Palusot 45

Sorry guys ngayon lang nakabalik sa sirkulasyon….sorry kung di ko natupad promise ko last year…a lot of things happen kasi…at kung sasabihin ko iyon sa inyo baka maka buo ako ng isang chapter…anyway, am back and hopefully wala ng aberya pa…

Palusot 45

The past

Ano nagawa mo ba ang inuutos ko sa yo?”

“Yes boss. Nabigay ko na po iyon video.”

“Good, kanno mo inabot iyon video?”

“Kay Ms.dela Rosa po mismo ma’am.”

“Really…..good job. Sige hintayin mo na lang sa account mo ang kabuuan ng bayad ko sa yo. Tandaan mo di tayo magkakilala.”

“Opo boss.”

Pinatay na ni Tiffany ang celphone niya at inalisan ng sim card at tinapon na nito ang sim sa basurahan.

“Ngayon Maya, tingnan natin kungdi ka pa talaga lumayo kay Richard. Hindi lang iyon pagkakahuli mo sa amin ang malalaman mo, pag nakita at napanood mo na ang video pinadala ko sa yo. Hahaha.”

Lumipas ang mga araw ay nagtataka pa rin si Tiffany. Kasi walang Maya sumulpot o nagpakita kay Richard. Meron siyang inupahan tao para magmasid kay Richard ganun na din sa bahay nina Maya.

Halos magiisang buwan na rin wala siyang balita kay Maya. Kahit meron na siyang inilagay na bagong balita tungkol sa kanila ni Richard sa pahayan ay walang Maya lumabas. Nasampal pa nga siya ni Richard dahil sa ginawa ng paglalathala sa isang pahayan na nagkakamabutihan na sila.

“Saan lungga kaya nagtatago itong si Maya at di makita kita ng nga tao inupahan ko para hanapin. Kahit si Richard ay di ito makita.” sabi ni Tiffany sa kaibigan niya na bitch din katulad niya.

“Baka naman wala na dito sa Pilipinas ang babaeng yan.” sagot ni Amy.

“What do you mean?”

“Baka nag aborad na siya at hinayaan na lang niya si Richard sa yo.?”

“Hmmm, may pont ka diyan at para malaman ko yan alam ko na kung sino ang dapat ko puntahan. Mabuti naman at minsan minsan at gumagana yan nangangalawang mong utak.” sabi nito kay Amy.

“Pareho lang tayo girl na nangangalawang ang utak. Ikaw nga di mo iyon Naisip eh.”

“Oo na ikaw na ang tama. Sige aalis na ako may pupuntahan pa ako.”

Umalis na ng coffee shop si Tiffany at iniwan si Army. Hinabol na lang ng tinggin ni Army si Tiffany, “Tsk, girl, hindi mo pa rin makuha si Richard kahit wala na si Maya sa kanya,” piping sabi ni Army sa papalayong si Tiffany.

——–

“Hello tito Vicvic.”

“Tiffany, what a surprise.”

Lumapit naman si Tiffany sa tito niyang at yumakap at humalik dito. Ito ang bunsong kapatid ng ama niya. Binata pa ito sa edad na 35 years old. Marami ang nagkakagusto dito pero di niya alam kung bakit hangga ngayon ay binata pa din ito. Kapag tinatanong niya ito lagi sinasabi nitong hihintayin pa daw niya maging malaya ang babaeng kanyang minamahal.

Mabait ito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya bilang pamangkin. Sabi nito lagi na marami silang pagkakahawig ng babaeng mahal niya. Pero hindi ibig sabihin noon na mahal siya nito na higit pa sa isang pamangkin. Kaya naman naging komportable siya dito. Alam niyang walang malisya ang pagmamahal at pagiging sweet nito sa kanya.

“Ano kailan ng pamangkin ko. Masama na naman ang loob mo sa magulang mo?”

“No tito. Iba ang pakay ko sa yo eh. Pero sana pagbigyan mo ako ha. I need your help. Meron akong hinahanap na babae. Palagay ko ay nakalabas na siya ng bansa.”

“Hmmmm, why do you need to find her?”

“Nagkatampuhan kasi sila ng boyfriend niya na friend ko. Kaya gusto ko siyang hanapin.”

“Bakit ikaw ang hahanap sa kanya?”

“Kasi kasalanan ko kung bakit sila nag-away eh. Nagselos siya sa akin dahil nakita niya ako naka-akap sa boyfriend eh.”

“Oh bakit ka ba naka-akap sa boyfriend niya.”

“Nakita ko kasi iyon isa kong stalker kaya para makaiwas niyakap ko boyfriend niya. Ayon ang tagpo nakita niya kaya ayun umalis at di na nagpakita sa boyfriend niya.” madramang sabi ni Tiffany sa tiyuhin niya. “Sana maniwala si tito.” bulong ni Tiffany.

“May sinasabi ka ba Tiffany?

“Wala po tito.”

“Akala ko kasi may sinasabi ka eh. Kelan ba siya umalis at ano ang pangalan niya.? Tanong ng tito nito habang kung ano-ano command ang pinipindot nito sa computer. May mataas na posisyon sa Immigration ang tito Vicvic niya.

“Puede mo po bang tingnan sa system ninyo kung meron Maya dela Rosa lumabas ng bansa mula Feb 14 hangga sa ngayon.” sabi ni Tiffany sa tiyuhin.

Pagka type ng pangalan ni Maya ay may kung ano pa itong command na pinindot sa computer niya at sa loob lang ng ilan minuto ay bumalaga na sa screen ng computer nito ang pangalan n Maya ay ang araw na umalis ito patungo Cambodia.

“Bingo.”

“Wow, sabi ko na ba ikaw ang makakatulong sa akin eh.” Binasa ni Tiffany ang nakalagay sa screen ng tiyuhin.

Name: Maya dela Rosa
Departure to Combodia: March 1, 2013.

“Thanks tito…kaya ikaw ang paboritong tito…di lang mabait guapo pa.”

“Hus nambola pa ito. Iyon lang ba ang kailangan mong malaman?”

“Ah eh…malalaman mo din po ba kung nasa Cambodia pa siya?”

“There is only one thing to find it out?”

“How?”

Ma tinawagan sa telephono si Vicvic.

“Thank you. I can really relay on you. I owe you one. Yeah bye.”

“So, sino iyon kausap mo.”

“Kaibigan ko iyon sa immigration sa Cambodia naka base. Ayon sa records nila nasa bansa pa nila si Maya.”

“Thank you tito. Halika I will treat you for a lunch.”

———

Two days after nilang magusap ng tiyuhin niya ay umalis na si Tiffany patungo Cambodia. Di siya mapakali habang sakay siya ng eroplano.

“Humanda ka Maya, sisiguraduhin ko na di ka na makakabalik kay Richard kahit kelan. Aalisin kita sa landas ni Richard.”

Lumapag na ang eroplano niya sa Cambodia. May tinawagan siyang tao.

“Hello, I just arrive. Are you ready for your job?”

“Yes boss. My friend in the Philippines told me what do you want.”

“Good. I see you later at the coffee shop of the hotel I’m staying.”

“Yes boss, I will be there at 2:00 PM sharp.

“Ok….”

Pumara na s Tiffany ng taxi at nagpahatid sa tutuluyan hotel nito. Nagpahinga muna si Tiffany dahil maaga pa naman para sa pagkikita nila ng kausap niya.

Nagising si Tiffany ng 1:30 ng hapon. Nag-ayos na siya at noon natapos ay nag derecho ng coffee shop ng hotel. D nagtagal ay dumating na ang kausap niya.

“Ms. Ramos? ‘

Tumingin si Tiffany noon bigla may tumawag sa kanya. “Yes?”

“I’m Valentin Reyes, friend of Marty Santos.”

“Hello, please have a sit. Why don’t you order coffee first then let’s get down into business.”

“As you wish, boss.” Tumayo na si Val para mag order bg coffee,

“Val,” tawag nito at sabay abot ng pera dito pa sa pambayad sa kape oorderin nito.

Noon nakabalik na si Val, hindi na ito nagpaligoy ligoy pa.

“Here’s the picture of the person I want you to look for me. Inform me ASAP once you got information about her.”

“Ok boss no problem.”

Pagkatapos makipag usap ay iniwan na ni Tiffany ang kausap niya. Pabalik na sana siya sa kuarto niya nang mag ring ang celphine niya.

Calling papa….

“Pa…”

“Tiffany anak nasa Cambodia ka nga ba? Iyon kasi ang sabi ng mga maids dito sa bahay noon hinanap ka namin.”

“Yes, Pa nandito po ako sa Cambodia pero di naman po ako magtatagal dito eh.”

“It’s alright iha…you can stay there as long as you want. Nothing to worry but…”

“But what pa…?”

“Since you are there already can you visit our mall there and your Auntie Anna.”

“Auntie Anna is here also?”

“Yes, isa sa mga hospital diyan sa Cambodia connected ang Auntie Anna mo.”

“Ok I will give her a surprise visit and regarding sa mall natin. Kahit di po ninyo sabihin I will do it po. I’m planning for a surprise visit para naman po malaman natin if they are doing there job.”

“That’s my daughter. So just tell me if you need more cash and I will wire you ASAP.”

“I will Pa.”

“Ok you take care of yourself there. And remember we love you.”

Napa smirked si Tiffany sa sinabi ng ama niya na mahal siya ng mga ito. “Bye Pa, I have to hang up na po. Nandito na po iyon inarkila kong sasakyan.”

“Ok iha…bye.”

———

“Arthur kailangan ko na bumalik ng Pilipinas. Baka ma over stay pa ako dito sa Cambodia.”

“Ano ka ba, baka mamaya di ka pa fit to travel at may mangyari na naman diyan sa inaanak ko.”

Maya rolled her eyes.

“Naayos ko na ang papers mo. Ginawa ko na one month iyon stay mo dito sa Cambodia. So it means meron ka pang one week to stay here. Para mag relax at mag enjoy. Tiyak ko pag uwi mo ng Pilipinas ay stress ka na naman. Lalo na pagnakita na ulit kayo ng ama niyan dinadala mo.”

“I missed him, sa totoo lang. Gusto ko na talagang mag usap kami para magkalinawan. Pero natatakot ako. What if…totoo iyon nasa video at newspaper? What if wala na pala ako babalikan talaga?”

“Hindi mo yan malalaman kung di mo haharapin ang katotohanan.”

Napabintonghininga si Maya. “Ewan ko ba Arthur, natatakot at kinakabahan ako,”

“Hay naku, tama na nga yan at baka maapektuhan na naman yan pagbubintis mo,. Tara mag shopping na lang tayo.”

——-

Pinuntahan naman ni Tiffany ang tiyahin niyang Doctora sa hospital na tinuran ng ama niya. Tiyak na magugulat ito pagnakita siya. Maliit pa siya noon huli silang magkita nito. Kung saan-saan kasi ito pinadadala ng hospital na pinagtratrabahuhan nito. Isag magaling na ob-gyne ang tita niya,

“Hi, good morning. Is Doctora Ramos busy rght now?”

“Do you have an appointment with her ma’am?”

“No, I’m her niece and I want to surprise her, if it’s ok?”

“Oh…I see. You can go her office now. She is not busy at the moment,”

“Thank you.”

Knock…knock…

“Come in…”

Pumasok si Tiffany. Pero wala sa loob ng kuarto niya ang tita niya, nakarinig siya ng lagaslas ng tubig sa loob ng cr. Tiyak ang tita niya iyon. Kaya naupo muna siya sa silya nito at nagbuklat ng mga folders na nasa ibabaw ng mesa nito. Sa kabubuklat niya isang folder ang umagaw ng attensyon niya. Kinuha niya ito at binasa.

Nanlaki siya sa nabasa niya. “Oh no! Hindi ito maaari….hindi ito totoo.” bulong ni Tiffany sa sarili niya. Dali dali niya kinopya ang address na nakalagay doon saka nag ayos ng sarili. Di nagtagal lumabas ang tita niya sa cr at ganun na lang ang pagkagulat nito sa pag kakita niya naka upo siya sa upuan nito.

“Tiffany darling is that you?”

“The one and only tita.”

“My gosh, dalagang dalaga ka na. Mas maganda ka sa personal kesa mga picture mo nakikita ko sa fb mo.”

Inakap ito ng mahipit ng Tita Anna niya. Bukod sa tito Vicvic niya, ang titta Anna rin niya ang masasabi niyang totoong nagmamahal sa kanya. Si Tita Anna niya ang nagiisang kapatid na babae ng daddy niya.

“Kelan ka pa dito?”

“Kahapon lang po. At noon tinawagan ako ni Papa na dito raw kayo naka base, tueang tuwa ako. Kaya eto maagang-maaga ay dinalaw ko po kayo.”

“Ang sweet talaga ng pamangkin ko. Kaya mahal na mahal kita at pinakaborito sa lahat ng pamngkin ko.”

“Kaya nga po nagseselos na iyon iba kong pnsan eh.”

“Ah don’t mind them. Tara kain tayo sa labas, my treat.” sabi ng tita Anna niya.

“I loved too. Pero di po ba kayo busy. I see ang daming folders dito sa table mo. Meron ka pang pinay na pasyente eh.” sabi nito sa tiyahin niya.

“Ah for filing na yan mga records na yan. As for my pinay patient, si Maya dela Rosa siya mabuti na lang at nadala agad siya dito ng kaibigan niya. Kung hindi baka nawala ang kambal niya.”

“Kambal ang anak niya???” tanong ni Tiffany.

“Oo bakit, kilala mo ba siya? ”

“Hindi po.” pagkakaila niya.

“Kamusta kayo ng boyfriend mo. Kayo rin pala ang nagkatuluyan dalawa ng childhood crush mo.”

“Tita, di ko alam na may pagka tsismosa ka rin pala. Hahaha.”

“Ano ka ba, nabasa ko kasi iyon sa newspaper. I think two weeks ago lang iyon.”

Alam ni Tiffany kung ano iyon sinasabi ng Tita niya. Iyon iyong pinalagay niya sa society column ng newspaper nila. Iyon din ang dahilan kung bakit siya sinaktan noon ng grabe ni Richard.

“Halika na nga tita kumain na lang tayo at nagugutom na ako,”

Habang umoorder ang tita niya ng pagkain nila. Nagpadala si Tiffany ng text kay Val para sabihin dito na aksidente nakita na niya ang pinahahanap niya dito. Kaya move to next step na sila. Ang subaybayan ang bawat galaw nito. Binigay din ni Tiffany ang address kung saan nakatira si Maya sa Cambodia.

“Humanda kaya Maya…mas lalo dapat ka mawala sa buhay ni Richard. Di ako makakapayag na malaman niya na nagdadalangtao ka at kambal pa ang magiging anak ninyo. Hindi ko kayo hahayaan lumigaya. Richard is mine. Mine alone.” sabi ni Tiffany sa isip niya.

——————

3 thoughts on “Palusot 45

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s