Palusot 43

Palusot 43

5 years ago…

Nag check in si Maya sa Shanri-la gamit ang ibang pangalan para di siya matunton ni Richard.

Alam niya may tracker ang celphine niya. Kaya pinatay niya ito para di siya masndan ni Richard. Pagkapasok niya sa room niya, tinawagan niya agad si Tin-tin.

Tanging si Tin-tin lang tinawagan niya sa mga kaibigan niya. Pinapunta niya ito sa hotel na kanyang tinutuluyan. Nagpabili din siya ng bago celphone at sim card.

Ding…dong…ding..dong…

Pagkapasok ni Tin..umiyak agad si Maya dito. Kinuwento niya kay Tin-tin ang kanyang nasaksihan. Tsinek-up na rin siya ni Tin-tin pati na rin ang sanggol na nasa sinapupunan niya.

“Maya, huag ka na umiyak…makakasama sa anak mo yan. Alalahanin mo na crucial sa isang buntis ang first trimester.”

“Tin tulungan mo ako. Next week pumunta ka sa bahay tapos pumunta ka sa kuarto ko, sa drawer ko sa side table ko. Meron ako doon purple envelop. Kunin mo naman iyon please. Sa ngayon ayoko muna magpakita kahit kanino, kahit sa ibang kaibigan natin. Sa yo lang, kasi ikaw ang nakaka-alam ng tunay ko kalagayan ngayon. Hindi naman sila maghihinala na nagkikita tayo eh.”

“Eh ano sasabihin ko pag punta ko sa nyo?”

“Hanapin mo ako kunwari. Sabihin mo di mo ako macontact sa celphone. Na kalangan mo ulit hiramin iyon maleta na lagi mong hinihiram sa akin, kapag may pupuntahan kang conference. Alam naman iyon ni Manang eh.”

“Sige gagawin ko iyon , kung sasabihin mo sa akin kung ano ang plano mo.?”

Huminga muna si Maya saka nagsalita….”gusto ko muna mag-abraod at lumayo. Pag nandito ako di ako makakapag-isip ng derecho at matino.”

“Yan na ba talaga ang gusto mo?”

“Oo…buo na ang desisyon ko.”

Napabuntonghininga si Tin-tin

“Tin please promise me na hinding-hindi mo sasabihin kahit kanino kung nasaan ako at ang plano ko. Please mangako ka.”

“Ok I promise….”

“Thank you….

Babalik na lang ako bukas ha, kumain ka at magpahinga huag kang magpapalipas ng gutom at huag umiyak.”

Tumango lang si Maya.

Kinabukasan medyo ayos na ang pakiramdam ni Maya. Nagbago na ang desisyon niya. Hindi na siya aalis…makikipag-usap siya kay Richard.

After lunch noon muling dumalaw si Tin-tin. Dala na nito ang envelope na pinakukuha niya. Ngunit bukod doon sa envelope na pinakuha ni Maya ay meron pang binigay si Tintin na isang box.

“Ano ito?”

“Kanina noon dumating ako sa inyo, meron ako nakasabay sa gate. Hinahanap ka. Sabi ko bakit, meron daw siyang ibibigay sa yo. Sabi ko ako si Maya, kaya yan binigay sa akin.”

“Sino kaya iyon.”

“Baka kasi importante ang laman kaya binitbit ko na. Hindi ko na lang sinabi kay Manang. Buksan mo na para malaman natin ang laman.”

Binuksan ni Maya ang box. May laman iting isang cd. Kaya dali-dali niyang sinalang sa dvd player sa room niya.

“Ganun na lang ang pagkamakha ni Maya sa laman ng cd….isa itin video nina Richard at Tiffany. May date ang video, ito iyon date na cancel kasi bigla nagpasama si Tiffany.

Nilakasan niya ang audio….kaya malinaw na nadinig nila ni Ton-tin ang usapan ng dalawa….

TIFFANY: mukhang nahuhulog na talaga ang loob mo kay Maya ah.

RICHARD: imposible mangyari iyon

TIFFANY: di ba pagmamahal ang pinakikita mo sa kanya?

RICHARD: Love? LUST kamo….hahahaha

TIFFANY: poor Maya…

RICHARD: ang tanga niya eh, nagpadala sa charm ko.

TIFFANY: hahahaha…

RICHARD: isa lang naman ang nagmamay-ari ng puso ko.

TIFFANY: sino

RICHARD: IKAW!!!!

pagkatapos ay hinalikan ni Richard si Riffany. Pinatay na ni Maya ang video. Di na niya kaya…..

“Maya, please calm down. Alalahanin mo ang anak mo. Tatagan mo ang sarili mo. Gusto mo bang pati anak mo ay maapektuhan dahil sakakaiyak mo. ”

Ngunit ayaw tumigil sa kakaiyak si Maya. Kaya tinurukan na lang ito ni Tin-tin para makatulog. Binantayan muna ni Tin si Maya.

Kinabukasan muling nagbago ang desisyon ni Maya. Aalis siya ng bansa. Ayaw pumayag ni Tin-tin dahil wala itong makakasama doon. Di naman niya puedeng si Maya dahil madami din siyang trabaho.

“Saan mo balak pumunta?” tanong ni Tin

“Sa Cambodia….noon ka pa naman balak magpunta doon eh. Huag ka mag-alala. I will be fine. Mamasyal lang ako doon at mag-iisip-isip.”

“Sigurado ka ha?”

“Oo naman.”

Kaya after a week lumipad si Maya patungo Cambodia.

End of Flashback

“Hindi ako iyon nasa video. Maaring kumuha ng isang artista si Tiffany para makahawig ko pati na rin ang boses ko.” galit na sabi ni Richard. “Damned that woman. I will wring her neck.” sabi pa nito sabay suntok sa pader ng kuarto ni Maya sa mansyon nina Maya,

Umalis na rin kasi agad sila sa opisina kanina at nagderecho sa bahay nina Maya.

Dahil sa pamimilit ni Maya, napapayag din niya si Richard na sabihin ang niya ang nangyari sa kanya 5 years ago. At sinimulan niya noon nahuli niya ito at si Tiffany….

“PI niya talagang babae siya. Huag na huag na siyang magpapakita sa akin. Dahil baka mapatay ko siya. Siya ang dahilan ng lahat. May gana pa siyang humingi sa akin ng sorry at nangakong hahanapin ka niya.”

“Hinanap naman niya talaga ako eh. Para patayin…. She is sick.”

“What? Ulitin mo nga ang sinabi mo?”

“Sabi ko hinanap niya ako para patayin.”

11 thoughts on “Palusot 43

  1. Oh we are cliff hanging again…darn Tiffany made their lives miserable…what ifs this story happen in real life…isn’t that crazy, just wondering…😳😳😳😳

  2. Ms Purplepipay how are you na b!cgro k u still busy kya ung chapter 44 ng Palusot ay wala p at very excited Lang kming mlman wat really happen Kay Maya bkit cya naoperahan sa ulo,more power sa u at miss u ng tlga<3

    • oo nga ms Purplepipay,,nasaan ka na? gusto na naming malaman kung ano ang ginawa ti Tiffany kay Maya,bakit siya naoperahan.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s