Palusot 46

Palusot 46

Kasalukuyan nasa isang mall si sina Maya at Arthur. Naisipan nilang mag shopping kung ano ang magandang ipapasalubong sa mga kaibigan niya pag uwi niya ng Pilipinas.

“Arthur ano ba ang nangyayari sa yo. Bakit para kang di mapakali diyan?”

“Maya ewan ko ba, pero call it woman’s instinct.”

“Woman instinct talaga ha.” putol ni Maya sa sasabihin ni Arthur.

“Maya, pakiramdam ko meron mata nakasunod sa bawat kilos natin eh. Di ko lang alam kung nasaan siyang parte ng mall na ito.”

“Alam mo ang praning mo. Sino naman ang gagawa noon sa atin, eh wala naman tayong kakilala dito sa Cambodia.”

“Maya, malakas ang kutob ko na meron talaga sumusunod sa atin eh.”

“Hay naku halika na nga para matahimik ka na lang.”

Nag mga oras din iyon ay nasa mall na iyon si Tiffany. Sa kadahilanan na kanila ang mall na iyon. Andun siya para mag spot checking sa mga empleyado nila. Kahit naman pasaway siya. Pero pagdating sa negosyo nila ay seryoso siyang tao. Mahal niya ang negosyo ng pamilya nila.

Kasalukuyan nasa meeting si Tiffany sa mga heads ng mall ng bigla mag vibrate ang phone niya. Nag excuse siya at binasa ang text…

“Boss, the target is at Super S malls right now.”

Nahigit niya Tiffany ang hininga niya. Di niya akalain na mapapadali ang plan niya. Sinagot niya ang text ni Val.

“Follow her, where ever she go. Keep in touch. I’m just in the meeting.”

“Yes boss.”

Bumalik na ulit si Tiffany sa meeting. Tinanong niya ang mga ito kung maayos ba ang CCTV camera nila doon at gusto niya makita ang security room kung saan nakalagay ang mga CCTV camera. Pinaunlakan siya ng tumatayng OIC ng mall nila sa Cambodia na walang iba kung di si Mr. Makoy Loste. Sinamahan siya sa nito sa Security dept.

Matamang tinitingnan ni Tiffany ang screen ng tv noon mahagip ng mga mata niya sa baby section ang taong hinahanap niya.

“Good..let’s go out Mr. Loste.” pag labas nila ng Security dept. nagpaalam na si Tiffany na maglilinot libot muna sa loob ng mall. Sinabi rin niya satisfy siya sa mga report na nakita niya at pinuri ito na ginagawa nito ang trabajo niya ng maayos,

Dali-dali nito pinadalhan ng text si Val at sinabing mag kita sila sa coffee shop sa lobby ng hotel na tinutuluyan niya.

Nasa coffee shop na si Val noon dumating si Tiffany.

Straight to the point si Tiffany sa kausap. Sinabi agad nito na gusto niya mawala sa landas niya si Maya, na wala siyang pakialam kung meron madadamay na ibang tao. Ang mahalaga ay mawala ito.”

Ngunit di inaasahan ni Tiffany na tatanggi si Val sa ipinag uutos niya. Sinabi nito wala sa uspan ang papatay siya ng tao. Hangga sa pag sunod lang ang gagawin niya dito.

Kaya sa galit ni Tiffany ay pinaalis niya ito sa harapan niya. Ngunit bago ito umalis ay sinabihan siya ng “Why don’t you do it by yourself. Afterall it’s you who want her dead.” At tuluyan na umalis sa harapan niya.

Nagpupuyos ang kalooban ni Tiffany na bumalik sa kuarto niya. Tinawagan nito si Marty.

“Boss…”

“Marty na ba yan si Val. Wala atang bayag ang taong iyon eh. Sinabi ko patayin niya si Maya. Ayun tinanggihan ako at sinabi di niya kayang pumatay ng inosenteng tao na walang atraso sa kanya.”

“Pasensiya po kayo boss. Di po kasi talaga pumapatay ng tao si Val eh. Isa po siyang disenteng mamayan. Nagbago na po siya.”

“Puwes wala ako pakialam sa kanya. Bigyan mo ako ng panibagong kontak na gagawa noon para sa akin.”

“Pasensiya na po boss…medyo mainik po kasi ang grupo namin ngayon sa mga police kaya lielow iyon mga contacts na puedeng gumawa ng pinagagawa ninyo.”

“Mga wala kayong kuwentang tao. Sayang lang ang binayad ko sa yo, kung di mo rin pala magagawa ang gusto ko.”

“Boss..ginawa ho namin ang gusto ninyo ipagawa. Etong huli lang naman po kami tumanggi eh. At isa pa ho di naman ho kasali sa usapan natin ang pag patay. Kaya dahan dahan kayo sa pagsasalita.”

“Sasabihin ko kung ano ang gusto ko sabihin. Kaya ngayon terminated na ka na sa trabaho mo. Di na kita kailangan.”

“Kayo po ang masusunod boss.”

“Puwes kung ayaw ninyo gawin. Ako ang gagawa noon.” sabi ni Tiffany sa sarili niya.

Nagpahinga na lamang siya ngayon at bukas na bukas ay sisimulan na niya ang plano niya para patayin si Maya.

——-

Kabukasan maaga nagising si Tiffany at umalis kaagad sa tinutuluyan hotel niya. Nagtungo siya sa hotel na tinutuluyan ni Maya. Nasa di kalayuan parking siya.

Hinihintay niya itong lumabas ng hotel. Di naman nabigo si Tiffany dahil lumabas na si Maya kasama si Arthur, ihahatid ni Arthur si Maya sa mall para mag grocery at daanan na lang niya ito muling doon.

Noon nakalayo na ang sasakyan nina Maya at Arthur saka naman umalis si Tiffany para sundan ang mga ito. Napangiti siya noon makita niya ibinaba ng kasama nito si Maya sa Super S mall na pag-aari nila. Nag derecho si Tiffany sa parking area ng mall para doon mag park. Dumerecho siya ng security dept upang doon abangan kung saan pupunta si Maya.

Nagulat pa ang head security si Peter pagkakita kay Tiffany.

“Ma’am Tiffany, good morning po.”

“Good morning. Peter meron ako gusto ipagawa sa iyo. Huag ka mag-alala tayong dalawa lang ang nakakaalam nito.”

“Ano po iyon ma’am.”

“Nasa loob ng mall natin ang babaeng ito.” Sabay pakita ng picture ni Maya. “Gusto hanapin mo siya kung na saan siyang parte ng mall na ito.”

“Ok po.” di nagtagal ay namataan ni Peter na nasa supermarket section si Maya.

“Ma’am Tiffany nasa supermarket po siya ngayon.” sabay turo sa screen.

“Good, pupuntahan ko siya diyan. Tawagan mo ako kung saan parte siya ng supermarket andon. At kapag sinabi ko sa yo na patayin mo ang CCTV sa area na iyon sundin mo ako.”

“Po? Bakit po?”

“Wala ka na maraming tanong. Kapag nagawa mo iyon meron ka premyo sa akin. Alam ko may pagnanasa ka sa akin. Matitikman mo ako,” sabi ni Tiffany dito sa mapag-akit na tinig.

Napalunok si Peter dahil sa sinabi ni Tiffany. “To-too po?”

“Oo,” sabay kuha sa kamay ni Peter at dinala sa dibdib niya. “Pag nagawa mo iyon gusto ko, di mo lang mahahawakan ito, matitikman mo din.”

“Sige po ma’am gagawin ko. Basta po sagot ninyo ako ha.”

“Oo…huag ka mag-alala may isang salita ako. Ano handa ka na ba?”

“Opo ma’am.”

“Ano ang number mo, tatawagan kita.”

Binigay ni Peter ang number niya kay Tiffany.

——–

Samantala si Maya naman ay abala sa pamimili ng kung ano-ano pagkain na kakainin nila sa loob ng isang linggo. Mabuti na lang talaga na puedeng magluto sa tinutuluyan niya hotel.

Masaya siyang nag grogrocey at walang kaalam-alam sa puedeng mangyari sa kanya sa araw na ito.

Nasa supermarket na rin si Tiffany at naglagay ng kung ano-ano canned goods sa cart niya, pati na rin drinks in can. Pinuno niya ito, lagi andun lang siya sa likuran kung asan si Maya. Di siya nagpahalata dito. Naka hooded jacket at naka fake eye glasses siya.

Noon nasa isang parte na sila ng supermarket. “Peter ngayon na….” hinintay lang niya ang sagot ni Peter saka niya pinakawalan ang cart na dala-dala niya. Ang push cart na punong-puno ng mga canned goods at drinks at derederecho kay Maya. Marami tao ang nagsisigawan na ngunit di iyon naririnig ni Maya dahil naka earphone ito.

Nagulat na lang siya ng bigla na lang siyang hinatak ni Arthur papunta sa kanya.

“Huh? Bakit”

“Look” sabay turo sa isang push cart na rumaragasa papunta sa kanya sana kung di siya nahila agad ni Arthur.

“Oh my ghad. Saan iyan galing?”

“I saw someone pushes it so hard going to your direction. Di mo madinig ang tawag ng mga tao kasi naka ganito ka.” sabay hablot sa earphone niya.

“I’m sorry…di ko naman kasi ini-expect na may ganun insidente eh.”

Dali-dali silang dinaluhan ng manager ng supermarket para humingi ng paumanhin.

Tiningnan nila sa CCTV security camera kung sino ang may kakagawan noon. Ngunit bigo sila dahil walang silang nakuha footage ng aksidente.

Pinatingnan na lang ng manager si Maya sa company doctor nila. Mabuti na lang at safe ang anak niya. Panay ang hingi ng paumanhin ng manager kina Maya.

Sinabi ni Maya, na wala iyon at isa lang iyon aksidente. Umalis na lang sila ng supermarket na hindi na nabili iyon mga pinamili ni Maya. Bukod sa natumba iyon cart niya dahil sa impact noon rumaragasang push cart na dito tumama ay minabuti ni Arthur na makapagpahinga na lang si Maya.

“Alam mo di ako naniniwalang aksidente iyon nagyari sa yo eh. Sinadya iyon noon taong nagtulak ng push cart na iyon.”

“Ano ka ba Arthur, hello wala tayo kakilala dito, wala rin nakaka-alam sa Pilipinas na nandito ako. Kaya aksidente lang talaga iyon.”

Di pa rin matanggap ni Arthur na isang aksidente lang talaga iyon nangyari sa supermarket. Kitang kita niya na meron isang tao na naka hooded ang nag tulak noon cart. Sa figura nito alam niya isa itong babae.

“Basta Maya mag-ingat ka pa rin ha. Di natin alam ang mga puedeng mangyari.”.

“Opo boss….”

“Nag-aalala lang ako sa inyo ng mga anak mo.”

“Salamat Arthur, sa pagkakaligtas mo sa akin kanina. I really appreciate it. Thank you talaga, friend.”

“Basta ikaw friend.”

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s