilalapag ni Richard ang lower body ni Maya at aalalayan niya ang upper body ni Maya. Aayusin na sana ni Manang Fe ang kumot ni Maya.

 

Richard (to M.F): Ako na po, Manang Fe. Thank you po.

 

Manang Fe (to Richard): Sige. Lalabas na ko.

 

Tatanguan ni Richard si Manang Fe. Aayusin nga ni Richard ang kumot ni Maya. Sitting beside Maya. Aayusin ni Richard ang nagulong hair ni Maya. Can’t help himself to stare with the angelic and innocent face of Maya. Yuyuko si Richard to give Maya a good night kiss on her forehead. Saka lalabas ng guest room si Richard. Picking up his phone from his pocket. Ida-dial Ni Richard ang number ni Emman.

 

Richard (to Emman): Hello Emman…

 

Emman (to Richard): Good evening po Sir Richard.

 

Richard putting his left hand on his waits. Mapapataas ng mga kilay.

 

Richard (to Emman): I’m sorry kung hindi diyan makakauwi si Maya. Napagod siya on helping Nikki on her Thesis. Wag mo na siyang hintayin. She’s sleeping soundly na.

 

Emman (to Richard): Okay po, Sir Richard. Thank you po. Good night.

Richard (to Emman): Good night.

 

LIM RESIDENCE- DINING TABLE- MORNING

 

Habang nag-aagahan sina Esme, Alfredo at Richard.

 

Alfredo (to Richard): So, how’s the night Son?

 

Richard (to Alfredo): It’s okay. We had a great night teaching Nikki. Helping her doing her thesis.

 

Alfredo (to Richard): Son, it’s not what we meant to say.

 

Mapapahinto sa pagkain si Richard sa pagkain.

 

Richard (to Alfredo): Dad, pati ba naman ikaw?! We’re just friends.

 

GUEST ROOM. Biglang maaalimpungatan si Maya. Magtataka si Maya dahil ibang kwarto ang makikita niya. Magpa-panic si Maya. Biglang tatayo.

 

Maya (talking to herself): Lagot ako kay Emman nito e! Sigurado akong nag-aalala na yun.

 

Biglang bababa si Maya from her room. Makikita nga niya si Nikki na palabas na ng room nito.

 

Nikki (to Maya): Ate Maya, you slept here?!

 

Maya (to Nikki): Opo; Mam Nikki. Di ko nga po alam kung anong nangyari. Di ko po alam kung paano ako napunta dito sa guest room niyo.

 

Nikki (to Maya): It’s okay, Ate Maya. Let’s go. Breakfast na tayo.

 

Hihilahin na nga ni Nikki si Maya pababa without arguing kung papayag ba siyang sa mansion na mag-almusal. Makikita nga sila ni Esme.

 

Esme (to N & M): Oh! Bakit ang aga niyong nagising?

 

Biglang mapapalingon si Richard. Biglang tatayo si Richard. Pulling out the chair para doon maupo si Maya sa tabi niya.

 

Richard (to Maya): Upo ka na. Breakfast time.

 

Maya can’t help but to be ashamed. Ang makatulog sa bahay ng boss niya. And here he is, doing something weird. Maya will refuse as what Richard has to offer.

 

Maya (to Richard): Naku! Sir Chief, wag na po. Nakakahiya. Doon na po ako sa Condo o sa Office magb-breakfast. Saka po, nag-aalala na po yun si Emman.

 

Richard trying to calmdown Maya. Hindi makakapaniwala si Maya sa maririnig.

 

Richard (to Maya): I called Emman last night. He knows what’s the reason why you’re here.

 

Maya (to Richard): Po? Sinabi niyo na po.

 

Richard (to Maya): Yes.

 

Then, Richard will grab Maya’s right hand, pauupuin si Maya sa tabing upuan niya. Placing her plate with sinangag with tocino.

 

Maya (to Richard): Pero Sir Chief, baka ma-late ako sa work.

 

Richard (to Maya): Maya, Kasama mo Boss mo. Ihahatid kita sa Condo mo then sabay na tayong pupunta sa work. Kung late ka, late din ako.

 

Mapapakamot na ng ulo si Maya.

 

Maya (to Richard): E Sir Chief, okay lang naman kung kayo ang mala-late. E paano naman po ako. Deducted ang minutong late ako.

 

Richard (to Maya): Let your Boss do the work.

 

Mauupo na nga si Richard sa tabi niya.

 

Maya (To Richard): Pero Sir Chief—

 

Biglang hahawakan ni Richard ng right hand niya ang left hand ni Maya. Magugulat doon si Maya. Mapapataas ng mga kilay sina Esme at Alfredo. Magsisikuhan ang dalawa na hindi nakikita nina Richard.

 

Richard (to Maya): Don’t worry. You’re with me. Everything will be okay.

 

Saka naman mapapalingon sina Richard at Maya sa kanila. After 30 minutes ay aalis na sila ng mansion. Richard beside Maya.

 

Nikki (to Maya): Ate Maya, thanks for helping.

 

Maya (To Nikki): Naku! Wala po iyon, Mam Nikki. Para na rin po akong bumalik sa HighSchool.

 

Nikki (to Maya): Thank you so much talaga.

 

Yayakapin nga ni Nikki si Maya. Magwa-wave na si Maya sa lahat.

 

Maya (to Everyone): Babye po!

 

Richard looking to Maya.

 

Richard (to Maya): Let’s go.

 

Pagbubuksan na nga ni Richard si Maya ng passenger’s door. Saka magmamaniobra ng manibela si Richard papunta sa Condo nina Emman.

 

EMMAN’S CONDO UNIT. Hindi na hihintayin pa ni Maya na pagbuksan siya ni Richard. Papasok na si Maya sa loob ng lobby ng pipigilan siya ni Richard sa braso.

 

Richard (to Maya): Maya…

 

Mapapalingon si Maya kay Richard.

 

Richard (to Maya): Hihintayin na kita dito. Sabay na tayong pumasok.

 

Maya will refused.

 

Maya (to Richard): Naku! Sir Chief, wag na po. Mauna na po kayo. Baka tuluyan pa kayong ma-late niyan. Ako na lang po mag-isa ang magta-taxi.

 

It’s Richard’s turn to refused.

 

Richard (to Maya): Pero Maya—

 

Maya (to Richard): Sir Chief, pareho po tayong mala-late kung magdidiskusyunan pa tayo dito. Sige na po. Mauna na kayo. Susunod na lang ako.

 

Mapapabuntong-hininga si Richard.

 

Richard (to Maya): Okay. Ingat ka.

 

Tatango lang si Maya. Saka aalis ng Condo si Richard.

 

Chapter 144

 

LIM AVIATION- STAFF SECTION- MORNING

 

Mapapadaan si Richard sa mga Staff niya. Searching for his employees.

 

Liza (to Richard): Sir Richard, late po yata kayo.

 

Richard just smile.

 

Richard (to Liza): Is Maya already here?

 

Mapapailing sina Emman kay Richard. Mapapakunot-noo si Richard. Nakatalikod pa namanm siya sa pinto.

 

Richard (to Everyone): Wala pa rin. I thought…

 

Hindi na maitutuloy ni Richard ang sasabihin. Kukunin na niya ang phone niya at ida-dial ang numero ni Maya. Ring lang ito ng ring. After 15 seconds ay susulpot na si Maya sa may pinto. Hingal na hingal. Mapapalingon ang lahat sa pinto.

 

Liza (to Maya): Oh! Maya, late ka rin?!

 

Mapapalingon bigla si Richard sa likuran niya upon hearing Maya’s name from Liza. Pilit aayusin ni Maya ang medyo messy hair niya.

 

Maya (to Liza): Sorry po, Mam Liza kung late ako. Deduct niyo na lang po sa sahod ko.

 

Saka sasaluhin ni Richard si Maya. Staring to Liza and Maya.

 

Richard (to Liza): Don’t. I’m the reason why she’s late. Well, we are late, in fact.

 

Maya (to Richard): Sir Chief…

 

Richard (to Liza): Nikki asked her help sa paggawa ng thesis. I’d help them. Doon na siya nakatulog sa bahay. So, na-late na din kami.

 

Liza (to Maya): Awwww… You’re so bait and helpful talaga, Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, bakit niyo naman po ginawa yun? Unfair po yun sa iba.

 

Richard (to Maya): Maya, don’t make any argumentation with me. Di ka mananalo. Go to your work na.

 

Hahawakan na nga ni Richard si Maya sa magkabilang balikat saka itutulak ng dahan-dahan.

 

LIM AVIATION- REST AREA- MORNING BREAK

 

Habang busy sa pakikipag-daldalan si Emman ay biglang susulpot si John Lloyd sa grupo nina Richard. Magkatabi sina Richard at Maya sa round table with monoblocks na kinauupuan nila.

 

John Lloyd (to Maya): Hi Anya!

 

Magwa-wave si Maya kay John Lloyd.

 

Maya (to JL): Hello po, Sir!

 

John Lloyd (to Richard): Brod, kumusta kayo ng girlfriend mo?

 

Richard (to JL): We’re in good terms.

 

John Lloyd (to Maya): Anya, pwede ba kita iinvite for dinner later?

 

Maya (to JL): Buong Staff po?

 

Iiling si John Lloyd.

 

John Lloyd (to Maya): No. Just the two of us, Anya.

 

Mapapalingon si Maya kina Liza, Emman at Jelly saka siya mapapalingon kay Richard na inaantay din ang sagot niya. Parang gustong sabihin ni Richard na ”Don’t” pero hindi pwede. Maituturo ni Maya ang sarili niya at si John Lloyd.

 

Maya (to JL): Tayo lang pong dalawa, Sir John?

 

John (to Maya): Yes. Yun ay kung walang magagalit.

 

Mapapalingon na naman sina Richard at Maya sa isa’t isa. Mapapalingon din ng slight si John kay Richard. Halos hindi makahinga si Richard sa pag-aantay ng sagot kay Maya.

 

Maya (to JL): Si–sige po.

 

John (to Maya): Yes! Later, sabay na tayong umuwi ha.

 

Mapapabuntong-hininga nga si Richard ng malalim. Mapapataas ng mga kilay. Pansin na pansin iyon ng mga kasama nila.

 

Maya (to JL): Okay po.

 

Pagkaalis ni John ay tatayong bigla si Richard.

 

Liza (to Richard): Sir, may 10 minutes pa po tayo.

 

Kunot-noo na si Richard.

 

Richard (to Liza): I have something to do.

 

Walk-out na nga si Richard. Tiger mode on! Masusundan na lang ng tingin ni Maya at ng mga kasama niya si Richard.

 

Maya (to Liza): Mam Liza, ano pong nangyari doon?

 

Mapapabuntong-hininga din si Liza. Mapapataas ng kaliwang kilay.

 

Liza (to Maya): Well, based sa nakita nating expression ni Sir Richard. Wag niyo ng dagdagan yan. Tiger mode na yan. For sure, magdamag na yan. Kaya ingat-ingat din ang magpapapirma mamayang before 5.

 

LIM AVIATION- LIZA’S TABLE- BEFORE 5PM

 

Nagmamadali na si Liza na makapagpapirma kay Richard. Marami-rami din ang papipirmahan niya. Since alam ni Liza ang remedyo sa tiger mode ni Richard ay isasama niya sa loob si Maya.

 

Liza (to Maya): Maya, favor please?

 

Maya (to Liza): Ano po iyon, Mam Liza?

 

Liza (to Maya): Pwede patulong dalhin itong mga papers sa office ni Sir Richard. Ang dami e. Don’t worry, susunod ako. Dapat na itong mapapirmahan agad.

 

Maya (to Liza): Baka po mapagbuntunan ako noon ng tantrums, Mam Liza?

 

Matatawa ng di sinasadya si Maya.

 

Liza (to Maya): Don’t be afraid, Maya. Hindi mangyayari yun. Sige na. Sunod ako agad. Print ko lang ito.

 

Kukunin na nga ni Maya ang mga papers.

 

Maya (to Liza): Sige po, Mam Liza. Sunod agad kayo ha.

 

LIM AVIATION- RICHARD’S OFFICE- 5PM

 

Kakatok si Maya sa glass door ng office ni Richard. Mapapaangat ng tingin si Richard. Mapapabuntong-hinga.

 

Richard (to Maya): Come in, Maya.

 

Ilalapag ni Maya ang mga papers na dapat pirmahan ni Richard.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, sorry po kung ako ang nag-abot nito sainyo. May ipi-print pa daw kasi si Mam Liza. Kelangan na daw po ng pirma nito.

 

Richard (to Maya): It’s okay.

 

Habang isa-isang pinipirmahan ni Richard ang mga papeles. Sisingit ng tanong si Richard without looking to Maya. Sounds jealous. Parang iniinis ang sarili.

 

Richard (to Maya): 5PM na. Akala ko ba may date kayo ni John?

 

Mapapalingon si Maya kay Richard kahit hindi ito nakatingin sa kanya.

 

Maya (to Richard): P–po?!

 

Still, not looking to Maya.

 

Richard (to Maya): Do I need to repeat myself?

 

Mag-aalangan sa pagsagot si Maya.

 

Maya (to Richard): Hi–hindi naman po siguro date ang tawag doon, Sir Chief.

 

Mapapa-angat ng tingin si Richard kay Maya.

 

Richard (to Maya): You and John will be going out, right? Yung kayong ”DALAWA” lang. Date ang tawag doon, di ba?

 

Hindi na lang sasagot si Maya. Pagkatapos mapirmahan ni Richard ang mga papers. Magbubukas na lang ng pinto si Maya ay saka siya ulit tatawagin ni Richard. Looking to Maya.

 

Richard (to Maya): Maya…

 

Mapapalingon si Maya kay Richard habang hawak ang door knob ng glass window.

 

Maya (to Richard): Po?

 

Richard (to Maya): Text me when you’re home.

 

Maya (to Richard): O………po.

 

Chapter 145

 

Lalabas na nga si Maya ng office ni Richard. Richard was smiling.

 

Maya (to Liza): Mam Liza, sabi niyo po susunod kayo?

 

Matatawa si Liza.

 

Liza (to Maya): I’m sorry, Maya. May hindi pa pala ako tapos na papers. But those papers were urgently needed Sir Richard’s signature.

 

Ilalapag ni Maya sa table ni Liza ang mga napirmahan na.

 

Maya (to Liza): Ito na po, Mam Liza.

 

Mang-uusyoso si Liza.

 

Liza (to Maya): So, napagbuntunan ka ba ng tantrums ni Sir Richard?

 

Iiling-iling si Maya.

 

Maya (to Liza): Hindi naman po.

 

Liza (to Maya): Sabi sayo e. Well, thanks for your help.

 

Maya (to Liza): Wala po iyon, Mam Liza.

 

Liza (to Maya): Teka, 5 na ah! Hindi ka ba susunduin ng ka-date mo?

 

Hindi na mapipigilan ni Maya na matawa.

 

Maya (to Liza): Mam Liza, para ka pong si Sir Chief. Ka-date ko ang iniisip kay Sir John.

 

Mamemewang si Liza na parang mang-asar. Matatawa pero seryoso.

 

Liza (to Maya): Oh! E bakit? Totoo naman ah! Ano bang tawag sa paglabas ng opposite sex? E di ba, date?

 

Maya (to Liza): Malay niyo po, magpapasama lang sa kung saan.

 

Sisingit naman sina Jelly at Emman.

 

Jelly (to Maya): Maya, kaming mga lalaki, hindi kami nagpapasama sa mga lakad namin. Ayaw kaya namin ng may chaperone.

 

Emman (to Maya): Unless, may iba siyang intensyon sayo. Just like manliligaw sayo.

 

Sasawayin ni Maya si Emman.

 

Maya (to Emman): Pati ba naman ikaw, Emman. Ganun din ang tingin.

 

Emman (to Maya): Roomie, hindi sa inaasar kita ha. Yun naman talaga ang nakikita namin e, di ba Mam Liza?

 

Liza (to Emman): Tama!

 

Saka naman dadating si John Lloyd. Matatanaw nga iyon ni Richard. Manghahaba ang leeg ni Richard sa pagtanaw kina John at Maya.

 

John (to Maya): Ready ka na, Anya?

 

Maya (to John): Opo.

 

John (to Maya): Let’s go.

 

Saka hahawakan ni John sa likod si Maya. Kitang-kita iyon ni Richard. Mapapabuntong-hininga ito. Mapapailing-iling si Liza.

 

Liza (to Everyone): Ang bilis talaga ni Sir John. Hawak agad sa likod ni Maya.

 

Emman (to Liza): Mam Liza, di ba Stick-to-one yun si Sir John.

 

Liza (to Emman): Yes.

 

Jelly (to Emman): Meaning, seryoso siya kay Maya.

 

Mapapailing-iling si Liza.

 

BINONDO- CHINESE RESTO- NIGHT

 

Sa isang Chinese Resto dinala ni John si Maya.

 

John (to Maya): So, how do you like the place, Anya?

 

Maya (to John): Ang sosyal naman po dito.

 

John (to Maya): Don’t tell me, iniisip mo ang prices ng mga foods dito?

 

Maya (to John): Di niyo naman po ako masisisi.

 

John (to Maya): Maya, put away your worries sa prices ng foods. We’re here to enjoy.

 

Maya (to John): Bakit niyo po ako dinala dito, Sir?

 

John (to Maya): Oops! Can we have a deal?

 

Magugulat at Magtataka si Maya.

 

Maya (to John): Deal po, Sir John?

 

John (to Maya): About that ”Sir” Thing. I don’t want you to call me ”Sir”. Masyadong pormal. ”Lloyd” is enough.

 

Hindi maniniwala si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Ha? Lloyd po?

 

Lloyd (to Maya): Yes. As simple as ”Lloyd”. Don’t call me ”Sir John” anymore.

 

Maya (to Lloyd): Pero—

 

Lloyd (to Maya): No more buts. You can’t win over me. Let’s eat, gutom na ko.

 

Habang kumakain sila.

 

Lloyd (to Maya): Can you tell me about yourself.

 

Maya (to Lloyd): Job interview na naman po, Sir–este Lloyd?

 

Matatawa si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): I just wanted to know you  more. Come on.

 

Maya (to Lloyd): Sige na nga po.

 

Lloyrd (to Maya): One more thing, don’t say ”po” and ”opo” when you’re talking to me.

 

Maya (to Lloyd): Okay.

 

Lloyd (to Maya): Begin.

 

Magsisimula na nga si Maya na magkwento. Kung saan-saan mapupunta ang pagku-kwentuhan nila. Tungkol sa pamilya.

 

Lloyd (to Maya): I’m sorry to hear that.

 

Mapa-lovelife.

 

Lloyd (to Maya): Hindi alam ng ex-boyfriend mo kung ano ang nawala sa kanya.

 

Matatawa si Maya. Mapa-kaibigan.

 

Lloyd (to Maya): Ang bait din pala ni Emman. Bading ba iyon, since birth?

 

Maya (to Lloyd): Oo.

 

Iinom si Maya ng ice tea.

 

Lloyd (to Maya): Nililigawan ka ba ni Richard?

 

Muntik pang maibubuga ni Maya ang ice tea.

 

Maya (to Lloyd): Lloyd naman e! May girlfriend yung tao tapos liligawan ako. Ano yun, playboy?

 

Mapapataas ng kaliwang kilay si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Parang hindi naman seryoso si Richard doon. And parang ang dami ng dumaan na mga lalaki sa hitsura ng Cheska na iyon.

 

Sasawayin ni Maya si Lloyd.

 

Maya (to Lloyd): Husgahan ba agad si Mam Cheska. Mabait yun. Maganda at sexy pa.

 

Lloyd (to Maya): To tell you Honestly, Maya. Sa pagkakaalam ko, hindi gaya ni Cheska ang type ni Richard. Kaya nga after her deceased girlfriend, hindi na siya naghanap pa ng ibang babae. He’s really into Maya.

 

Maya (to Lloyd): Malay mo, nag-iba na ang taste ni Sir Chief.

 

Lloyd (to Maya): Upon knowing Richard for so long. I don’t think, he changed his taste when it comes to woman.

 

Maya (to Lloyd): Girlfriend na nga po niya si Mam Cheska tapos hindi niya type yun?

 

Lloyd (to Maya): Maybe, may nag-udyok sa kanya na ligawan yung Cheska.

 

Mapapahawak ng bibig niya si Maya. Mapapakunot-noo si Lloyd. Titingnan si Maya ng masama.

 

Lloyd (to Maya): Tama ba ang basa ko sayo? Ikaw ang nag-udyok kay Richard na maging girlfriend niya si Cheska?

 

Mapapatango si Maya habang nakahawak sa mga bibig niya.

 

Lloyd (to Maya): Kaya pala e. So, meaning. Hindi siya happy sa present girlfriend niya. Or should I say sa ka-fling niya. Kasi hindi naman yun nanliligaw ng basta-basta sa hindi niya gusto.

 

Maya (to Lloyd): Hayaan niyo na sila Lloyd. Masaya naman si Cheska sa kanya.

 

Ipapatong ni Lloyd ang mga siko sa table.

 

Lloyd (to Maya): Ang tanong, happy ba si Richard kay Cheska?

 

Mapapakibit-balikat si Maya.

 

Lloyd (to Maya): See!

 

Chapter 146

 

Matatahimik nga si Maya.

 

Lloyd (to Maya): Natahimik ka diyan?

 

Maya (to Lloyd): Dinala mo lang ba ako dito para sermunan tungkol sa ginawa ko sa lovelife ni Sir Chief?

 

Matatawa si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Maya, don’t get me wrong. Ang sa akin lang, hindi mo na sana inudyukan si Richard na manligaw ng iba na hindi bukal sa loob niya. A forced relationship between the two couple can’t make them as happy as what they’re wishing for. May isa diyan na hindi masaya.

 

Manghahaba ang nguso ni Maya.

 

Maya (to Lloyd): Sorry naman.

 

Lloyd (to Maya): Anya…

 

Hindi titingnan ni Maya si Lloyd.

 

Maya (to Lloyd): Po?

 

Lloyd (to Maya): Look at me.

 

Aangat nga ang tingin ni Maya kay Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Wag kang magalit sa akin sa mga sinabi ko. I’m just telling you my side. As a man like Richard. I’m telling you my opinion sa kung ano ang nararamdaman ni Richard sa ginawa mo sa kanya.

 

Maya (to Lloyd): Lloyd, sorry na nga, di ba?

 

Lloyd (to Maya): Baka naman di mo na ko kibuin bukas?

 

Matatawa si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Bakit ko naman po gagawin yun?

 

Lloyd (to Maya): Kasi nga pakiramdam mo, sinermunan kita.

 

Maya (to Lloyd): Hindi naman. Tama lang yung ginawa mo, Lloyd. Yaan mo, bukas kakausapin ko si Sir Chief.

 

Biglang hahawakan ni Lloyd ang braso ni Maya.

 

Lloyd (to Maya): Don’t!

 

Magugulat si Maya at Magtataka.

 

Maya (to Lloyd): Bakit? Magso-sorry lang ako sa kanya.

 

Lloyd (to Maya): Kapag ginawa mo yan, ako ang masesermunan noon kasi sinabi ko sayo ang mga tipo niya sa isang babae.

 

Mapapalingon si Maya from left to right.

 

Maya (to Lloyd): Okay.

 

Lloyd (to Maya): Ikaw ha! Tinakot mo ko.

 

Mapapataas ng mga kilay si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Takot ka kay Sir Chief.

 

Biglang bibitiwan ni Lloyd si Maya.

 

Lloyd (to Maya): Of course not!

 

Matatawa si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Joke lang.

 

Mapapasulyap si Lloyd sa wrist watch niya.

 

Lloyd (to Maya): Time to go home. I had a great time with you. I really enjoyed your company. Next time uli?

 

Maya (to Lloyd): Oo ba.

 

LIM RESIDENCE- RICHARD’S ROOM- NIGHT

 

Hindi pa magagawang makatulog ni Richard. Hinihintay niya ang text ni Maya. Habang hawak-hawak ang phone niya.

 

Richard (to Maya): Where are you? Are you home, Maya? Text me now.

 

After 5 minutes ay biglang tutunog ang phone ni Richard. Richard hurriedly check his phone. But in great disappointment. Hindi si Maya ang texter niya. It was Cheska. Telling him na pupunta ito bukas sa office niya. Hindi na niya ito irereply. So, it means, very late na si Richard makakatulog that night sa kakahintay ng text ni Maya na hindi nga nangyari.

 

LIM AVIATION- STAFF SECTION- MORNING

 

Mag-iipon ipon sina Liza, Jelly, Emman at Maya sa harap ng table ni Maya.

 

Liza (to Maya): So, how was the date, Maya?

 

Emman (to Liza): Mam Liza, kagabi ko pa yan kinukulit about sa date nila ni Sir Lloyd. Ayaw talagang sabihin.

 

Jelly (to Maya): Tell us! Or do we have to bully you.

 

Emman (to Jelly): Linya yan ni Sir Richard ah!

 

Jelly (to Maya): Credit to your Sir Chief. Madami kami ditong mangungulit sayo, Maya. So, mas mabuti pang sabihin mo na.

 

At dahil sa kakulitan ng mga friendship niya. Sasabihin na nga ni Maya ang nangyari. Matatawa pa ng kunti si Maya.

 

Maya (to Everyone): Oo na nga! Ito na! Date nga iyon pero sinermunan naman ako ni Lloyd.

 

Liza (to Maya): Sinermunan????!

 

Emman (to Maya): Lloyd?

 

Jelly (to Maya): Paki-explain nga.

 

Maya (to Everyone): Ang haba kaya noong pinagkwentuhan namin ni Lloyd. Kelangan ko ba talaga yun ikwento from the top?

 

Mang-aasar pa si Jelly na akal mo’y seryoso.

 

Jelly (to Maya): Ay! Hindi! Summary lang. Malamang iku-kwento mo from the top. Paano namin maiintindihan yun?

 

Emman (to Maya): Oo nga naman, Roomie.

 

Mapapakamot na sa batok si Maya.

 

Maya (to Everyone): Sige na nga. Tinanong niya kasi ako kung nanliligaw daw ba sa akin si Sir Chief. Sabi ko may girlfriend yung tao tapos manliligaw sakin. Tapos yun, sinabi niya na parang hindi naman daw seryoso si Sir Chief kay Mam Cheska. Fling lang daw yun. Kasi iba daw ang type ni Sir Chief.

 

Liza (to Maya): True.

 

Maya (to Everyone): Yun! Nahulaan niya na ako ang nag-udyok kay Sir Chief na ligawan niya si Mam Cheska.

 

Emman (to Maya): Aba! Roomie, kelan ka pa naging si Kupido? Ikaw pala ang suspect!

 

Maya (to Everyone): Hula niya daw, hindi happy si Sir Chief kay Mam Cheska. Dahil napilitan lang itong ligawan si Mam Cheska.

 

Jelly (to Maya): Tama si Sir Lloyd.

 

Maya (to Everyone): Yun na yun!

 

Saka naman susulpot si Richard sa likod nila.

 

Liza (to Richard): Sir, late ulit???

 

Mapapalingon bigla si Richard kay Maya. Nakakunot-noo. Pero biglang walk-out agad papunta sa office niya without greeting them. Saka naman may biglang maaalala si Maya. Matatakpan niya bigla ang bibig.

 

Maya (talking to herself): Patay! May nakalimutan akong gawin kagabi.

 

Matatampal ni Maya ang sariling noo.

 

Maya (talking to herself): Lagot ka ngayon, Maya!

 

Liza (to Maya): Ano ba yang nakalimutan mong gawin, Maya?

 

Maya (to Liza): Basta po. Lagot ako!

 

Emman (to Maya): Kaya pala ganun yun. Ikaw pala ang may gawa.

 

Maghahanap nga si Maya ng bwelo para mag-sorry kay Richard. Pero hindi siya makakuha ng oras para makausap ito. Isasama nga siya ni Liza at Emman sa loob ng office ni Richard. Habang nagpipirma si Richard.

 

Liza (to Richard): Sir, may we know kung bakit po kayo naka-tiger mode?

 

Habang nagpipirma pa rin si Richard. Titingin ito kay Liza pero si Maya ang pariringgan.

 

Richard (to Liza): Ikaw nga ang tatanungin ko Liza, hindi ka man lang ba maiinis o magagalit kapag nagpromise ang isang tao diyan na magtetext sayo kapag nakauwi na siya sa kanila? Gusto mo lang naman makasiguro kung safe ba siyang nakauwi sa kanila. Concerned lang naman ako, Liza.

 

Kunwari sasagutin naman ni Liza ang tanong ni Richard pero nagpipigil ng tawa at kilig. Nakaw-tingin naman ang gagawin ni Richard kay Maya. Checking her reaction.

 

Liza (to Richard): Kung ako lang po ang tatanungin e, opo, maiinis o magagalit ako. Kasi umasa ka na itetext ka niya pero hindi naman niya ginawa.

 

Kunwari naman na idedepensa ni Emman si Maya.

 

Emman (to Richard): Paano po Sir kung itetext ka naman talaga niya kaso nakalimutan niya lang.

 

Saka ibibigay ni Richard kay Liza ang mga napirmahan na niya.

 

Richard (to E & L): To tell you the truth guys, that’s the reason why na-late ako ng pasok. Naghintay ako ng text niya e pero walang dumating. Ibang text ang nareceived ko.

 

Emman (to Richard): From who po ang nareceived nyong text, Sir?

 

Richard (to Emman): From my girlfriend. Sige ahead guys. Baka bumaha pa ng luha dito e.

 

After makalabas nina Liza sa office ni Richard ay biglang darating si Cheska sa office ni Richard. Parang nag-aaway ang dalawa.

 

RICHARD’S OFFICE. Tatayo na si Richard. Mamemewang.

 

Richard (to Cheska): Pumunta ka ba dito para awayin lang ako? Look Cheska, I don’t have the energy to argue with your nonsensed issue.

 

Cheska (to Richard): How dare you telling me that my issue is going nonsensed. Wala ka ng time sa akin. Yun ang issue natin dito, Chard.

 

Richard (to Cheska): Do you even know the  field of work I’m engaged with? This is an Aviation, Cheska. Anytime that they needed my assistance, I have to attend with their needs. Do you understand me?

 

Cheska (to Richard): I should be your 1st priority because I’m your girlfriend.

 

Richard (to Cheska): Cheska, bakit ba ang demanding mo? Kaya ka siguro bini-break ng mga ex-es mo dahil diyan sa ugali mo na sobrang demanding. People isn’t your slave, Cheska. They had their own life. You can’t dictate them what should they do.

 

Cheska (to Richard): I don’t want to argue with you, Chard.

 

Richard (to Cheska): You know what, this relationship isn’t working anymore.

 

Cheska (to Richard): So, what are you implying, Chard? Are you breaking up with me?

 

Richard (to Cheska): I need space, Cheska. I wanted to breathE.

 

Bigla na lang ngang magwa-walk out si Cheska. Hindi man lang susulyapan si Maya. Mapapabuntong-hininga si Richard sa loob ng office niya. Then after 5 minutes na mapakalma ang sarili ay lalabas ng office niya. Pupuntahan si Maya. Biglang mapapatayo si Maya.

 

Richard (to Maya): Can I have a word from you?

 

Maya (to Richard): Sige po, Sir Chief.

 

Richard hand in hand with Maya. Hihilahin ni Richard si Maya sa rest area. Kukuha ng upuan at pauupuin si Maya. Nakasilip lang ang tatlo sa pinto.

 

Maya (to Richard): May problema po ba kayo ni Mam Cheska, Sir Chief?

 

Isasandal ni Maya ang mga siko sa table. Habang nakasandal ang mga siko ni Richard sa rounded table.

 

Richard (to Cheska): I can’t understand Cheska. Sobrang demanding nIya. Gusto niya gawin ko ang lahat ng gusto niya. Gusto niya, siya ang unahin ko kesa sa work ko. Hindi niya ba alam na may kanya-kanya din kaming buhay. Gusto niya lagi akong nakabuntot sa kanya. Gusto niya, isang tawag lang niya nasa tabi na niya ako ora-mismo. Kahit nga traffic sa daan, kulang na lang liparin ko na ang daan makarating lang agad sa kanya. I think, our relationship isn’t working anymore.

 

Biglang mapapayuko si Maya at mapapansin iyon ni Richard. Mapapahawak si Richard sa wrist ni Maya.

 

Richard (to Maya): Maya, are you okay? May nasabi ba akong mali?

 

Mapapailing si Maya. Medyo tutulo na ang luha.

 

Maya (to Richard): Wala po, Sir Chief. Gusto ko lang po na mag-sorry.

 

Magtataka si Richard at mapapakunot-noo.

 

Richard (to Maya): Magsorry? For what?

 

Habang umiiyak na parang bata.

 

Maya (to Richard): Una po kasi nakalimutan ko po kayong itext kagabi kung nakauwi na ba ako sa Condo dahil doon na-late po kayo kanina at pangalawa po, Sorry po kasi dahil sa pamimilit ko sainyo na ligawan si Cheska ay nagagalit at naiinis na kayo ngayon. Sorry po talaga, Sir Chief. Hindi ko po sinasadya.

 

Hahawakan na ng left hand ni Richard ang mga kamay Maya at ng right hand niya ang likod ni Maya para patigilin ito sa pag-iyak.

 

Richard (to Maya): Ssshhhh! It’s okay. It wasn’t your fault. Calm down. Pumayag naman ako sa deal natin, di ba? So, don’t be feel guilty. At fault din ako kaya ako nagkakaganito.

 

Maya (to Richard): Pero ako po ang may kasalanan kung bakit kayo nagkakaganyan. Sorry po talaga. Pero sana po, wag po kayong magbreak ni Mam Cheska. Kasi kawawa po siya. Nakikita ko po kasi sa kanya na mahal na mahal niya kayo.

 

Mapapataas ng dalawang kilay si Richard.

 

Richard (to Maya): We’ll see.

 

Ibibigay nga ni Richard ang panyo niya kay Maya.

 

Chapter 147

 

Magpupunas nga si Maya ng mga luha niya gamit ang panyo ni Richard.

 

Richard (to Maya): Okay ka na ba?

 

Tatango si Maya.

 

Richard (to Maya): Let’s get back to work.

 

Aalalayan ngang makatayo ni Richard si Maya.

 

Richard (to Maya): Don’t worry about us, Okay? I’ll fix this.

 

LIM AVIATION- PARKING LOT- AFTER 5PM

 

Palapit na si Richard kina Maya ng biglang susulpot si Lloyd. Mapapalingon bigla si Richard kay Lloyd.

 

Lloyd (to Everyone): Hi guys!

 

Kakaway si Maya.

 

Lloyd (to Richard): Brod, pwede bang mahiram si Anya? Magpapasama lang ako sa kanya.

 

Mapapatingin si Richard kay Maya. Vice versa.

 

Richard (to Lloyd): Go ahead. Anytime.

 

Tatapikin ni Lloyd si Richard sa kaliwang balikat.

 

Lloyd (to Richard): Thanks Brod!

 

Hihilahin na ni Lloyd sa wrist si Maya. Pero bago pa sila makalayo ay may pahabol si Richard kay Maya.

 

Richard (to Maya): Maya!

 

Mapapahinto sina Lloyd at Maya.

 

Maya (to Richard): Po?

 

Richard (to Maya): You know what to do.

 

Tatango na nga lang si Maya kay Richard. And vice versa.

 

BAYWALK- NIGHT

 

Bibili ng pop corn at soft drinks sina Lloyd at Maya saka mauupo sa bench.

 

Lloyd (to Maya): So, how’s your day Anya?

 

Maya (to Lloyd): Okay naman, Lloyd. Nagsorry na ko kay Sir Chief.

 

Magugulat si Lloyd sa sinabi ni Maya. Mapapalunok.

 

Lloyd (to Maya): Lagot na!

 

Magtataka si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Bakit?

 

Lloyd (to Maya): E di alam na noon na sinabi ko sayo kung anong pakiramdam noong ginawa mo sa kanya.

 

Iwa-wave ni Maya ang mga kamay.

 

Maya (to Lloyd): Naku! Hindi! Nagkakamali ka. Hindi ganun. Nag-sorry ako sa kanya kasi may nagawa din akong isa pang kasalanan sa kanya kagabi.

 

Lloyd (to Maya): Why? Anong naging kasalanan mo kagabi kay Richard?

 

Mapapayuko si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Hindi kasi ako nagtext sa kanya ng inihatid mo na ko sa Condo.

 

Matatawa si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Yun lang? Kasalanan na yun sa kanya? At kaya siya na-late dahil inumaga na siya natulog kakahintay sa text mo.

 

Tatango si Maya. Matatawa si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Okay. Ganito, after kita maihatid mamaya. I’ll be the one to remind you na itext siya before I leave you there sa Lobby ng Condo niyo.

 

Ngingiti si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Pwede ba ko magtanong ng mga personal na bagay?

 

Lloyd (to Maya): Shoot!

 

Maya (to Lloyd): Di ba, stick-to-one ka gaya ni Sir Chief? Bakit hanggang ngayon, di ka pa rin nagkaka-girlfriend?

 

Magseseryoso si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Do you want an honest to goodness answer, Anya?

 

Tatango si Maya. Staring to Maya.

 

Lloyd (to Maya): After I lost my ex-girlfriend, I never search for another one. I said, I’ll take a break muna. Maybe, someday, bigla na lang siyang dadating sa buhay ko. At nangyari nga yun.

 

Hindi maniniwala si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Talaga, Lloyd? Nangyari na? Ang swerte naman niya.

 

Lloyd can’t help but to smile.

 

Lloyd (to Maya): I don’t think, she’s that lucky to me.

 

Maya (to Lloyd): Ha?! Bakit naman hindi? Ang bait mo kaya. Gwapo. Masipag. Ano pa ba ang hahanapin niya sayo?

 

Lloyd (to Maya): You’re saying that kasi friend kita.

 

Maya (to Lloyd): Totoo nga sinasabi ko. Bakit? Sino ba kasi yang gusto mo at hindi mo masabi sa kanya?

 

Magse-seryoso si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Do you really wanna know, Anya?

 

Tatango si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Syempre!

 

Magse-seryoso si Lloyd this time. Iinom ng softdrinks niya si Maya ng magsasalita si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Secret!

 

Tatampalin ni Maya si Lloyd sa braso.

 

Maya (to Lloyd): Ang daya!

 

Matatawa si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Pero seryoso, Anya. Paano kung sabihin ko sayo na ikaw ang gusto kong ligawan? Papayag ka ba?

 

Biglang matatahimik si Maya sa narinig.

 

Maya (to Lloyd): Lloyd…

 

With great disappointment hindi magpapahalata si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Pero okay lang din kung ayaw mo. Dapat siguro, makuntento na ko sa friendship na meron tayo. Alam ko, hindi ako ang type mo.

 

Biglang hahawakan ni Maya ang braso ni Lloyd. Ngingiti si Lloyd. Hahawakan din ang kamay na dumantay sa braso niya.

 

Lloyd (to Maya): You don’t have to say sorry, Anya. From the very start, alam kong basted na ko.

 

Maya (to Lloyd): Lloyd, alam kung may mas nararapat na babae para sayo. Pero tandaan mo, Lloyd, nandito lang ako sa tabi mo. Handang dumamay sayo.

 

Pilit na ngingiti si Lloyd. They will hug each other.

 

Lloyd (to Maya): Thanks for the great friendship, Anya. I’ll treasure every moment that I’m with you. Ang tanga noong ex mo, sinayang niya ang mga moments na magkasama kayo at ipinagpalit ka sa mga bisyo niya. Pero mas maswerte ang lalaking magiging future boyfriend mo and kung both of you were destined to be together, he must be the luckiest guy on earth. Having you is like a diamond, precious and rare find.

 

Mag-ngingilid na ang mga luha ni Maya.

 

Maya (to Lloyd): Lloyd, binabalaan kita. Wag mo akong paiiyakin dito. Baka bumaha ng luha dito. Kasing babaw pa naman ng aquarium ang luha ko.

 

Biglang itataas ni Lloyd ang mga kamay na parang sasaluhin talaga ang mga luha ni Maya.

 

Lloyd (to Maya): Wag naman. Mahirap magtapon ng luha.

 

Tatampalin na naman ni Maya si Lloyd. Iooffer ni Lloyd kamay for handshake.

 

Lloyd (to Maya): Friends?

 

Makikipag-handshake naman si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Friends.

 

Hihirit pa si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Pwede magrequest?

 

Maya (to Lloyd): Oo naman. Kahit ano.

 

Lloyd (to Maya): Pwede bang maging close tayo ng ganito? Yung nagbibiruan, nagtatampalan. Kung anong ginagawa ng mga magbestfriend lalo na kapag nakikita ang crush.

 

Tatampalin na naman ni Maya si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Ikaw talaga!

 

Chapter 148

 

Iche-check ni Lloyd ang relo niya. Tatayo na si Lloyd at tatayo na din naman si Maya.

 

Lloyd (to Maya): Let’s call it a night. Enjoy na enjoy talaga ako kapag kasama ka. Ano nga bang meron ka, Anya?

 

Ilalapit ni Maya ang balikat kay Lloyd.

 

Maya (to Lloyd): Isipin mo na lang na clown mo ako.

 

Mapapataas ng kaliwang kilay si Lloyd at mapapangiwi.

 

Lloyd (to Maya): Pwede. Let’s go. Ihatid na kita.

 

TIAMEN- EMMAN’S CONDO UNIT- NIGHT

 

Bago pa makababa si Maya sa kotse ni Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): May I remind you, itext mo na ang dapat mong itext at baka ma-late na naman yun.

 

Matatawa si Maya.

 

LIM RESIDENCE- RICHARD’S OFFICE- NIGHT

 

Habang magkakasama sa office sina Esme, Alfredo at Nikki while sorting some photos sa internet. Mahihikab na si Esme.

 

Esme (to Richard): Son, hindi ka pa ba inaantok?

 

Mapapaisip si Richard. Hindi alam kung sasabihin ang totoo.

 

Richard (to Esme): I’m not sleepy yet.

 

Biglang tutunog ang phone ni Richard. Checking his phone.

 

Sender: Maya Dela Rosa

Message Body: Sir Chief, andito na po ako sa Condo. Matulog na po kayo baka ma-late na naman kayo bukas.

 

Hindi maiiwasan ni Richard na hindi matawa at mapangiti sa text ni Maya. Mapapansin iyon ni Esme at medyo didikit ng kunti kay Richard at sisilipin ang nagtext.

 

Esme (to Richard): Sir Chief, andito na—

 

Biglang ilalayo ni Richard ang phone sa Mama niya.

 

Richard (to Esme): Ma!

 

Mapapataas ng dalawang kilay si Esme. At kunwari nagtataray.

 

Esme (to Richard): Bakit? Masama ba?

 

Richard (to Esme): So bad of you. Privacy… Duh?! Let’s sleep na nga.

 

Tatayo na nga ang lahat.

 

Esme (to Richard): Bakit ba kasi ayaw pang aminin na hinihintay mo lang ang text niya.

 

Mapapataas na lang ng dalawang kilay si Richard at mapapailing-iling.

 

1 week after.

 

LIM AVIATION- STAFF SECTION- MORNING

 

Habang busy si Maya sa pagta-type ng report niya ay biglang tutunog ang phone ni  Maya.

 

Sender: Mam Cheska Uy

Message Body: Maya, he broke up with me last night😦

 

Biglang mapapatakip ng bibig si Maya. Makakaramdam ng awa si Maya kay Cheska. Magrereply si Maya kay Cheska.

 

Recipient: Mam Cheska Uy

Message Body: Kakausapin ko po si Sir Chief.

 

Hindi na nga magrereply si Cheska kay Maya. Mapapaisip si Maya. Kung kakausapin ba niya si Richard o hindi. Nang biglang mapapadaan ng Staff Section si Richard. Biglang mapapatayo sa kinauupuan niya si Maya at hahabulin si Richard. Mapapansin nga siya nina Jelly, Emman at Liza.

 

Emman (to Maya): Roomie, dahan-dahan lang.

 

Masusundan nga ng tingin nina Jelly si Maya. Mapapasunod ng kunti si Emman kay Maya. Maaabutan nga ni Maya si Richard. Hahawakan ni Maya si Richard sa right arm nito at ihaharap sa kanya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief!

 

Richard (to Maya): Yes?

 

Maya (to Richard): Bakit Po kayo nakipagbreak kay Mam Cheska?

 

Mapapabuntong-hininga si Richard. Bigla naman susulpot si Lloyd sa isang sulok.

 

Richard (to Maya): Maya—

 

Pero hindi pasisingitin ni Maya si Richard.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, nagtext po sa akin si Mam Cheska ngayon. Akala ko po ba aayusin niyo ang tungkol sa relasyon niyo ni Mam Cheska?

Biglang ilalagay ni Richard ang right index finger sa lips ni Maya para tumigil ito sa pagsasalita pero aalisin din iyon ni Maya. Mapapabuntong-hininga si Richard. Wala na siyang ibang maisip na way para tumigil si Maya sa pagsasalita.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, nasaktan niyo po yung tao. Di ba po nagpromise kayo na magiging okay na kayo ni Mam Cheska? Pero bakit nakipagbreak kayo—

 

Hindi na patatapusin ni Richard ang sasabihin ni Maya. Bigla niyang hahawakan si Maya sa magkabilang pisngi, yuyuko at hahalikan niya ito sa mga labi. Sobrang magugulat si Maya sa ginawa ni Richard. Pati ang mga tao sa paligid ay magugulat sa ginawa ni Richard kay Maya. Nganga ang karamihan sa kanila. Mapapalunok. Mangangatog nga ang kanyang mga tuhod. Mapapapikit si Maya sa nararamdamang iba’t ibang emosyon sa halik na iyon ni Richard. Dahan-dahan maiaangat ni Maya ang mga kamay pero mawawala naman sa sarili si Maya na mahuhulog sa kamay niya ang kanyang phone buti na lang at nandoon si Emman at nasalo niya ang phone ni Maya. On Richard’s side, hindi maintindihan ni Richard kung bakit ganoon na lang kasaya ang pakiramdam niya ng magdikit ang mga labi nila ni Maya. Hindi naman niya sana gustong gawin iyon pero iyon lang ang naisip niyang tanging paraan para mapatigil si Maya sa pagsasalita. Pakiramdam ni Richard, ayaw na niyang pakawalan pa ang mga labi ni Maya. For Richard, kissing Maya like this is like a chocolate cake, hindi mo pagsasawaan na tikman. Matamis. At isang matunog na kiss ang iiwanan niya sa labi ni Maya. Looking at her after that long kiss??? Hindi nga makakapagsalita si Maya. Dahan-dahan imumulat ni Maya ang mga mata. Pero talagang nangangatog ang mga tuhod ni Maya. Kaya’t matutumba siya sa harap mismo ni Richard. Agad naman siyang masasalo ni Richard.

 

Richard (to Maya): Are you okay, Maya?

 

Pilit naman tatayo si Maya mula sa pagkakayakap kay Richard. Parang lasing na gigiwang-giwang sa una pero pipilitin pa rin niya na maglakad ng tama. Tulala pa rin si Maya habang nakasunod sa kanya si Emman. Masusundan ni Richard ng tingin si Maya. Mapapataas ng mga kilay at saka babalik sa office niya.

 

Emman (to Maya): Roomie, hindi zigzag ang daan ha.

 

Aalalayan nga ni Emman ang tulalang si Maya. Pauupuin. Iwa-wave ni Emman ang mga kamay sa tulalang si Maya. Lalapitan nga silang dalawa nina Jelly at Liza.

 

Emman (to Maya): Haller! Roomie! Yooohooo! Nasa earth pa ba ang diwa mo?!

 

Tatango si Maya pero tulala pa rin. Medyo nakanganga pa ng kunti.

 

Emman (to Maya): Roomie, gusto mo bang buhusan kita diyan ng ice water para makabalik ka na sa sarili mo?

 

Iiling iling si Maya. Biglang iparirinig ni Liza ang alarm tone niya kay Maya para manumbalik ito sa sarili niya.

 

Liza (to Maya): Maya!

 

Magugulat nga si Maya.

 

Maya (to Everyone): Ay Maya!

 

Mapapahawak si Maya sa dibdib niya.

 

Chapter 149

 

Maya (to Liza): Mam Liza naman e, tinakot niyo naman ako!

 

Liza (to Maya): Of course not! Kumusta? Nakabalik na ba sa amin ang katawang lupa mo? Para kang lumilipad kanina ah! Nahalikan ka lang ng Sir Chief mo.

 

Matatawa si Liza.

 

Liza (to Maya): Nagkaboyfriend ka na’t lahat-lahat dati e parang hindi ka pa naka-experience ng mahalikan sa mga labi ah!

 

Mailalagay ni Maya ang mga kamay sa bibig at mapapatingin kay Liza na parang hiyang-hiya sa pag-amin. Iiling iling si Maya.

 

Maya (to Liza): Mam Liza, paano niyo po nalaman yan? Si Sir Chief nga po ang 1st kiss ko.

 

Mapapalingon sa isa’t isa sina Jelly, Emman at Liza. Pero mas higit na mapapasigaw ng malakas sina Liza at Emman.

 

Liza & Emman (to Maya): Ayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyt!!!!!!!!

 

Maririnig nga iyon ni Richard sa loob ng office niya.

 

Liza & Emman (to Maya): Whaaaaaaat!!!!!!/ Oh my pink wall!!!!!!!!!!!!!

 

 

Jelly (to Maya): Totoo?

 

Tatango si Maya habang hawak-hawak pa rin ang mga labi na hinalikan ni Richard.

 

Emman (to Maya): Si Sir Richard ang 1st kiss mo ever! Oh my gosh!

 

LIM AVIATION- RICHARD’S OFFICE- MORNING

 

Pagkatapos marinig ni Richard ang sigawan ng co-employees niya ay mapapangiti si Richard. Mapapasandal ang likod niya sa swivel chair, mailalagay ang right hand sa armrest, mapapade-kwatro at mahahaplos ng wala sa sarili ang sariling mga labi.

 

Richard (talking to himself): Paano ko nga ba nagawang halikan si Maya?

 

Biglang magpa-flash back kay Richard ang nangyari. From their convo to the moment na hinalikan niya si Maya. Then, mapapa-smile sa naging reaction nito after kissing her. Biglang matitigilan si Richard. Biglang mapapaisip. Mapapakagat ng labi.

 

Richard (talking to himself): But… How am I going to face her now? Hindi ko naman sinabi yung reason why I broke up with Cheska.

 

Mapapakibot-kibot ng mga labi si Richard. Iniisip kong paano haharap kay Maya. Mapapabuntong-hininga si Richard.

 

Richard (talking to himself): Maya, about earlier…

 

Mapapailing-iling si Richard.

 

Richard (talking to himself): Maya, it’s not my intension to…

 

Biglang mapapatayo si Richard. Mapapabuga na ng hininga. Dinadaga sa sasabihin kay Maya.

 

Richard (talking to himself): Wait! Bakit ba ako ganito? Just tell her the Reason why you broke up with Cheska and…

 

Mapapataas na lang ng mga kilay si Richard. Mauupo na lang.

 

LIM AVIATION- PARKING LOT- 5PM

 

Magkakasamang lalabas sina Maya, Jelly, Liza at Emman. Nagkakasayahan sila dahil kay Emman pero deep inside kay Maya, sobrang kabado siya kung sakaling makita niya si Richard after work. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito. Minu-minuto ang buntong-hininga ni Maya. Mapapansin iyon ni Jelly.

 

Jelly (to Maya): Maya, baka makasama kami sa kakabuntong-hininga mo.

 

Maya (to Jelly): Jelly naman e!

 

Jelly (to Maya): Joke lang.

 

Hahawakan ni Liza ang kanang kamay ni Maya.

 

Liza (to Maya): Maya, relax lang. Kung yung nangyari sainyo ni Sir Richard ang iniisip mo……..

 

Papagalawin ni Mam Liza ang magkabilang kilay.

 

Liza (to Maya): Maghanda ka na.

 

Halos mangiyak-ngiyak na si Maya sa sobrang takot at kaba.

 

Maya (to Liza): Mam Liza naman Nang-aasar pa.

 

Pagtatawanan na lang si Maya nina Liza. Palabas na si Richard ng Lobby ng LAS ng masusulyapan niya sina Liza na nag-aabang ng jeep. Tatanawin niya ito lalo na si Maya. Bigla naman makikita ni Emman si Richard. Bigla itong sisigaw at kakaway.

 

Emman (to Richard): Sir Richard!!!!

 

Biglang mahihigit ni Maya ang hininga niya pagkarinig ng pangalan ni Richard. Lalapit nga sa kanila si Richard. Hindi titingnan ni Maya si Richard pero si Richard ay panay ang ligaw-tingin sa nakayukong si Maya. Awkward.

 

Richard (to Everyone): Going home?

 

Mapapataas ng kilay si Richard.

 

Liza (to Richard): Yes, Sir. Punuan nga e.

 

Richard (to Liza): Since punuan ang mga jeep, why don’t you come with me. I’ll give you a ride to avoid traffic na din.

 

Ligaw-tingin ulit kay Maya.

 

Liza (to Richard): Seryoso ka, Sir?

 

Mapapakibit-balikat si Richard.

 

Richard (to Liza): Yes, I’m serious.

 

Ligaw-tingin ulit kay Maya. Hihirit si Maya kina Liza.

 

Maya (to Emman): Emman, mauna na kong uuwi.

 

Mapapatingin ang lahat kay Maya.

 

Emman (to Maya): Why Roomie?

 

Magkukunwari si Maya. Hahawakan ang sintido.

 

Maya (to Emman): Masakit ulo ko e.

 

Lalapitan ni Richard si Maya at aakbayan na nagpatigil na naman ng hininga ni Maya.

 

Richard (to Maya): Kaya mo pa ba, Maya?

 

Gagalawin ni Maya ang mga balikat para alisin ang kamay ni Richard na naka-akbay. Makakaramdam nga si Richard na naaalangan nga si Maya sa kanya. Kaya aalisin na lang niya ang kamay sa pagkaka-akbay. Mapapataas ng mga kilay.

 

Maya (to Richard): Kaya ko pa naman po umuwing mag-isa, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): Ihahatid na kita. Baka mapaano ka pa.

 

Maya (to Richard): Wag na po, Sir Chief. Kaya ko po.

 

Lalayo na nga ng bahagya si Maya kay Richard. At dahil ramdam ng lahat ang tensyon kina Richard at Maya.

 

Emman (to Richard): Sir, hindi na lang po ako sasabay sainyo. Sabay na lang po kami ni Maya. Baka mahimatay pa ito sa daan e.

 

Tatango si Richard habang hawak-hawak susi.

 

Richard (to Emman): Emman, text me if she’s really fine.

 

Emman (to Richard): Noted, Sir.

 

LIM RESIDENCE- RICHARD’S OFFICE- NIGHT

 

Habang nakabukas ang laptop ni Richard. Naka-open ang solitaire pero iba naman ang nasa isip at malayo ang tingin. Papasok sa loob si Alfredo. Hindi ito mamamalayan ni Richard.

 

Alfredo (to Richard): Nasa China na ba isip mo?

 

Biglang matatauhan si Richard.

 

Richard (to Alfredo): Dad?

 

Alfredo (to Richard): It looks like wala sa ang laptop ang concentration mo.

 

Mapapabuntong-hininga si Richard.

 

Alfredo (to Richard): Problem?

 

Titingnan ni Richard si Alfredo ng seryoso.

 

Chapter 150

 

Alfredo (to Richard): Ganyan ba yan ka-seryoso, Son. Well, try me.

 

Aayos ng upo si Richard. Mapapabuntong-hininga.

 

Richard (to Alfredo): I……. I kissed her, Dad.

 

Mapapa-ayos ng upo si Alfredo ng marinig ang ”her” kay Richard. Extending his arm to emphasize something.

 

Alfredo (to Richard): Kung si Cheska ang tinutukoy mo na ”Her”, well, natural na iyon because she’s your girlfriend.

 

Mapapailing si Richard.

 

Richard (to Alfredo): No, Dad. It’s…………. Maya.

 

Magugulat nga si Alfredo. Mapapatayo bigla.

 

Richard (to Alfredo): Dad? Where are you going?

 

Biglang iiwan si Richard sa Office nito. Then, babalik after 1 minute. Kasama na si Esme at Manang Fe.

 

Esme (to R & A): What is it ba kasi at hinila-hila mo pa kami ni Fe?

 

Alfredo (to Richard): Son, tell them what you said to me a while ago.

 

Mapapasandal si Richard sa swivel chair.

 

Richard (to Alfredo): Dad, akala ko ba ikaw lang kausap ko?

 

Alfredo (to Richard): Son, they need to hear it from you.

 

Manang Fe (to Richard): Ricardo, ano ba kasi yun?

 

Si Alfredo na ang magsasabi kina Manang Fe at Esme.

 

Alfredo (to E & MF): Hinalikan daw ni Ricky si Maya.

 

Mapapataas ng dalawang kilay si Richard. Magugulat sina Esme at Manang Fe. Magkakasabay pang magsasalita sina Esme at Fe.

 

Esme & Fe (to Richard): Talaga, Ricky!/Ricardo?

 

Hihirit pa si Esme.

 

Esme (To Richard): Sa cheek o lips?

 

Sasawayin ni Richard si Esme.

 

Richard (to Esme): Mom!

 

Esme (to Richard): Answer me, Ricky!

 

Richard (to Esme): Fine! I kissed her on her lips.

 

Pero magiging defensive si Richard.

 

Richard (to Everyone): I kissed her to make her shut up.

 

Magkakasabay naman ngayon sina Alfredo at Esme. Nakakunot-noo.

 

A & E (to Richard): Shut up???!

 

Richard (to E & A): Yes. Something came up kasi na hindi ako makasingit sa mga sinabi niya then that’s the only way I think to make her shut up.

 

Mapapaupo si Esme sa tapat ni Richard.

 

Esme (to Richard): Tell us what really happened, Son?

 

Mapapabuntong-hininga si Richard. Mapapataas ng mga kilay (mannerism).

 

Richard (to Everyone): Cheska texted her that I broke up with her.

 

Magugulat si Esme sa balita pero matutuwa.

 

Esme (to Richard): Break na kayo ni Cheska!?

 

Richard (to Everyone): Yes.

 

Mapapa-”Yes” ng malakas si Esme. Aawatin naman ni Alfredo si Esme. Tahimik naman si Manang Fe.

 

Alfredo (to Esme): Honey, calmdown. Let Ricky finish first.

 

Magseseryoso ulit si Esme.

 

Esme (to Alfredo): Sorry naman. Masaya lang. Continue, Son.

 

Richard (to Everyone): Then, Maya confronted me. Bakit daw ako nakipag break kay Cheska? Akala daw ba niya aayusin ko ang tungkol sa amin ni Cheska. Nakasakit daw ako ng tao. Kung ano-ano pa ang mga sinabi niya. Then, to make Maya shut up, I kissed her on her lips. When I’m kissing her, parang kakaiba yung naramdaman ko. Parang ang saya ko.

 

Alfredo (to Richard): Then, anong reaction niya after kissing her?

 

Magkikibit-balikat si Richard.

 

Richard (to Alfredo): Yun. Siguro, nabigla at nangatog yung mga tuhod kaya na out-of-balance. Buti na lang nasalo ko. Then, tulala na siya. Kanina, after office hour, hindi na niya ako kinikibo. She seems rattled. Paiwas.

 

Alfredo (to Richard): Tsk! Tsk! Tsk! Bakit mo kasi binigla, Ricky? Syempre, natakot yung tao. Ang dami nga naman kasi ng ways para mapatahimik mo siya e bakit yun pa ang naisip mong paraan?

 

Richard (to Alfredo): I don’t know. Yun ang naisip ko ng time na iyon.

 

Esme (to Richard): Then, you have to apologize sa nangyari. But since, sinabi mo nga ng mahalikan mo siya ay feeling mo, ang saya mo. Then, you should do something.

 

Mapapakunot-noo si Richard while staring on his Mom.

 

Richard (To Esme): Like what?

 

Esme (to Richard): Ano pa ba? Ligawan mo na si Maya.

 

Richard (to Esme): Magagawa ko ba iyon sa sitwasyon namin ngayon? Ni ayaw nga akong kausapin o madikit man lang sa akin.

 

Alfredo (to Richard): Sa una lang yan, Son. Soon, magiging okay din ang lahat.

 

LIM AVIATION- STAFF STATION- MORNING

 

Tulad nga ng inaasahan. Umiiwas si Maya kay Richard. Magtetext nga si Maya kay Lloyd.

 

Recipient: Lloyd

Message Body: Lloyd, pwede ka bang makausap mamaya breaktime?

 

Sender: Lloyd

Message Body: Date during breaktime?

 

Recipient: Lloyd

Message Body: Lloyd naman e!

 

Sender: Lloyd

Message Body: Joke lang. Okay. Wait for me.

 

LIM AVIATION- REST AREA- BREAKTIME

 

Mag-iiba ng pwesto sina Maya at Lloyd kina Liza, Emman at Jelly. Medyo sa malayo-layo. Nakatalikod sina Maya at Lloyd sa lahat.

 

Lloyd (to Maya): So, kumusta ang nahalikan ng Chief Heartthrob ng Pinas?

 

Biglang matatakpan ni Maya ang mukha sa sobrang kahihiyan, kaba at takot.

 

Maya (to Lloyd): Lloyd naman e. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko tapos panay pa ang asar mo sa akin.

 

Lloyd (to Maya): Ah! Kaya mo pala ako kinausap ng masinsinan kasi hindi mo na alam ang gagawin mo.

 

Maya (to Lloyd): Kelangan talagang paulit-ulit, Lloyd?!

 

Saka naman maririnig ni Maya ang pagtawag ni Liza sa pangalan ni Richard. Mauupo nga si Richard sa hanay nina Liza na nakatingin sa kanila. Mapapalingon din si Lloyd kay Richard.

 

Lloyd (to Maya): Di mo alam kung anong gagawin mo, di ba? Madali lang yan.

 

Biglang tatayo si Lloyd para sana kawayan at tawagin si Richard pero biglang hahawakan ni Maya ang right arm ni Lloyd at pauupuin ulit.

 

Lloyd (to Maya): Oh? Bakit mo ako pinigilan, Anya?

 

Maya (to Lloyd): Ano bang binabalak mong gawin?

 

Lloyd (to Maya): I’ll ask him to come para magkausap na kayo.

 

Maya (to Lloyd): Lloyd… Natatakot at kinakabahan nga ako kapag naririnig ang pangalan niya. Makausap pa kaya.

 

Hahawakan ni Lloyd ang kamay ni Maya.

 

Lloyd (to Maya): Anya, you and Richard should talk. To clarify things. Para na rin makapag explain siya sayo.

 

Chapter 151

 

Maya (to Lloyd): Natatakot talaga kasi ako.

 

Lloyd (to Maya): Matanong nga kita, nangangagat ba si Richard?

 

Iiling-iling si Maya.

 

Lloyd (to Maya): Ganun naman pala e.

 

Hindi na kikibo pa si Maya.

 

Lloyd (to Maya): Okay. Ganito na lang, mag-camping tayo. Sama natin friends mo pati na si Richard.

 

Mapapakunot-noo si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Anong gagawin natin doon?

 

Lloyd (to Maya): Mag-eenjoy. Ano? Join ka?

 

Mapapaisip si Maya.

 

Lloyd (to Maya): Wow ha!? Talagang pag-iisipan mo pa yan?

 

Maya (to Lloyd): Sige na nga.

 

TAGAYTAY- CAMP SITE- NIGHT

 

Kay Richard sumabay sina Jelly at Liza. Samantalang sina Emman at Maya naman ay kay Lloyd. Habang binababa nina Richard at Lloyd ang mga gamit nila. Panay ang panakaw-tingin ni Richard kay Maya.

 

Lloyd (to Richard): Brod, tulong tayo magbuild ng tent ha.

 

Richard (to Lloyd): Okay Brod.

 

Liza (to J, M, E): Gawa na tayo ng bonfire.

 

Maya (to Liza): Sige po, Mam Liza.

 

After gumawa ng bonfire at tent ng lahat. Mag-aaya si Lloyd. May mga dala na rin itong mga kunting kahoy sa magkabilang kamay.

 

Lloyd (to Maya): Anya, tara! Samahan mo ako. Hanap pa tayo ng mga kahoy para hindi mamatay ang bonfire natin.

 

Maya (to Lloyd): Sige.

 

At dahil nga masyado mabato, dahan-dahan maglalakad si Maya. Iaabot ni Lloyd ang left arm niya para maalalayan si Maya.

 

Lloyd (to Maya): Hawak ka.

 

Pero biglang may maiisip si Lloyd.

 

Lloyd (to Richard): Brod!

 

Richard (to Lloyd): Yes?

 

Lloyd (to Richard): Pwede mo ba kaming samahan ni Anya?

 

Biglang mapapalingon si Maya kay Richard and vice versa. Pero biglang pipigilan ni Maya si Lloyd sa plano niya. Medyo didiinan ni Maya ang hawak kay Lloyd bilang tugon na ”Wag na”. Lagkit ng tingin ni Richard kay Maya. Pero maaalangan din si Richard.

 

Richard (to Lloyd): Okay lang sakin. Yun ay kung okay lang kay Maya?

 

Magkakatinginan sina Richard, Maya at Lloyd. Tititigan ni Lloyd si Maya. Then saka papayag si Maya.

 

Maya (to Richard): O…. Okay lang po, Sir Chief.

 

Maghahanap na nga sila ng mga putol-putol na kahoy sa mga madadaanan nila. Mapupunta sila sa loob ng mga Pine Trees. Habang nakahawak si Maya kay Lloyd.

 

Lloyd (to Richard): Brod, pwede mo bang hawakan ang left hand ni Maya baka kasi madulas ito. Hindi ko siya masasalo kung sakali. Ang dami ko ng bitbit na kahoy. Malalaki pa naman.

 

Magkakatinginan sina Richard at Maya. Mapapabuntong-hininga si Richard.

 

Richard (to Lloyd): Are you sure it’s okay with you na hawakan ko si Maya sa kamay niya?

 

Lloyd (to Richard): Of course, Brod! Para maalalayan natin si Anya. Para mas safer siya kapag kasama tayo.

 

Mapapalingon na mismo si Richard kay Maya.

 

Richard (To Maya): Okay lang ba talaga yun sayo, Maya?

 

Tatango na lang si Maya. Then, Richard’s right hand move slowly to reach for Maya’s left hand. Grabbing Maya’s hand. Holding it firm and gentle. Hahawak na rin si Maya sa kamay ni Richard. Hindi talaga maintindihan ni Maya ang nararamdaman niya. When she touched Richard’s hand, parang may bulta-bultahing kuryente na gumapang sa mga kamay niya. At ng magdaiti nga ang mga kamay niya kay Richard, feeling niya secured siya ng sobra. Then, after 30 minutes na paglalakad sa loob ng Pine Trees ay may matatapakan si Maya na madulas na lupa kaya’t madudulas siya.

 

Maya (to Everyone): Ay!!!

 

Mabibitiwan ni Richard ang hawak na kahoy at mayayakap si Maya para hindi bumagsak sa lupa. Maaalis ni Maya ang right hand niya sa left arm ni Lloyd at mapapahawak siya kay Richard sa arm nito. Maagapan nga siya ni Richard. Magkakatitigan nga sina Richard at Maya. Pero babasagin din agad ni Lloyd ang katahimikan nila.

 

Lloyd (to R & M): See! Buti na lang at hawak ka ni Richard, Anya at kung hindi bagok ang ulo mo.

 

Bigla ngang matatauhan si Maya at biglang tatayo at bibitiwan na sa kamay si Richard.

 

Maya (to Richard): Thank you po, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): Don’t mention it.

 

Nang biglang may makikitang manok si Lloyd sa di kalayuan. Bigla niyang patatahimikin sina Richard at Maya.

 

Lloyd (to R & M): Sssshhhhh! Quiet guys. I saw something over there. Stay here. May iuulam na tayong friend chicken. I’ll gonna captured that chicken.

 

Richard (to Lloyd): Ako ng huhuli.

 

Mapapataas ng kilay si Maya. Looking to Richard.

 

Maya (to Richard): Marunong po kayong manghuli ng manok, Sir Chief

 

Mapapalingon naman si Richard kay Maya. Kunot-noo.

 

Richard (to Maya): Ano namang akala mo sa akin. Boy scout ito. I know how to catch chicken.

 

Medyo mawawala nga sa isip ni Maya ang awkward feeling niya kay Richard at Matatawa.Sasawayin naman ni Lloyd ang dalawa.

 

Lloyd (to Richard): Stop murmuring guys. You guys stay here. Ako ang huhuli sa manok kasi ako ang nakakita. No more argumentation, okay. Zip your mouth.

 

Mag-a-act nga sina Richard at Maya ng isasara ang mga bibig. Iiwanan ni Lloyd ang mga dalang kahoy at pupuntahan ang manok. Mapapag-isa nga sina Richard at Maya. After 30 seconds, hindi na makakatiis si Richard.

 

Richard (to Maya): Maya…

 

Sasawayin ni Maya si Richard.

 

Maya (to Richard): Quiet lang po kayo, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): Maya… I just wanted to say something.

 

Pabulong habang nakatingin sa kinaroroonan ni Lloyd.

 

Maya (To Richard): Ano po yun, Sir Chief?

 

Mapapabuntong-hininga si Richard while looking to Maya na malayo ang tingin.

 

Richard (to Maya): Our relationship isn’t working that’s why I broke up with Cheska.

 

Biglang mapapalingon si Maya sa sinabi ni Richard. Staring to him soundless. Pero parang nag-uusap ang mga mata nila.

 

Richard (to Maya): But………….

 

Parang may ayaw marinig si Maya mula kay Richard.

 

Maya (to Richard): But…. Ano po, Sir Chief?

 

Higit ni Maya ang paghinga niya.

 

Richard (to Maya): But…. I…. I’m not sorry that I kissed you.

 

Manlalaki ang mga mata ni Maya.

 

Richard (to Maya): You know the reason why I kissed you, right? Ginawa ko na lahat para mapatahimik ka, I already put my finger on your lips pero sige ka pa rin. Ang daldal mo kasi, hindi ako makasingit.

 

Chapter 152

 

Hindi maiiwasan ni Maya na hindi matawa.

 

Maya (to Richard): Ganun po ba talaga ako kadaldal, Sir Chief?

 

Mapapataas ng mga kilay si Richard.

 

Richard (to Maya): Ngayon mo lang nalaman?

 

Matatakpan ni Maya ang bibig. Matatawa na din si Richard

 

Maya (to Richard): Sorry po sa kadaldalan ko, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): It’s okay. Sanay na din naman ako. Saka baka manibago ako kapag hindi ko maririnig boses mo kasi iba na ibig sabihin noon.

 

Mapapakunot-noo si Maya.

 

Maya (to Richard): Ano pong ibig niyong sabihin, Sir Chief?

 

Richard (to Maya): What I mean to say is, kapag hindi kita naririnig na magsalita. That’s either masama pakiramdam mo o gaya lately na we’re not in good terms.

 

Mapapanganga ng kunti si Maya. Mapapatango.

 

Maya (to Richard): Sabi ko nga po, Sir Chief.

 

Richard will clarify 1 thing to Maya.

 

Richard (to Maya): So, bati na tayo?

 

Maya (to Richard): Bati na po tayo, Sir Chief.

 

Itataas ni Richard ang right hand niya at makikipag-pinky promise kay Maya.

 

Richard (to Maya): Promise?

 

Matatawa si Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, you’re too old for that!

 

Richard (to Maya): Wag mo agawin linya ko. Let’s sealed it, Maya.

 

Itataas na rin ni Maya ang kamay niya at makikipag pinky promise na kay Richard.

 

Maya (to Richard): Promise!

 

Magse-seryoso si Richard.

 

Richard (to Maya): Can I ask a favior from you, Maya?

 

Maya (to Richard): Ano po iyon, Sir Chief?

 

Itataas ni Richard ang right hand na akala mo itinuturo si Maya.

 

Richard (to Maya): That ”Po” thing. Pwede bang alisin mo yan every time na kausap mo ako? Kasi feeling ko, sobrang tanda ko na.

 

Matatawa si Maya.

 

Maya (to Richard): Sorry po—

 

Richard (to Maya): Yan na naman.

 

Mapapapikit si Maya sa pagkakamali. Mapapataas ng kilay si Richard.

 

Maya (to Richard): Sorry, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): Nice to hear that.

 

Saka naman sisigaw si Lloyd.

 

Lloyd (to Everyone): Yes! Success!

 

Mapapalingon ulit sina Richard at Maya kay Lloyd na hawak-hawak na ang patay na manok. Smiling to each other.

 

Maya (to Lloyd): Wow! Lloyd, paano mo nagawa yan?

 

Lloyd (to Maya): Ibahin mo ako, Anya.

 

Maya (to Lloyd): Ikaw na talaga, Lloyd.

 

Pupulutin ulit ni Lloyd ang mga iniwang kahoy.

 

Lloyd (to R & M): Let’s go back to camp ng masentensiyahan ko na ito.

 

Richard (to Lloyd): Parang ang laki ng kasalanan sayo ng manok ah.

 

Lloyd (to Richard): Sinabi mo pa Brod. Pinahirapan niya ako mahuli siya. Ngayon, tegi siya sa akin.

 

Kukunin na rin ni Richard ang mga kahoy na naibaba niya.

 

Lloyd (to Richard): Brod, pahawak ulit kay Maya.

 

Magkakatinginan ulit sina Richard at Maya.

 

Lloyd (to Richard): Please…

 

Mapapataas na lang ng mga kilay si Richard. Now they’re hand in hand again headed back to the camp site. Itataas ni Lloyd ang napatay niyang manok. Tatakbo palapit sa camp at iiwan sina

Richard at Maya na magkahawak-kamay pa rin. Susunod sina Richard at Maya kay Lloyd kaya makikita sila ng lahat na magka-holding hands pa rin. Magsisikuhan sina Emman at Liza.

 

Lloyd (to Everyone): Guys! May fried chicken na tayo!

 

Emman (to Lloyd): Fried Chicken……… Sa camp site?????!

 

Lloyd (to Emman): Pwede yun, Emman.

 

Emman (to Lloyd): Akala ko baboy-ramo o kaya daga ang laman ng camp site na ito? May chicken din pala.

 

Lloyd (to Emman): Naman… Nag-exist din sila dito sa camp site.

 

Jelly (to Lloyd): Sir, hubaran mo na yan!

 

Emman (to Jelly): Hubaran talaga, Jelly?

 

Jelly (to Emman): Ano pala? Kakainin mo siyang may feathers pa?

 

Emman (to Jelly): What I mean is yang terminology mo. Palitan mo naman.

 

Jelly (to Emman): Fine!

 

Mapapalingon si Maya kay Richard.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, okay na. Pwede mo na kong bitiwan.

 

Mapapatingin nga si Richard sa mga kamay nila at bibitiwan nga iyon.

 

TAGAYTAY- CAMP SITE- BONFIRE TIME

 

Mauupo sina Liza, Emman at Jelly sa isang maikling kahoy. Then, sa tapat naman noon ay nakaupo si Richard. Mag-isa. After 15 minutes habang nakasalang sa bonfire ang fried chicken ay magkasabay na lalabas ng tent sina Maya at Lloyd. Aakbayan ni Lloyd sa magkabilang balikat si Maya then pauupuin sa tabi ni Richard. Mauupo nga din sa tabi ni Maya si Lloyd. Mapapagitnaan nga nila si Maya. Lalapitan ni Jelly ang chicken at mauupo pero sa isang kahoy naman.

 

Lloyd (to Everyone): Yung chicken natin, baka masunog.

 

Tatayo si Lloyd at lalapitan ang niluluto sa bonfire. Then, makakalimutan ng bumalik (o talagang sinadya) sa kinauupuan nina Richard at Maya. Mauupo si Lloyd sa tabi ni Liza. Titikman ni Lloyd ang chicken.

 

Lloyd (to Everyone): Ah!!!!! Init!

 

Richard (to Lloyd): Fresh from the fire yan, Brod. Dahan-dahan lang.

 

Maya (to Lloyd): Lloyd, ang likot mo naman maupo. Mula dito, papunta diyan.

 

Magdadahilan pa si Lloyd.

 

Lloyd (to Maya): Mas malapit dito. Isang step lang. Alangan namang bumalik ako diyan tapos paatras pa. Ikaw kaya gumawa noon.

 

Matatawa si Maya. Tatayo din si Richard at kukunin ang leg part ng chicken sa umaapoy pang bonfire. Babalik sa upuan nila ni Maya. Titikman din iyon at…

 

Richard (talking to himself): Ouch! Mainit nga!

 

Mapapahawak si Richard sa napasong bibig. Mapapalingon bigla si Maya kay Richard.

 

Maya (to Richard): Isa ka pa! Kita mo ng mainit e.

 

Richard (to Maya): Sinubukan ko lang tikman kung masarap.

 

Maya (to Richard): Mainit pa nga kasi. Ang kulit.

 

Ang di alam ng dalawa ay pinagmamasdan sila ng mga kasama nila.

 

Richard (to Maya): Sorry naman. Gutom lang.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, bakit di mo sinabing gutom ka na?!

 

Biglang tatayo si Maya pero hahawakan siya ni Richard sa left hand para pigilan.

 

Richard (to Maya): Where are you going?

 

Chapter 153

 

Maya (to Richard): Sa loob ng tent namin ni Mam Liza. May mga chips ako doon. Di ba sabi mo gutom ka na? Pamatid-gutom lang.

 

Hindi bibitiwan ni Richard si Maya then bigla siyang tatayo.

 

Richard (to Maya): Samahan na kita.

 

Matatawa si Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, nandiyan lang yung tent namin. Hindi naman ako mawawala.

 

Richard (to Maya): Kahit pa.

 

Mas mauuna pa ito kay Maya na maglalakad papunta sa tent. Matatawa si Maya kay Richard. Habang papunta sa tent at kukuha ng chips ay magchi-chismisan ang mga naiwan.

 

Jelly (to Everyone): Guys, may napansin ba kayo kina Sir Richard at Maya?

 

Makikinig lang si Lloyd sa mga ito.

 

Emman (to Jelly): Ako meron. Anong napansin mo, Jelly?

 

Jelly (To Everyone): Pansin ko lang na wala ng ”Po” si Maya kung makipag-usap kay Sir.

 

Emman (to Everyone): Hindi lang yan. At ease na sila sa isa’t isa.

 

Sisingit na si Lloyd.

 

Lloyd (to Everyone): Correct kayong lahat diyan.

 

Mapapalingon ang lahat kay Lloyd. Habang sinisimot ni Lloyd sa finger ang manok.

 

Lloyd (to Everyone): The truth is, I planned this camp for the two of them. Para magkabati na sila. And upon sensing those scenes earlier na kulitan, I can say na bati na nga sila. But I have to clarify pa kay Anya.

 

Liza (to Lloyd): Ang galing niyo po, Sir Lloyd.

 

Hila-hila na naman ni Richard si Maya sa kamay pagbalik nila sa may bonfire. Then, mauupo. Ipapasa nila ang mga chips. Makikita ni Lloyd na hawak-hawak ni Richard ang favorite chip niya.

 

Lloyd (to Richard): Brod, palit tayo ng chip. Alam mo naman na favorite ko yan.

 

Mapapatingin si Richard sa chip niya. Mapapataas ng mga kilay.

 

Richard (to Lloyd): Fine! Here…

 

Ihahagis nga ni Richard ang chip sa gitna pa mismo ng bonfire kaya muntikan na itong masunog. Magtatawanan ang lahat.

 

Lloyd (to Richard): Brod naman, hindi ko pa nabubuksan, masusunog na. Here is yours!

 

Ibabato naman ni Lloyd ang chip niya sa gitna din ng bonfire. Matatawa na lang sina Richard at Maya.

 

Maya (to Lloyd): Bumabawi si Lloyd!

 

Lloyd (to Everyone): Bawi-bawi din pag may time.

 

LIM RESIDENCE- RICHARD’S OFFICE- NIGHT

 

Habang nakaharap si Richard sa kanyang laptop. Nagta-type while humming ng ”You Take My Breath Away” ay papasok sa office niya si Esme.

 

Esme (to Richard): Wow! You’re in good mood, Ricky. How’s everything?

 

Mapapangiti si Richard.

 

Richard (to Esme): Everything went well, Mom.

 

Macu-curious si Esme. Mauupo pa ito sa upuan.

 

Esme (to Richard): Everything went well? How? Kumusta na kayo ni Maya? Hindi ka pa rin ba niya kinikibo?

 

Mapapasandal ang mga siko ni Richard sa table.

 

Richard (to Esme): Everything went well. It turns out to be a good incident that I joined Lloyd’s camp.

 

Esme (to Richard): Lloyd’s camp?

 

Richard (to Esme): Yes, Ma. Dahil sa camp na iyon nagkabati na kami ni Maya.

 

Parang madi-disappoint si Esme. Malulungkot.

 

Esme (to Richard): So, si Lloyd pala ang may gawa ng lahat at kung paano kayo nagkabati ni Maya. You didn’t make any effort in your own way para magkabati kayo.

 

Mapapakunot-noo si Richard.

 

Richard (to Esme): Why, Ma? Di ba, yun naman ang gusto mo. Ang magkabati na kami ni Maya?

 

Esme (to Richard): Yes but not on other’s way.

 

Richard (to Esme): Anong gusto niyo, Ma? Yung okay na kami ni Maya or not? Kahit sa paraan ng iba.

 

Biglang tatayo si Esme.

 

Esme (to Richard): Fine! By the way, just invite Maya. We’ll be going sa Tagaytay this weekend.

 

Richard (to Esme): Occasion?

 

Esme (to Richard): None. Gusto ko lang mag-unwind sa malamig.

 

Richard (to Esme): Ayaw niyo sa Baguio?

 

Esme (to Richard): Sawa na ko doon.

 

Saka aalis ng office ni Richard si Esme. Kukunin ni Richard ang phone niya. Ida-dial ang number ni Maya.

 

TIAMEN- EMMAN’S CONDO UNIT- NIGHT

 

Habang nanonood sina Emman at Maya ng ”Maid In Manhattan” by J.Lo at Ralph Fiennes ay magri-ring bigla ang phone ni Maya.

 

Maya (to Richard): Hello Sir Chief?

 

Richard (to Maya): Hello Maya? Can I disturb you for a while?

 

Maya (to Richard): Ano iyon, Sir Chief?

 

Richard (to Maya): Mama said she wants to invite you in Tagaytay. Mag-unwind daw.

 

Maya (to Richard): Bakit kelangan kasama ako? Dapat kayong pamilya lang magkakasama, di ba?

 

Richard (to Maya): Maya, you are now belong to my family.

 

Maya (to Richard): E Sir Chief nakakahiya.

 

Richard (to Maya): Nakakahiya na naman. E bakit ako sayo, hindi.

 

Maya (to Richard): Eeeee… Iba naman yung sa akin. Saka mula ng tanggalin ko nga yung ”Po” ko sayo, parang naaalangan ako e. Parang hindi na kita nirespeto.

 

Richard (to Maya): Gaya nga ng sabi ko sayo sa camp, hindi naman siguro ako ganun katanda para i-”po” mo, right?

 

Maya (to Richard): E bakit sina Mam Liza, Emman at Jelly, nagpo-po pa rin sainyo?

 

Mapapabuntong-hininga si Richard sa kabilang linya. Mapapataas ng mga kilay.

 

Richard (to Maya): Fine! I’ll talk to them to make your wish granted.

 

Maya (to Richard): Gagawin mo iyon?

 

Richard (to Maya): Yes…. So, payag ka na sa invitation ni Mama?

 

Hindi makakasagot si Maya.

 

Richard (to Maya): Are you still there?

 

Maya (to Richard): Oo.

 

Richard (to Maya): Payag ka na?

 

Maya (to Richard): Pag-iisipan ko.

 

Richard (to Maya): Kelangan pa bang pag-isipan yan?

 

Maya (to Richard): Para sa akin? Parang Oo.

 

Richard (to Maya): Maya, si Mama ang nag-invite sayo. Not me.

 

Hindi ulit makakasagot si Maya.

 

Richard (to Maya): So, are you coming this weekend?

 

Maya (to Richard): Sige.

 

Mapapa-”Yes” si Richard ng hindi naririnig ni Maya.

 

Chapter 154

 

Richard (to Maya): Okay. See you tomorrow.

 

Maya (to Richard): Okay, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): I had a great fun during our stay in Tagaytay. Goodnight, Maya.

 

Maya (to Richard): Ako din, Sir Chief. Goodnight.

 

Pagkatapos uminom ng tubig ni Tubig ni Emman.

 

Emman (to Maya): Roomie, bakit may papilit effect ka pa?

 

Magseseryoso si Maya.

 

Maya (to Emman): Emman, sa tingin mo. Hindi ba parang awkward kay Sir Chief kapag hindi ako nagpo-”Po”? Parang nakakaalangan. Kasi Boss natin siya, di ba?

 

Emman (to Maya): Roomie, ikaw ba ang nagrequest sa kanya na alisin ang ”po” kapag kausap mo siya?

 

Iiling-iling si Maya.

 

Maya (to Emman): Siya.

 

Emman (to Maya): Ganun naman pala e. Wala naman yun kaso kay Sir Chief mo. Siya naman ang nagrequest sayo.

 

Maya (to Emman): Pero parang nakaka-alangan. Boss ko siya tapos di ko siya ginagalang. Ano na lang sasabihin ng iba? Feeling close?

 

Emman (to Maya): At talagang naisip mo pa yan ha. Wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano.

 

LIM AVIATION- OFFICE STAFF SECTION- MORNING

 

Kakausapin nga ni Richard sina Liza, Emman at Jelly sa office niya.

 

Liza (to Richard): Try po ng powers namin na hindi mag-po sainyo everytime kausap kayo.

 

Richard (to Liza): Wag niyong i-try. Gawin niyo. Yun ay kung tayo-tayo lang.

 

Sasaludo si Jelly at susunod sina Liza at Emman.

 

J, L, E (to Richard): Yes Sir!

 

Richard (to J, L, E): Good.

 

SM TAGUIG- JEWELRY SHOP- NIGHT

 

May makikita si Richard na couples ring. Silver ring.

 

Richard (to Saleslady): Miss, pwede ko bang makita ito?

 

Kukunin nga ng Saleslady ang Silver Ring at iaabot kay Richard. Then, smiling.

 

Richard (to Saleslady): I’ll get these two.

 

TAGAYTAY- LIM RESTHOUSE- MORNING

 

Magkakasama ngang pumunta ng Tagaytay ang Lim Family with the kasambahay and driver kabilang na si Maya.

 

Nikki (to Everyone): Wow! So nice here talaga. So cold!

 

Esme (To Everyone): Let’s take a picture first! I didn’t want to miss this wonderful view.

 

Magpapapicture nga ang Lim Family. Hindi makikisali si Maya sa picture taking. Mapapansin iyon ni Alfredo at Richard.

 

Alfredo (to Maya): Iha, what are you doing there?  Come here!

 

Ituturo ni Maya ang sarili.

 

Maya (to Alfredo): Ako po? Naku! Tito, wag na po. Family picture po yan e.

 

Esme (to Maya): And you’re thinking we aren’t your family? Oh come on, Maya. Come over.

 

Hihilahin nga ni Richard si Maya sa left wrist nito at patatabihin sa kanya.

 

Richard (to Maya): You’re our family, Maya.

 

Hindi na sasagot pa si Maya.

 

LIM RESTHOUSE- GARDEN- NIGHT

 

Makakaisip ang Lim Family na mamasyal.

 

Esme (to Nikki): Nikki, sa amin ka na sumama. Wag na diyan sa Kuya mo. Boring diyan.

 

Mapapataas ng mga kilay si Richard. Matatawa.

 

Richard (to Nikki): Kanino ka sasama, Niks? Sa amin ng Ate Maya mo o kina Mama at Papa?

 

Maya trying to convince Nikki na sumama sa kanila ni Richard.

 

Maya (to Nikki): Sa amin ka na po sumama, Mam Nikki. Mamamasyal tayo.

 

Nikki (to Maya): What are we going to do while making pasyal, Ate Maya?

 

Poporma si Maya na parang nagpipicture.

 

Maya (to Nikki): Magpi-picture picture po, Mam Nikki.

 

Nikki (to Maya): Really, Ate Maya! I love taking pictures!

 

Esme (to Nikki): But I thought, you love shopping, Nikki?

 

Nikki (to Esme): Oh my gee, Mommy! We’ll go shopping?

 

Esme (to Nikki): Yes. And mas masaya yun.

 

Mapapataas na naman nga ng mga kilay si Richard. Inhale. Exhale.

 

Nikki (to Esme): Where?

 

Esme (to Nikki): Sa Tiyangge.

 

Biglang bababa ang mga balikat ni Nikki. Matatawa doon sina Richard at Maya.

 

Nikki (to Esme): Tiyangge? What’s with tiyangge?

 

Esme (to Nikki): RTWs, accessories, etc.

 

Nikki (to Esme): Really, Mommy! I’ll go with you!

 

Esme (to R & M): Paano ba yan, Ricky and Maya. Panalo ako. We’ll be going na. Go on your way too!

 

Richard (to Esme): Fine.

 

Maghihiwa-hiwalay na nga sila ng pupuntahan. Mapapadpad sina Richard at Maya sa may mga Pine Trees.

 

Maya (to Richard): Sir Chief…

 

Richard (to Maya): Yes?

 

Maya (to Richard): Magkwento ka naman tungkol sa sarili mo. Sa lovelife mo.

 

Mapapatingin si Richard sa left side habang naglalakad sila.

 

Richard (to Maya): Well, how am I going to start this? Hmmm… Me and Papa wasn’t this close before. We always have this different kind of argumentation. Hindi kami magkasundo. We always fought. I didn’t even visit him while he’s in the hospital for several months…..

 

At dito niya maaalala si Maya, ang deceased girlfriend niya.

 

Richard (to Maya): But when I met Maya…

 

Maya (to Richard): Ang namatay niyo pong girlfriend?

 

Tatango si Richard.

 

Richard (to Maya): Yes. When I met her, everything has changed. She’s the one who made me realize how lucky I am. She made me realize that having a family like this is like a precious jewel that needs to be takes care of. Because of her, I’ve got the courage to reunite with my Father. My life has changed eversince that day. Hindi mahirap mahalin si Maya. Although, marami kaming pinagdaanan. Still, we end up together kahit na maaga siyang kinuha sa amin ni God. I know, may misyon siya sa itaaas kaya siya kinuha agad.

 

Hindi mapipigilan ni Maya na hindi maiyak. Maya will wipe her own tears with her hands.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, sorry ha. Mababaw lang kasi luha ko pagdating sa mga kwentong ganyan. Hindi ko napipigilan. Ang bait po pala ni Mam Maya.

 

Iooffer ni Richard ang panyo niya.

 

Richard (to Maya): Good thing, lagi akong may ready na panyo. Kung hindi babaha na dito ng luha.

 

Tatanggapin ni Maya ang panyo at magpupunas.

 

Maya (to Richard): Thank you, Sir Chief

 

Chapter 155

 

Richard will smile to Maya. Richard will put his right hand to his pocket at makakapa nga niya ang biniling silver couples ring. Bigla niya itong maaalalang ibigay. Magdadahilan si Richard na bigay iyon ni Nikki for her. Sa una ay mahihiya pa si Richard na sabihin iyon kay Maya.

 

Richard (to Maya): Ahm… Maya…

 

Mapapatingin si Maya kay Richard.

 

Maya (to Richard): Sir Chief?

 

Richard while staring sa box na hawak niya. Bubuksan iyon ni Richard. Tatambad kay Maya ang silver diamond ring. Mapapanganga si Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, ang ganda naman po niyan. Diamond silver couples ring. Ang mahal siguro niyan. Ang swerte siguro ng pagbibigyan mo niyan.

 

Richard can’t help but to laugh.

 

Richard (to Maya): You think so?

 

Maya (to Richard): Oo naman, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): Well, I don’t mind about the price of this ring. The reason why I bought this ring was the happiness that woman gave to me eversince I met her.

 

Mapapahawak si Maya sa mga pisngi niya.

 

Maya (to Richard): Ayyyyyyy… Ang sweet mo naman Sir Chief. Ang swerte naman talaga niya.

 

Richard smiling in hesitation.

 

Richard (to Maya): Well, the truth is, this Diamond Silver Couples Ring is for you, Maya.

 

Magugulat si Maya. Manlalaki ang mga mata. Hindi makakapaniwala sa narinig. Ituturo ni Maya ang sarili.

 

Maya (to Richard): Sa…. Sa akin po, Sir Chief?

 

Richard (to Maya): Why? May iba pa bang ”Maya” ako na kilala?

 

Mapapatingin ulit si Richard sa Diamond Silver Ring.

 

Richard (to Maya): Unless, mabuhay ang dati kong girlfriend.

 

Maya (to Richard): Se–seryoso po ba talaga kayo, Sir Chief? Para sa akin talaga ang singsing na iyan?

 

Richard (to Maya): Narinig ko na naman ang ”po” na iyan.

 

Mapapakamot si Maya sa batok niya.

 

Maya (to Richard): Sorry naman, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): Ang totoo niyan, si Nikki talaga ang unang nakakita ng singsing na ito. Upon checking this in one of the malls. I fall in love with the ring. I told myself, you must have this ring. It fits on your personality.

 

Habang hawak-hawak ni Maya ang dibdib niya ng right hand niya kasi touch na touch siya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief…

 

Hihingin ni Richard ang kamay ni Maya.

 

Richard (to Maya): Give me your hand, Maya.

 

Ibibigay ni Maya ang right hand niya.

 

Richard (to Maya): Your left hand.

 

Maya (to Richard): Ay! Sorry.

 

Tatanggalin nga ni Richard sa box ang isang Diamond Silver Couples Ring. Isusuot ito kay Maya.

 

Richard (to Maya): I told you. It fits you well.

 

Kukunin ni Richard ang kapares ng Couples Ring ni Maya.

 

Richard (to Maya): Ito naman ang sa akin.

 

Isusuot na lang ni Richard ang singsing sa kaliwang kamay niya ng hahawakan ni Maya ang kamay ni Richard na may hawak na singsing.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, ako na.

 

Matitigilan si Richard.

 

Richard (to Maya): Ako na.

 

Pero mapilit si Maya.

 

Maya (to Richard): Ako na nga po, Sir Chief ang magsusuot sainyo.

 

Richard (to Maya): Yan ka na naman sa ”po” na yan e.

 

Maya (to Richard): Sige po. Tatanggalin ko na. Pero ako ang magsusuot sainyo ng couples ring.

 

Richard (to Maya): Fine!

 

Isusuot nga ni Maya kay Richard ang singsing. Richard was smiling ng isinusuot ni Maya ang singsing. He was staring to Maya with delight. Nakatitig lang siya kay Maya.

 

Richard (talking to himself): Maya, si Anya na ba ang tinutukoy mo na darating sa buhay ko? She’s really like you. Everyone loves her. Please, give me a sign if ”She’s the One” for me.

 

May biglang pipitik ng daliri sa harap ni Richard. Si Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, okay ka lang? Natulala ka na diyan. Masama ba pakiramdam mo.

 

Richard (to Maya): Ah! Yes. I’m okay. Thanks for this.

 

Ipagpapatuloy nila ang paglalakad. May mga magdaraan din na mga tao. Ang ibang mga lalaki ay mapapalingon kay Maya. Lalo ang mga grupo ng mga kalalakihan. Mapapansin iyon ni Richard. Looking to Maya.

 

Richard (to Maya): Maya…

 

Mapapalingon si Maya kay Richard.

 

Maya (to Richard): Sir Chief?

 

Mag-aalangan si Richard sa gusto niyang sabihin.

 

Richard (to Maya): Can I hold your hand?

 

Biglang mapapatitig si Maya kay Richard.

 

Maya (to Richard): Ho—hold my hand, Sir Chief?

 

Richard (to Maya): Yes. Kung okay lang sayo. Friends naman tayo, right?

 

Ituturo ni Maya ang sarili at si Richard.

 

Maya (to Richard): Friends tayo, Sir Chief?

 

Richard (to Maya): Di nga ba?

 

Tatango si Maya.

 

Maya (to Richard): Sabi ko nga, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): So, can I hold your hand?

 

Mapapatingin si Maya sa kamay niya na naka-cross finger.

 

Maya (to Richard): O–okay, Sir Chief.

 

Then Richard will move his right hand to grab on Maya’s left hand. They’re now hand in hand while walking. Ang saya talaga ni Richard kapag ginagawa niya iyon kay Maya. On Maya’s side naman, hindi niya maiintindihan ang feelings. Parang ang saya niya na di niya maintindihan. Feeling niya, secured siya kapag si Richard ang kasama niya. They’re both feeling na kinikilig habang magkahawak ng kamay. On Maya’s curiousity ay bigla niyang maitatanong kay Richard.

 

Maya (to Richard): Sir Chief…

 

Mapapalingon si Richard kay Maya, while his other hand is on his pocket.

 

Richard (to Maya): Yes?

 

Parang may gusto si Maya na marinig kay Richard.

 

Maya (to Richard): Ganito din po ba kayo kay Mam Cheska noong friends pa lang kayo. Magkaholding hands?

Biglang matitigilan si Richard. Matatagalan bago makakasagot.

 

Richard (to Maya): No.

 

Makakaramdam si Maya ng kilig na di niya maipaliwanag kung bakit.

 

Maya (to Richard): Kahit noong girlfriend mo na siya?!

 

Richard (to Maya): The truth is from being friends to Cheska to the time na naging kami, I never hold hands with her.

 

Mapapakunot-noo si Maya.

 

Maya (to Richard): Bakit naman, Sir Chief? Hindi ka pala sweet kay Mam Cheska.

 

Richard (to Maya): Dahil mula ng ipakilala mo kaming dalawa sa isa’t isa, she always makes this abrasiete sa arm ko that’s why I don’t need to hold hands with her. Para nga siyang sawa o ahas kung pumulupot sa braso ko.

 

Matatawa si Maya.

 

Maya (to Richard): Grabe ka naman, Sir Chief. Ang dami naman pwede mo idescribe kay Mam Cheska, sawa pa. Di ba pwedeng pusa lang, laging sweet sainyo. Laging nakatabi.

 

Mapapailing si Richard. Pinipigilan ang sarili na mata.

 

Richard (to Maya): I can’t describe her nature as a cat kasi mas malala pa siya sa pusa.

 

Maya (to Richard): Oo na, Sir Chief. Ikaw na!

 

Magkakatawanan nga sila. Halos lahat ng makakakita kina Richard at Maya ay parang kinikilig. At dahil Showbiz Personality ang Profession ni Richard ay marami ang makakakilala sa kanya. Ay iba ay magwa-wave sa kanya. Tatango din la ng siya.

 

Chapter 156

 

Ang ibang mga lalaki ay kay Maya naman mapapalingon. Ang iba ay kakaway sa kanya kahit hindi niya kilala.

 

Richard (to Maya): Dami palang may gusto sayo dito, Maya.

 

Medyo matatawa si Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief naman, kumakaway lang, may gusto agad?!

 

Matatawa na lang si Richard.

 

Richard (to Maya): Maya…

 

Mapapataas ng kilay si Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief?

 

Mag-aalangan pa si Richard sa sasabihin kay Maya.

 

Richard (to Maya): Pwede bang ganito na lang tayo everyday.

 

Medyo pipigilin ni Maya ang matawa.

 

Maya (to Richard): Anong Ganito, Sir Chief?

 

Mapapakibit-balikat si Richard.

 

Richard (to Maya): This… Ganito… Walking hand in hand everyday. Talking everything under the sun.

 

Mapapatingala tuloy si Maya. At matatawa.

 

Maya (to Richard): Seryoso ka, Sir Chief?

 

Richard (to Maya): Yes. I’m dead serious, Maya.

 

Mahihigit ni Maya ang hininga. Richard looking to Maya.

 

Richard (to Maya): Pwede ba iyon, Maya?

 

Maya staring to Richard na parang hindi makapaniwala sa narinig.

 

Maya (to Richard): Pwe–pwede po—este Pwede, Sir Chief.

 

Then, Richard can’t help but to smile and magpa-cute kay Maya. Hindi na makikita ang mga mata sa pagngiti. Richard and Maya walk hand in hand hanggang sa makakarating na sila sa resthouse. Makikita nga silang dalawa na magkahawak ng mga kamay. Mapapansin ni Nikki ang singsing na suot ni Maya.

 

Nikki (to Richard): Wow! Ate Maya, Kuya gave you this ring na pala. It fits you well talaga. By the way, Kuya. Where’s the other one?

 

Itataas ni Richard ang kapares ng Couples Ring.

 

Nikki (to Richard): It’s you already, Kuya! I just said to Kuya na bilhin niya yung couples ring but I didn’t know that he well give it to you.

 

Richard (to Nikki): Your Ate Maya deserves that Ring.

 

Nikki (to Richard): Awwww… You’re so sweet talaga, Kuya!

 

LIM AVIATION- REST AREA KITCHEN- MORNING BREAK

 

Makikitang nasa Rest Area sina Liza, Jelly, Emman, Maya, Richard at ang parents ni Richard. Tatayo si Richard para kumuha ng 2 cups of Cappuccino sa Vendo Machine. Pero pagbalik niya ay mawawala naman si Maya sa grupo na iyon. Magpapalinga-linga si Richard.

 

Richard (to Everyone): Where’s Maya?

 

Emman (to Richard): Baka pumunta ng kitchen, Sir Richard.

 

Pupunta na lang sana si Richard sa Kitchen ng makikita niya si Maya na may dalang kape.

 

Richard (to Maya): Maya?

 

Mapapataas ng kilay si Richard. Ibibigay ni Maya kay Richard ang kape.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, kape mo.

 

Kukunin ni Richard ang kape.

 

Richard (to Maya): Thanks, Maya.

 

Ipapatong ni Richard sa round table ang kape niya. Kukuha ng upuan at pauupuin si Maya at ibibigay ang Cappuccino.

 

Maya (to Richard): Thank you, Sir Chief.

 

Ibibigay naman ni Richard kay Alfredo ang isang Cappuccino na dapat ay para sa kanya. Habang umiinom sina Richard at Maya ng kape nila ay mapapansin ni Jelly ang friendship ring ni Maya.

 

Jelly (to Maya): Maya, may singsing ka?

 

Biglang mapapalingon si Richard kay Maya.

 

Richard (to Maya): Friendship ring. Have it too.

 

Itataas ni Richard ang left hand niya.

 

Liza (to R & M): Wow! Ang cute! Kainggit!!!

 

Aalugin ni Liza si Emman dahil sa inggit at kilig.

 

Emman (to Liza): Maaaaammmmm Liiiiiiiizaaaaaa… Awaaaaaaatt na po.

 

Magtatawanan ang mga nakapaligid sa kanila. Later on ay biglang tatayo si Maya.

 

Maya (to Richard): Kuha lang po ako ng chocolate cake.

 

Bigla naman bibitiwan ni Richard ang kape niya at susundan si Maya. Mapapailing-iling na lang si Esme at Alfredo sa anak. Kukuha na lang sana si Maya ng Porcelain na platito sa cabinet pero hindi niya ito maabot. Susulpot si Richard. Hahawakan ng right hand ni Richard si Maya sa likod at aabutin ang platito na hawak ni Maya.

 

Richard (to Maya): Ako na, Maya.

 

Maya (to Richard): Ay! Thank you, Sir Chief.

 

Hihiwa na si Maya ng mga cakes at ilalagay sa mga platito. Dadalhin na lang sana ni Maya ang tatlong platito ng cakes ng bigla din hawakan ni Richard ang isang platito na hawak ni Maya sa left hand nito.

 

Richard (to Maya): Ako ng magdadala nito, Maya.

 

Hihilahin naman ni Maya ang platito.

 

Maya (to Richard): Ako na, Sir Chief.

 

Hihilahin naman ito ni Richard.

 

Richard (to Maya): Ako na. Wag ng makulit.

 

Maghihilahan pa rin sila ng platito hanggang sa bigla na lang babagsak sa sahig ang platito. Mapapasigaw si Maya.

 

Maya (to Richard): Ay!!! Patay!

 

Mailalagay ni Maya ang mga kamay sa bibig. At mapapalingon sa isa’t isa sina Richard at Maya. Mapapataas ng mga kilay si Richard. Biglang susugod si Emman sa kitchen at makikita nga ang eksena. Mapapasigaw ito.

 

Emman (to R & M): Oh my pink wall! What happened?!

 

Bigla naman tatakbo sina Esme, Alfredo, Liza at Jelly sa kitchen at makikita nga iyon. Mapapamewang si Esme.

 

Esme (to R & M): Oh my goodness! Sino nakabasag ng Porcelain plate ko from China?

 

Mapapatingin ang lahat kina Richard at Maya. Sabay naman magtuturuan sina Richard at Maya habang nakatingin sa mga nakapaligid sa kanila.

 

Richard & Maya (to Everyone): Si Maya/ Sir Chief po.

 

Nang mapalingon sila sa isa’t isa ay mapapangiti ang dalawa.

 

Esme (to R & M): At talagang nagturuan pa kayong dalawa Ha!

 

Magiging defensive naman si Maya.

 

Maya (to Esme): Tita, palabas na po sana ko dito sa kitchen ng binalak kunin ni Sir Chief yang platito.

 

Magiging defensive din si Richard.

 

Richard (to Maya): Sabi ko na kasi sayong ako na ang magdadala, di ba?

 

Maya (to Richard): E Sir Chief, kaya ko naman dalhin yung tatlong platito. Pinipigilan mo pa ako.

 

Esme will extend her arms sa dalawang nag-eexplain na nagtatalo.

 

Esme (to R & M): Oh siya! Enough na. Hayaan niyo na. Saka na lang ulit ako bibili niyan sa China.

 

Patalikod na sana si Esme ng magbangayan na naman sina Richard at Maya. Richard raising his hand.

 

Richard (to Maya): Sabi ko naman kasi sayo na ako na ang magdadala e.

 

Maya (to Richard): Kaya ko naman nga e.

 

Saka ulit haharap si Esme sa dalawa.

 

Esme (to R & M): Hoy!!!!

 

Magugulat nga sina Richard at Maya at mapapatigil sa pagbabangayan.

 

Maya (to Esme): Sorry po, Tita.

 

Chapter 157

 

Hihilahin ni Esme si Maya.

 

Esme (to Maya): Come to me na nga, Maya at sigurado akong hindi ka titigilan niyang si Ricky.

 

Mapapataas na lang ng kilay si Richard sabay buntong-hininga. Babalik na nga silang lahat sa rest area. Katabi na ni Esme si Maya. Katabi naman ni Alfredo si Richard. Magkatapat lang sila sa round table. Later on ay biglang susulpot si Lloyd sa grupo.

 

Lloyd (to Everyone): Hello Everyone! Hi Tita! Nandito po pala kayo.

 

Magbebeso si Lloyd kay Esme.

 

Esme (to Lloyd): Yes. Nabitin ako sa bonding moments ko kay Maya Sa Tagaytay.

 

Lloyd (to Maya): Wow, Anya! Bumalik ulit kayo sa Tagaytay?

 

Maya (to Lloyd): Oo, Lloyd.

 

Alfredo (to Lloyd): Lloyd, naka-bonding mo na ba ito si Maya?

 

Lloyd (to Alfredo): Yes, Tito! 2x na nga e. Para ngang ayaw ko ng hiwalay dito e.

 

Hahawakan ni Lloyd ang magkabilang pisngi ni Maya. Makikita nga ito ni Richard. Mapapakunot-noo si Richard. Parang alam na niya ang kasunod na gagawin nito. Pilit paliliitin nito ang face ni Maya. Yun tipong halos hindi makapagsalita si Maya. Magmumukhang lips ng Japanese ang lips ni Maya sa liit. Mahahawakan ni Maya ang mga kamay ni Lloyd.

 

Maya (to Lloyd): Pinagti-tripan mo na naman ang mukha ko, Lloyd.

 

Sa katuwaan nina Lloyd at Maya ay biglang hahalikan ni Lloyd si Maya sa lips nito. Mga 5 seconds din ang itatagal ng halik. Biglang mapapalingon sina Esme at Alfredo kay Richard. Manlalaki ang mga mata ni Maya sa gulat. Tulala. Saka bibitiwan ni Lloyd si Maya. Gulat na gulat ang lahat.

 

Maya (to Richard): Lloyd…

 

Saka biglang aalis si Lloyd. Samantalang si Richard naman ay kumukulo ang dugo. Mapapakuyom si Richard ng kanyang kamao. Naiinis siya sa nakita niya. Kunot-noo na siya. Tiger mode. Pansin na pansin iyon nina Esme at Alfredo. Biglang tatayo si Richard without looking to Maya.

 

Richard (to E & A): Ma… Pa… You know your way home naman, right. Have to go to my office.

 

Esme (to Richard): Go ahead, Son.

 

Saka magwa-walk out si Richard papunta sa office niya. Bubulong si Esme kina Liza.

 

Esme (to Everyone): Don’t worry. He’s gonna be fine. Nagselos lang yun si Ricky.

 

Sa tiger mode ni Richard ay hindi niya papansinin ang mga nagpapapansin na girls sa kanya. Ilalapag ni Richard ang phone niya ng padabog. Facing his window glass. Reminiscing about what happened earlier. Then, biglang uupo. Resting his right arm sa armrest. Yuyuko and will Put his left fingers sa forehead na minamasahe ang ulo na akala mo’y inaalis sa ala-ala ang nangyari kanina. Then, resting his head sa headboard ng swivel chair na akala mo’y problemado. Aayos ng upo. Inhale. Exhale.

 

Richard (talking to himself): Calm down, Richard. You’re just being jealous!

 

Biglang mapapataas ng mga kilay si Richard.

 

Richard (talking to himself): Why should I? We’re just friends. I don’t have the right to get jealous.

 

Maghapon magta-tiger mode si Richard. Si Maya naman ay hindi mapapakali. Gusto niyang kausapin si Richard dahil bigla itong nagwalk out kanina habang nasa harap pa nila sina Esme at Alfredo. Pupuntahan ni Maya si Richard sa office nito. Ibibigay ni Maya ang papapirmahan niya kay Richard.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, papirma.

 

Habang pumipirma si Richard. Titingnan ni Maya kung pwede na ba itong kausapin.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, pwede ka bang makausap?

 

Richard without looking to Maya.

 

Richard (to Maya): About what?

 

Maya (to Richard): About kanina po. Kay Lloyd.

 

Mapapa-angat ng tingin si Richard habang nakakunot-noo na ikakagulat ni Maya.

 

Richard (to Maya): Maya, can you promise to me that you will stay away with Lloyd?

 

Maya (to Richard): Bakit naman Sir Chief? Wala naman ginawang masama yung tao.

 

Mapapatayo si Richard sa swivel chair niya. Bibitiwan ang pen na hawak. At maglalakad papunta sa window glass niya.

 

Richard (to Maya): That guy kissed you without your permission, right?….. And in front of me. Hindi pa ba masama ang tingin mo doon?

 

Maya (talking to herself): Bakit ikaw? Hinalikan mo rin naman ako without my permission ah!

 

Richard seriously staring to Maya.

 

Richard (to Maya): Maya! Are you still with me?

 

Magugulat si Maya.

 

Maya (to Richard): Ay! Maya!……. Yes, Sir. Pero hindi naman siguro niya sinasadya yun, di ba? Nakatuwaan lang niyang gawin sa panggigigil sa akin.

 

Richard (to Maya): Ipinagtatanggol mo siya?!!! Maya, ganoon ka ba niya katuwaan? Hinahalikan na lang ng pabigla-bigla in front of me—

 

Mapapailing si Richard.

 

Richard (to Maya): Hindi lang pala sa harap ko. Kundi kina Mama at Papa. Pati na rin kina Liza.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, hindi ko siya ipinagtatanggol.

 

Richard (to Maya): Maya, ilang beses na ba niya iyong ginawa sayo?

 

Maya (to Richard): Kanina lang.

 

Richard— Inhale. Exhale.

 

Richard (to Maya): You may go.

 

LIM AVIATION- PARKING LOT- AFTER 5

 

Habang hinihintay ni Maya na makalabas ng lobby si Maya.

 

Emman (to Maya): Roomie, sasabay ka na bang umuwi?

 

Maya (to Emman): Mauna ka na, Emman. Kelangan ko pang kausapin si Sir Chief e.

 

Emman (to Maya): Okay, Roomie. Have to go.

 

Paalis na lang si Emman ng makikita ni Maya si Richard na palapit sa kanya dahil nakasandal si Maya sa Kotse nito.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, pwede ka bang makausap?

 

Richard (to Maya): Maya…

 

Maya (to Richard): Please…

 

Pupunta na sana si Richard sa driver’s door ng bigla siyang hahawakan ni Maya sa right arm niya. Mapapatingin si Richard sa mga kamay niya sa braso niya. Saka iyon aalisin ni Maya.

 

Maya (to Richard): Sorry, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): Just promise me one thing, Maya. Hindi ka na sasama pa kay Lloyd. You’re not safe with him. Alam mo naman ang ginawa niya kanina, right. Hindi ako makakalma kapag ganun. I wanted to protect you.

 

Maya (to Richard): Okay, Sir Chief.

 

Mapapalingon si Richard sa paligid.

 

Richard (to Maya): Where’s Emman?

 

Mapapalingon din si Maya sa paligid.

 

Maya (to Richard): Nakasakay na yata, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): Hatid na kita.

 

Maya (to Richard): Ay! Wag na, Sir Chief. Magta-taxi na lang ako.

 

Richard (to Maya): You’re not taking a taxi, Maya. I insist to drive you home. Let’s go.

 

Richard will look down and grab Maya’s right hand. Hand in hand with Maya hihilahin na ni Richard papunta sa passenger’s seat si Maya.

 

Chapter 158

 

TIAMEN- EMMAN’S CONDO UNIT/ LOBBY- NIGHT

 

Bago papasok si Maya sa loob.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, baka gusto mo magkape muna?

 

Richard (to Maya): No. You’re tired at nadamay ka sa mood swings ko. Sorry about that.

 

Maya (to Richard): Okay lang yun, Sir Chief.

 

Richard (to Maya): Have to go. Akyat ka na. Goodnight.

 

Maya (to Richard): Okay, Sir Chief.

 

Magwa-wave si Maya.

 

Maya (to Richard): Bye Sir Chief.

 

LIM RESIDENCE- RICHARD’S OFFICE- NIGHT

 

While Richard was typing on his laptop, the earlier incidents crossed his mind again. Bigla siyang mapapatigil sa pagta-type. Biglang papasok sina Nikki, Esme at Alfredo sa office ni Richard.

 

Nikki (to Richard): I heard, someone had kissed Ate Maya.

 

Mapapatingin si Richard sa tatlo at balik sa laptop niya.

 

Richard (to Nikki): Bilis ng balita ah!

 

Mauupo si Nikki sa tapat ni Richard.

 

Nikki (to Richard): How do you feel Kuya when Kuya Lloyd kissed Ate Maya in front of you?

 

Mapapasandal si Richard sa swivel chair niya.

 

Richard (to Nikki): What do you want to hear? That I’m jealous?

 

Mang-aasar pa si Nikki.

 

Nikki (to Richard): Di nga ba, Kuya???

 

Babalik ang atensyon ni Richard sa kanyang laptop.

 

Richard (to Nikki): No.

 

Nikki (to Richard): You know what Kuya?! You’re so impossible. Numb!

 

Sasawayin ni Alfredo si Nikki.

 

Alfredo (to Nikki): Niks, respect your Kuya. That’s enough. Know your limit when you’re talking to your Kuya.

 

Nikki (to Everyone): Sorry. I’m just asking Kuya the truth pero ayaw niyang sabihin sa akin.

 

Sasandal si Richard sa table.

 

Richard (to Everyone): Fine! I mean it. I’m being jealous. Pati si Maya, nadamay sa mood swings ko. But I do apologize to her.

 

Nikki (to Richard): So, you’re truly in love with her?

 

Si Esme na ang sasagot.

 

Esme (To Nikki): I do.

 

Mapapalingon ang lahat kay Esme.

 

Alfredo (to Esme): Bakit naman ikaw ang sumagot?

 

Esme (to Alfredo): I know, matatagalan yan bago sumagot.

 

LIM AVIATION- LOBBY- AFTER LUNCH

 

Bumaba ng Lobby ng Aviation si Maya para sana silipin si Emman kung nasa labas pa ba ito. Pero hindi niya ito makikita. May biglang tatawag kay Maya.

 

Lloyd (to Maya): Anya!

 

Mapapalingon si Maya kay Lloyd. Lalapitan ni Lloyd si Maya.

 

Maya (to Lloyd): Bakit Lloyd?

 

Lloyd (to Maya): About what happened yesterday?

 

Maya (to Lloyd): Sir…

 

Lloyd (to Maya): I’m sorry. Hindi na mauulit yun. Forgive me. Please?

 

Maya. Inhale. Exhale.

 

Maya (to Lloyd): Okay. Kapag ginawa mo pa iyon sa akin, hindi na kita kakausapin pa.

 

Lloyd (to Maya): Deal!

 

Makikipag-handskake nga si Maya kay Lloyd. Saka iiwan si Maya sa Lobby. Na siya namang pasok ni Richard at makikita nga ni Richard na magkausap ang dalawa. Mapapakunot-noo ito. Lalapitan ni Richard si Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief…

 

Richard (to Maya): Maya, akala ko ba—

 

Maya extending her hands to shut him up.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, kalma lang. Nag-usap lang kami ni Lloyd.

 

Richard (to Maya): And what does he say?

 

Maya (to Richard): Nagsorry na siya sa akin. Nakipagdeal ako.

 

Richard (to Maya): What? Nakipagdeal ka?!

 

Maya (to Richard): Sir Chief naman e. Di pa nga ako tapos magsalita tapos makareact ka, wagas!

 

Richard (to Maya): Fine! Continue.

 

Maya (to Richard): Nakipag-deal siya sa akin na kapag ginawa niya pa sa akin yung kahapon, hindi ko na talaga siya kakausapin.

 

Richard (to Maya): Good. Sino hinihintay mo dito? Ako?

 

Richard was smiling while teasing Maya. Mapapaatras si Maya at mapapakunot-noo.

 

Maya (to Richard): Hindi ah! Sir Chief naman…

 

Richard (to Maya): I’m just kidding. Sino ba talaga hinihintay mo dito?

 

Maya (to Richard): Si Emman. Di ko nga lang makita kung saan pumunta.

 

Richard will grab Maya’s right hand in an instant.

 

Richard (to Maya): Let’s go inside. Babalik na lang yun sa table niya.

 

LIM AVIATION- REST AREA- AFTERNOON

 

Magtitipon ang lahat sa area kabilang na sina Richard at Maya. May kung anong isusulat si Maya sa isang papel while Richard was staring at her. Nakasandal ang siko sa table. At dahil nakalugay si Maya ay may mami-misplace na hibla ng buhok sa sa mukha niya kaya iihipan iyon ni Richard ng paulit-ulit.

 

Maya (to Richard): Sir Chief…

 

Richard (to Maya): What?

 

Iihipan ulit ni Richard ang messy hair ni Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, nakakadistract ka.

 

Matatawa si Richard.

 

Richard (to Maya): Your distracted to me?

 

Matatawa na si Maya.

 

Maya (to Richard): Nanggugulo ka e. Pati sina Liza ginugulo mo.

 

Mapapalingon si Richard kina Liza. Na nagzip ng mga labi. Richard was smiling to Maya while teasing her.

 

Richard (to Maya): Hindi naman ah! Ikaw lang naman ang ginugulo ko at wala na kong balak guluhin kundi ikaw lang.

 

Pipigilan ni Maya ang pagtawa niya sa mga sinabi ni Richard. Ngingiti naman si Richard na parang nagpapa-cute kay Maya. Yun feeling na parang ang saya niya kapag pinapansin siya ni Richard. Tulad ngayon. Ginugulo siya. Di niya maintindihan pero deep inside kinikilig siya.

 

Emman (to Richard): Sir, wag ka ng magpa-cute kay Maya.

 

Mapapalingon sina Richard at Maya kay Emman. Then, mapapalingon silang dalawa sa isa’t isa. Uulitin ni Richard ang pag-ihip sa messy hair ni Maya.

 

Maya (to Richard): Ang kulit ng lahi mo, Sir Chief!

 

Liza (to R & M): Makulit nga, gwapo naman.

 

Magiging defensive si Maya.

 

Maya (to L & R): Wala akong sinabing ganun.

 

Magtatawanan Ang lahat.

 

Emman (to Maya): Bakit ang defensive mo, Roomie?

 

Habang mataman lang siyang pinagmamasdan ni Richard.

 

Chapter 159

 

Liza (to Richard): Sir, may I remind you lang po. May meeting po tayo for the upcoming LAS Foundation Day.

 

Richard (to Liza): Any new agenda?

 

Liza (to Richard): Isa pa lang sinasabi ni Fred sa akin. Pictorial for Lim Aviation leaflets. You will the model and one of our employees na daw po for a changed.

 

Richard (to Liza): Okay. Set that tomorrow.

 

LIM AVIATION- CONFERENCE ROOM- AFTERNOON

 

Mag-iipon-ipon nga sa Conference Room ang lahat ng Head Department. Kabilang na sina Jelly na kapo-promote lang.

 

Liza (to Richard): Shall we start, Sir?

 

Richard (to Liza): You may start, Liza.

 

Liza (to Everyone): Good morning everyone! Our agenda for today: Pictorial for Aviation’s models for leaflets. The second one is assigning committees for the Upcoming Foundation Day.

 

Kanya-kanya na ngang suggestions ang lahat.

 

Richard (to Everyone): So, everything was settled?

 

Liza (to Richard): Yes, Sir. I’ll ask for your approval na lang po kapag may print out na ko. Then, distribute ko na lang po sa kanila.

 

Richard (to Liza): Okay. Lagay mo na lang sa table ko.

 

Tatayo na nga si Richard.

 

LIM RESIDENCE- KITCHEN- NIGHT

 

Abala sina Manang Fe sa pagpupunas ng mga plato at kubyertos ng marinig ng mga ito na parating ang mag-asawang Lim. Tatayo sa may table.

 

Esme (to Manang Fe): Fe, dumating na ba si Ricky?

 

Manang Fe (to Esme): Wala pa po, Mam.

 

Saka naman papasok si Richard sa main door ng Salas then didiretso na sa kitchen.

 

Esme (to Richard): Buti naman at dumating ka na. Kumusta yung meeting regarding sa upcoming Foundation Day ng Aviation?

 

Richard (to Esme): The usual thing, we assigned committees for different task.

 

Alfredo (to Richard): Is she coming?

 

Sa una ay hindi mage-gets ni Richard ang ibig sabihin ng ama.

 

Richard (to Alfredo): She…..? Who’s she?

 

Alfredo (to Richard): Si Maya… Sino pa ba?

 

Matatawa si Richard.

 

Richard (to Alfredo): Of course. You’ll be going there, right?

 

Alfredo (to Richard): Pwede ba?

 

Richard (to Alfredo): Of course. You’re the Father of Aviation.

 

Alfredo (to Richard): Well, thanks for inviting me.

 

LIM AVIATION- COFERENCE ROOM- MORNING

 

Ipapasa na ni Liza kay Richard ang print-out ng Blue Print ng Agenda. May isang papel na ipapalibot sa buong Staff except kay Maya na isa sa pinagpipilian ng committees as the new model of Aviation. Mapapangiti si Richard sa mababasa sa papel. Mapapataas ng mga kilay.

 

Richard (to Liza): Si Maya, one of the models na pinagpipilian? Who nominated her?

 

Liza (to Richard): Yes, Sir. Everyone nominated her. Aside from Kaye.

 

Richard (to Liza): One of the mean girls?

 

Liza (to Richard): Yes. Isa sa mga may crush sainyo na asar na asar kay Maya.

 

Mapapakunot-noo si Richard.

 

Richard (to Liza): Why they hate Maya?

 

Liza (to Richard): Inggit po siguro, Sir. Because you’re being close to Maya.

 

Richard (to Liza): That’s not a valid reason for them to hate Maya.

 

Mapapakibit-balikat si Liza.

 

REST AREA. Habang mag-isa si Maya na nakaupo sa round table. Darating ang limang mean girls kabilang na si Kaye. Tatayo ang mga ito sa harap niya.

 

Kaye (to Maya): Maria Anya Dela Rosa.

 

Chapter 160

 

Tatayo si Maya. Kakaway kay Kaye kahit magkaharap lang sila. Kaye will cross her arms on her own chest.

 

Maya (to Kaye): Hello, Kaye!

 

Kaye (to Maya): Hindi na ko magpapaligoy-ligoy, Anya. You’ll not be the one to be chosen.

 

Mapapakunot-noo si Maya.

 

Maya (to Kaye): Chosen? Saan?

 

Magpapaikot-ikot si Kaye kay Maya.

 

Kaye (to Maya): Sounds like you don’t have any idea about what’s buzzing around.

 

Maya (to Kaye): Ha?! Sorry pero hindi ko talaga alam kung ano ang tinutukoy mo.

 

Kaye (to Maya): As far as I have known. You, me and the other girls were nominated to be the next model for the Aviation’s pictorial.

 

Hindi makakapaniwala si Maya. Maituturo pa ang sarili.

 

Maya (to Kaye): A…. A…. Ako? Magiging model ng Aviation?

 

Kaye (to Maya): So, wala ka pala talagang alam. Ang magiging partner lang naman ng mapipiling model ay walang iba kundi ang CEO ng LIM AVIATION.

 

Mabibigla si Maya.

 

Maya (to Kaye): Si Sir Chief???

 

Mapapanganga si Maya. Aalukin ni Kaye si Maya na makipagkamay sa kanya.

 

Kaye (to Maya): So, may the prettiest of all win.

 

Wala sa sariling makikipag-handshake si Maya kay Kaye. After makaalis ng mga mean girls, mapapaupo bigla si Maya. Halos hindi pa ma-absorb ang kanyang mga narinig.

 

Maya (talking to herself): Paano ako na-nominate as model ng Aviation?

 

LIM AVIATION- LOBBY- AFTERNOON BREAK

 

Palabas si Maya galing sa comfort room ng lobby. Palabas naman si Richard ng elevator ng biglang makita ni Maya. Tatawagin ni Maya si Richard.

 

Maya (to Richard): Sir Chief!!!

 

Biglang lingon naman ni Richard ng marinig na tinatawag siya ni Maya.

 

Richard (to Maya): Yes, Maya?

 

Maya (to Richard): Sir Chief, pwede ka bang makausap?

 

Mang-aasar pa si Richard.

 

Richard (to Maya): You’re talking to me, Maya.

 

Mapapakamot ng batok si Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief naman e!

 

Richard will hold Maya on her arm to calm her down.

 

Richard (to Maya): I’m just kidding, Maya. What is it?

 

Maya (to Richard): Sir Chief, bakit pati ako na-nominate as model sa Aviation. Hindi naman ako pwede doon?

 

Richard (to Maya): Maya, relax! The truth is, I’m not the one who nominated you as one of Aviation’s model. It’s the committees. Anyway, it’s not final pa naman. They will vote pa naman kung sino ang gusto nila to be the next model of Aviation.

 

Maya (to Richard): Pero bakit ka pumayag, Sir Chief?

 

Mapapakibit-balikat si Richard.

 

Richard (to Maya): Why not? You’re beautiful, Maya.

 

Ma-aamaze si Maya sa sinabi ni Richard.

 

Richard (to Maya): Inside and out. I’ll never doubt kung sakaling ikaw ang mapipili as the next model.

 

Maya (to Richard): Sir Chief…

 

Richard will pay a glimpse to his watch.

 

Richard (to Maya): Have to go, Maya.

 

Dahan-dahan itataas ni Maya ang right hand to wave over Richard. Palapit na sa pinto ng lobby si Richard ng may maalala ito. Babalikan nito si Maya.

 

Richard (to Maya): Siyangapala, muntik ko ng makalimutan. I’ll pick you up by 7pm. We’ll be going to Trinoma.

 

Maya (to Richard): Anong meron, Sir Chief?

 

Richard (to Maya): Mom will be going to China next week. Business meeting. So, she wants to spend the night with us.

 

Maya (to Richard): Bakit pati ako kasama, Sir Chief?

 

Lalapitan pa ni Richard si Maya. Richard’s face getting more closer to Maya’s face. Mapapalayo naman si Maya ng 1 inch.

 

Richard (to Maya): Do I need to answer that?

 

Mapapailing-iling si Maya. Richard will smile then.

 

LIM AVIATION- STAFF STATION- 6PM

 

Kararating lang ni Richard sa Parking Lot. Richard checking his watch. Didiretso na siya sa office ng Staff’s niya. Manghahaba na ang leeg ni Richard kakahanap kay Maya.

 

Emman (to Richard): Looking for Maya, Sir?

 

Biglang mapapalingon si Richard.

 

Richard (to Emman): Yes, Emman. Where is she?

 

Mapapataas ng kilay si Richard.

 

Jelly (to Emman): Sabihin mo na, Emman. At baka maging Giraffe yan si Chief Heartthrob sa haba ng leeg kakatanaw kay Maya.

 

Matatawa si Richard.

 

Emman (to J & R): Ang gwapo namang giraffe noon.

 

Saka makikita ni Emman si Maya galing sa comfort room.

 

Emman (to Richard): Ayon si Maya, Sir!

 

Bigla naman ang tanaw ni Richard sa itinuturo ni Emman. Makikita nga sila ni Maya. Magkatabi sina Richard at Maya.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, bakit nandito ka? Malayo pa 7pm.

 

Rarason si Richard kahit hindi naman totoo. Para pa siyang kinakabahan habang kausap si Maya.

 

Richard (to Maya): Have to pick you this early, Maya. Matraffic. At baka ma-bored yun si Mama sa paghihintay. Alam mo naman ang mga matatanda.

 

Ituturo ni Maya si Richard na akala mo nangduduro.

 

Maya (to Richard): Ikaw, kung makapagsalita ka ng ”Matanda” diyan akala mo hindi ka kasali doon.

 

Matatawa si Richard.

 

Richard (to Maya): Excuse me, Ms. Dela Rosa. Hindi ako matanda. Bachelor lang.

 

Tatango si Maya. Para talagang kabado si Richard. Natatakot magkamali sa pagsasalita.

 

Richard (to Maya): So… Let’s go?

 

Maya (to Richard): Wait lang, Sir Chief. Kunin ko lang bag ko.

 

Hihintayin nga ni Richard si Maya. Nasa tabi na ni Richard si Maya ng magri-ring ang phone ni Richard. Checking who’s the caller. Looking to Maya.

 

Richard (to Maya): Si Mama.

 

Saka sasagutin ni Richard ang phone call niya.

 

Esme (to Richard): Hello Ricky?

 

Richard (to Esme): Hello, Ma?

 

Esme (to Richard): Is Maya with you?

 

Richard (to Esme): Yes, Ma. We are about to leave.

 

Esme (to Richard): Wait! Maaga pa ah!

 

Richard (to Esme): Just to avoiding the traffic, Ma.

 

Esme (to Richard): Ricky, wala ng traffic ngayon. Kanina pa yun. Ayaw pang aminin e. Gusto mo lang makasama si Maya e. Alam ko naman kaya mo inagahan ang pagsundo kasi para matagal mong makasama si Maya.

 

Sasawayin ni Richard si Esme.

 

Richard (to Esme): Ma!?

 

Sabay lingon kay Maya.

 

Esme (to Richard): Fine.

 

Richard (to Esme): I’ll hang-up the phone.

 

On the way na sina Richard at Maya ng magring ulit ang phone niya.

 

Richard (to Esme): Yes, Ma?

 

Esme (to Richard): Change plan. Sa Mall Of Asia na lang tayo. We’ll wait you there.

 

Richard (to Esme): Okay.

 

Mang-aasar pa si Esme.

 

Esme (to Richard): Give my kiss to Maya.

 

Richard (to Esme): Ma!

 

Tawa ng tawa si Esme sa kabilang linya.

 

Esme (to Richard): Joke lang! Ito naman.

 

MALL OF ASIA- PARKING LOT- NIGHT

 

Kaka-park lang nina Richard at Maya ng sasakyan. Hindi na maghihintay pa si Maya na pagbuksan ni Richard.

 

Maya (to Richard): Sir Chief, saan daw tayo magkikita-kita? Daming tao dito. Baka may media.

 

Richard (to Maya): We can handle the media, Maya.

 

Maya (to Richard): But not the intrigue…. Sabi nga nila.

 

Richard (to Maya): Don’t mind them.

 

Maya (to Richard): Joke lang yun, Sir Chief.

 

Richard will smile to Maya. Richard will think of something.

 

Richard (to Maya): Maya…

 

Maya (to Richard): Sir Chief?

 

Richard (to Maya): Can I hold your hand?

 

Mapapataas kilay si Richard sa biglang nasabi. Pati si Maya ay ganun din ang magagawa.

 

Richard (to Maya): Like what you said, madami ngang tao dito. Baka kasi mawala ka dito. Mahirap maghanap ng taong nawawala dito sa Mall of Asia.

 

Magdadahilan si Maya. Ipapakita ang phone.

 

Maya (To Richard): May phone naman, Sir Chief.

 

Magdadahilan din si Richard.

 

Richard (to Maya): May part ng Mall of Asia na mahirap ang signal, Maya.

 

Mapapa-pouty lips si Maya sa pag-iisip ng pwedeng idahilan. Pwede wala siyang maisip. Richard staring to Maya, hoping na papayag ito na hawakan niya ang kamay.

 

Richard (to Maya): Can I?

 

Maya (to Richard): Sige, Sir Chief.

 

Richard will move his right hand to grab Maya’s left hand na nakahawak sa shoulder bag. Holding her hand in a gentle way. Smiling into Maya with happiness.

 

Richard (to Maya): Let’s go.

 

Maya (to Richard): Sige, Sir Chief.

 

Richard would be the 1st one to do the walk. Pulling Maya gently. Richard can’t help but to get some fresh air. Getting some nerve in holding Maya. Then, mapapakagat-labi si Richard. On Maya’s side naman, hindi niya maiwasang kiligin siya. Nakatingin pa si Maya sa mga nakahawak-kamay nila. Pero kapag lumilingon si Richard sa kanya ay inaalis niya ang mata sa mga kamay nila. Smiling to each other.

 

MALL OF ASIA- GROUND FLOOR- NIGHT

 

Pagkatapos ngang makapasok nina Richard at Maya sa Mall of Asia ay agad naman silang makikita nina Esme, Alfredo at Nikki….. Na magka-holding hands. Mapapabulong si Nikki kina Esme at Alfredo.

 

Nikki (to E & A): Look! Mom and Dad. Kuya and Ate Maya was walking hand in hand.

 

Alfredo (to N & E): Yan ang mga Lim. Mabibilis sa diskarte.

 

Esme (to A & N): Wagas talaga maka-damoves si Ricky.

 

Kakawayan ni Nikki sina Richard at Maya. Saka bibitiwan ni Richard si Maya.

 

Esme (to Everyone): Mag-ikot na tayo!

 

Richard (to Esme): Kaya niyo pa ba mag-ikot, Ma… Pa?

 

Magtataray si Esme.

 

Esme (to Richard): At anong akala mo sa amin ng Papa mo. May flanax kami sa bag ko.

 

Mag-iikot-ikot na nga silang lahat. Hanggang sa mapapadako ang lahat sa Men’s section. Habang pumipili sina Esme at Alfredo ay magkatabi lang sina Richard at Maya. Hanggang sa parang may mamumukhaan si Maya. Pilit itong aaninagin ni Maya. Hindi pa makukuntento si Maya. Lalapitan niya ang nakatalikod na tao. Mapapasunod sa kanya si Richard.

 

Richard (to Maya): Maya, where are you going?

 

Magsasalita si Maya ng palakad.

 

Maya (to Richard): Dito lang, Sir Chief.

 

Susundan nga ni Richard si Maya hanggang sa isang dipa na lang ang layo ni Maya sa taong parang pamilyar sa kanya. Mapapahawak si Richard sa likod ni Maya.  Dahan-dahan Hahawakan ni Maya sa balikat ang taong iyon. Biglang mapapalingon ang taong inakbayan ni Maya. Mapapakunot-noo sina Richard at Maya pagkakita sa taong inakbayan ni Maya.

7 thoughts on “Rich in Love – parts 141-160

  1. Pingback: Rich in Love – parts 161 – 171 | Excess Baggage

  2. Pingback: Rich In Love Part 141-160 | my world

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s