Instant Message

Author’s Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to itsmekhaye12.

——————————————————————————————————————————————–

Si Maya ay isang empleyado sa isang pribadong bangko sa Ortigas. Siya ay naka-assigned sa Human Resource Division as Recruitment Officer. Masayahin at madaling pakisamahan si Maya. Sa unang tingin mukha siyang masungit. Actually, napagkakamalan talaga siyang suplada dahil hindi siya basta basta ngumingiti lalo na pag hindi niya kilala yung mga taong nakakasalubong niya. Simple, Mabait ngunit Masungit – ayan ang pagkakadescribe sa kanya ng iba.

Si Richard ay isang Systems Analyst or Programmer sa isang bangko sa Maynila. Single, 32 years old at suplado. Suplado dahil hindi niya basta basta kinakausap ang kung sinuman na lalapit o magtatanong sa kanya.

Ang dalawang taong ito ay nag-krus ang landas ng hindi inaasahan.

Isang araw, sa opisina kung saan nagtatrabaho si Maya:

Ms. Ina: Maya, paki-assist naman yung aplikante na dadating mamayang alas-2 ng hapon. Paki bigyan siya ng application form at paki handa nalang yung interview assessment form kasi naka schedule siya for interview ni Ms. Alex ng 2:30.

Si Ms. Alex ay Head ng IT department ng Ortigas Commercial Bank.

Maya: Alright Ms. Ina. I’ll just endorse him for interview later.

Ms. Ina: Thanks, Maya.

At exactly 2pm dumating si Mr. Richard Lim sa lobby ng HR.

Richard: Hi, I’m Richard Lim. I’m looking for Ms. Maya Dela Rosa.

Maya: Hi, I’m Maya. Have a sit please.

Binigay ni Maya yung application form na dapat i-accomplish ni Richard.

Maya: Sir, you need to finish this before 2:30 because you will be interviewed by the Department Head.

Napatingin lang si Richard kay Maya.

Richard: Alright. Thanks.

At the back of his mind, “Kung maka-pressure naman ito. Hmp.”

The interview went well. Nakapasa naman si Richard sa standards ni Ms. Alex kaya siya ay dali daling pina-schedule for a Job or Salary Offer.

Ang head ng Recruitment na si Ms. Liza ang nag-JO kay Richard pero si Maya parin ang inutusan niyang mag-assist kay Richard.

Wala mg choice si Maya kung hindi sumunod sa boss nito kahit na naiinis siya dahil mukhang masungit at suplado talaga ito.

Sa isip isip ni Maya:

“Gwapo ka sana eh, kung binawas bawasan mo lang yang ka-sungitan mo pwede na eh. Nakaka-asar na laging nakasimangot. For sure wala itong lovelife.”

Pinuntahan ni Maya si Richard para ibigay yung list ng requirements at referral slip for medical. Nang makita ni Richard si Maya ay mababakas mo sa mukha nito ang pagkaasar or what.

Maya: Mr. Richard, here’s the list of requirements you need to submit by next week.

Sabay abot ng half sheet na papel. Hindi niya tinitignan sa mata si Richard habang nakikipag-usap.

“And this is your referral slip for medical. Just proceed to Medical City and present this slip, you won’t shell out any amount for your medical.” Dugtong ni Maya.

Nakatingin si Richard kay Maya. Nagtataka siya kung bakit parang nagmamadali itong magsalita at tipong umiiwas ng tingin sa kanya.

“Okay, thank you Ms. Maya.” Sagot ni Richard.

“Do you have other questions, Sir? If none, you may go.” Dagdag ni Maya.

Richard: Wala na, thank you.

Maya: Okay. Bye.

Sabay talikod ni Maya.

Si Richard ay napakamot nalang ng ulo habang palabas ng Interview room.

“Ang weird naman nun. Kaninang umaga all smiles siya. Tapos ngayon kulang nalang eh magsalubong na ang kilay niya sa inis. Ang ganda niya pa naman kapag nakangiti. Sayang naman. Ano kayang problema?.”

3 thoughts on “Instant Message

  1. mukhang exciting ito kasi si maya ang medyo suplada ang dating……thanks sa bagong story mo ms. itsmekhaye12 sana may kasunod pa ito…….♥

  2. wahhhhhhhhh, ‘nakhaye sa haba ng paghihintay lumabas na din ang kasunod … ano ang kapalarang naghihintay sa dalawang masungit na pinagtagpo ng tadhana? … and they live happily ever after … hehehe, atat lang

    keep it up ‘nak, sana may kasunod na mamaya🙂

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s