Palusot 44

Sorry medyo natagalan ang pag update ko…puro parties kasi eh..late na umuwi kaya wala na ng time mag update..but I promise you before the year ends…Tatapusin ko ito….

Kanina ko lang ito ginawa in between parties…… Kaya pasensiya sa typos and wrong spelling…

Unedited…

Happy reading..πŸ™‚

Palusot 44

“What?”

“Nasa Angkor’s Wat kami ni Arthur noon. Aksidente ang pagkikita namin ni Arthur noon sa Cambodia. Kaya ayun naging partner buddy kami. Doon ko din nalaman na may pusong babae siya.”

“You mean five years kayong magkasama ni Arhur?”

“Oo….”

“Buti na lang talaga at binabae siya. Kasi kung tunay na lalaki siya baka naging kayo ng Arthur na yon.”

“Malamang…lalo pa at alam ko na niloko mo lang ako.”

“Hindi nga kita niloko.” sabi ni Richard

“Sabi ko nga. Bakit galit ka?”

“Hindi ako galit, naiinis ako kay Tiffany ng dahil sa kanya nagkalayo tayo. Hindi man lang kita naalagaan noon nagbuntis. Di ko nakita lumaki ang kambal….ang dami kong na miss.” malungkot na sabi ni Richard.

Hinalikan ito ni Maya para mabawasan ang inis na nararamdaman nito,

“Naiinis ka pa?”

“Hindi na pero isa pa, sarap eh.”

“Mamaya na, patapusin mo muna ako sa kuwento ko sa yo.”

“Actually two weeks pa lang ako sa Cambodia, gusto ko na bumalik at kausapin ka. Malaman ang side mo….kaso may nabasa ako sa isang Pilipino broadsheet na may caption ‘IS SHE THE ONE’ Most Sought Eligible Bachelor in Town – Richard Lim and sociallite Tiffany Ramos are they exclusively dating. This was confirm by Tiffany herself. Does it mean its over between Richard and her former girlfriend Maya dela Rosa? The two are childhod sweethearts.’

“The was not true. Maari totoo iyon picture na nilagay nila. Di ko alam na may kumuha ng palihim sa amin ni Tiffany noon panahon na nagpapasama siya sa akin lumabas. Kaya lumabas na very candid ang shots at natural dahil it was a stolen shot. Si Tiffany mismo ang may pakana since pag-aari nina Tiffany ang newspaper na iyon.Galit na galit ako noon nakita ko iyon” sabi ni Richard at nagsimula ikuwento kay Maya ang ginawa niya.

FLASHBACK

Kasalukuyan nag aalmusal ako at nagbabasa ng broadsheet ng mapadako ako sa society page. Halos magsalubong ang kilay ko dahil sa nabasa ko, Dali dali akong tumayo at kinuha ang susi ng kotse ko at humarurot ng alis.

Di nagtagal ay nasa bahay na ako nina Tiffany

“Nasaan ang magaling ninyo amo? Palabasin ninyo siya ngayon din.” sabi ko.

Nahintakutan ang mga katulong dahil sa taas ng boses ko.

“Richard sweetheart, what a surprise? Di kita inaasahan na pupunta ng ganitong kaaga para bisitahin ako,” malanding sabi ni Tiffany habang pababa ng hagdan.

Gustong gusto ko na siyang sugurin ngunit nagpipigil lang ako. At noon nakalapit na siya sa akin at akmang hahalikan ako. Isang malakas na sampal ang dumapo sa maputi at makinis na mukha niya. Kaya bakat na bakat ang mga daliri ko sa pisngi niya. Sa lakas ng impact ng sampal ko na napadapa si Tiffany. Epic ang mukha noon ni Tiffany. Siguro di niya akalain na sasampalin ko siya.”.

“Bakit mo ako sinampal?” sabi ni Tiffany na salo-salo ang namumulang pisngi.

“Kulang pa yan sa ginawa mo sa amin ni Maya. Wala ako pakialam kahit babae ka pa.” sabi ko naman.

Nagulat nga ang mga katulong sa gnawang ko iyon eh.. Di pa ako na kuntento at hinaklit ko siya sa braso..

“Bakit mo ito ginawa? Kahit kelan ay hindi tayo exclusively dating. Wala ako matandaan na lumabas tayo para mag-date. Kung lumalabas naman tayo before, that was because nagpapasama ka sa akin. At kung alam ko na, na may plano kang ganito. Sana kahit kelan di na kita sinamahan lumabas.” galit na sa ko sa kanya.

“Wala akong alam diyan” deny ni Tiffany sa akin.

” Wala? Sino ang lolokohin mo ako…yan basahin mo ang caption. Bawiin mo yan kung ayaw mong idamay ko yan reporter na nagreport ng mali. Sinasabi ko sa yo, mawawalan yan ng trabaho at kasalanan mo yan. Wala ako pakialam kahit kayo pa ang may ari ng publishing company na ito. Di ako nagbibiro.”

Sabay talikod alis ko sa harapan niya.” pagtatapos ng paglalahad ni Rochard.

Naiwan naman umiiyak si Tiffany.

END OF FLASHBACK

“What kina Tiffanya ang boadsheets na iyon? I mean iyon publishing house?”

“Yap. Kaya nagagawa niya ang gusto niya. Siya pa ang editor in chief. Kaya malaya niya nagagawa ang gusto niyang ilagay.”

“Kaya nasampal mo si Tiffany?” natatawang sabi ni Maya after ikuwento ni Richard iyon insidenteng.

“Di na ako nakapag-pigil sobrang galit ko noon. Di pa kita nakikita para magpaliwanag, tapos gumawa na naman siya ng panibagong problema.’ sabi ni Richard.

“Alam mo bang dahil sa balitang iyon ay muntik na mawalang kambal?”

“What?”

“Di ko pa alam na kambal iyon anak natin. Kasi noon tiningnan ako ni Tin-tin sx weeks pa lang tiyan ko noon. Di pa kayang i detect kung ilan talaga ang heart beat ng bata sa sinapupunan ko.”

“Then dahil sa balita nabasa ko, nagkaroon ako ng bleeding. Kaya dali dali ako dinalla ni Arthur sa hospital. Si Maya naman ang nagkuwento kay Richard.

FLASHBACK

Naghahanda na ako pauwi ng Pilpinas noon meron ako makitangisang Philippines broadsheet. Dali-dali ko binasa hangga nakita at mabasa ko sa society page iyon news. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib na nag derecho sa tiyan ko.

“Aahh” sabay sapo sa tyan ko.

“Maya, bakit ano masakit sa yo?” tarantang taning ni Arthur sa akin.”

“Arthur ang sakit ng tiyan ko. Ang baby ko.”

“OH MY GHAD! Maya may dugo….dugo. Ano ang gagawin ko girl.”

“Just bring me to the hospital. Bilisan mo. Baby please hang-on. Huag mong iiwan si mommy.”

Dali-daling kumilos si Arthur para buhatin ako at isugod sa hospital. Ngunit bago pa naman kami makarating ng hospital nawalan na ako ng malay.

Dali-dali ako inasikaso ng doctor at nurses . It’s a good thing meron doon. Pinay base na doctor.

Noon nagising ako….

“Arthur….ang baby ko? Kamusta na siya?”

“Gising ka na pala. Sandali tatawagin ko ang doctor.”

“Sagutin mo muna ang tanong ko. Kamusta ang baby ko.”

Nag asta malungkot si Arthur.

“Arthur don’t tell me…”

(isipin na lang ninyo ang bading na salita) “Chos, tuloy pa rin ang pagiging nongnang (ninong + ninang= nongnang) ko. Diyan ka muna at tatawagin ko si Doktora.”

Nakahinga ako ng maluwang dahil sa sinabi ni Arthur. Per natawa din ako kasi kapag kaming dalawa lang ay lumalabas talaga ang pagiging bading ni Arthur.
Di nagtagal bumalik na si Arthur kasama ang isang Filipina na Doctor.

“Good mornng Maya.”

“Giod morning din po. Kamusta ang baby ko?”

“Alam mo mabuti at naisigod ka agad dito ng kaibigan mo, naku kanina hysterical yan sa lobby, kasi nga wala ka na ng malay. Kasi kung natagalan ka pa ng ilan minuto. Baka hindi ko na na save ang mga babies mo.”

“Mga babies? You mean I’m having a twins?”

“Yes. Kambal ang anak mo.”

Napakapit ako sa tiyan ko at napaiyak.

“Maya huag ka masyadong mag-iiyak. Makakasama yan sa mga anak mo. Mararamdaman niya na di ka happy. Alam mo ba dahil sa sobrang stress mo ay medyo humina ang kapit ng fetus sa uterus mo. Konting ingat lang at no stress just for a month. Gang maging stable na ang pagbubuntis mo.”

Tumango lang ako sa sinabi ng doctor.

“Doctor salamat po ha.”

“Maya, wala kang dapat ipagpasalamat. Tungkulin namin yan bilang doctor.”

“Hangga kelan ako dito Doc?”

“Puede ka na magpa discharge three days after.”

Pagka-alis ni Doktora.

“Ano Maya, tatawagan ko na ba ang parents mo at ang magaling na ama ng mga anak mo?”

“No….huag mong tawagan sina Ma at Pa. Ayoko silang mag-alalla sa akin. Kaya ko naman sarili ko eh. Wala na karapatan si Richard sa dinadala ko. Mukha naman nakalimutan na niya ako eh. Kita mo nga naka ngiti pa siya sa picture na kasama iyon kababata niya.

END OF FLASHBACK

“So iyon ang dahilan kaya di mo ako kinontak at natiis mo ako?”

“No meron pang ibang dahilan.”

19 thoughts on “Palusot 44

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s