Stay Chapter 1

Shameless plug ulit. Kindly visit my blog http://roxygirl5.wordpress.com/ :)

 

Chapter 1

Nakaramdam si Maya ng pananakit ng katawan na gumising sa kanya. She tried stretching her arms kaso may kung anong pumipigil sa kanya. She slowly opened her eyes at muntikan na siyang sumigaw. Pumikit siya ulit at inisip na baka nananaginip lamang siya ngunit ng idilat niya ang mga mata niya ay yun pa rin ang nakikita niya.

Unti-unti niyang tinanggal ang pagkakayakap ng lalaki sa kanya, sabay dasal na sana ay hindi ito magising. Nang makakawala sa mga bisig nito ay muli pa niya itong tiningnan, naririnig pa niya ang mahinang hilik nito kaya naman sigurado siya na tulog na tulog pa ito.

“Guwapo ka pa rin.” Usal niya sa sarili habang tinitingnan ang lalaking kanina lamang ay yakap-yakap siya.

“Ano ka ba Maya, malaking gulo itong ginawa mo. Ang tanga-tanga mo talaga.” Saway niya sa sarili.

She grabbed his polo shirt which had been carelessly thrown over the floor at tinakip sa hubad na katawan. Tahimik niyang hinanap ang sariling damit and tiptoed her way to the bathroom.

Huminga siya ng malalim. Ngayon ay nasa harap na siya ng salamin, wala na ang Mayang napaka-ayos kagabi. Right in-front of her is a woman who just spent a satisfying night with her lover.

Lover??? Natawa siya. Ni hindi niya alam kung ano sila ng lalaking ngayon ay natutulog sa kamang inalisan niya.

Kinain siya ng selos kagabi ng makita niyang dumating ang girlfriend nito. Wala siyang karapatang maramdaman iyun pero nasasaktan siya kapag nakikita niyang nagbubulungan ang dalawa habang siya ay nasa isang sulok.

“KASALANAN MO ITONG LAHAT BART RAMIREZ, KASALANAN MO LAHAT!!!”

Pinipigilan niya ang sariling hindi maiyak. Kailangan na niyang magmadali, ayusin ang sarili at maka-alis sa lugar na yun.

Naghilamos siya upang matanggal ang natitirang make-up sa mukha at saka inayos ang buhok na nagulo.

Hinubad niya ang polo shirt na suot at isinuot ang sariling bestida. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa niya ang sakit ng katawan.

“She just lost her virginity.”

Huminga siya ng malalim at napakagat sa labi. Pinipigilan ang napipintong pag-iyak . “Ayaw ko ng umiyak, tama na.” saway niya ulit sa sarili.

Dahan-dahan siyang lumabas ng banyo at dahan-dahan ding isinira ang pintuan nito. Pero napatalon siya ng makita niya ang lalaking kanina lamang ay tulog na tulog.

He was sitting on the edge of the bed. Nakasimangot ito, halatang galit.

“Where do you think you’re going?” tanong nito.

to be continued…

-roxygirl5-

15 thoughts on “Stay Chapter 1

  1. Palagi tayong binibitin ng mga writers…..sana tinatapos nila kung ano yong sinimulan nila ano…..maraming stories dito sa excess baggage na looking forward for the ending but ……binibitin nila yong mga readers…..sori opinion ko lang to….

    • Isa na po ako dun🙂 pero pakisabasa na lang po ang “The Auction” ad “Of Love and Marriage”. Iyun po natapos ko🙂

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s