Palusot 47

Palusot 47

Nasa loob ng hotel room ni Maya si Arthur.

“Oh bakit isang bakol yan mukha mo. Papangit niyan ang inaanak ko eh.”

“Friend, 5 days na lang maghihiwalay na tayo. Uuwi na ako ng Pilipinas at ikaw naman ay uuwi na ng Switzerland. Ma-mi-miss kita. Sobs.”

“Ako din naman eh. Ma-mi-miss kita. Huag ka na umiyak friend. Nahahawa ako eh. Mabuti magbihis ka at mamasyal ulit tayo sa Angkor’s Wat. Remember meron pa tayong mga temple na di napupuntahan.”

“Oo nga ano. Sige magbibihis lang ako.”

Masayang nagkukuwentuhan si Maya at Arthur habang papunta ng Angkor’s Wat.

“Si papa Richard ba ang una mong pupuntahan pagkarating mo sa atin?”

“Sa totoo lang di ko pa alam eh. Natatakot ako eh, baka sobrang galit niya sa akin.”

“Maya ang taong totoong nagmamahal, oo nasaktan sila. Madali silang magpatawad lalo na kung mahal na mahal niya iyong tao.”

“Pero what if, sila na pala ni Tiffany. Na ito pala talaga ang mahal niya.”

“Then face the consequences of life.”

“Sasabihin ko pa din ba na magkakaanak na kami.”

“But of course, karapatan niya iyon bilang ama ng mga anak ninyo.”

“Haizts”

“Be positive friend…”

——

“Kung sa unang try ay nakaligtas ka. Ngayon titiyakin ko na hindi na kayo makakaligtas ng anak mo. Kung bakit ba kasi lagi mong kasama ang binabaeng yan eh.”

Calling Papa…

“Papa bakit po?”

“Wala naman iha na ngangamusta lang ako. May nakarating kasi sa akin balita na may aksidente raw nangyari sa Super S mall natin.”

“Ah iyon po ba pa, wala naman pong nasaktan. Meron lang po isang shoppers na nabitawan iyon push cart niya, sa takot po ata ay nagtatakbo palabas ng mall natin. Wala din po kaming nakta footage sa CCTV camera. Pinatingnan na rin ni Mr. Loste iyon babaeng muntik na maaksidente. Di naman po sila ng demenda. Para sa kanila na aksidente lang po iyon.”

“Ganun ba, mabuti naman kung ganun. Ayoko mabahiran ng negative write up ang ating mall diyan eh.”

“Don’t worry papa. Everything is under control.”

“Oh nasaan ka pala.”

“Mamamasyal po ako sa Angkor’s Wat.”

“Ah ganun ba. Sige enjoy ka diyan iha and we miss you na anak.”

“Bye Papa. Nandito po ako sa Angkor’s Wat.”

“Sige Iha.”

——-

“Anak mo ba iyon Edgardo?”

“Oo, kamusta na raw siya. Kelan ba siya uuwi dito. Miss ko na ang anak mo.”

“Ako din sweetheart miss ko na din siya. Madami tayong pagkukulang sa kanya.”

“Oo nga Edgardo. Sana di pa huli ang lahat para mapatawad tayo ng anak natin.”

“Gagawin natin ang lahat para mapatawad niya tayo. Kung tayo nga nagkapatawaran eh. Kaya din natin yan. Pero for the mean time tayo munag dalawa. Malay mo magkaroon pa ng kapatid si Tiffany.”

“Puro ka kalokohan diyan. Matanda na tayo para magka-anak pang ulit.”

“Oy. Kalabaw lang ang tumatanda. At isa pa, nagkakaroon ka pa naman di ba. Kaya di malayong magkapatid pa si Tiffany. Halika na sa kuarto natin,”

——–

“Arturo bilis ang anak mo may email.”

“Talaga? Anong sabi niya.”

“Ayos naman daw siya at huag tayong mag-alala dahil nasa nasa maayos silang kalagayan. Uuwi din siya kapag ok na siya.”

Napaiyak naman si Teresita. “Anak umuwi ka na. Miss na miss ka na namin.”

“Shhh…Darling, stop it. Huag ka na umiyak. Ayos ang anak mo. Kung nasaan man siya ngayon alam ko ligtas siya at kaya niya ang sarili niya. Kilala mo ang anak mong iyon. Uuwi iyon kapag malamig na ang ulo niya at wala ng galit sa puso niya.”

“Nag-aalala lang ako sa kanya. Baka di siya kumakain ng ayos eh.”

“Iyon anak mong pang iyon ang ini-isip mo kung di na kakakain ng maayos. Eh alam mo naman hobby noon ang pagluluto.”

Napatawa si Teresita sa sinabi ng asawa.

———

“Pare finally lumabas ka na rin ng lungga mo. It’s been almost 1 1/2 month na lagi ka out of reach.”

“Pasensiya na mga pare ko. Di ko lang talagang kaya magsaya eh. Hangga ngayon wala pa rin ako balita kay Maya. Ang dami ko na inipahan private investigator para hanapin siya. Pero bigo ako.”

“Pare, baka naman ayaw talaga ni Maya magpahanap sa ngayon.” sabi ni Arman dito.

“Agree ako sa sinabi ni Arman, pare. Kasi noon kabataan namin. Pag nagtampo yan sa akin. Sobra di nakikipagkita o di rin ako kinakausap. As if para ako stranger. Pero kapag ok na ang lahat sa kanya. Iyon wala na galit sa puso niya. Siya na kusa ang lalapit sa yo at makikipagbati.” sabi naman ni Ochel.

“Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo Ochel?” tanong ni Richard.

“Oo pare. Alam mo naman na mas matagal ang pinagsamahan namin ni Maya kesa sa inyo. Kaya maniwala ka sa akin.”

“Sabagay may punto ka diyan.”

“Hello handsome…wanna have some fun.” sabi ng mga babaeng lumapit sa kanila.

“Sorry but we’re not interested with you ladies. We are all commited and faithful to our partners. So please back off.” supladong sabi n Ochel sa mga babae.

“Hmmm, akala mo naman kung sino mga yummy nilalang.” sabi naman ng isa sa mga babae.

Nagkatawanan na lang ang magkakaibigay. “Ganyan nga pare tumawa ka. Huag ka magmukmok sa lungga mo.” sabi ni Wilmer

“I will try mga pare ko.”

“Cheers to that….”

——–

“Nasaan na kaya sila. Nakainis naman kasi si Papa wrong timing kung tumawag.” himutok ni Tiffany.

Muli niyang sinuot ang hooded jacket niya at nagsimula na maglakad lakad sa mga templo ng Angkor’s Wat. Napangiti siya noon nakita niya ang kanyang pakay. Nakita niya ito nasa may gilid ng mga steps. “Tamang tama, wala ka na ligtas ngayon. Mahuhulog ka na sa mga hagdan na yan. Kung di ka naman mamatay, tiyak naman na mawawala na ang anak ninyo at ikaw naman ay magkakabili bali ang katawan. Hahaha.”

Napatingin sa kanya ang mga tao nasalubong niya dahil sa tawa niya. Maaring inaakala ng mga ito na nasisiraan na siya ng ulo. Nagmasid masid muna siya. At noon napansin niya nasa malayo ang kaibgan nito dahil ito ang kumukuha ng picture kay Maya.

Dali-dali siyang tumakbo ng mabilis at noon malapit na kay Maya ay tinulak niya ito sa di halatang tinulak niya ito. Para lamang nasanggi niya ito. Nasagawa niya ang plano niya, naitulak niya si Maya. Ngunit di niya inaaasahan na may papakyat na couple na dali-daling tinulungan si Maya para di ito mahulog.

“Are you alright miss?”

“Yes, I’m alright. Thank you.”

“Who is that stupid person who will push you just like that?” sabi noon lalaki turista na na tumulong sa kanya.

“I don’t know. Maybe its just an accident and that person is in a hurry.”

Humihingal na lumapit si Arthur kay Maya. “Maya, ok ka lang ba. Hindi ko na nahabol ang gumawa niyan sa yo.”

“Ok na ako.”

“Thank you for saving my friend from falling down. You just don’t save her but her babies too.”

“Oh you are pregnant?”

Tumango si Maya.

“Oh you should be careful next time my dear.”

“Buwiset…nakaligtas na naman sila sa kamatayan. Di bale sisiguraduhin ko sa pangatlo pagkakataon. Titiyakin ko na patay ka na talaga, kasama yan kaibigan mong bakla.”

Umalis na si Tiffany sa Angkor’s Wat at baka makita pa siya ng mga ito.

“Halika na Maya, umuwi na tayo at magpahinga ka na.”

“Mabuti pa nga. Tara na.”

“Maya, this is the second time na nalagay ka sa panganib. Hindi na ito nakakatuwa ha.”

“Ano ka ba, nagkataon lang iyon, coincidence.”

“Coincidence nga lang ba talaga ang mga iyon?”

“Ano pa ang itatawag mo doon.”

“Para sa akin di iyon coincedence eh, parang sinadya talaga.”

“Eto na naman kami. We don’t know anyone here. Kaya paano iyon mangyayari.” sinabi lang iyon ni Maya kay Arthur para di ito mag-alala. Pero sa loob-loob niya ay kinakabahan na rin siya, sino ang gagawa noon sa kanya.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s