Yo Soy Maya La Fea – parts 15 & 16

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to CorUnum. This is a continuation to Yo Soy Maya La Fea – parts 14&15.


A/N: Hi EB Readers! Gusto ko pong magpasalamat sa inyo dahil sa inyong positive feedbacks. Sa totoo lang po ay nakaka-overwhelm dahil hindi ko expected na magugustuhan ninyo ang aking fanfiction. At dahil po sa inyo, na-iinspire po akong magsulat pa. Salamat din po for sharing my love for BCWMH. This is actually my first time to be a solid fanatic ng isang serye. Iba po kasi talaga ang Be Careful. Kumpletos-rekados ika-nga. But the thing I love most about it ay ang inspirasyong naiibigay sa manonood. Sana, kahit isang simpleng fanfiction lang po itong aking ginagawa, ay magkaroon din ito ng positive effect sa inyong mga mambabasa. Again EB, maraming salamat po. KAPIT-BISIG!

 –CorUnum

 

 

Author: CorUnum

 

~*~

 

 

YO SOY MAYA LA FEA Part 15:

METAMORPHOSIS— GANDANG ‘DI MO INAKALA

Mabuti na lamang at advanced kong natapos ang accounting works sa opisina. Kinarir ko last week ang lahat ng documents. Kaya naman malakas ang loob kong umalis muna at maghabilin lang kay Ms. Liza na: “Ms. Liza lalabas lang ako saglit…” “Ha? Saan ka pupunta?” Narinig ko pang tanong n’ya. Pero sa kagustuhan kong makalayo sa Lim Aviation ay hindi na ako sumagot pa.

 

Halos kalahating oras na akong palakad-lakad sa Bay Walk. Wala naman akong balak puntahan. Pero basta ang alam ko gusto kong maglakad, palayo ng palayo sa lugar kung saan ko nakilala si Richard Lim… ang lalaking mahal ko pero pinaglaruan lang ang damdamin ko. PUSTAHAN! Pustahan lang pala ang lahat. Pakiramdam ko isa akong manok na panabong… Eh ano pa nga ba, Maya dela Rosa? Akala mo ba mamahalin talaga ni Richard Lim ang isang pangit na katulad mo? Asa ka pa!

 

Sa puntong ito ay hindi ko na napigilang umiyak. Umupo ako dahil parang naging gelatin ang mga binti ko. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay halos pisikal ang hapdi. Kasalanan ko bang naging pangit ako? Kailangan bang saktan mo ako ng ganito??? Ito ang isinisigaw ng isip at puso ko kay Richard Lim… ang poging singkit na palikerong mahal ko pero pinaiyak lang ako… Naiinis ako sa sarili ko dahil naniwala ako sa kanya. Pero mas naiinis ako dahil kahit anong sakit ng ginawa n’ya sa’ken ay mahal ko pa rin s’ya. Umiiyak ako hindi lamang dahil sa katotohanang pinaglaruan lang n’ya ako. Umiiyak ako dahil nanghihinayang ako sa aming dalawa… Ano ka ba Maya?!?! Humahagulhol pa ako nang biglang…

 

“Maya?” Tumingin ako at nakita ko ang isang magandang babae. Nagtataka ko s’yang tiningnan. “Maya dela Rosa, right?” Tanong n’ya ulit. Tumango lang ako. “Hi! I’m Rafi, remember?” “Rafi?” “Rafi… Rafaela Alcantara. We were classmates in high school!” Ilang seconds din akong nag-isip at naalala ko ang katabi ko sa klase noong Second Year high school ako. S’ya ang kaklase ko noong nagtanggol sa akin nang minsan akong i-bully ng mga kaklase kong lalaki. Pero ang babaeng nasa harapan ko ay malayong-malayo sa hitsura ng Rafaela Alcantara na na-imagine ko.

 

“Rafi? Rafi ang… ang ganda-ganda mo!” ‘Di ko mapigilang sabihin. Very smart and very professional ang hitsura ni Rafi ngayon, ‘di tulad ng dati. Hindi s’ya naging pangit na gaya ko. Pero noon, plain-looking si Rafi. Hindi s’ya maganda, pero hindi rin s’ya pangit. Pero ngayon… “Thanks, Maya! By the way, can I sit with you?” “Ha? Ah, eh…” “Sorry kung parang nag-iinvade ako ng privacy mo. Pero kasi I saw you crying and when I realized kilala kita, hindi ko natiis.” “S-sige upo ka.” “There…” Sabi n’ya habang umuupo sa tabi ko. Nakangiting nagkwento sa akin si Rafi. Sa States pala s’ya nagtrabaho as a marketing executive. Kakabalik lang n’ya last week para magbakasyon. “So, what have you been up to?” Tanong n’ya. Tiningnan ko ang magandang babaeng katabi ko. Siguro kung kasing-ganda ako ng isang Rafaela Alcantara, hindi ako sasaktan ni Richard Lim.”

 

Nang manatili akong tahimik ay hinaplos ni Rafi ang balikat ko. Muli ay napaiyak ako. Niyakap ako ni Rafi. “Shhhh… Ilabas mo lang. I’m here.” Sabi n’ya. Hindi ko na napigilan. Lumuluha kong ikinwento kay Rafi ang lahat. Maunawain si Rafi. Pinakinggan n’ya ako nang hindi nagco-comment sa pagiging naïve ko o sa pagiging gullible ko. Matapos kong sabihin sa kanya ang puno’t-dulo ng pag-iyak ko, s’ya naman ang nagsalita

 

“You know, Maya, I do know how you’re feeling. Somebody broke my heart too.” “Ha? Ikaw?” “Oo.” “Eh ang ganda-ganda mo.” Napatawa si Rafi. “Maya, I wasn’t always beautiful, remember?” “Pero you were never ugly like me.” “Well, that’s not the point, Maya. The point is like you, I’ve been broken. And I understand how you feel. Ipinagpalit ako ng boyfriend ko sa isang mayamang American citizen. Masakit. Pero hindi nangangahulugang tapos na ang lahat. Maya, you’re one of the wittiest and strongest persons I know. Hanga nga ako sa’yo noong high school tayo kasi kahit anong pambu-bully sa’yo ng mga classmates natin, nakukuha mo pa ring ngumiti at tumawa.”

 

Bahagya akong napangiti. “Maya, you should smile often. You’re beautiful.” “Naku Rafi. Mabait ka pero hindi mo ako kailangang bolahin.” “Who told you na nambobola ako?” “Rafi pangit ako. Tanggap ko na ‘yun.” “You see, that’s the problem Maya. Pangit ang tingin mo sa sarili mo kaya nagiging pangit ka nga. It’s a matter of perspective. Act confident, feel beautiful and it will show.” “Wala na sigurong effective para gumanda pa ako.” Malungkot na sabi ko. Hinawakan ni Rafi ang dalawang kamay ko. “No Maya. I’ll be honest OK?” Inalis n’ya ang salamin ko. “You’ve got very pretty, doe-like eyes. Ang pangit ay ang salamin mo. You’ve got two choices: contact lenses, or a more chic-looking eyewear. Hmmm… ‘yang buhok mo hindi bagay sa’yo. Don’t you remember what Ms. Santos told us noong 4th year tayo? Our hair is our crowning glory… Wait! Do you have work?” Hindi ako nakapagsalita. “Oh, sorry. I forgot he’s your boss. Well, kung hindi ka naman siguro bumalik agad sa office, he’ll understand, given the way he’s treated you. Kaya I have an idea and I won’t take no for an answer. I’ve nothing to do today. So sasamahan kita sa salon. Sasamahan din kita sa optometrist ko at bibili tayo ng contacts. Lastly sa mall tayo para makapili ka ng bagong wardrobe mo.”

 

“Sandali Rafi… kailangan ko ba talagang baguhin ang sarili ko para sa kanya?” “Maya… hindi mo babaguhin ang sarili mo para sa kanya. Babaguhin mo ang sarili mo para sa’yo. Gusto kong mapatunayan mo sa sarili mong maganda ka.”  

 

Siguro dahil na rin sa ayoko pang bumalik sa opisina, sumama ako kay Rafi. Sinamahan n’ya ako sa salon kung saan ipina-layer n’ya at pinalagyan ng soft highlights ang buhok ko. Pina-relax na rin n’ya ito. Tinuruan din ako doon kung paano mag-makeup. Tapos bumili kami ng contact lenses sa optometrist ni Rafi. Matapos nito ay bumili kami ng mga smart-casual na mga damit sa mall at bumili na rin kami ng set ng makeup. Ipinasuot sa akin ni Rafi ang isang terno ng office wear na kulay maroon. May coat ito at pencil cut naman ang palda na above the knee. Itim na stiletto heels ang ipinasuot sa akin. Paglabas ko ng fitting room, “My God, Maya… you’re very beautiful!” Sabi ni Rafi. Sasabihin ko pa sana sa kanyang huwag s’yang magbiro nang biglang nagsalita ang kararating pa lang na sales lady, dala ang iba ko pang mga damit: “Ma’am ang ganda-ganda n’yo… Para po kayong artista!” Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at halos maiyak ako sa nakita ko. Hindi ko akalain…

 

 

 

 

 

YO SOY MAYA LA FEA Part 16:

SI JAMES VENTURA

Hindi pa rin mapakali si Richard. Halos alas-tres na pero hindi pa rin bumabalik si Maya sa opisina. Mahigit dalawampung beses na rin s’yang tumatawag sa cellphone ni Maya pero hindi ito sumasagot. ‘Di na rin mabilang ang mga text messages na ipinadala n’ya pero hindi talaga ito nagrereply. Nagsisimula nang magalit si Richard… pero hindi kay Maya. Galit na galit s’ya sa sarili n’ya. Naisip n’yang siguro ay nakakarma s’ya dahil sa pagiging palikero n’ya… Minsan lang s’ya magmahal… tapos nagkaganito pa. Tiningnan ulit ni Richard ang cellphone n’ya sa pag-asang tumawag o nag-text man lang si Maya… wala pa rin. Ipinikit n’ya ang kanyang mga mata at minasahe ang kanyang sentido. “Bloody hell!” Nasambit n’ya sa sarili.

 

“Sir Richard?” Sabi ni Liza habang kumakatok sa opisina ni Richard. “What?!?!” Halos pasigaw na sagot ni Richard. “I’m sorry to interrupt you sir but Capt. James Ventura’s already waiting for you in the conference room.” “Who’s he?” “He’s the pilot son of Don Jaime Ventura, owner of Time Airways. He’ll be filling in for his father in your 3:30PM meeting.” Naalala n’ya ang meeting. May business with Time Airways na kailangan n’yang isara today. He was so confident na makukuha n’ya ito pero ngayon parang ‘ni interes ay wala s’ya. But business is business. Hindi pwedeng maapektuhan ng pagtatampo ni Maya ang… si Maya! “Is Maya back?” “I’m afraid I haven’t seen her since she left this morning sir.” “Then call her!” “I already did several times, sir. But she doesn’t answer.” Natahimik si Richard. Parang gusto n’yang magwala pero pinigilan n’ya ang kanyang sarili. “I’ll be there in a moment. Ayusin ko lang ang files ko.” Mahinang sabi ni Richard. Tumango si Liza at marahang isinara ang pintuan. Napabuntong hininga s’ya. Ngayon lang n’ya nakitang ganito ang kanyang boss. Naisip n’yang mahal talaga nito si Maya.

 

***

Nasa conference room na ang mga executives ng Lim Aviation. Naroon din si James Ventura na sa kasalukuya’y nakangiting nakikipag-usap sa isang napaka-gandang empleyado ng Lim Aviation. “You might want to work for me sa Time Airways.” “Naku sir, I don’t think that’s possible right now because I have a contract with Lim Aviation.” “First, don’t call me sir. Call me James. Second, I’m a better boss than Richard Lim” Nagbibirong sabi ni James. Tumawa ang magandang babae pero malungkot ang tawa nito. Napalingon ang lahat nang pumasok si Richard Lim. “Where the hell is Maya? She’s supposed to be present in this meeting!” Tiger-mode na sabi ni Richard. “S-sir she’s…” aligagang sabi ni Liza. Natigilan s’ya nang tumayo ang magandang babaeng kausap ni James Ventura. “I’m here sir.” Sabi nito. Nganga si Richard Lim! Ang magandang babaeng kausap ni James Ventura kanina pa ay walang iba kundi si Maya dela Rosa… ang pangit na accountant n’ya… correction! Ang kaninang umaga lamang ay pangit na accountant ni n’ya pero ngayon ay magandang babaeng may layered na buhok, light make-up at nakasuot ng office attire na desente pero sexy tingnan.

 

Nang magsalita si Maya ng “I’m here sir” ay saktong umuupo si Richard. Sa sobrang gulat n’ya sa biglang pagganda ni Maya ay nagkamali s’ya sa pag-upo! “Sir are you alright?!?!” Tanong ni Liza habang tinulungan si Richard maupo ng maayos. Hindi nakapagsalita si Richard. Titig na titig s’ya kay Maya. Tiningnan lang din s’ya ni Maya. Hindi ngumiti ang dalaga sa kanya.

 

“So shall we start?” Tanong ni Mr. Johnny Wey, ang VP for advertising ng Lim Aviation nang mapansin n’yang tulaley mode si Richard. Nagsimula na ang meeting. Hindi nagsasalita si Richard. Tango lang s’ya ng tango kapag may pine-present na idea sa meeting. Ever so often ay titingin s’ya sa magkatabing sina James at Maya. Lalong naniningkit ang kanyang mga mata tuwing magbubulungan ang dalawa.  “Maganda kung magkakaroon ng team up ang Time Airways at Lim Aviation. Modesty aside, we are two of the biggest airline companies in the Philippines.” Pagpapaliwanag ng business adviser na si Lindsey Fernandez. “That’s actually right. I for one think that it’s a good idea. And having met Ms. dela Rosa here, mas nakumbinsi akong makipag-team up sa Lim Aviation.” Sabi ni James habang ngumingiti kay Maya. Napatungo lamang si Maya. Sa kabilang banda, kung nakamamatay ang masamang tingin ay pinaglalamayan na si James dahil sa sama ng tingin sa kanya ni Richard.

 

Natapos din ang meeting. Nag-set sila ng date ng pirmahan ng kontrata. Paalis na ang lahat dahil tapos na ang office hours nang matapos ang meeting. Sinundan ni James si Maya nang pumunta ito sa lobby. Hindi ito nakaligtas sa matalas na paningin ni Richard. Sinundan n’ya ang dalawa. Narinig n’ya ang sabi ni James kay Maya: “So, will you have dinner with me tonight?” For one crazy moment, na-imagine ni Richard na sinisikmuraan n’ya si James. “N-naku sorry sir… este James pala. Nangako ako sa pamangkin kong si Cho na tuturuan ko s’ya sa assignment n’ya ngayon.” “So how about lunch tomorrow?” Persistent na sabi ni James. Sasagot pa sana si Maya nang biglang nagsalita si Richard. “She can’t.” “I beg your pardon, Mr. Lim?” Tanong ni James. “Maya, you still have to prepare the statement of accounts.” Sabi ni Richard, completely ignoring James. “Sir tapos ko na po gawin ang statement of accounts.” “Then prepare the one for next year!” Bulalas ni Richard.

 

“Po?” Nagtatakang paglilinaw ni Maya. “Sir Richard CPA po ako pero kahit po top-notch CPA ay hindi makakapag-prepare ngayon ng statement of accounts na for next year pa! I mean, how is that possible sir?” Bahagyang natigilan si Richard. Napangiti sa amusement si James. Naramdaman na n’yang karibal n’ya si Richard Lim kay Maya dela Rosa. “Well, what I meant was… kasi…” OK, so nag-s-stutter na si Richard Lim. Ang gwapong palikerong tiger mode na may-ari ng Lim Aviation. Bukod sa gwapo si James ay refined din ang manners n’ya. Para hindi na masyado pang mapahiya si Richard ay sinabi n’ya kay Maya: “Siguro next time na lang tayo lumabas, Maya. Anyway, I have your cell phone number naman. So I guess we’ll see each other around.” Matapos sabihin ito kay Maya ay tumingin s’ya kay Richard. “I have to be going, Mr. Lim. Nice doing business with you.” At nakangiting umalis si James.

 

Naiwan sina Richard at Maya. Bakas sa mga mata ng isa ang matinding selos at bakas naman sa mga mata ng isa pa ang kirot ng unang pagkabigo sa pag-ibig.

 

ABANGAN: “Parinigan sa Videoke” & “Girl in the Rain”

28 thoughts on “Yo Soy Maya La Fea – parts 15 & 16

  1. i am just hoping to read the next chapter soon. I just come across excess baggage this year and I think I am addicted to it. I was a big fan of BCWMH and would really appreciate and hope to read how this story would end. More power!!!

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s