Questions- part 9

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa. This is a continuation to Questions-part 8.


A/N: Please follow my blog: http://missathenaabrianna.wordpress.com/ :) Thank you so much sa mga sumusoporta ng story ko!🙂

Tinatapos ko na tong series na ‘Questions’ pero hindi pa ito ang last chapter.  I need to focus na din kasi sa another story ko na ‘Miserable Life’. After kong matapos yung ‘Miserable Life’. I have another story!🙂 Pero siguro sa summer pa yun para tuloy tuloy ang update ko :) 

Please help me na ipromote tong blog ko sa other readers!🙂 Please please please!!!🙂

 

Author:MissAa

 

~*~

___________________________________________________

Chapter 9 – The Confession

“I’m Maya Dela Rosa – Ventura. 28 years old. I’m the CEO of Time Airways…

And this is my story…”

___________________________________________________

Maya’s POV.

Tingin ako ng tingin sa orasan ko. Malapit na kasi mag’lunch time and Richard texted me already that he was on his way to my office. May wink pa sa dulo ng text. Feeling ko talaga highschool ako ulit but I saw the picture of my family. James, Janica and Marco.

“Eto na ba yung sinasabi nyo na kailangan ko ding sumaya?” Sabi ko habang hawak hawak ko ang family picture namin.

But someone knocked on my door. Nakatalikod ako sa door.  Nakaharap ako sa view sa labas. Nilapag ko na ang frame at humarap sa pinto.

“Come in.” Sabi ko and I saw Eds with a meaningful look.

“Yes Eds?” Sabi ko. “Bakit ganyan ka makatingin?”

“Ehem Ehem. Ma’am Maya. Andyan na po ata ang sundo ninyo.” Eds said. “Papapasukin ko ba dito si Mr. Lim?”

“Sure. Papasukin mo.” I smiled and after a few minutes someone knocked again. “Come in!”

“So, are you ready for our lunch date?” He said while smiling. Ang gwapo nya sa suot niyang black polo na nakatupi hanggang siko nya. Lumalabas lalo ang kaputian nya.  “You have a nice office.”

“A date? Thank you. Very feminine ba?” I chuckled. Ang office ko kasi ay color blue. My favorite color.

“Yes, A date Ms. Dela Rosa. Yes, the color blue suits you.” He smiled at me and I saw his dimples. May dimples pala tong si Mr. Lim.

“So, shall we?” Ino’offer na nya ang kanyang braso at nilagay ko naman ang kamay ko doon.

“Let’s go.” Sabi ko habang nakangiti. Hindi ko mapigilan.

________________________________________________

Nakarating kami sa isang restaurant. ‘La Carmela Restaurant’. Pagpasok namin grineet na agad sya ng mga empleyado doon.

“Goodmorning Mr. Lim.” Sabi ng ibang empleyado at binabati lang sila ni Richard ng ngiti. Kinalabit ko si Richard.

“Bakit parang kilala ka dito?”  Tanong ko nagtataka kasi talaga ako.

“I’m always here. I held some of my meetings here kaya kilala nila ako dito.”

“I see.” Iba talaga pag ang kasama mo ay businessman.

“Goodmorning po Mr. and Mrs. Lim.” Sabi ng babae sa amin.

“Oh n-” Ic’correct ko sana ang sinabi nung babae pero pinutol agad ni Richard.

“Reservation for 2.” Sabi ni Richard dun sa babae.

“This way Sir.” Sinundan namin ang tinuro ng babae at pagkaupo namin pinipigilan tumawa ni Richard.

“Bat hindi mo sinabi na hindi naman ako si Mrs. Lim?” Sabi ko pero sya wala pa din tawa pa din ng tawa. “Ano ba ang nakakatawa huh?”

“Chill Maya. Pagtinama ko pa kasi sya, mahaba habang explanation pa edi sana hindi pa tayo nakaupo ngayon.” Sabi ni Richard. “Kayo ako natatawa kasi ang itsura mo parang pinagsakluban ng langit at lupa. Wala namang masama kung mapagkamalan kang Mrs. Lim.”

Natawa na lang din ako. Umorder na kami ng pagkain at nagusap sa kahit anong bagay. Masaya pala kasama tong si Richard medyo may pagka’kwela din sya.  Napagusapan namin ang tungkol sa family ko and family nya.

“So, may daughter ka pala?”  Sabi ko.

“Yes, meron. 6 yrs old.” Sabi nya habang nakangiti halata sa kanya na mahal na mahal nya ang anak nya.

“Pwede ba ako magtanong sayo? Medyo personal?” Nac’curious kasi ako kung nasaan ang Mommy ng anak nya. Hindi nya nabanggit.

“Go ahead.”

“Where’s the Mom of your daughter?”

“She cheated on me. Ayaw nya pa kasi magka’anak pero nabuntis na sya. After she gave birth to our daughter. She left with my guy bestfriend.They have a relationship na pala habang kami.”

“Oh, so sorry to hear that.” Ang sakit naman pala nung ginawa nya. “So, ikaw ang nagpalaki sa anak mo? Single Dad?”

“Yes, Single Dad with the help of my 2nd mother. Manang Fe.”

“Oh I see.” Natutuwa ako kasi iilan lang naman ang mga lalaking nagsasabi ng dahilan kung bakit sila iniwan nung girl. Ma’pride kasi ang iba diba?

“Can I ask you question also?” Sabi nya sakin.

“Sure.” Kinakabahan ako pag ganito eh. Pag may magtatanong sakin.

“I saw a picture a while ago inside your office…” Hindi nya alam kung itutuloy nya ba ang sinasabi nya. Ayaw nya siguro akong mao’offend.

“It’s okay Chard. Yes, sila yun. My Late Husband, Son and Daughter.” I smiled. Ayoko naman isipin nya na nasasaktan pa din ako. Masakit pero tanggap ko na.

“Are you okay? How are you after that incident?” He asked me and I saw a worry in his eyes.

“I’m okay pero sobrang gulo ng buhay ko after that incident. Akala ko hindi na ko makakabangon at hindi na ako makakangiti at tawa sa sobrang lungkot na naramdaman ko. Kung tutuusin nga, I’m lucky because I have them. I’m always thankful but sabi nga nila ‘everything happens for a reason.’ pero now, I’m okay.”

________________________________________________

Richard’s POV.

 

I asked Maya about her late husband and kids. I saw in her eyes that she’s okay but she’s hurt. Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman nya, kukunin ko.

 

“Glad to know that you’re okay now.” Yun na lang ang nasabi ko ayoko na kasi pahabain ang usapan namin about doon. “So, let’s go? May work pa tayo.”

 

“Sure.” Inalalayan ko syang tumayo and I held her hand. Hindi naman sya umangal at mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko sa kanya.  “Chard, hindi ako mawawala.” She chuckled.

 

I love her laugh. Her Smile. I love everything about her. I saw her smile and I realized something….

 

 

I already love her. I love Maya Dela Rosa. 

 

“Sorry, masyado bang mahigpit?” I smiled and I looked at her eyes. I saw how she turned red.

 

“N-no. It’s okay.” She said habang nakayuko. I lifted her chin and looked at her eyes.

 

“Nothing to worry about  Mrs. Lim. Okay lang na mamula ka, tutal gwapo naman ang kasama mo.”

 

“Wow! Ang taas ng confidence mo Mr. Lim. H-hindi po ako namumula.” She said. She was stammering again.

 

“You’re a bad liar Mrs. Lim.” I stepped closer to her. Umatras sya. Lumapit ulit ako at nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Pinikit nya ang mga mata nya. I held her hand again. “Let’s go Mrs. Lim.”

 

“R-Richard!” Maya said. Namumula na talaga sya. “Baliw ka talaga!” Pinalo nya ko sa balikat habang naglalakad kami papuntang parking lot.

 

“I was just teasing you Mrs. Maya Lim.” Sabi ko, hindi ko na din mapigilan ang matawa.

 

“Kanina mo pa ako tinatawag na Mrs. Lim.” She said. “Hindi nga ako Mrs. Lim.”

 

“But someday you will be.” I whispered. Alam ko na hindi nya narinig yun.

 

“Anong sabi mo?” She asked. I opened the passenger’s door at pumasok na sya. Hindi ko sinagot ang tanong nya. Pagkapasok ko sa driver’s seat.

 

“Uyy! Ano yung sinabi mo? Hindi ko nadinig.” Kinalabit nya ko pero hindi ko sya pinapansin.

 

“Uyy! Mr. Lim.” Kinakalabit nya pa din ako. Wala pa din akong imik. Kunwari nagtatampo lang ako.

 

“Uyyyy! Nagtatampo si Mr. Lim.” Kinikiliti na nya ko.

 

“Maya! Maaaksidente tayo nyan!” Medyo napalakas ang boses ko pero hindi ko naman sinasadya. Tinabi ko ang sasakyan kasi sumandal na sya at tumahimik na.

 

“Maya, hindi ko naman sinasadya. Wag ka ng magtampo.”

 

“Uyy Maya…” Kiniliti ko na din sya. Kitang kita ko na pinipigilan nya ang pagtawa.

 

“Uyyyyy Mayaaaa….”

 

“Okay Chard! Stop! Hindi na!” Sabi nya. Natuwa naman ako.

 

“Good Mrs. Lim!” I held her hand and I kissed it. She gasped and turned red.

 

Nagdrive na ako pero hawak hawak ko pa din ang kamay nya but someone called me and it’s my baby princess. I need to answer it. Binitiwan ko muna ang kamay ni Maya at sinagot ko ang phone call.

 

Ring… Ring… Ring…

 

“Hello Baby?”

 

“Sir Richard! Si Doris po ito.” Doris is the Nanny of Abby. “Ipagpapaalam ko po sana kung pwede po kami pumunta ni Abby sa mall? May bibilin daw po kasi sya.”

 

“Ah, okay pero be home by 6pm? Wag papabayaan.”

 

“Yes Sir.” Doris said. “Gusto daw po kayo makausap ni Abby.”

 

“Bye for now. I’m driving Baby. Take care later. I love you so much.”

________________________________________________

Maya’s POV.

 

Nagulat ako sa kausap ni Richard sa cellphone. Bigla kasing nagring ang phone nya at binitiwan nya ang hawak nya sa kamay ko. Kinikilig na ako eh, bigla pang nawala.

 

“Hello Baby?” Sabi ni Richard. Sino naman tong si Baby na to?

 

“Ah, okay pero be home by 6pm. Wag papabayaan” Aba! At nagpapaalam pa ata? May girlfriend na ata to. May sinabi pa ang kausap nya sa bilang linya.

 

“Bye for now. I’m driving Baby. Take care. I love you so much.” Bakit parang naiinis ako? Tumahimik na lang ako at humarap sa window. Binaba na ni Richard ang hawak nyang phone at hinawakan ulit ang kamay ko pero kinuha ko ulit to. Naiinis kasi ako eh buti na lang andito na kami sa tapat ng office ko.

 

“Thanks for the lunch Mr. Lim.” Bumaba na ako ng sasakyan at nagtuloy tuloy na sa opisina ko. Nadaanan ko ang table ni Eds.

 

“Eds, pupunta muna akong mall. Please text me kung saan bar tayo at susunod na lang ako. Don’t wait for me here. I need to go bye.”  Umalis na ako at nagdere’deretso sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ko.

Pagkapasok ko sa sasakyan ko…

 

“Nakakainis ka talaga Mr. Lim! Yayayain mo akong maglunch tapos may ‘Baby’ ka naman pala! Pinaglalaruan mo ata akong intsik ka eh! Kainis ka! Kainis!” Yan ang mga sinasabi ko habang nagd’drive. Baliw na kung baliw pero nakakainis kasi talaga! Akala ko seryoso sya sa akin? Bakit parang hindi naman?!

 

Pumunta ako sa mall para mag’relax. Nakakainis kasi talaga yang si Mr. Lim na yan! Bumili na lang din ako ng damit para sa party namin nila Emman. I went to a coffee shop. This is my favorite coffee shop. Lagi akong nandito pag stressed ako at paggusto ko lang magrelax.

 

“Goodmorning Ms. Maya!” The bartender said. Kilala ako dito. Araw araw ba naman?

 

“Goodmorning Sophia! Mukhang ang daming customers huh?”

 

“Yup, may event kasi dyan sa loob ng mall at pagkatapos halos lahat dito dumiretso.”

 

“Ang sarap kasi ng coffee mo.” I said. Sophia is a very close friend of mine. It’s been 5 years simula nung naging magkaibigan kami. Nung nawala si James and my kids. Lagi akong nandito hanggang maging close ang store nila kaya one time kinausap ko ni Sophia about my problem.  Naging friends na din kami afterwards.

 

“Sus, nambola ka pa Maya. Yun pa din ba ang order mo? Mukhang may problema ata tayo ah.” Natatawang sabi ni Sophia sakin. Kilala talaga ako nito.

 

“Yes, yun pa din ang order ko. Wala naman.” Sabi ko pero deep inside gusto kong manapak ng tao. Akala ko talaga seryoso sya, pero bakit may ‘baby’ sya.

Umupo na ako sa favorite spot ko. Lagi tong nakareserve para sa akin. Maganda kasi dito. Nav’view mo yung garden ng mall. Kaya mas nakakarelax…

 

“Mukhang ang lalim ng iniisip natin.”  Nagulat ako sa nagsalita. Si Sophia pala. Nilapag na nya ang coffee sa table ko. Hindi ko pala nakuwento sa inyo. Ang childhood friend kong si Simon ay asawa pala ni Sophia. Nagkakilala nila dahil sa akin. Naging friends then lovers.

 

“Hindi naman malalim.” Sabi ko pero alam kong nahahalata nya na may problema ako. Hindi naman masyadong mabigat ang problema ko.  Akala ko kasi talaga seryoso sya sa akin.

 

“Ilabas na yan. Bago pa, mahuli ang lahat.” Sophia said. Ganyan na ganyan din ang sinabi nya sa akin 5 years ago. Biglang dumating si Simon at lumapit sa amin.

 

“Hi Babe!” Simon kissed Sophia on her lips. “Hello Maya!”

 

“Nako naman Simon! Maka’halik kay Sophia akala mo wala ng bukas.” Natatawa kong sabi. Ang sweet talaga nila.

 

“Nako Babe, may problema yang kaibigan mo.” Sophia said.

 

“Ano ka ba Sophia! Wala naman eh.” Sabi ko pero syempre kilala nila ako at hindi sila naniniwala.

 

“Osige na Maya at madami ng customers. Simon, ikaw muna bahala kay Maya.” Sophia said.

 

“O Maya? Anong problema?” Simon asked me. Seryoso na din to.

 

“Wala nga.” I said. “I need to go now Simon. Ingat kayo ni Sophia and wag mo masyadong hayaan magtrabaho yan. Buntis yan.” I smiled at him and nagb’bye na din ako kay Sophia. “Ninang ako ah! Bye!”

 

Naglakad lakad ako sa mall. Nagpunta ako sa department store, sa ilang stores at napadpad ako na isang book store. May nakita akong umiiyak na batang babae. Mukha naman syang may kaya sa buhay siguro nawawala ito. Nilapitan ko.

 

“Hello Little Girl. Bakit ka umiiyak?” Umupo ako para kalevel ko na din ang bata. Nilabas nya ang Ipad nya at may sinulat.

 

“Nawawala po kasi ako. Hindi ko po makita si Yaya Doris.”  Sabi nya na nakasulat sa Ipad nya.

 

“What’s your name Little Girl?” Sabi ko.

 

“Abby.” Yun yung nakasulat sa Ipad nya.

 

“Osige, Little Girl Abby. Ako si Tita Maya.” Umiiyak pa din sya.

 

“Osige, tahan ka na. Hintayin natin si Yaya Doris mo at kung hindi natin sya makita. Pupunta tayo sa office ng mall.”Niyakap ako nung bata at nagpapabuhat sakin. Binuhat ko naman sya, kinukwentuhan ko sya kahit hindi sya sumasagot. Tumatango lang sya pag kinakausap ko sya pero hindi na sya gumagalaw. Nakatulog na siguro. Naglakad lakad ako sa paligid ng book store at baka kasi may naghahanap sa kanya.

 

Bigla akong may narinig na sumisigaw ng pangalan ni Abby…

 

“Abby!! Abby!! Abby!!” Nakita ko ang isang babae na naka’uniform. Eto siguro si Yaya Doris nya.

 

“Yaya Doris!” Sumigaw din ako. Tumigil naman ang babae at hinahanap kung sino ang tumawag sa kanya. Tinaas ko ang isang kamay na hindi nakahawak kay Abby. Nakita nya kami at tumakbo sya agad sa akin.

 

“Nako Abby!! Aatakihin ako sayo!! Patay ako sa Daddy mo!” Sabi ni Yaya Doris. “Nako Ma’am! Maraming Salamat po!” Kinuha na nya si Abby sa akin.

 

“Nako, wala yun. Next time. Hold her hand para hindi sya mawala. Kanina pa sya iyak ng iyak kaya siguro nakatulog na and kaya ko nalaman name mo kasi yun yung nakasulat sa Ipad nya kanina.”

 

“Sige po Ma’am. Maraming Salamat po talaga! Thank you po!” Umalis na si Yaya Doris at Abby. Pagkatingin ko sa orasan ko 6pm na pala!

 

“Oh sh*t! Late na ko!” Tinignan ko ang phone ko at andami ng texts and missed calls from Emman, Eds, Celine at Richard. Binasa ko muna ang text ni Eds.

 

‘6pm at Lou La Bonte’s Bar.’ 

 

_________________________________________________

 

7pm. 

 Dumating ako sa Lou La Bonte’s Bar. Hindi naman ako nahirapan hanapin kasi bago nga at madami namang tao sa labas. I parked my car and nagmadali akong pumasok. I saw Emman, Eds and Celine nakaupo sa isang pa-U na couch. Magkatabi sina Emman at Eds. Tumabi ako kay Celine.

 

“You’re late Mayabells!” Emman said. “Nakakainis ka.”

 

“Sorry naman. Napasarap ang tambay ko sa mall eh.”

 

“Ohyes! At halata sa mukha mo na may problema ka.” Eds said. Wala na ata talaga akong takas.

 

“Wala akong problema.” Sabi ko sa kanila. Kumuha na ako ng shot glass at uminom na ako ng sunod sunod.

 

“Woahh! Maya! Hindi ka naman sanay uminom.” Celine said. “Hinay-hinay lang magd’drive ka pa.”

 

“It’s *hik* okay *hik* Celine!” Sabi ko, hindi pa ako lasing pero tipsy na ako.

 

“Ano ba kasing problema mo Girl?” Tinanong ako ni Emman.

 

“Kashi naman kashong (kayong) mga boysh (boys)! Manliligaw! tas may hiba (iba) naman palash (pala)! *hik* *hik*”

 

“Goodevening to all of you! To all of our guests tonight! We will be having a game since this is the first day of our club!” Bigla akong may narinig na naghost sa stage. Game? Ano naman kaya ang game? Kahit tipsy ako, alam ko pa ang nangyayari sa akin.

 

“Ang game natin ay tinatawag na ‘One minute alcohol’ May nakahandang mga shotglass na may laman na iba’t ibang alcohol at kung sino ang may pinakamaraming shot sa isang minuto ay siya ang panalo! Sino ang gustong sumali?”

 

“Ako! *hik*” Sabi ko at tumayo ako alam ko pa ang ginagawa ko sabi ko sa inyo eh!

 

“Maya! Hindi ka pwede! Lasing ka na!” Pinigilan ako ni Celine at tumayo na din sya para pigilan ako pero biglang tumapat sa amin ang spotlight.

 

“Okay! We have these two ladies para sa ating game. Tamang tama! Two ladies and Two men!”

 

“Emman!!!” Nadinig kong sigaw ni Celine. “Tulungan mo ko kay Maya.”

 

“Sumali na kayo dun Celine. Dali na.”

 

Hinila ko na si Celine at pumunta na kami sa stage. Sabi ko sa inyo, HINDI PA AKO LASING. TIPSY LANGGGG! *hik* *hik*

 

Pumwesto na kami, magkatabi kami ni Celine at yung two guys.

 

“One, two, three. Start!!!” Sabi ng host. At nagmadali, sunod sunod ang inom ko. Hindi ko alam kung nakakailan na ako pero hilong hilo na ako.

 

“Stop!!! Raise your hand!” The host said. “Okay, let’s see kung sino ang panalo.”

 

“And the winner is….” Sabi ng host. “Ms. Maya!”

 

Idadaan ko na lamang sa alak ang problema ko….

 

 

 

 

 

One thought on “Questions- part 9

  1. Pingback: Questions – part 10 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s