Palusot 37

Palusot 37

“Kambal halina kayo…baka bigla dumating ang daddy ninyo di pa kayo ready.” Sabi ni Jho sa dalawa.

“Yes, Ninang payat. Baba wait for us ha. We will introduce you to our daddy Arthur.”

“Ok, I’ll just be here.”

Naka ngiting tinanaw ni Richard ang dalawa habang patalon-talon papasok sa loob ng opisina ni Maya.

“Naiisip mo pa rin pala siya noh. Di ka pa rin ba nagsasawa? It’s been six years, Richard.”

“Hangga’t walang linaw ang pagkawala niya. Hindi ako titigil sa paghihintay at aasa na isang araw ay magpapakita ulit siya sa akin.”

“What if, bigla dumating ang araw na iyon. Pero di na pala malaya si Maya…na meron na pala siyang asawa’t anak.”

Napabuntong hininga si Richard.

“Anong gagawin mo?”

“Siguro doon pa lang ako titigil at di na aasa na magiging kami ulit. Pero kung may boyfriend lang siya, gagawin ko ang lahat para maging akin ulit siya. Liligawan at papaibigin ko ulit siya sa akin.”

“Napadakila ng pagmamahal mo sa amin kaibigan. Sana nga dumating ang panahon na masuklian ng kabutihan yan kabaitan at kabayanihan mo, Richard. Anyway, nandito lang kami lagi….”

“Thanks…salamat at tinuring pa rin ninyo ako kaibigan kahit wala na si Maya.”

“Bakit naman hindi, mabait kang tao at marunong makisama. Alam namin na wala ka talagang kasalanan five years ago. Kaya wala kaming dahilan para kamuhian ka. Isa pa ang asawa ng iba namin kaibigan ay kaibigan mo din. Kaya talagang magkakaibigan na tayo.”

“Oo nga eh. Nakakatawa iyon nangayri iyon sa atin lahat eh.”

“Baba….” sabay sabi noon dalawa na patakbo lumapit kay Richard.

Umupo naman si Richard para makapantay ng dalawa. “Wow smells good na ulit kayo.”

“Kuya Richard, ano pinakain mo sa dalawang yan at super close na kayo tatlo. Eh ang aloof kaya ng kambal na yan sa ibang tao. Pero sa yo hindi ah….gustong-gusto ka pa nila.” di makapaniwalang sabi ni Jho.

“Guapo kasi tayo eh.” sagot ni Richard sa tanong ni ajho.

“Yabang mo pa rin kahit kelan.”

“Uy, di iyon kayabangan. Nagsasabi lang ako ng totoo.”

“Hihihi…” sabi ni Nique.

“Why are you laughing young lady?” tanong ni Richard kay Nique.

“Kasi Baba, Kuya is also like you. He always says, he is handsome and he is just telling the truth.”

“Is that true, young man?” baling naman ni Richard kay Dominic.

“Yeah, because that’s the truth. I’m just being honest. Am handsome naman talaga di ba Baba?”

“Of course you are handsome while Nique is very beautiful.”

“Thank you Baba, sabay akap ni Nique kay Richard.

“Hay naku nagbolahan pa ang mga ito.” sabi naman ni Jho.

“Baba, when are coming back here again?”

“Why?”

“So that we can ask mom or dad to bring us here again. Para maglaro ulit tayo tatlo.”

“Di ko alam kids eh. I will text you kapag pupunta ako dito ulit.”

“That’s great.” tumatalon sabi noon dalawa.

Beep…beep….beep.

“Yan na ang daddy Arthur ninyo.” sabi ni Shiey.

Di nagtagal ay pumasok na si Arthur sa loob ng shop. Tumakbo agad ang dalawang bata papunta sa ama nila. Kinakitaan ng inggit ang mata ni Richard habang tinitigan ang mag-aama.

“Daddy come here, we will introduce you sa bago namin friend.”

“Sino ba yan bago ninyo kaibigan.”

Hinila ng kambal ang ama palapit kina Shiey, Jho at Richard.

“Baba”, this our daddy Arthur. The coolest, funny, loving dad in the whole wideworld.” pakilala ng kambal na chorus na naman nagsalita at may action pa ng kamay noon sinabi ang whole wide world.

Natawa si Richard. “Hello pare..Ri—

“Kilala na kita pare…”

“Kilala mo ako?”

Tila naman natauhan si Arthur sa sinabi ni Richard.

“Oo lagi kasi kita nababasa sa business section. Ang pinaka mailap na most sought eligible bachelor in town.”

“Hahaha….akala ko nagkakilala na tayo personally. Sila lang nagbigay ng ganun title sa akin.” sabi ni Richard.

“Btw, ako nga pala si Arthur Zaragosa. Naku pasensiya ka na sa kakulitan ng dalawang ito ha.” sabi ni Arthur kay Richard.

“Ayos lang, nag enjoy naman ako sa company nila eh. Nakakatuwa nga ang mga kambal mo eh. Ang bibo at napaka smart.”

“Naku Arthur yan kambal mo, nilait ang gadget ni Richard. Hindi daw updated ang gadget.” natatawa sabi ni Jho kay Arthur.

“Kids, that’s wrong…di ba, ayaw ng mommy ninyo ang maging matapobreng tao kayo?”

“We are not…weare just joking dad. Kasi Tito Baba looks like rich tapos ipad mini lang ang gadget niya. Hihihi” sabi ni Nique.

Napailing na lang si Arthur sa kalokohan ng kambal.

“Daddy Arthur, where’s mom?” tanong ni Dominic.

“In the house. She got dizzy after her meeting. That’s why, your Ninang Bham and Ninang Jaja took her home.”

“Kamusta na siya” nag-aalalang tanong ni Shiey.

“Ok na naman daw. Paano di na kami magtatagal ha. Pare nice meeting you.”

“Same here pare. Baka naman buntis na ulit si Misis kaya nahilo.”

Napa-ubo si Jho sa sinabi ni Richard.

“Hahaha” napatawa na lang si Arthir sa sinabi ni Richard.

Magsasalita pa sana si Richard ng bigla magsalita ang kambal.

“Daddy let’s go na.”

“Sige aalis na kami, sabik na sila makita mom nila.”

“Sige umalis na kayo. Ingat sa pagmamaneho.” sabi ni Shiey.

“Hindi na rin ako magtatagal. Dahil kanina pa ako dito. Babalik na ako sa office.”

“Sige….”

————-

Pinuntahan agad ni Arthur si Maya sa kuarto nito pagkadating nila ng mga bata.

“Bakit ngayon lang kayo dumating. Di ba kanina pang 3 mo sinundo iyo kambal?”

“Hindi alas singko ko na sila nadaanan. Di kasi agad natapos ang meeting namin at ang trapik pa.”

“Nasaan ang mga kambal at di dumaan dito sa akin?”

“Sabi ko, natutulog ka at nagpapahinga, later ka na lang nila puntahan.

“Kaya pala, walang makulit na nagpunta dito sa akin.”‘napapa-iling na sabi ni Maya.

Kamusta na ang pakiramdam mo? Bakit ka pala nahilo kanina? Mabuti pa ay dalahin na kita bukas sa doctor. Baka mamaya niyan…..”

“Arthur…” pigil nito sa ano man sasabihin nito.

“Nalimutan mo na ba bilin ng doctor mo sa iyo noon nasa Switzerland tayo? You have to take care of yourself. Under medication kaya pa rin for a year.”

“Anong bilin ng doctor? May sakit ba ang anak ko? Ano ang sakit mo Maya? Kaya ba hindi ka nagpakita o nagparamdam sa amin , ha anak? Meron ba kami dapat malaman? Ang sunod-sunod na tanong ni Teresita

“Mama, dumating na pala kayo?”

“Kakarating lang namin ng Papa mo. Papunta sana ako sa kuarto ng kambal kaso nadinig ko ang usapan ninyo dalawa.”

Nagkatinginan sina Arthur at Maya. Ang mga mata ni Maya ay waring nagtatanong kay Arthur ‘kung ito na ba ang tamang oras para sabihin ang latotohanan?”

Napatango si Arthur na ang kahulugan ay “Oo, sabihin mo na sa kanila.”

“Maya, Arthur ano? Naghihintay ako ng sagot sa inyo.”

Napabuntong hininga si Maya. “Ma relax, sasabihin po naman namin sa inyo ang totoo eh. Humahanap lang po kami ng tamang oras.”

“Sa palagay ko ngayon na ang tamang oras para sabihin ninyo sa akin ang totoo.”

“Arthur inwan mo muna kami ni Mama. Ako na lang ang magsasabi sa kanya.”

“Are you sure.”

“Oo naman. Kaya ko na ito. Sa kambal ka muna.”

Hinalikan muna ni Arthur sa noo si Maya bago lumabas ng kuarto. “Tita labas muna po ako. Kung may gusto kayo itanong sa akin nasa kuarto lang po ako ng kambal.

“Sige iho.”

“Ma, sorry po kung naglihim ako sa inyo…….

———-

It’s almost alas syete na ng gabi. Naghanda na pag uwi si Richard, nang maalala na naman niya iyin dalawang makulit na kambal na inaanak nina Shiey at Jho. Kaya napaupo ulit siya na natatawa, noon maalala ang kulitan nila kanina. Kung sana…

Nasa ganun siyang pag-iisip ng bigla pumasok sa oipisina niya ang mga kaibigan niyangnsina Wilmer, Floyd, Dan, Arman.

“Aba isa itong himala mga ‘tol ang ating kaibigan at naka ngiti. At totong ngiti ang makikita mo sa mukha niya.” banat ni Wilmer.

“Ano merin ha pare..” tanong naman ni Dan.

“Wala natutuwa lang ako doon sa kambal na inaanak nina Shiey at Jho.”

“Bakit ano meron doon sa kambal?” tanong naman nu Arman.

“They are so adorable. Teka hindi pa ba nnyo nakikita iyin kambal na sina Dominic at Dominique? Eh inaanak din iyon ni Jaja at Bham. Baka nga pati nina Avon at Ellen eh.”

“Hindi namin alam…” sabay sabay na sabi noon apat.

“Bakit ganun hindi ninyo alam. Eh sina Bham at Jaja nga ang naghatid doon sa ina noon kambal kasi nahilo daw.” sabi ni Richard sa mga ito.

“Di ba may meeting kanina sina Bham at Jaja sa Ayala para sa bagong bubuksan nilang resto ang Purpledish Breakfast Club.” tanong ni Arman kay Wilmer.

“Oo.” sabi ni Wilmer.

“Baka iyon bago nilang kasosyo ang ina noon kambal.” sabi naman ni Floyd,

“Puede”. sabi ni Dan. “Pero sino eh kilala na natin lahat ang magkakaibigan.”

“Di kaya?” sabi naman ni Wilmer.

“Ano ibig mng sabihin pare?” tanong ulit ni Richard na naging seryoso ang mukha.

“What if meron silang tinatago sa atin sa lahat?”

“Like?” si Arman

“Like what if nandito na pala si Maya. Na baka nililihim lang nila sa atin. Dahil kaibigan tayo nitong lalaking ito.” sabi ni Wilmer, sabay akbay kay Richard.

“Si Maya nandito na????” sabi ng magkakaibigan

“Grabe naman kayo makapag react. Hindi ko rin alam kung andito na siya. Wala naman sinasabi sa akin si Bham eh, naisip ko lang iyon, kasi di ba si Maya ang may gustong mag venture sila sa restaurant before?”

“May point ka diyan, pare sabi ni Arman. Tulad ng sabi mo, dahil kaibigan natin itong mokong na ito ay itinago sa atin ng mga asawa natin na nandito na si Maya.”

Napa-isip si Richard sa sinabi ng mga kaibigan niya,

“Alam ninyo instead na mag-isip tayo kung ano-ano mabuti ay mag bar na lang tayo. Tutal Friday naman ngayon eh. Boys night out tayo. Suggestion ni Floyd.

“Mabuti pa nga. Magandang idea yan. Tara na pare, sama ka. Huag mo nang isipan yon sinabi ni Wilmer. Puede naman di iyon totoo. Meron pa naman silang mga kaibigan di nakikilala ah.” sabi naman Dan.

Sinenyasan ni Dan na manahimik na ang kaibigan kasi napansin niya bumalik naman sa pagiging tahimik ni Richard.

“Sige tara bar tayo. Pero susunod na lang ako, meron lang ako pupuntahan sandali.” sabi ni Rochard.

“Saan ka naman pupunta,,pare? Baka di ka tumuloy sa bar. Tatawagan ko iba pa natin kaibigan.” sigaw ni Wilmer.

Binatukan ni Floyd si Wilmer.

“Bakit ka ba nanbabagok?”

“Sira bago mo tawagan ang iba natin kaibigan. Magpaalam ka muna kay kumander mo.” sabi ni Arman dito.

“Bakit kayo tapos na ba kayo magpaalam?”

“Oo, naman na text na namin sina misis, ikaw na lang ang hindi.”

“Sige eto na, tatawagan ko na si Bham.”

Nagkatawanan ang lahat. At umalis na sila ng opisina ni Richard.

——–

Napatakip sa bibig si Teresita noon matapos ang paglalahad ni Maya kung ano ang nangyari sa kanya. Naiiyak ito….

“Oh my baby….” sabay akap dito.

“Ma, ayos na po ako. Nothing to worry. Huag na kayo umiyak.”

“Sigurado ka ba diyan anak?”

Tumango si Maya bilang sagot sa tanong sa tanong ng ina at niyakap iyo.

——-

Kasalukuyan nagkakape si Shiey habang hinihintay ang asawa na susundo sa kanila ni Jho. Nang bigla may ng doorbell.

“Jho bilisan mo nandito na ang Kuya Jay-R mo.” sigaw ni Shiey sa kapatid habang naglalakad papunta sa pintuan para pagbuksan ang asawa. Sinilip muna ni Shiey ang nasa labas kung asawa nga ang nag doorbell. Pero laking gulat niya na hindi ang asawa ang nagdoorbell kungdi…

“Richard?” sambit nito habang binubuksan ang pintuan. “Bakit napadaan ka ulit. Sarado na kami eh.”

“Pasensiya ka na Shiey hind kasi ako matahimik hangga’t di ko natatanong sa yo ang kanina pang naglalaro sa isipan ko.”

“Bakit ano ba iyon?”

“Sino kaibigan ninyo ang magulang ng kambal? Kasi sabi ni Arthur sina Bham at Jaja ang naghatid sa asawa niya sa bahay nila noon bigla itong nahilo.”

Nabitawan ni Jho ang hawak na bag, noon nadinig ang tanong ni Richard sa kapatid. Kaya napatingin dito sina Shiey at Richard.

“So-sorry, muntik na kasi ako matapilok kaya nabitawan ko ang bag ko.” sabi na lang ni Jho sa dalawa.

“Ayos ka lang ba?”

“Oo, antok na kasi ako eh kaya medyo natapilok ako. Bakit ka nga pala bumalik Kuya Chard?” tanong ulit ni Jho para lang ma confirm na tama iyon nadinig niya dito.

“Ah natanong ko lang kung sinong kaibigan ninyo ang magulang noon kambal. Kilala ko ba siya?”

——–

A/N: hep..hep..alam ko super bitin kayo….pasensiya na…revelation of Maya’s illness ay pag nagkita na sila ni Richard….

Don’t worry baka sa next chappy ay ang pagkikita na nila…..meaning ending na rin….hehehe…Joke…

Lab you all.

12 thoughts on “Palusot 37

  1. kawawa naman si Richard,,Purplepipay,,kung wawakasan mo ito ay iyong sana ay happy ending,,kahit wakasan mo na sa next chapter basta walang mamamatay.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s