Ang Pagsuko ng Bataan Laban sa Tsina

jochard34

Pagkatapos ng halos isa’t-kalahating taon na paghihintay, sa wakas ay sumuko na rin ang Bataan sa Tsina at ang lahat ng ito ay naganap sa bansa ng mga Hapon.  Ayon sa mga balitang ating nakalap, marami sa ating mga kapwa-adiks ang kinapos ng hininga dahilan upang  magkaubusan ng oxygen, kumot at tela dahil sa pagngatngat sa sobrang kilig.  Ang iba naman ay tuluyang hinimatay dahil sa mga pangyayari.  May nabalian pa dahil sa malakas na paghampas ng katabi dahil sa sobrang kilig.  Marami rin ang hindi nakapagpigil at napasigaw, dahil dito ilan sa mga kapwa-adiks natin ang muntik-muntikan pang masisante.  Buti na lamang at ang mismong mga amo pala ay kapwa-adik din.

Ayon sa mga nakasaksi, ang lahat ay nagsimula dahil sa isang bag.  Sa ngayon ay kasalukuyang hinahanap ang naturang bag upang makausap at malaman ang bawat detalye sa lahat ng mga pangyayari.  May mga nagsasabing may kasa-kasama itong scarf sa ngayon.  Makikita ang larawan ng naturang bag sa ibaba.  Kung sino man po ang makakita sa kanya ay ipagbigay alam lamang sa tanggapan ng mga adiks.

bag

Matagal ding hinintay ng ating mga adiks ang nasabing pagsuko kaya naman ang lahat ay nagbubunyi.

Mula sa balitang-adik ako po si roxygirl5 na nagsasabing Happy Fiesta at naway magkaroon pa ng Round 2, 3, 4, 5… ang naturang okasyon.

HappyFiesta

Note:

Ito ang nagagawa ng honeymoon… hirap makamove-on🙂

-roxygirl5-

17 thoughts on “Ang Pagsuko ng Bataan Laban sa Tsina

  1. May part two sana. HAHAHAHA. Natawa ko sa Mom ko habang nanunuod kami, baka daw mag-selos ang asawa ni Sir Chief in real life. :)) Shempre, RY and JSM executed the scene professionally.🙂

  2. Asan na ba yung bag sana makita ko at kung nakakapagsalita yung bag pagkukwentuhin ko kung anong nangyari at natumba sya.. Ano ba ng nakita nya, kase binitin tayo.. Ang bag lng ang tanging saksi sa mga pangyayari…hahahhaa sori adik lng talaga kaya pati bag napagtitripan..

  3. I agree with everything you said roxygirl5. ako sobrang adik rin simulang magising hanggang matulog nakakatutok sa Iphone o internet nanonood sa honeymoon and the latest teleserya nila Maya and sir chief.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s