Palusot 25

Palusot 25

Dahil sa outburst ni Maya, iniwasan na ni Richard na magsasama kay Tiffany. Nagkikita lang sila kapag may dinner sa mansyon tulad ngayon. Syempre present si Maya sa dinner na iyon.

Kasalukuyan nasa lanai sila tatlo at nagkukuwentuhan ng kung ano-ano. Nilabas ng mama ni Richard ang mga photo albums ni Richard. “Hon, ikaw ito noon bata pa, eto pa iyon napupu ka sa short, kaya muntik na kagatin ng aso ang puwet mo? Hahaha.”

“Alam mo ang story na iyon?” tanong ni Tiffany kay Maya.

“Oo, Tiffany, kinuwentuhan kasi ako ni Richard ng mga kalokohan niya pati na rin iyon kasama ka.” saka tumingin kay Richard.

Tiningnan ng masama ni Richard si Maya. “Sino kaya ang hindi hinabol ng aso noon maliit pa.”

“Iba naman kaya iyon nangyari sa akin, sa kalikutan ko, kaya ako hinabol ng aso.”

“Kalikutan o katangahan, sino ba naman ang nasa matino pag-iisip ang babatuhin ang inahin aso para makuha iyon tuta niya. Alam naman matapang ang mga inahing aso pag bagong panganak.” pag-aasar naman ni Richard kay Maya.

“Hoy, di iyon katangahan, kalikutan, bata pa ako noon wala pa akong alam sa ganun.”

“Oo na, baka mapikon ka na naman diyan, pikon ka pa naman.”

“Heh…”

Nagkukulitan at nag-aasaran sila nang bigla magsalita si Tiffany “Richard, tanda mo pa ba ito si Tessa iyon, 1st crush mo noon elementary hangga high school tayo”

“Talaga patingin nga kung ano itsura ni Tessa?”

“Eto oh,” sabay pakita ng isang picture nina Richard at Tessa.

“Uy maganda siya ha. Anong school program ito?” tanong ni Maya kay Richard.

“Foundation day yan ng school namin. Bakit ka natatawa?”

“Ahh…nothing, masama ba tumawa?”

“Hindi ako naniniwala, yan ganyang ngiti mo. Meron naglalaro sa utak mo hindi maganda eh.”

“Hehehe, kasi naman hon, mukha kang pinitpit na luya dito oh, di ko alam kung napupupo ka ba o naweewee eh, kasi katabi mo ang crush mo o simpleng kinikilig lang eh. Hihihi”

“Alam mo Maya dela Rosa, napapansin ko kanina mo pa nilalait ang kabataan ko ah. Tandaan mo ang batang yan ay ang lalaking minamahal mo ngayon.”

“Wow, yabang ha. Tiffany kapit baka madala tayo ng hangin.”

“Ah ganun, kung kinikiliti kaya kita diyan….gusto mo?”

“Sorry na…sige di na kita lalaitin.”

“Maya, tingnan mo itong picture na ito ni Richard, eto medyo improving na siya diyan.” sabi ni Tiffany.

“Uy oo nga, lumalabas na unti-unti ang kaguwapuhan niya.” binuklat ni Maya ang album at di niya inaasahan na ang susunod na larawan makikita niya ay ang magka-akap na larawan nina Richard at Tiffany. Nagulat at natigilan si Maya, pero nakabawi agad.

“Uy ang sweet ninyo dito ha. Ano naman meron dito?”

“Ay yan iyon Valentine affair sa school namin noon 2nd year high school kami. Nahuli kasi kami kaya na marriage booth kami.”

“Ah di nakasal kayo?”

“Oo” sagot ni Tiffany.

“Pero agad ako nakipaghiwalay kay Tapia after one hour. Hahaha”

“Bakit naman?” tanong ni Maya.

“Psychological incapacity ang grounds ng annulment namin. Di ba Tapia?”

Nalungkot si Tiffany sa sinabi ni Richard.

“Totoo iyon Tiff?” tanong naman ni Maya.

“Oo, kasi wala pang isang minuto nag-aaway na kami. Kaya ayun nagpa annual agad kami.”

“I see, buti pa pala kami ni Ochel noon, compatible kasi every year nag rerenew kami ng bows every valentine’s day noon sa school ko.”

“Sinong Ochel?” tanong ni Tiffany. Obvious na curious siya, si Richard di maipinta ang mukha.

“Si Kuya Ochel kasi is my childhood sweetheart. Kami dapat kaso di puede kasi magpinsan pala kami. Recently ko lang nalaman.”

“Wow talaga….”

“Yap…ayun iyon friend ko na si Jaja ang nililigawan niya at ako eto napunta sa guapong mama sa tabi ko.” Sabay ngiti ka Richard na nakasimangot pa ton.

“So kaya kayo ang partner lagi sa v-day affair sa school ninyo.” tanong ulit ni Tiffany.

“Yap. Kasi every valentine’s day dumadalaw si Ochel sa school ko. Kaya ayon lagi kami ang nahuhuli sa marriage booth, from 13 to 15 years old lagi ako kinakasal kay Ochel.”

“Kelan kayo nag-divorce?”

“Noon 16 at fourth year high school na ako. Since then di na rin ako sumasali sa mga valentine activities.”

Napansin ni Maya na natahimik si Richard. “Uy, bakit ang tahimik mo diyan, don’t tell me, nagseselos ka pa din kay Kuya Ochel. It’s in the past parang itong picture ninyo ni Tiffany. At saka promise, pag sa iyo ako nag pakasal, kahit ikaw pa ang humingi ng annulment o divorce NEVER ako papayag, manigas ka.” Sabi ni Maya kay Richard.

Lumiwanag naman ang mukha ni Richard sa sinabi ni Maya. “At sino naman may sabi sa yo nakukuha ako ng annulment o divorce? kung ikaw si Mrs. Richard Lim. You will stay that forever….” sabay halik sa mga labi ni Maya.

“Ehem…ehem…love birds nandito ako.”

“Sorry na carried away lang ako dito sa YAM ko eh.” Sabi ni Richard.

Nakita ni Maya na may gumuhit na sakit sa mukha ni Tiffany ngunit sandali lang iyon at napalitan ng poot at galit. Di niya kung tama ba ang basa niya sa mukha ni Tiffany. Kinabahan siyang bigla…

“Teka maiwan ko muna kayo dalawa, punta lang ako ng cr at magtitimpla ng kape.” sabi ni Maya.

Noon naiwan sina Tiffany at Richard sa lanai.

“Mahal na mahal mo talaga si Maya noh?”

“Oo naman….she is my everything. She is my weakness…”

“Kitang kita nga sa mukha mo eh. Ano ang nakita mo sa kanya na hindi mo nakita sa akin?”

“Tiffany?”

“Richard, kaya ako umuwi para sa yo, hindi ako nag boyfriend sa States kasi hinihintay kita.”

“Tiffany, ano ba yan sinasabi mo?”

“Richard, mahal kita, hindi mo ba iyon nakikita?”

“Tiffany…” hindi na nakasagot si Richard kasi narinig niya parating na si Maya.

“Eto na ang coffee and cookies…”

Kinuha agad ni Richard ang kape inabot ni Maya. “Hmmm, ang sarap Mo talaga gumawa ng kape.”

“Bolero…. Teka Inaantok na ba kayo?”

“Not yet” sagot ni Richard.

“Ikaw Tiff?” taning ni Maya.

“Hindi pa rin. Bakit?”

“Laro tayo ng cards – iyon ungoy-ungguyan” sabi ni Maya.

“Sige sagot noon dalawa.”

“Ang matalo, sasagutin ang tanong ng unang mananalo.” sabi ni Maya.

Humingi si Maya ng card sa isa sa mga kasambahay nina Richard. Naglaro sila….

“Yehay, panalo ako.” sabi ni Maya.

“Ayos ako ang pangalawa.” sabi naman ni Tiffany.

“Ang daya ako ang unggoy.” sabay tapon ng card ni Richard.

“Di bale guapong unggoy ka naman eh. Hon, ready ka na sa question ko?”

“Shoot ang sagot ko mahal na mahal kita. Kasi alam ko naman ang itatanong mo eh, kung mahal kita.” nakangising sabi ni Richard.

“Mali di iyon ang tanong ko sa yo. Eto humanda ka na at umayos ka ng sagot mo. Kungdi lagot ka sa akin.”

“Kinakabahan naman ako diyan YSM.”

Ngumisi muna si Maya, “hon, halimbawa, isang tao malapit sa yo ang nagtapat ng pag-ibig sa yo. Sinabi niya sa yo face to face na mahal ka niya. -ano ang gagawin mo?”

Nabigla si Richard sa tanong ni Maya, “nadinig ba niya ang sinabi ni Tiffany kanina?” bulong ni Richard sa sarili. Lumunok muna si Richard saka sumagot…

“Well, kung sexy at maganda iyon babae magtatapat sa akin…magde-date muna kami at….hahaha.”

“Ah ganun….ang manyak mo talaga. Kahit sino papatusin mo.” sabi dito ni Maya habang panay ang palo nito sa dibdib ni Maya….

“Aray masakit na mga palo mo YAM ha. Biro lang iyon syempre. Alam mo naman ikaw lang ang kayang kilala ni little Richard eh.”

“Sumagot ka ng maayos kung ayaw mo mapulutan ng kaligayahan….”

“I will tell her face to face, na wala siyang maaasahan sa akin, na isang babaeng lang ang tinitibok nito, (sabay turo sa puso niya), siya lang ang nagpapasaya sa akin, siya lang ang kailangan ko, siya lang ang mahal ko at ang siya na iyon ay IKAW Maya dela Rosa. I Love You so much.”

Di napigilan ni Maya na akapin si Richard ng mahigpit. Damang dama niya ang pagmamahal nito. Halos matunaw siya habang sumasagot si Richard sa tanong niya. Dahil titig na titig ito sa kanya. Hindi kumukurap, damang dama mo ang sinseridad sa bawat kataga sinambit nito para sa kanya.

Kaya naman sobrang kilig siya. Lagi na lang siya pinakikilig ni Richard sa mga ginagawa nito sa kanya. “I love you too Richard Lim,” and they share kisses.

It’s a slow but passionate kiss. Damang dama ang pagmamahal sa bawat galaw ng mga labi nila…. Hindi nila alintan na nasa harapan nila si Tiffany.

Ngunit di nakayanan ni Tiffany ang eksena sa harapan niya kay umalis na ito at iniwan ang dalawa. “Hindi ito maari dapat ko na isagawa agad iyon plano ko kung gusto ko makuha si Richard.” sabi nito habang papalayo sa dalawa.

The kiss almost last almost 10 minutes. Kungdi pa sila pinangapusan ng hangin at di sila titigil. Doon nila napansin na wala na pala si Tiffany.

“Hala iniwan na tayo ni Tiffany.” sabi ni Maya.

“Ikaw kasi.” sabi ni Richard

“Anong ako, i,aw nga diyan ayaw mo bitawan ang labi ko.”

“Ang sarap kasi halikan ng mga labi mo, i can’t get enough” sabi nito habang pinagtagpo ang mga noo nila.

“Just remember always, no matter what I love you Maya. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko.”

“Same here…I love you too.”

They kiss again. Habang hinahalikan ni Richard si Maya ay naisip na namn niya ang pinagtapat sa kanya ni Tiffany.

Nagdadalawang isip pa si Richard na sabihin kay Maya ang mga sinabi ni Tiffany sa kanya. Baka magalit ito o magselos pa lalo kay Tiffany. Dalangin lang niya sana ay maliwanagan ang pag-iisip ni Tiffany. Na sana nalaman niya iyon sinabi niya kanina sa tanong ni Maya ay iyin ang gusto niyang sabihin dito.

Dangan nga lamang at nag-aalangn siya. Ayaw niya itong masaktan dahil kaibigan at kapatid ang turing niya dito. Ngunit kahit ano gawin niya ay masasaktan ito.

Pagkatapos naghalikan nila, nag-aya na matulou si Richard. Halika na at maaga pa tayo bukas. Sabay hila kay Maya at kinarga ito na para silang bagong kasal.

Napatili si Maya dahil nagulat ito. “Richard ano ba put me down.”

“Later in our bed….” sabay ngising aso.

“Pervert” sabi dito ni Mays pero naka ngiti….

7 thoughts on “Palusot 25

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s