Yo Soy Maya La Fea – parts 14 & 15

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to CorUnum. This is a continuation to Yo Soy Maya La Fea – parts 12&13.


Author: CorUnum

~*~

YO SOY MAYA LA FEA Part 14:

PERS DATE NINA SINGKIT AT PANGIT

 

Napakalalim ng buntong-hininga ko. Ito ‘yung pakiramdam na parang ambivalent ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Kung pwede nga lang sanang manghiram ng mukha sa iba ay ginawa ko na. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng ibang sensasyon maliban sa kilig mula nang pumayag akong makipag-date kay poging singkit. Parang feeling ko magiging awkward mamaya kapag magkasama na kami ni Sir Richard. Nuknukan s’ya ng gwapo… ako naman… Hay naku, Maya! Ano ka ba? Bad vibes ka eh. Bawal ‘yan… dapat nga positive ka kasi ka-date mo si Sir Richard… biruin mo, sa pangit mong ‘yan eh  ang ka-date mo mukhang heart-throb?!?!

 

Kasalukuyan akong naghahanda para sa date namin ni Sir Richard. At ngayon, magkakahalong kilig, kaba at alinlangan ang nararamdaman ko. Kinikilig ako siyempre kasi si Sir Richard ang ka-date ko… Si Sir Richard ang ka-date ko!!!!  Ang hirap i-process sa utak ‘nun… paulit-ulit tuloy akong natotorete sa tuwing maiisip kong ka-date ko s’ya! Kinakabahan ako kasi first time kong makipag-date. Pero s’ya paniguradong experienced na. Baka may makita s’yang ‘di n’ya gusto sa’ken or magkalat ako… O baka naman bigla s’yang mauntog at ma-realize n’yang kabangagan ang maki-pag-date sa’ken… At nag-aalinlangan ako kung tama ba ang desisyon kong pumayag na makipag-date sa kanya. Naku naman! Hindi ganitong ka-komplikado noong hindi pa dumadating sa buhay ko si poging singkit. Nakakagimbal s’ya ng mundo!

 

Sinuklay ko ulit ang buhok ko. Kanina sinubukan kong mag-makeup pero binura ko lang. Nagmukha kasi akong clown — ‘yung nakakatakot na clown. Hindi kasi ako marunong mag-makeup kaya ayun pang-shake rattle and roll ang kinalabasan ng hitsura ko. Parang mas OK kung natural na lang ang hitsura ko… at least pangit lang, hindi mukhang pang-holloween. Nagsimula na akong maghanap ng isusuot. Parang wala yatang akma para sa’ken. Tinanong ko si Kute kanina kung anong magandang isuot ko para sa date namin ni Sir Richard. “Ano ka ba naman bunso? At talagang sa’ken ka pa nagtanong? Siguro kung mukhang maton ang type ni Sir Richard, mabibigyan kita ng advice.” ‘Yun ang isinagot n’ya sa akin. Kaya heto ako ngayon, hindi magkanda-ugaga kung ano ang isusuot. Naghahalungkay ako sa drawer nang marinig ko ang tawag ni Mamang:

 

“Maya, pwede ba akong pumasok?” “Opo ‘Mang.” Pagpasok ni Mamang, niyakap n’ya ako. Matapos nito ay nakangiti n’yang ibinigay sa akin ang isang kahon. “Maya alam kong mahalaga sa iyo ang date ninyo ni Sir Richard. Kaya naisip kong ibigay sa iyo ‘yan.” Binuksan ko ang kahon at nakita ko ang isang simple ngunit napaka-gandang flesh-colored dress. Sleeveless ito at pencil cut ang style. “Mamang ang ganda po… kaso parang revealing naman ‘yan.” “Sus namang bata ito. Ano bang revealing ang sinasabi mo e ‘ni hindi plunging ang neckline n’yan.” “E kasi po sleeveless s’ya.” “Oh eh anong kaso? Hindi naman maitim ang kili-kili mo.” “’Mang naman eh. Nagbiro pa.” “Uy Maya, hindi ako nagbibiro. Ako ba namang lola mo eh magpapasuot sa’yo ng hindi desenteng damit sa unang date mo? Hala sige. Tatalikod ako. Isuot mo ‘yan. Tingnan ko kung bagay sa’yo.”

 

Dahil sa male-late ako kapag nakipagtalo pa ako kay Mamang at wala na rin naman akong naiisip na ibang isusuot ko, sumunod na lang ako sa kanya. Nang muling paharapin ko si Mamang para makita akong suot na ang bigay n’yang dress… “Maya apo… bagay sa’yo! Ang sexy-sexy mo!” Hindi pa rin ako komportable sa suot ko… Ngayon lang ako nag-sleeveless. At para yatang masyadong maikli ang suot ko. “Mamang above the knee ito oh.” “Oo nga. E bagay naman sa’yo. Bukod sa maganda ‘yang katawan mo eh ang ganda din ng legs mo… flawless! Para kang only Belo touches my skin!Matapos ang kaunti pang sales talk ni Mamang, nakumbinsi rin akong OK lang ang aking suot. Sabagay, maganda na ring tinulungan ako ni Mamang sa wardrobe ko. At least, pangit man ang mukha ko, maganda naman ang suot ko. Maya-maya pa’y narinig namin ni Mamang ang tawag ni Nanay.

 

“Maya anak! Nandito na sa baba ang date mo. Bilisan mo na d’yan.” “Opo ‘Nay. Bababa na po ako.” Hinga ng malalim. Muli ay nagyakapan kami ni Mamang. Nauna s’yang bumaba. Kinalma ko pa kasi ang sarili ko. “Hayyy, Maya… kaya mo ‘yan. Think positive! Date lang ‘yan.” Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan.

 

***

“Maupo ka muna, Mr. Lim.” Sabi ni Mamang Conchita kay Richard. Lumapit s’ya kay Mamang at nagmano dito sabay sabing: “Richard na lang po Mamang.” “Naku namang bata ito, ubod ng galang. Kaawaan ka ng Diyos. Hintay-hintayin mo lang si Maya ha? Pababa na ‘yun.” “Opo. Salamat po.” Kinakabahan si Richard. Hindi n’ya maipaliwanag sa sarili kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman. ‘Sang katutak na babae na ang kanyang naka-date pero unang beses s’yang kinabahan ng ganito sa isang date lang. “What the heck is wrong with you, Richard Lim? Why are you feeling nervous?” Naitanong n’ya sa sarili. Mag-iisip pa sana s’ya pero biglang tumambad sa kanya ang hitsura ni Maya…

 

Unang beses n’yang makita si Maya na hindi balut-na balot. Naka-sleeveless ito at ang flesh-colored na damit ay nag-compliment sa maganda n’yang kutis (ngayon lang na-realize ni Richard ito dahil palaging naka-long sleeves si Maya sa office)… and the dress hugged Maya’s body in the right places showing-off beautiful curves. At napatingin din si Richard sa magagandang binti ni Maya (na ngayon n’ya rin lang nakita since laging naka-mahabang palda o slacks si Maya sa office).

 

Ang suot naman ni Maya ay hindi meant to seduce. Sa dinami-daming babaeng nakasalamuha ni Richard, marami na s’yang na-encounter na halos kapiraso na lang ang damit. Pero hindi maikaila ni Richard sa sarili that he finds Maya very sexy and attractive… ‘Yun nga lang, nang dahil sa bangs at nerdy glasses, one still could not consider Maya dela Rosa a beauty. Pero no matter, mesmerized si Richard sa hitsura ni Maya ngayon.

 

“Sir Richard???” Narinig ni Richard ang boses ni Maya. “Maya…” Tulaley pa rin si Richard. “OK lang po ba kayo?” Bakas ang concern sa boses ni Maya. “Y-yes, I’m fine…” …. Matapos ang ilang sandali ng nakabibinging katahimikan… “Sir? Ahm… Hindi naman po sa excited po ako… Pero hindi pa po ba tayo aalis?” “Oh, yes… yes. It’s just that… well, you look… fine.” Naisip ni Maya: Fine? Hindi man lang good? Hay naku, Maya… kahit talaga anong ganda ng isuot mo pangit ka pa rin. Naisip naman ni Richard: For the record, that was the biggest understatement that I’ve said! You look very sexy and attractive… and bloody loveable, Maya!

 

Richard offered his muscular arm to Maya and she took it. At si Maya ay parang nakuryente nanaman. Pilit n’yang kinalma ang sarili. Ang hindi n’ya alam, may naramdaman ding spark ang gwapo n’yang ka-date.

 

***

Ang expected ko ay sa isang simpleng restaurant lang ako dadalhin ni Sir Richard. Pero sa isang cruise ship kami nag-dinner. Hindi lang pala s’ya gwapo… galante rin pala s’ya! At in fairness, gentleman pala s’ya — he even pulled my chair for me. Ang gwaaaappppooooo gwaaaaappppoooo n’ya!!! Nakasuot s’ya ng isang orange na long-sleeved polo with matching black pants. Lalong lumitaw ang kakinisan n’ya. At tuwing ngumingiti s’ya eh parang kailangan ko ng defibrillator kasi parang aatakihin ako sa puso!

 

“You seem very quiet, Maya.” “Po? Ah… s-sorry po Sir Richard. First time ko po kasi makipag-date…” Naku Maya, at talagang ipinahalata mo pang clueless ka! Pero ngumiti lang ulit si pogi (Tulong!!! Nakakasasama sa puso ang ngiti ni singkit!!!) “Relax Maya. (Sabay hawak sa kamay ko….. Enebenemen pogi!) “It’s OK. What’s not OK is that you still call me Sir Richard tapos palagi pang may po.” “N-naku Sir… parang inappropriate po yata kapag hindi ko kayo tinawag ng sir at hindi ako mangupo sa inyo kasi boss ko po kayo.” “Maya, right now I’m your date. And don’t forget, manliligaw mo ako. So you have all the right to call me by my first name.” Hindi ako nakapagsalita. Natatakot akong magsalita kasi baka ma-utal ako. Soooobbbrraaang kinikilig na kasi ako. “Ganito na lang Maya. When we’re at the office you can call me Sir Richard. But when we’re outside the office at tayong dalawa lang, call me Richard.” “R-richard?” “Oo. Pwera na lang kung mas gusto mo ang ‘Mahal’?” Nang manlaki ang mga mata ko sa gulat ay tumawa si Richard… Feeling ko OK lang kung pakikinggan ko ang tawa n’yang ‘yun habang buhay. Para sa’ken ‘yun ang pinakamagandang sound.

 

Dumating na ang aming order. Habang kumakain kami ay nagtanong si Richard. “So tell me more about yourself, Maya.” “Ano bang gusto mong malaman?” “Anything about you. I’ll listen.” “Ahmmm… sige… nag-graduate ako sa Mindoro State University na Cum Laude. Originally kasi taga-Mindoro kami, sa San Nicolas. ‘Nung nagtayo ng souvenir shop sina tatay, lumipat kami dito sa Manila. Tapos first job ko ang pagiging accountant sa Lim Aviation…” “Yun lang? I already know all those things when I reviewed your resume.” “Sorry.” “No Maya, don’t apologize. It’s OK. I just want to know more about you. How about telling me about your dreams?” “Ha? Mga pangarap ko? Eh baka tawanan mo ako kapag sinabi ko sa’yo.” “Try me.” “Wag kang tatawa ha?” “I’ll try my best.” “Basta ‘wag kang tatawa.” “OK.”

 

Bumuntong hininga ako. “Bata pa lang ako… pangarap ko nang maging flight stewardess.” Napaubo si Richard. “Eto ang tubig oh. Tama na nga… baka mapahamak ka pa sa kwento ko.” “N-no… Ehem! No, Maya. Continue.” “Anong continue? Eh hindi ka nga tumawa  nabilaukan ka naman!” “I was just surprised kasi ang layo ng pangarap mo sa pagiging accountant. Why?” “Tinatanong pa ba ‘yun? Richard, hindi ko alam kung anong depekto meron ang mga mata mo at in the first place ay nililigawan mo ako. Pangit ako… Kaya hindi ako pwedeng maging flight stewardess.” “Maya, I didn’t mean to…” “Stop, Richard. Don’t explain. OK lang naman eh. Tinanggap ko nang hindi maganda ang hitsura ko. Pero madalas naiisip ko, sana pwedeng maging flight stewardess kahit ang pangit na gaya ko. Kahit naman pangit ako, alam kong with flying colors ako pagdating sa pagiging people person. I can interact with various types of people kahit iba’t-ibang kultura pa. Ganun kasi sa souvenir shop namin. Maraming turista. Bata pa lang ako, natutunan kong makipag-deal sa samu’t-saring tao. But still it remains true na kapag pangit, maraming bagay na hindi pwedeng gawin.” “Like what?” “Iyon nga, ang maging flight stewardess… Tsaka nakarinig ka na ba ng pangit na sumali sa beauty contest?” Tumawa si Richard. Ngumiti ako.

 

“Maya… you may not be beautiful. But you’re definitely attractive.” Natahimik ako. “Why do I have the feeling that you don’t believe what I just said?” Tanong ni Richard. “Pasensya ka na Richard. Hindi naman sa sinasabi kong sinungaling ka. Kaya lang kasi, sa buong buhay ko, ngayon lang may lalaking nagsabi sa’ken n’yan. Nasanay akong nabu-bully ng mga classmates ko noong elementary ako. Tapos ‘nung high school sa prom, nakaupo lang ako buong gabi habang ang iba ay nakikipagsayaw sa mga dates nila.” Bakas siguro ang lungkot sa mata ko dahil hinawakan uli ni Richard ang kamay ko. “I’m so sorry to hear that.” “OK lang… ano ka ba? Hindi perpekto ang buhay ko. Pero OK ako. Kasi kahit ganito ako ka-pangit, mahal na mahal ako ng pamilya ko.” “You’re really close to your family ano?” “Naku oo! Kami ng pamilya ko laging kapit-bisig!” “Kapit-bisig?” “Oo. Sama-sama, tulong-tulong. Together forever… and ever!”

 

Nang tugtugin ng string ensemble sa cruise ang Please be Careful with my Heart, niyaya akong sumayaw ni Richard. “Wag na Richard. Nakakahiya.” “Why?” “Ang daming tao eh.” “So?” “Eh…” “Di’ba dati nobody danced with you noong prom n’yo? Well, bumawi tayo ngayon. Come on, dance with me Maya.” Eh sino pa ba namang makakatanggi kay poging singkit? Pero once na nagsayaw kami, naramdaman kong pinagtitinginan kami. Siguro nagtataka sila kung bakit ang isang ubod ng gwapong chinito ay nakikipag-sayaw sa ubod ng pangit na gaya ko. “Richard, tumigil na kaya tayo.” “Why? Aren’t you enjoying? Ako, I know I’m enjoying.” “Eh pinagtitinginan na tayo.” “Don’t mind them. Just relax and enjoy.”

 

Sinunod ko ang payo ni Richard. At ‘di naglaon, nawala na ang kaba, takot at alinlangan ko. Ang alam ko lang, sobrang saya ko! “Maya, I do love you. I didn’t mean to fall in love with you. But it’s the truth.” “May kailangan akong sabihin Richard.” “What’s that?” Medyo kabado yata si poging singkit at baka bastedin ko s’ya. “Mahal din kita.” Biglang sabi ko. Tumigil s’ya sa pagsayaw at inalis ang pagkayakap sa akin.  Hinawakan n’ya ang magkabila kong braso. “Really? You mean… you mean tayo na?” Isang matamis na ngiti ang isinagot ko sa kanya. “I’ll take that sweet smile as a yes.” “Oo naman, yes na yes.” Niyakap ako ni Richard nang mahigpit at pagkatapos ay hinalikan n’ya ako sa unang pagkakataon bilang boyfriend ko. 

 

 

 

 

YO SOY MAYA LA FEA Part 15:

NANG MAGKABUKUHAN

Napakamot sa ulo si Ryan habang naglalakad papunta sa opisina ni Richard Lim. Tiningnan niya ang kanyang relo. Alas-sais y medya pa lang. “Brod, see you in my office at 6:30 in the morning. Very urgent, OK.” Iyon ang sabi ni Richard sa telepono. Kaya heto s’ya ngayon — antok pa ang diwa pero kumakatok na sa opisina ng best friend at business partner n’ya. “Come in.” Pakinig n’yang sabi ni Richard. Pumasok s’ya.

 

“This better be good, brod. Ang aga-aga mong mang-trip kung pinagti-tripan mo lang ako.” Napatigil sa pagsesermon si Ryan dahil napansin n’yang maganda ang ngiti ng best friend n’ya. “So?” “Sit down brod. And don’t be mad. You ought to be happy for me.” “Really? Why is that?” “Because… I now have a girl friend.” “What? Kelan pa? Seryoso ka ba?” Tumawa si Richard. “Relax ka lang. Of course I’m serious. Magbibiro ba ako nang ganitong kaaga? Kagabi ko s’ya naging girl friend on our first date.” “Bilib din naman ako sa’yo brod. First date naka-first base ka agad.” “Well, it wasn’t easy courting her.” “Sino ba ‘yan brod? Kilala ko ba?” “In fact you do.” “Don’t tell me… si Elsa Sy, ‘yung habol nang habol sa’yong anak ni Tony Sy!” “Not her, brod.” “Patricia Lopez?” “No.” “I know… Jennifer Enriquez?” “Nope.” “Greta Tan?” “Guess again.” “Eh sino pa ba? Huwag mong sabihing si Liza!” “Of course not.” “Eh sabihin mo na kasi. Papatayin mo naman ako sa suspense n’yan.” Ngumiti ulit si Richard. “She’s Maya.” “Maya?” “Yes, Maya dela Rosa.” “Yung pangit mong accountant?” “Yes. ‘Yung pangit, pero mabait, efficient, makinis at sexy kong accountant.” “Wait… wait… you’re giving me a headache. Brod ano ka ba? Bakit mo sinyota ‘yun? Eh pustahan lang naman. Tsaka ang usapan natin you will just prove to me na crush ka n’ya. You went too far!” “Ryan, let me explain…” Pero hindi na nakapagpaliwanag si Richard dahil biglang pumasok si Don Roberto.

 

“What the bloody hell is wrong with you Ricky?!?!” Pagalit na sabi ni Don Roberto. “Pa?” Nagtatakang sagot ni Richard. “Kalat na kalat na sa buong kompanya na pinopormahan mo nanaman ‘yang accountant mo. Ano ka ba? Gusto mo nanaman bang mawalan ka ng accountant?” “No, Pa. Let me explain.” “No! I don’t need your explanation. You better stop this non-sense! Magaling ang bago mong accountant and Lim Aviation can’t afford to lose her!” “SHE’S ALREADY MY GIRL FRIEND!” Napasigaw na rin si Richard. “WHAT?!!?!!” Lalo pang lumakas ang boses ni Don Roberto. Sa puntong ito, hindi alam ng tatlo na nasa may pinto na pala si Maya at naririnig ang kanilang sigawan.

 

Kinabahan si Ryan na baka lalo pang uminit ang away ng mag-ama kaya’t minabuti n’yang mamagitan. “Tito Roberto, relax. There’s no need for you to worry. It really doesn’t matter if girl friend na ni Richard si Maya because it’s just because of a bet.” “Brod…” Magsasalita sana si Richard. “Shut up Ricky! What bet is this Ryan?” Pagsasaway ni Don Roberto. Nagsimulang magkwento si Ryan. One could only surmise kung anong sakit ang naramdaman ni Maya habang pinapakinggan ang pagsasalaysay ni Ryan.

 

“Tito si Richard… you know him. He’s very popular with women. At nasanay s’yang hinahabol s’ya ng mga babae. This new accountant of his, Maya dela Rosa, strangely is different. She didn’t seem to be attracted kay Richard. Richard was really upset about this. Sa unang pagkakataon, may isang babaeng hindi nagkandarapa sa kanya. So for a bit of fun, he entered into a bet. But don’t be cross with him tito, it was I who thought of the bet. Sabi ko he has one week to prove to me na may gusto sa kanya si Maya. Otherwise, I will be driving his car. IT WAS JUST A FRIENDLY BET TITO. RICHARD ISN’T IN LOVE WITH MAYA…” KLINK!!!! Napalingon ang tatlo sa may pinto nang marinig ang pagbagsak ng tasang hawak ni Maya. Pakiramdam ni Richard ay hinugot mula sa dibdib n’ya ang kanyang puso nang makitang nandoon si Maya na namumutla. For a moment, walang nagsalita.

 

“S-sorry sir… I spilled your coffee. That was clumsy of me. Magtitimpla na lang po ako ng bago.” Parang robot na walang emosyong sabi ni Maya. Tumalikod s’ya para lumayo… gusto n’yang magpakalayo-layo. Gusto n’yang pumunta sa isang liblib na lugar dahil parang hindi s’ya makahinga sa sama ng loob. “Maya! Maya let’s talk. I will explain…” Panic-mode na sabi ni Richard habang patakbong pumunta kay Maya para hagipin ang braso nito. Ngunit inalis ni Maya ang pagkakahawak sa kanya ni Richard. “Wala ka nang dapat ipaliwanag. Malinaw na malinaw na ang lahat. Ngayon ay naiintindihan ko na.” Nagtataka si Maya kung bakit napaka-kalmado n’ya. Hindi rin s’ya umiiyak. Pero pakiramdam n’ya, gusto n’yang sumabog. “Maya no! You don’t understand! Listen to me!” “Tama na Sir Richard. Pangit lang ako pero marunong akong umintindi. Pangit lang ako pero hindi ako manhid. I may be ugly but you, or anyone have no right to hurt me because I am not an automaton.” Sabi ni Maya. Bago pa makapagsalita si Richard ay mabilis na umalis si Maya. Gusto ni Richard na habulin si Maya pero bigla s’yang nanghina. Nakapanghihina para sa kanya ang galit na nakita n’ya sa mga mata ni Maya.

 

“Brod…” “Ricky…” Sabay na sabi nina Ryan at Don Roberto. Itinaas ni Richard ang kanyang kamay at natigil sa pagsasalita ang dalawa. “Pa, I courted her not because I wanted to play around. Ryan, I courted her not because of a stupid bet… I courted her because I love her!” Wala nang masabi ang dalawa. Kitang-kita sa hitsura ni Richard na seryoso s’ya at totoo ang sinasabi n’ya.

 

TO BE CONTINUED…

Up Next: METAMORPHOSIS — GANDANG ‘DI MO INAKALA and SI JAMES VENTURA

25 thoughts on “Yo Soy Maya La Fea – parts 14 & 15

  1. hi mga ka-EB! pagpapasensyahan po kung medyo slow aq mag-update… naghihintay po ksi aqng ma-inspire bago gumana ang aking writing skills… pero nang dahil po sa pagsuko ng bataan sa china, nararamdaman kong inspired nq uli… haha! hindi po kasing kilig at kasing ganda ng episde kahapon, but i’ll try my very best! thanks a much po! -CorUnum

  2. Pingback: Yo Soy Maya La Fea – parts 15 & 16 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s