Questions – part 10

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa. This is a continuation to Questions-part 9.


A/N: Please follow my blog http://missathenaabrianna.wordpress.com/ :) Thank you!

Author: MissAa

~*~

Chapter 10 – The Confession 2

“I’m Mr. Richard Lim. 40 years old. I’m the CEO of Lim Aviation Services Inc.,

And this is my story…”

__________________________________________________

Richard’s POV.

 

8pm. Nasa office pa ako, madaming trabaho. Pati si Ryan, andito pa. Hinihintay nya kasi magtext si Celine yung girlfriend nya. Susunduin nya daw sa bar. Medyo wala ako sa mood, hindi ko kasi alam kung ano ang nangyari kay Maya kanina. Okay naman kami nung lumabas kami ng restaurant pero nung pagkahatid ko sa kanya. Bigla na lang lumamig ang pakikitungo nya.

 

Tawag ako ng tawag sa cellphone nya pero hindi nya sinasagot. I already texted her many times but still no reply! Naf’frustrate na ko! I don’t know what I did. Nilapag ko na lang ang phone ko at pinalo ang table ko.’

 

 

“Woah! Brod! Chill ka lang.” Ryan said. Nagulat ata sya sa ginawa ko. “What happened? Kanina good mood ka lang nung umalis ka pero nung bumalik ka grumpy ka na naman!”

 

 

“Si Maya kasi eh. Hindi sinasagot ang tawag ko.” Sabi ko, naiinis na kasi talaga ako. Hindi ko naman alam ang ginawa ko.

 

 

“Chill ka lang Brod. Baka naman may problema lang.” Ryan said pero hindi eh, alam ko sa mga oras na to kasama nya ang friends nya.

 

 

“Hay, ayaw nya sagu-” Naputol ang nasabi ko dahil sa pagring ng phone ni Ryan.

 

Ring… Ring… Ring…

 

“Hello? Babe?… Yes, this is her boyfriend. May I know who’s on the other line?… Hi Emman! Nice to meet you! Bakit nga pala ikaw ang tumawag?… Asaan sya?…. What!?… Bakit nyo hinayaan?!…. Okay, papunta na ko.”

 

Binaba na ni Ryan ang tawag at tumingin sa akin. Parang may problema.

 

“I need to go Brod. Si Celine, lasing na ata. Sumali sa contest sa bar dahil sa isa nyang friend.”

“Sama ako sayo Brod.” Hindi ko alam bakit parang gusto kong sumama. Hindi ko din naman hilig ang bars. Maingay kasi doon at magulo. Umalis na kami ni Ryan sa office at dumiretso na sa bar. Convoy kami. Lou La Bonte’s Bar.

___________________________________________________

 

Dumating kami sa bar. Dahil bagong bukas, madaming tao. Nagkakagulo sila sa harap ng stage. I saw two woman and two guys standing and drinking shot glass simultaneously.

 

“And the winner is….” The host said. “Ms. Maya!”

 

Napalingon agad ako sa babaeng nakatayo sa stage. Lasing na sya at halata na sa kanya. Inagaw nya ang mic sa host.

 

“Nanalo ako! Hindi ako lasing! Tipsy lang!” Sabi nya at naghiyawan ang mga tao. Nakita ko si Ryan na nilapitan ang isang babae at inalalayan. Eto siguro si Celine.

 

Lumapit na din ako sa stage at nakita ko na may lumapit na lalaki kay Maya.

 

“Hey Sexy Maya.” The guy said. Nakatalikod ito at he looked familiar to me. He held Maya oh her waist.  “Alone? Pwede mo ko makasama?”

 

“Oh no. I’m *hik* not *hik* alone.” Maya said at pinipilit nya na umalis dun sa lalaki.

 

“Lasing ka na Maya.” Hindi mo na kaya. Hayaan mo na lang akong alalayan ka. Dahil nga siguro lasing na talaga si Maya, hinayaan na lang nya pero hindi ko kaya ang nakikita ko.

 

Lumapit ako hinila ko si Maya palapit sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya at sa lakas ng hila ko napayakap sya sa akin. Halatang lasing na nga talaga to.

 

“What the f*ck Pare?” Humarap sa akin ang lalaki at sa gulat ko nakita ko ang kinaiinisan kong lalaki. Si Fred.

 

“Stay away from her Pare.” Sabi ko at halata na sa akin na nagpipigil na ako ng galit.

 

“Bakit? Sayo ba sya? Ako ang unang nakakita?”

 

“Hilig mo ba talaga ang mangagaw? First, Alex! The Mother of My Daughter and now, Maya?!”

 

“Ano mo ba sya? Eh, kanina pa sya andito eh. Ako ang unang nakakita! Kaya pare, wala akong inagaw sayo. Ganda ganda nga ni Maya eh. Sexy pa. Jackpot ako nito.”

 

“Maya, stay here.” I held her hand and kissed it. Binitiwan ko muna at sinuntok ang lalaking nasa harapan ko.

 

“Bastos ka! You don’t have the right to describe her like that! F*ck off Pare! Maya is my girlfriend! Makuntento ka na kay Alex! Sayo na si Alex but stay away from Maya!” Sabi ko kay Fred at mukhang gaganti sya ng suntok pero humarang si Maya.

 

“Waaaaaaaaaaag!!!!” Sigaw ni Maya na nasa harapan ko at nakacross ang kamay nya sa harapan nya. Napatigil ang kamao ni Fred sa pagtama.

 

“Maya, umalis ka dyan kung ayaw mong madamay.” Sabi ni Fred kay Maya.

 

“Wag *hik* mong shaktan (saktan) ang *hik* Chichard ko (Richard ko)!” Biglang sinampal ni Maya si Fred at nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Maya.

 

“What the?!” Sabi ni Fred at dahil babae ang kalaban nya wala syang magawa. Umalis na lamang sya sa harapan namin. Nakayakap pa din sa akin si Maya.

 

“Maya, you’re drunk.” Sabi ko at habang niyayakap ko pa din sya.

 

“Hindi ako lasing! Tipsy lang!” Paulit ulit nyang sinasabi yun. Binuhat ko na sya at nakasalubong ko sila Ryan na buhat buhat na din si Celine. I saw a guy and the secretary of Maya.

 

“Hello po Sir Richard!  Eds po. Secretary po ni Ma’am Maya. Si Emman po, friend din po namin.”

 

“Nice to meet you! But I need to go. See, lasing na ang friend nyo.”  Sabi ko pero bigla akong nagulat ng dumilat si Maya.

 

“Hindi nga ako lasing! Tipsy lang!” Sabi nya at bumalik sya sa tulog ulit.

 

“Oo na. Tipsy lang pala.” Sabi ko at lahat sila natawa sa inasal ni Maya. “I need to go now Brod.”

 

Umalis na kami sa bar. Si Maya salita ng salita habang nagd’drive ako pero may sinabi sya na pumukaw ng atensyon ko…

 

“Lahat ng *hik* lalaki! Pare-parehas! *hik* Akala ko sheryosho (seryoso) si Chard! Pero may ‘baby’ pala!”

 

“Kaya ka ba naglasing?” Hindi ko mapigilan ang matuwa, nagseselos ata si Maya sa baby princess ko. Kay Abby. Sinakyan ko muna sya. Nakapikit lang sya habang nagsasalita.

 

“Oo, kaya ako naglashing!(naglasing) *hik* *hik*”

 

Tumahimik na lang ako at nakarating na kami sa bahay nya. I saw Manang Tess na hinihintay sya. Hindi pa naman masyadong late. 10pm pa lang naman.  Nakita ako ni Manang Tess na buhat buhat si Maya.

 

“Nako! Lasing na lasing tong batang ito. Hindi naman ito naglalasing.” Manang Tess said. Natatawa na lang ako, kasi alam ko ang dahilan bakit sya naglasing. “Nako! Richard, ikaw na ang magakyat kay Maya at magalaga. Masakit kasi ang tuhod ko. Umatake ata ang rayuma ko kaya hindi ako maka’akyat ngayon.”

 

“Don’t worry Manang. Ako na pong bahala kay Maya.”

 

_________________________________________________

 

Inakyat ko na si Maya sa kwarto nya. Hiniga ko na sya sa kama nya at patuloy pa din sya sa pagsasalita.

 

“Mahirap ka pala malasing Maya. Ang daldal mo.” Sabi ko sa kanya habang hinihiga ko sya sa kama.

 

“Hindi nga ako lasing! Tipsy lang! *hik* *hik*!” Dumilat sya at umupo sa pagkakahiga. Tumingin sya sa akin.

 

“Kamukha mo yung si Chard ko eh! Kainis kayo! Mga manloloko! *hik*!” At bumagsak syang muli sa kama.

 

“Bakit ka ba naiinis na may katawagan na ‘baby’ yung si Richard mo?” Sabi ko, baka sakaling sagutin.

 

“Hoy! Kamukha ni Chard! *hik* Akala ko kasi mahal nya ko.” Sabi ni Maya natutuwa talaga ako sa babaeng to. Umupo ako sa tabi nya.

 

 

 

 

“Maya, I really love you.”  

 

 

 

“Ashtig yung joke mo kamukha ni Chard!!! *hik* *hik*” Umupo ulit sya.  Humarap sya sa akin at hinawakan ang mukha ko. “Kamukha mo talaga si Richard! *hik* *hik*!” Palapit ng palapit ang mukha nya sa mukha ko at….

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hinalikan nya ko… sa lips. 

 

 

 

 

 

 

 

Napangiti ako sa ginawa ni Maya pero I respect her. Hindi ako nagrespond sa halik nya. Bumitiw sya at humiga ulit. Kinumutan ko ulit sya at hinalikan sa noo.

 

“Sleepwell now My Baby Queen. I love you.” I kissed her forehead.

_________________________________________________

Maya’s POV.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Ang sakit ng ulo ko. Buti na lang, saturday ngayon at wala akong pasok. Ano ba kasi ang ginawa ko kagabi? Hindi ko maalala. Ang naaalala ko lang…

 

May naghatid sakin. Hiniga ako sa kama at…

 

 

Hinalikan ko. 

 

 

“OHHHH NOOOO!!! Sino yun?!” Napabangon ako sa kama. “Hindi hindi hindi! Panaginip lang yun! It’s all a dream! A dream!” Nagulat ako dahil nagring ang phone ko. It’s Richard.

 

“H-Hello?”

 

“Goodmorning Maya! I know you have a headache. So, go downstairs. Eat your breakfast and drink your medicine.”

 

“How did you know?”

 

“Hinatid kita kagabi. Don’t worry. I didn’t change your clothes.” Napatingin ako sa damit na suot ko. Oo nga, eto pa din ang suot ko kagabi.

 

“Anong ginawa ko kahapon?” Ang tapang kong magtanong kahit kinakabahan ako. Panaginip ba talaga yun? O hindi? Panaginip? O hindi?

 

“You did something wild. I won’t tell you.” Richard chuckled. “Wag ka na magselos kay ‘Baby’. Yung kausap ko kahapon is my daughter. Nothing to worry about.” Tumawa na naman sya.

 

“W-WHAT?! Ano?! A-Ako? Nagseselos?! NO! Hindi no! Babye na nga!” Binaba ko na ang phone. Naiinis ako. Nagselos ako para sa wala? What?! Hindi nga ako nagselos! Hindi! Hindi! Bumaba na ako para magalmusal. Nakita ko si Manang Tess na naghahanda ng almusal.

 

“Oh Maya, buti gising ka na. Kumain ka na at alam kong masakit ang ulo. Uminom ka na din ng gamot.” Sabi sa akin ni Manang Tess. “Bakit ka ba kasi naglasing?”

 

“Nagkasiyahan lang po Manang.” Kumain na ako at uminom ng gamot. Pagkatapos kong kumain, umakyat agad ako at naligo. Pupunta ako sa mall sa coffee shop.

 

___________________________________________________

 

Nakabihis na ako at nakaayos. Tinawagan ko si Sophia na pupunta ako sa shop nya ngayon. Bibili na nga din ako ng damit at gamit para sa baby nya. Advance Gift ko sa kanila. Biglang nagring ang phone ko…

 

Ring… Ring… Ring… 

Emman Calling…

 

“Hello Emman?” Sabi ko agad. Alam kong may alam to sa mga ginawa ko kagabi.

 

“Ano? Excited lang na makausap ako?” Sabi ni Emman. “If I know itatanong mo sa akin ang nangyari kagabi?”

 

“Eh ano nga ba?” Nagtataka talaga ako. Am I wild yesterday? “Wild ba ako kahapon?”

 

“Hindi lang wild Girl! Wild na wild!! Buti na lang dumating si Papa Richard mo kundi nako!”

 

“Hay nako Emman! Ayoko muna madinig yung pangalan ni Richard. Bye for now!” Binaba ko na ang tawag ni Emman.

 

Nagdrive na ako papunta sa mall. Dumiretso agad ak osa department store. Lakad dito. Lakad doon. Tingin dito. Tingin doon. Hanggang sa nakita ko si Little Girl Abby kasama si Yaya Doris nya sa kid’s section ng department store. Lumapit agad ako.

 

“Hello Yaya Doris!” Sabi ko at lumingon sa akin si Little Girl Abby. “Hello Little Girl! How are you?”

 

“I’m okay po Tita Maya!” Niyakap ako ni Abby at nagpabuhat sya sa akin.

 

“Nako po Ma’am! Maraming Salamat po talaga sa lahat!” Sabi ni Doris. “Kasama mo namin si Sir ngayon eh. Yung Daddy po ni Abby.”

 

“Ah,  so alam ba ng Sir mo yung nangyari last time?”

 

“Opo, alam nya po. Nagalit nga po sa akin at mukhang tatanggalin ako trabaho pero buti na lang po pinagtanggol ako nitong si Abby.” Hinaplos haplos nya ang buhok ni Abby. Hinarap sakin ni Abby ang Ipad nya.

 

“Thank you Tita Maya. I love you. Let’s play!” 

 

“Osige ba. Upo tayo doon oh.” Buti na lang malapit ang shoes section kaya may upuan. Naglaro kami ng naglaro ni Abby hanggang napagod na sya nagpabuhat ulit sa akin.

 

“Alam mo Ma’am Maya, hindi po ganyan si Abby sa ibang tao. Sa inyo lang po sya ganyan.” Doris said.

 

“Bakit nga pala hindi sya nagsasalita?”

 

“Kasi po natrauma sya sa pagkawala ng Mommy nya. Nung baby po kasi sya, lagi nyang nadidinig ang boses ng Mommy nya pero bigla na lang nawala kaya nalungkot si Abby at hanggang ngayon hindi na sya nagsalita.”

 

“Asaan nga pala yung Daddy nya?”

 

“Nako, may binili lang po yun. Sabi naman nya po, itetext nya ko pag okay na sya sa mga binili nya.”

 

“Tita Maya…” Abby said while sleeping!!!

 

“Nagsalita sya Doris!! Nagsalita!!!” Nako, tuwang tuwa ako at parang gusto ko maglulundag sa tuwa pero hindi ko magawa kasi baka magising sya.

 

“Maya?” Nadinig ko may tumawag sa akin mula sa likod ko. Kilala ko ang boses na yun. It was Richard’s voice.

 

“Nako Sir! Eto nga po pala si Ma’am Maya. Yung tumulong po sa akin nung nakaraan.” Doris said.

 

Nagulat ako. So, si Abby ang anak ni Richard at yung tinutukoy na Sir ni Doris ay si Richard?

 

“Ang liit ng mundo. Ikaw pala ang Daddy ni Little Girl Abby.” Sabi ko, natutuwa ako at nakita ko sya.

 

“Yes, what a small world. Ikaw pala ang tumulong kay Abby.”  Nagising si Abby at bumaba sa pagkakabuhat sakin at lumapit sa Daddy nya.

 

“Daddy…” Sabi ni Abby lahat kami ay nagulat even Richard.

 

“Abby! Baby Princess! Nagsasalita ka na!!!” Richard said. Teary eyed na nga sya pati ako naiiyak na sa tagpuan ng mag’ama. “Baby, one more time. Say ‘Daddy’.”

 

“Daddy…” Abby said once again. Niyakap na ni Richard si Abby. Nakatalikod sa akin si Abby at nakaharap si Richard. Tumingin sa akin si Richard and he mouthed ‘Thank you’.  Pumiglas sa yakap si Abby at tumakbo papalapit sa akin.

 

“Tita Maya, thank you.”  Abby said.

 

“Nako Little Girl Abby, wala yun. Wala nga akong alam na ginawa ko para mabalik ka ulit sa dati.”

 

“Daddy, sama natin si Tita Maya sa dinner.” Abby said kahit medyo bulol pa si Abby.

 

“Sure Baby.” Richard said and he looked at me. “So, Maya? Kilala mo na siguro ang baby ko.”

 

“H-ha? O-oo.” Yun na lang ang nasabi ko nahihiya kasi ako eh! Ano ba naman kasi ang kalokohan mo Maya!!!

 

“Sama ka na sa amin Maya. Alam kong masaya si Abby pagkasama ka.” Richard said. Lumapit sa akin si Abby at nagplease sign pa sya sa akin.

 

“Paano ba naman ako makakatanggi sa Little Girl ko?” Sabi ko ang cute kasi talaga si Abby. “Osige, Babalik ako ibibigay ko lang tong gifts ko sa friend ko.”

 

“Samahan na kita Maya.” Richard offered. Nako, kinikilig na naman ako.

 

“Nako, wag na Chard. Sandali lang naman ako.” Sabi ko pero deep inside gusto ko din.

 

“No, I insist.” Richard said. “Doris, mauna na kayo dun sa restaurant. Susunod na lang kami.”

 

 

Habang naglalakad kami. Richard held my hand. Feeling ko highschool talaga ako! Nakarating na kami sa coffee shop ni Sophia. I saw Simon and he looked at me.

 

“Hello Simon!” I greeted him and kissed him on the cheek. Richard was still holding my hand. Simon gave me a meaningful look. “Ah, Simon si Richard. Richard si Simon Childhood friend ko.”

 

“Hello Simon, nice to meet you.” Richard offered a handshake. Tinanggap naman ito ni Simon.

 

“Oh guys. Iwanan ko muna kayo. Lapitan ko muna si Sophia. Ikaw na bahala sa kanya Simon.”

 

“Sige Maya. Ako na bahala.”

 

___________________________________________________

Richard’s POV. 

 

Sobrang swerte ko na ata kay Maya. Napapasaya na nya ako bumalik pa sa akin muli si Abby. Ang laki ng pasasalamat ako at nandyan si Maya sa tabi ko. Ngayon, andito kami sa coffee shop ng friend ni Maya at kausap ko si Simon ngayon.

 

“Nililigawan mo ba si Maya Richard?”  Simon asked me. Seryoso ang mukha nya.

 

“Yes.” Yun na lang ang nasabi ko hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko kay Simon.

 

“Alam mo Richard, ang dami ng pinagdaanan ni Maya kaya sana wag na wag mo syang sasaktan. Naging saksi ako sa lahat ng sakit na naranasan nya.”

 

“I know about that Simon. Kaya ko nga siya minahal dahil gusto ko syang protektahan.”

 

“Maraming Salamat naman at minamahal mo si Maya parang kapatid ko na yan eh.” Simon smiled at Richard.

 

“Don’t worry. Ako bahala sa kanya.” Richard smiled also. “Pero Simon, pwede mo ba ako tulungan?”

 

“Saan?” Binulong ni Richard sa kanya ang plano nya.

 

“Sure Pare! No problem.”

 

Ako naman ang magpapasaya sayo Maya. Just wait. You’ll be the happiest woman…

 

to be continued…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

2 thoughts on “Questions – part 10

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s