the reason behind 2

a/n:  hello mga ka-EB beybeh! hahaha! isang nakakalerking morning,afternoon and evening sa inyo!  hahaha! grabe episode this past few days noh? ang saya maglihi ni tita mommy! matagal bago ko naisipang isulat ung next and last chapter nito (yeah..last na,isang bagsakan na lang,hirap nang sundan e!) ..i know super nabitin kayo..hehe! actually, wala na talaga kong balak sundan to’ maga-awol na sana ko e! haha! e  kasi ang ganda na ng ina-air nila sa tv..si Maya na talaga yung naglilihi! kaya nahirapan nako magisip kung panung si Ricky ung maglilihi pag dating dito sa fanfic ko…kaso, dumating si Doris with her tan skin! at mukhang yun ang isa sa paglilihian ni Mrs.Chief bukod sa sunog na pansit ni Ricky! oh no! baka manognog si Baby Bunso nyan paglabas! Pinaghirapan at pinagpuyatan pa naman nila ni Ser Chief yun! hahaha! kaya eto..mejo nagkaron na ulit ng idea ang brain cells ko kung panu dudugtungan..kumbaga eto na ang nangyari o yun ngang The Reason Behind… Enjoy reading!

~~~*^*~~~

Kute: oh dami mong missed calls ahh..anu yan? Gutom ka na naman?

Maya: hindi noh..

K: oh anung meron?

M: e kasi nakokonsensya na ko dahil pinaglilihian ko ung luto ni Ricky…

K: huh? E anung lasa nun?

M: hmm..masarap sa panlasa

K: hehe! Oh e anung problema?

M: e kasi napupuyat sya e..

K: ahh..oo gets ko! Naalala mo nun,ganyan din ako nun kay mamang?

M: oo nga noh?

K: oh diba? ang kaibahan lang namin nun… si Ricky napupuyat sa kakaluto sayo! si Mamang naman,excited na excited magluto,hindi pa ko naghahanap sinisimulan na ang pagluluto ng putok batok! panu excited din tumikim..

M: hehehe! oo nga..alam mo si Ricky,sya mismo ayaw nya nung lasa ng luto nya

K: hehehe!

M: Ui! kute! Seryoso na! Naaawa na talaga ko kay Ricky e…sya ung napapagod, tapos naaabala pa ung trabaho..

K: e anung gusto mong mangyari?

M: e ayoko syang isali dun sa paglilihi ko..diba dapat ako ung nagaalaga sakanya? mas sweet yun e! kesa sya ung napupuyat tapos sya ung napapagod..

K: e bat di mo na lang kaya ilipat sakanya ung paglilihi mo?

M: pwede ba yun?

K: oo..e sabi ng mga matatanda, pag hinakbangan mo raw ung asawa mo,ayun lilipat sakanya ung paglilihi mo….

Pagkatapos ng phone calls ng magkapatid, agad-agad nang umuwi si Maya…wala pa rin talaga syang ganang kumain dahil wala pa rin naman si Ricky para maipagluto sya.. kaya naman paulit ulit na tumatakbo sa isip nya ang mga pinag-usapan nilang magkapatid.

Maya: (in her thoughts) hmm…totoo kaya yung sinasabi ni Kute? matignan nga sa internet..

“Sa baryo namin sa probinsya,naniniwala kaming  mga babae na nasasalin ang paglilihi..tumatawid kami sa mga mister namin…..”

hmm…subukan ko kaya ngayong gabi? kaso…sigurado pagod na naman yun si Ricky, kawawa naman..bukas na lang siguro..baka maistorbo ko pa sya e..

Halos madaling araw na nga ng dumating si Ricky, madaling araw na din nakakain ng marami at maayos si Maya.. As usual, pansit na mapait na naman.. pangalwang beses nang ganito ang routine ng mag-asawa, nakakaawa sila pareho.. Si Maya, hating gabi na kung makakain, si Ser Chief naman, imbis na matutulog o magpapahinga na, ipagluluto muna ang asawa..

kinabukasan…

Doris: Mrs.chief!

Maya: ang cute mo! Doris tignan mo ikaw oh! Ang itim,ang taba..bilog na bilog! Waahsus! Tabachingching! Hahaha! Cute cute mo talaga!

Doris & Sabel: (takang-taka sa reaksyon ni Maya)

Doris: hehehe.. talaga Mrs.Chief? pati ba naman ikaw namiss mo rin ako ng sobra?

M: Oo naman! grabe! ang cute cute mo talaga! nakakatuwa ka!

Sabel: (in her mind) v.o hmm.. anu bang nangyayari dito kay Mrs.Chief? epekto na yata ito ng gutom! nalipasan na naman ata..bipolar na e! biruin mo?! si Doris? cute? nakakaloka! (napatingin kay Doris) hmmm..wag mong sabihing.. naku! oo nga! patay kang bata ka! baka pati itong’ tutong na si Doris e pinaglilihian na din! ang weird naman magbuntis nito ni Mrs. Chief oh! kailangang mailayo ko sya kay Doris! panu na lang kung nognog ang baby bunso? kawawa naman sila, pinagpuyatan ng mag-asawa un! dapat kung gagawa ka na nga lang, the best na! first born son/daughter nila yun, hindi ko hahayaang kay Doris maipaglihi! dapat sakin! para magandang lahi! wahahahaha! (evil laugh)

D: hehehe.. ayun!ganun na nga po Mrs. Chief..napasarap sa swimming at sa mga pagkain sa probinsya..

S: ahh..e..mawalang galang na po sa inyo Doris,Mrs.Chief, istorbohin ko muna kayo sa chikahan nyo ha.. Si Abby kasi naghihintay na dun sa taas di ba Doris..

Doris: ahh.. oo nga po pala Mrs.Chief sige po akyat nako sa taas..

Maya: oh sige Doris! balik ka dito after mo kay Abby ha.. ang cute cute mo talaga! gusto kitang pisilin! taba taba mo! ang itim pa! pakurot nga…yikes! tabachingching! hahahaha!

Sabel: (in her mind) v.o naku yari na! confirmed! giliw na giliw ang buntis kay Nicki Minaj este Doris pala mukha namang ulikba..pano kaya ito..

Uhm..Mrs. Chief? gusto nyo po sa kusina po muna tayo? may inihanda pong pansit si Ser Richard para sa inyo.

Maya: wow! talaga Sabel?gusto ko yan! nakalam na din kasi ung sikmura ko..si baby bunso gutom na din.. halika na dali!

sa kusina…

Maya: narinig mo na ba yung tungkol dun sa paglilipat ng paglilihi?

Sabel: yung paghahakbangan? Ay naku Mrs.Chief! totoo po un! Ginawa po un ng nanay ko sa tatay ko e.

M: talaga?

S: ang tatay po ang naglihi saming magkakapatid.. bakit po? gusto nyo pong i-try kay Ser Richard?

M: hmmm.. oo sana e..naaawa na kasi ako sakanya, lagi nang puyat at pagod tapos paglulutuin ko pa,ayaw ko na syang mahirapan..

S: ay naku..tama po kayo jan Mrs.Chief! para patas na kayo… ikaw ang lolobo ang tyan,at sya naman ang maglilihi para sa inyo! oh diba? bongga!

M: sa tingin mo? okay lang yun? di na kaya mahirapan nun si Ricky?

S: ay opo! (pabulong: saka yun, baka maayos ayos pa maglihi yun, at di na si Doris ang paglihian)

M: ano Sabel?

S: e..ahhh..ehh ano.. ang sabi ko po, okay lang po yun Mrs.Chief! bakit di nyo po subukan? mamaya po pag-uwi ni Ser!

M: hmm.. teka, tatawagan ko si Ricky..  hello mahal?

Ricky (on the phone) : oh yes Mahal?

M: uhm.. tapos na ung meeting mo?

R: Yes, maaga natapos kaya pauwi na rin ako..kumain ka na ba?

M: oo, kakakain ko lang..buti nga may natira dun sa pansit na niluto mo kanina..

R: that’s good..so i guess makakatulog na tayo ng maayos this time..

M: oo naman Mahal, di na ko magpapaluto sayo mamaya, busog na rin naman ako e..marami akong nakain.

R: that’s nice.. o sige mahal, magda-drive nako,see you later..

M: Sige mahal, ingat ka..

oh! tamang tama Sabel! pauwi na si Ricky!

S: Ay mabuti naman po kung ganun.. haay! akala ko tuluyan nang si Doris ang paglilihian nyo e.. baka kung si Ser Richard ang maglihi, mailihis kay Doris! mahirap na! baka maging nognog si Baby Bunso paglabas!

M: hahaha! grabe ka naman Sabel.. ang cute nga ni Doris e!

S: naku! Mrs.Chief! yun? cute!? e natakot nga si Abby kaninang umaga nung nakita yun!

M: talaga?

S: opo! naku! nagtitili at tumakbo pa kamo si Abby! natakot talaga ng sobra!

M: hmm..e bat ako? cute na cute sakanya? nakakatuwa kaya sya..

S: e kasi nga po,isa na sya sa pinaglilihian nyo bukod sa sunog na pansit ni Ser Richard!

M: hala Sabel..seryoso ka? alam mo..ang weird ko nga talagang magbuntis noh? mahilig ako sa sunog?

S: tumpak Mrs.Chief! kaya kung sa inyo, kay Ser Chief ko na lang ipapasa ang paglilihi ko! baka ayun, magagandang bagay ang paglihian! Sige ka, kung itinuloy mo yang pagkamagiliw mo kay Doris na chubby at cute kamo? at maitim? E baka mala-Ryzza Mae Dizon yang si baby bunso nyo!

M: Si Ryzza chacha? ung aling maliit?

S: mismo! tignan nyo, pag pinush mo kasi yang si Doris, paliitin mo lang gawa nung bangs, naku! si Ryzza na! carbon copy! copy paste! mini me! hahahah! ayun nga lang, ung mata hindi sila pareho, hindi singkit…e komo si Ryzza e chinita, ayun lang ang makukuha kay Ser Richard pag nagkataon..

M: hahaha! oo nga noh? e cute naman si Ryzza ah..

S: opo, andun na tayo..cute nga..kaso kalaban natin yun e.. yung show nun katapat natin.. kaagaw sa ratings..

M: hmm…kung sabagay, tama ka jan..

narinig ang tunog ng sasakyan ni Ricky

M: ui..si Ricky na yata yun.. sige Sabel ah..puntahan ko lang..

S: Sige po Mrs. chief..

M: Mahal! kumain ka na ba? gusto mo ipaghain na kita? kumain na kami ng mga bata..andun na sila sa kwarto nila.

R: Kumain na ko sa office Mahal, ano…tulog na tayo?

M: okay, mahal..tulog na tayo.. halika na sa taas..

sa kwarto

R: Mahal, i’ll just freshen up..

M: hmm.. okay..

After a few minutes

R: buti maaga kami natapos sa opisin..makakatulog tayo ng maaga..

M: oo nga e..  tulog kana..tulog na tayo..goodnight mahal..

R: goodnight mahal! (kiniss sa lips si Maya)

ilang oras lang,mahimbing na mahimbing nang natutulog si Ricky.. Si Maya naman, nakahanap na ng tamang tyempo..

M: (in her mind)  eto na ba to’? gawin ko na kaya? ay  teka..matawagan nga muna si Kute.. hello Kute?

K: Oh bunso? bakit gising kapa?

M: ee…hindi pa kasi ako inaantok e.. balak ko na sanang gawin ung sinasabi mo..

K: ung paghakbang?

M: oo Kute.. tulog na tulog na dun sa kwarto si Ricky..

K: oh e anu pang hinihintay mo? gawin mo na..

12:45 am

M: (nakatingin sa natutulog na Ricky) eto na to’ chill ka lang Maya.. ooops! Wag sanang magising.. tulog na tulog naman na siguro si Ricky…Ricky, saglit lang to’..matulog ka lang jan ha..just be careful Maya, kalma ka lang..

dahan-dahan ngang pumwesto si Maya.. inihakbang ang isang paa, nakatungkod sa magkabila ang mga kamay, at pumaibabaw sya kay Ser Chief.. (eeee~! kinikilig ako! di ko matuloy! hahaha! basta imagine ung nasa teaser na lang)

nasa ibabaw na nga sya ni Ricky, nang di inaasahan.. bigla itong nagising at nahuli ang posisyon ni Maya..

R: What are you doing?!

M: I–Iiikaw?? wha–what are you doing? di ba dapat tulog na tulog ka? (nasa ibabaw pa rin ni Ricky)

R: Mahal? (nailang sa posisyon nila)

M: uhmm… (umayos ng pwesto, umupo sa kama)

R: is there a problem? may masakit ba sayo? anu ba yung ginagawa mo?

M: uhm..(in her mind: naku! anu kayang idadahilan ko dito?nag-ee-exercise? hindi pwede..magtataka yun..erase!erase!)e ano kasi..mahal, tatayo na sana ko, parang gusto ko kasi ng gatas e..tama! kukuha ako ng gatas..e tumawid lang naman ako kasi tinatamad akong tumayo..kaya ayun,pahakbang na ko nung naabutan mong ganun ung posisyon ko..

R: hmm..really? wala kang balak?

M: (nagblush) anong balak? umayos ka nga Mr.Lim! feeling mo naman re-reypin kita?

R: i thought…ikaw naman kasi..

M: Hahaha! kaya ba nanlaki yang mga mata mo?

R: I was shocked! pagmulat ko kaya nasa ibabaw kita..

M: So feeling mo nga? ano..yung ano..ganon?

R: apparently yes..

M: Ahahaha! grabe ka naman mahal! parang takot na takot ka pa! e nagawa na nga natin e..saka eto na oh! nasa tyan ko na si baby bunso..

R: Ikaw naman kasi..sana nagpakuha kana lang sakin..sana ginising mo na lang ako..

M: eeee mahal,tulog na tulog ka..ayaw kitang istorbohin..ngayon kana nga lang nakatulog ng maaga-aga e..

R: Mahal,  i will do everything for you..lalo na ngayon, you’re pregnant with our baby.. aalagaan kita.. kaya wag kang mag-alala sakin.. i love you..very much..

M: Aww..salamat mahal.. i love you…

R: Oh..umiiyak ka na naman?

M: Ewan ko ba mahal, kung mababaw ang luha ko noon,mas lalo yata ngayon.. mas tumindi ang pagiging iyakin ko simula nang dumating si baby bunso.. kanina nga nung dinalhan din ako ni abby ng gatas,napaiyak din ako…sorry mahal,ang iyakin ko..

R: (wiping her tears) it’s okay mahal,don’t worry…sandali lang ha.. i’ll just get your milk..

M: okay..

kinabukasan

S: la.la.la… goodmorning Mrs.Chief!

M: goodmorning Sabel!

S: kamusta po? success po ba? asan po si Ser Richard?

M: ayun,tulog na tulog pa.. ang haba nga ng tulog e.. Asan si Doris?

S: huh? walang epekto? si Doris pa rin ang hinahanap nyo? akala ko naipasa nyo na kay Ser ung paglilihi nyo?

M: oo Sabel, pinasa ko na kagabi,nahakbangan ko na sya.. Kaya ko hinahanap si Doris para maasikaso nya na si Abby..

S: aaahhh…ayun naman pala..

D: hello Mrs.Chief!

M: hi Doris! pakipuntahan mo naman si Abby sa kwarto nya..baka gising na..

D: sige po, (in her mind) aba..back to normal na ulit si Mrs.Chief!? parang kahapon lang cute na cute sya sakin..ngayon?hindi na ko cute na paningin nya?? ang weird ha.. makaakyat na nga..

S: Uhm..Mrs.Chief,nagugutom po ba kayo? gusto nyo ng pansit?

M: sige Sabel..salamat..

S: eto na po..enjoy your meal!

M: (kinain ung pansit) pwe! anu ba namang lasa to’ Sabel? ang pangit!

S: Eee..Mrs.Chief! yan po ung luto ng asawa nyo..

M: Eto ung kinakain ko nung nakaraan? luto ng Ricky? ang pait!

S: Hahaha! Mabuti naman Mrs.Chief at normal na yang panlasa mo! ibig sabihin, success ka! nalipat na nga kay Ser Richard ang paglilihi mo!

M: hmm..penge ngang tubig..kaya pala nung nakita ko si Doris wala lang, normal na ulit.. teka tumatawag si Kute..

K: hello bunso! balita?

M: eto Kute, normal na ung pakiramdam ko.. mukhang effective ung ginawa ko kay Ricky!

K: Aba ayos yan! e kamusta na si Ricky?

M: ayun,tulog na tulog pa..di ko na ginising..

K: Ay naku bunso, bantayan mo..baka ikaw agad ang hanapin nyang asawa mo pag nagising..

M: oh sige Kute,babye!

agad-agad nang umakyat sa kwarto si Maya..binabantayan nyang matulog si Ricky..maya-maya pa ay nagising na ito.

M: haay..goodmorning! ang gwapo gwapo  naman ng asawa ko!

R: Goodmorning mahal!

M: ang sarap ng tulog mo Mahal ah..buti di ka tinawagan at ginising ni Liza..wala ka bang meeting ngayon?

R: Mamaya pang 3pm..

M: that’s good.. gusto mo ng kape? teka..ipagtitimpla kita.

R: wait,dito ka lang.. pwede bang sa tabi lang kita today? as in palagi?

M: huh? wow naman ang mahal ko! naglalambing!

R: please?

M: syempre naman! oh halika na sa baba..

sa kusina..

nakaupo na silang mag-asawa sa harap ng mesa kasama ng mga bata..

M: Ricky, wait lang ha..magtitimpla lang ako ng kape mo..

R: no..dito ka lang..

Nikki: oh my gee dad! you’re so OA naman, jan lang si Tita Mommy sa may table oh..

R: No Maya, just stay here..

M: Ricky, panu ung kape mo? saglit lang ako promise.. (tumayo na)

R: (sumunod kay Maya)

M: Oh..Mahal? bat sumunod ka pa? pwede ka naman maghintay na lang dun e..gagawin ko lang tong’ kape mo..

R: I just want to be with you..sabi ko sa tabi ko lang ikaw palagi e..

M: mahal? okay ka lang?

R: yes.. i just don’t understand why i am acting like this..gusto kita laging nakikita,katabi, o kasama..

M: hmm..sige na nga,halika na dun sa mesa..dun ko na lang itutuloy to’ para makakain na tayo..

Luke: wow! Tita Mommy! nakakakain ka na ng iba ah..

Abby: yes Tita Mommy! aside from dad’s pansit you eat other foods na..

M: oo e..umayos na ung taste buds ko..

R: that’s good..umayos na pala, so that means di na ko magluluto nyan?

M: oo mahal..thanks for the effort..

N: oh my gee dad! tita mommy! we’re malalate na..bye na for now! let’s go baby!

L: ako din po pala dad..

A: Bye daddy! bye tita mommy!

M/R: bye kids! ingat sa school ha..

pag-alis ng mga bata,naiwan na ang mag-asawa para maghanda na pagpasok sa trabaho..

M: mahal,maligo kana,,ihahanda ko lang damit mo..

R: uhm.. Mahal?

M: Oh..

R: Pwede ba kong magrequest?

M: Anu yun?

R: pwede bang sabay tayo?

M: pagpasok sa work?sabay naman tayo lagi ah..

R: not that.. sabay tayong, maligo?

M: A–Anooo?

R: E gusto ko kasama ka e..

M: mahal,andito lang ako… di naman ako aalis e.. bat kailanga pati sa pagligo? (nagba-blush na sya haha!)

R: please?

M: Uhm..seryoso ka?mahal naman eee..wag mo nga kong niloloko..

R: Mahal..i’m serious.. i can’t help it..parang di ko yata kakayanin kung wala ka sa tabi ko or hindi kita nakikita even just for an hour or second..

M: (in her mind) hindi kaya…naglilihi na to’? hmm.. oo nga! epekto na to’ nung ginawa ko kagabi..

hmm..sige,sige.. oo na,sabay na tayo..

R: yes! thank you Mahal!

(imagine na lang pag may time! hahaha! bahala kayo jan! bwahahahaha! XD)

pagkatapos maligo ng mag-asawa, naghanda na sila para pumasok sa work…

sa kotse

R: Mahal,  pwede bang…

M: Oh?ituloy mo..

R: nevermind

M: anu nga yun mahal?sige lang sabihin mo na..

R: Mahal, kasi ano e..uhm..pwede bang sumama na lang ako sa flight mo?

M: nyek! Mahal?? ano ka ba.. yung sa pagligo natin ng sabay pwede pa..pero ung ganito? hindi na pwede e..

R: i don’t have a meeting this morning..

M: kahit na mahal, dahil nasa flight ako di rin kita maasikaso nun saka aabutin nun ung 3pm na meeting mo..so hindi talaga pwede..sorry mahal ha?

R: (Tahimik)

M: oh bat tahimik kana jan? ui..sorry na, promise babawi ako sayo mamaya, pagkatapos na pagkatapos ng flight ko, sa office mo agad ako dederecho..

R: really?

M: yes! wag kana magtampo..

R: okay, just be sure you will drop by in my office..okay?

M: oo mahal.. oh ingat ka ha..babye! iloveyou! (nagkiss sa lips ni sc)

R: Iloveyou!

Pagdating sa LAS.. ipinatawag agad ni SC si Minerva at Liza..

Liza: yes sir? is there anything you want?

R: yes Liza and Minerva.. i need your help.. it’s about Maya..

L: What about Maya sir? oh..let me guess! you want to surprise her?

Minerva: wow sir! ang sweet nyo talaga sa Misis nyo ha…

R: (smile) uhm..can you print some pictures of my wife? marami ha..

L: sure sir..

Mn: Para saan po un sir?

R: I just want to see her..

L: Oh! how sweet! grabe sir!

R: and paki post sa buong LAS..

Mn: seryoso po kau jan sir?

R: Why? Do i look like i’m joking?

Mn: ehehe..sorry po..

L: uhm..if you don’t mind sir, sa office nyo lang po ba o as in sa buong LAS?

R: dito nga sa buong LAS! I need it now.. dapat lahat ng lugar dito may pictures ni Maya..

L: okay,clear sir..

R: and then, sa mga makakameeting ko mamaya, gusto ko lahat nakasuot ng t-shirt na may picture ni Maya..

L: Whaaat? are you sure sir?

R: yes!

L: Sir..sila Mr. Jaime Ventura po yun..

R: i don’t care..basta pagsuotin sila nun bago sila humarap sakin..(tigermode)

Mn: eee,,sir, saan po kami magpaprint nun?

R: kayo nang bahala ni Liza..damihan nyo ang pagprint..para pati engineers at staff meron.. at pati kayo din,gusto ko paghaharap kayo sakin,suot nyo yun..

L: okay

R: Lagyan nyo na din ng “SER CHIEF loves MRS.CHIEF”

Mn: (natawa)

R: what’s funny Minerva?

Mn: nothing sir..

L: Sige po sir,alis na po kami…

paglabas nila Liza at Minerva..

L: grabe..anu ba tong’ pakulo ni sir..

Mn: ang weird nya Ms.Liza..nagsungit sya dahil lang dun..teka? kaya kaya nating pagsuotin nung ganung tshirt sila Mr.Ventura?

L: don’t mind it..ako na bahala dun,ikaw na lang sa mga pictures..bawat cubicle na madadaanan ni sir,lagyan mo..pati sa may pantry at dun sa elevator,and wag mo kalimutang maglagay sa office nya..

a few minutes later…punong puno na ng pictures ni Maya ang LAS.. pati staff,engineers, ultimo mga janitors at guards nakasuot ng t-shirt na may picture ni Maya.. tuwang-tuwa naman si Ricky.. tila panandaliang nawala ang tiger mode nya at pagkainis nya dahil wala man sa piling nya si Maya nung mga oras na yun, nakikita nya naman sa paligid nya..

3pm meeting..

lahat ng mga kilala sa airline industry,nakasuot ng tshirt..tuwang tuwa sya..

engr. yamaguchi: chief! ang ganda ng idea mo ha… ang sweet mo kay misis!

all: (nagtawanan)

4pm natapos na ang meeting..sakto namang pagdating ni Maya..

nakita ni Maya ang buong LAS..laking gulat nya ng makita ang pagmumukha nya sa mga dingding at tshirt ng mga taga-LAS.. lahat ng makasalubong nya, ganun ang suot..nahihiya na tuloy sya..

M: Liza! aanung meron dito? bakit ganyan? anung nangyayari?

L: oh Maya! surprise yata sayo ni sir.. agad-agad nyang pinagawa yan.. tiger mode nga e..pero nung okay na, ayun..ang saya na ulit!

M: asan sya?

L: Andun na sa office nya…

sa office

R: Mahal! (tumayo agad at sinalubong si Maya ng yakap)

M: mahal..anung meron? bakit ganito ung LAS?

R: miss na miss kasi kita e.. You know what, i easily got irritated and annoyed lalo na pag di kita nakikita…kaya eto,ginawa ko to’..

M: sabi nga sakin nila Liza nagtigermode ka na naman daw kanina..

R: but not anymore..andito kana e..ano? let’s go home?

M: tara na..

palabas na sila ng building.. nakangiti sakanila ang mga tao sa LAS..Sobrang sweet kasi nila, magkahawak ng kamay.. nagpaalam na sila at dumerecho sa kotse..

M: oh! pati itong kotse mo meron din?

R: yes..para masaya ako anytime kasi nakikita kita…. nagpalagay na din ako sa office sa bahay..

M: mahal..may aaminin ako sayo..

R: anu yun?

M: uhm..hindi mo ba nahalata na simula kaninang umaga, nagkaganyan kana..

R: napansin ko nga…

M: wala ka bang ibang nararamdaman? ung weird ha? sa pagkain..ung panlasa mo? ung pang-amoy? okay lang ba?

R: okay naman..normal.. eto lang talagang feeling na to’ although i considered it as normal kasi you’re my wife..so i think it’s normal lang naman na gusto kita laging nakikita o kasama..

M: Ricky..yun nga,aaminin ko sayo..ikaw na ang naglilihi..at pinaglilihian mo ko..

R: Huh? why? pano nanyari un?

M: ee..naaalala mo ung ginawa ko kagabi? hindi naman talaga ko kukuha ng gatas nun.. hahakbangan lang talaga kita…

R: kaya nasa ibabaw kita?

M: oo.. hmm.. kasi sinabi yun sakin ni Kute.. gawin ko daw yun para malipat yung paglilihi ko sayo..

R: You did that?

M: ee..kasi naman,hirap na hirap kana..nakokonsensya ko,gusto ko ikaw ang inaalagaan ko..kaso nung naglihi naman ako,imbis na ako ung mag-alaga,ayun nga..ikaw palagi ung nag-aalaga sakin..

R: Mahal, you don’t need to do that.. you don’t need to feel guilty,i’m your husband and your my wife.. always remember that..

M: eee mahal,hirap na hirap din kasi ako e..

R: sabagay…Di makakain ng maayos tapos yung luto ko pa yung gusto mo..

M: oo nga mahal e..grabe!ang pangit pala talaga ng lasa ng pansit mo noh? mapait! wew!

R: hahaha! mahal! oo nga, nalipat nga sakin ang paglilihi mo..grabe mo na itakwil ung luto ko..unlike before na halos mahal na mahal mo..

M: hehehe..wag kang mag-alala mahal..kahit na ganun yung luto mo, gwapo ka pa rin sa paningin ko! at mahal na mahal ka rin namin ni baby bunso..

R: talaga? kiss nga..(kiniss ni Maya)

M: Mahal…sorry ha?

R: for what?

M: sa paglipat ko sayo ng paglilihi ko.. mukhang mahihirapan ka din e..

R: If this kinds of weird things will happen to me..so be it.. ang saya nga e..ikaw ung pinaglilihian ko..i’m sure maganda/gwapo si baby bunso nyan🙂

M: aww..tama ka mahal..magandang lahi yata ang asawa mo..

R: ang kapal..

M: haha! ang sama mo Mr.Lim!

R: i love you Mrs.Lim!

M: i love you too Mahal ko! goodluck sa paglilihi mo…

THE END…

subaybayan nyo na lang yung nasa tv! hahaha!

7 thoughts on “the reason behind 2

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s