The Auction Chapter 13

 

Merry Christmas!!!  Kapit-bisig everyone :)

Hope you guys find time to visit my blog @ roxygirl5.wordpress.com/.  Love to read your comments. 

“D-Donya Esmeralda.”  Hindi alam ni Maya kung ano ang gagawin.  Hindi pa siya handa na makaharap ang ina ni Richard.  Ni hindi pa nga niya nasasabi kay Richard ang tungkol sa kalagayan niya.

Dahil sa kalituhan ay ni hindi niya namalayan na Richard already guided her to meet his mother.

“Well, well Maya it’s been a long time.  So how have you been?”

“O-okay naman po.  K-kayo po kamusta na kayo?”

“I’m ok.  Hindi ko akalain na magkikita tayo dito.  Nagulat ako ng sabihin ni Ricky that he wants to go with me here.   At first he was reluctant, busy daw siya but now I know why.”seryosong sabi nito sabay tingin kay Richard.

“Mama naman.” Si Richard.

“Ahmm Donya Esmeralda, Richard I-I need to go marami pa kasing dapat asikasuhin.  I hope you enjoy the food.” Nagmamadali siyang makaalis but Richard got hold of her elbows.

“Hey, hey wait.  So I’ll see you later?” pahabol na sabi ni Richard.

Tungo lang ang naisagot ni Maya.  Pilit niyang iniiwasan ang tinging ibinibigay sa kanya ni Donya Esmeralda.

Maya went directly to the kitchen at dahil sa nagmamadali ay hindi niya napansin ang assistant na si Miss Lapuz.

“Miss Maya where are you going?”

“Miss Lapuz buti na lang nakita kita kaagad, puwede bang ikaw na muna ang mag-asikaso ng kung ano pang kailangan sa engagement party ni Ruby.  I just needed some fresh air.”

“Sure, sure no problem.  Wait Miss Maya ok lang ba kayo? You look pale.” Her voice is full of concern.

“I’m ok sige na.”

Nang masiguradong wala na ang assistant ay agad siyang pumunta sa verandah ng malaking bahay ng fiancee ni Ruby.  Doon ay huminga siya ng malalim.  She did’nt expect na magkikita sila ni Donya Esmeralda.  Gusto muna sana niyang maayos ang kung ano man sa kanila ni Richard bago niya harapin ang ina nito.  Pero andito na ito at hindi na niya puwedeng itago pa ang ano mang meron sila ni Richard ngayon.

“Andito ka lang pala.”

Nagulat si Maya.  Nasa likod na pala niya si Donya Esmeralda.

“You also like verandahs don’t you?  Sabagay you and Ricky always had your coffee sa verandah ng mansiyon.  Doon nga yata siya nadevelop sa’yo.”  Nakangiti ito.

Tahimik lang si Maya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ina ni Richard.

“Are you and Ricky together… again?”mahinahong tanong nito kay Maya.

Nanatiling tahimik si Maya.

“I see… silence means yes.  I thought nagkaintindihan na tayo dati when I talked to you two years ago.” Patuloy nito.  “Akala ko naiintidihan mo ang pagmamahal ng isang ina sa isang anak.”

Parang biglang nagising si Maya sa sinabi ni Donya Esmeralda… pagmamahal sa isang anak???  Kung talagang naiintindihan niya ito kailangan niyang ipaglaban ang ano mang meron sila ni Richard ngayon lalo na’t magkakaroon na sila ng sariling anak.

“Tama po kayo Donya Esmeralda me and your son are together… again.”

Ikinabigla ni Donya Esmeralda ang direktang sagot ni Maya.  Ngumiti siya ulit “I see.  Now I know that I’ve wasted my time talking to you two years ago.  Maya my son is moving on, he’s actually dating women na mas nababagay sa kanya.  Bakit kailangan mo pang bumalik?”

“Ako po siguro ang dapat manghinayang kasi nakinig ako sa inyo two years ago.  Ni hindi ko man lang pinaglaban ang anak ninyo.  Nagdesisyon ako kasi akala ko yun ang tama… mali pala ako.”  Parang hinang-hinang sagot ni Maya kay Donya Esmeralda.

“So you are telling me na itutuloy mo pa rin ang kung anong meron kayo ni Ricky?”

Hindi na nagawang sumagot ni Maya.  Biglang pumasok si Richard sa verandah.

“Anong pinag-usapan?  What decision are you talking about?” litong tanong ni Richard sa dalawang babaeng nasa harapan nito.

“R-Ricky…” si Donya Esmeralda.

“I-I need to go.”  Kailangan na niyang makaalis sa lugar na yun.  Nakakaramdam na siya ng hilo sa dami ng nangyayari.

“Maya, wait please don’t go.”

“Please Richard let me go.” She pleaded.

Walang nagawa si Richard kundi pakawalan si Maya.  He needs to know something first.  He needs to understand.  Then he saw her walk away.

*****************

Hindi alam ni Maya kung paano siya nakarating sa bahay niya.  Basta ang alam lang niya she wants to get out of that place.  Wala sa plano ang lahat ng nangyari.  Dire-diretso siya sa kuwarto niya.  Gusto niyang pag-isipan ang mga susunod niyang gagawin.

*****************

He wanted to be with her kaya naman ilang sandali lang ay agad niyang hinanap si Maya.  He went to the kitchen and ask her employees kung nasaan siya.  Mabuti na lamang at naroroon si Miss Lapuz, ang assistant nito.  Nasabi nitong Maya wanted to get some fresh air.  Sa isip-isip niya ay pagod na siguro ito kaya gustong magpahinga sandali.  He went to the veranda to look for her pero nakita niyang may kausap ito at ng lumapit siya ay nalaman niyang ang mama niya ang kausap nito.  Masyadong seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa na hindi man lang napansin ng mga ito na nasa pintuan na siya ng veranda.  Ayaw man niyang makinig pero hindi rin niya napigilan.  He heard something about her mama talking to Maya and that Maya made a decision.  Nang hindi na niya napigilan ang sarili ay kusa siyang lumapit sa mga ito na ikinagulat ng dalawa.

“Ma what happened?” Si Richard.

“I-I was just talking to her.”

“About what?” hindi na mapigilan ni Richard ang inis na nararamdaman.  Alam niyang malalim ang pinag-uusapan ng mama niya at ni Maya.

“I-I was just trying to protect you.”

“Protect me?  From what?  From Maya?” litong tanong niya sa ina.

“Ricky, anak please understand kaya ko lang naman siya kinausap noon dahil I wanted to protect you sa mga sinasabi at sasabihin pa ng ibang tao.” Donya Esmeralda blurted out.

“You talked to her? Noon?”

“Yes I did!  I talked to her two years ago. ” Hindi na naitanggi ni Donya Esmeralda sa anak ang ginawa nito . “She’s a former nanny of your daughter Ricky, alam mo ba kung gaano kasakit ang mga naririnig ko regarding your relationship with her? “ hindi na rin napigilan ni Donya Esmeralda ang umiyak.

Napaupo si Richard sa sobrang kalituhan, sapo-sapo niya ang kanyang ulo.  All this time halos kasuklaman niya si Maya dahil sa ginawa nito sa kanya two years ago.  Akala niya she’s playing with him and James, yun pala Maya is just trying to protect him.

Tumayo siya at aktong aalis na ng marinig niya ang kanyang ina…

“Where are you going?”

“To HER.  I love her ma at wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.  I hope that you understand me, that is… if you really love me as your son.”   Dire-direto na siyang lumabas sa mansion ng pinsan.  He doesn’t want to waste any time anymore.  He wanted to go to Maya and this time he wanted to protect her.

**********

He was outside of her house.  He is not even sure if he wants to knock on the door.  Sa mga nangyari ngayong gabi ni hindi siya sigurado kung tatanggapin pa siya ni Maya.  Hindi na ito katulad ng dati na kapag gusto niyang pumasok sa bahay ni Maya ay kailangan lang niyang kumatok ng malakas na halos gibain niya ang pintuan at magising ang mga kapitbahay nito.  Painful words he gave her.   Naiisip pa lang niya ang mga nagawa niya ay hiyang-hiya na siya.

He reached for the door at laking gulat niya ng bumukas ito.  Panic strikes him, nagmamadali siyang pumasok ng bahay ni Maya.  Natatakot siyang baka may nangyari dito, agad siyang pumunta sa kuwarto nito at nakahinga siya ng maluwag ng makitang mahimbing itong natutulog sa kama nito.

Then he walked towards her and sat down on the chair situated beside the bed.  Slowly he reached for her hand and held it, not wanting to disturb her, but only wanting to hold her.

“I’m sorry, I am so sorry.”  Si Richard.

to be continued…

-roxygirl5-

26 thoughts on “The Auction Chapter 13

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s