Stay Chapter 5

Stay2

Shameless plug…  kindly visit my blog http://roxygirl5.wordpress.com

Love to read your thoughts :)

Chapter 5

It was supposed to be a vacation.  Matagal na siyang di nakakauwi ng Cebu.  Masyado siyang naging busy sa pagpapalago ng Lim Aviation Services.  Matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng sariling negosyo, yung sa kanya at hindi sa pamilya niya.  Yung masasabing pinaghirapan niya at hindi dahil anak siya nila Don Roberto at Donya Esmeralda.

Another reason ay gusto muna niyang lumayo kay Celeste, his girlfriend.  Masama ang loob niya sa huli, he proposed to her pero tinanggihan siya nito.  Hindi pa raw ito handa para magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.  Masyado kasi itong career-oriented at laging sinasabing marami pa itong pangarap para sa sarili.  Halos tatlong taon na rin silang magkarelasyon kaya akala niya ay tama na ang panahon para yayain niya itong magpakasal ngunit nagkamali siya.

Nang makauwi ay nabalitaan niya ang nangyari kay Maya mula sa kanyang mama.  Kababata niya ito at kahit pa pitong taon ang agwat nila ay naging sobrang malapit sila sa isa’t-isa.  Awang-awa siya dito kaya naman agad niya itong binisita.  Ilang taon din silang hindi nagkita kaya naman nagulat siya ng malaki na ang pinagbago nito.  Hindi na ito ang batang patpatin at maraming pimples na pinagtatanggol niya sa mga kaklase nito.  Dalagang-dalaga na ito at talaga namang napakaganda.

“Maya ikaw ba yan?” sa veranda niya natagpuan ang huli.

“K-kuya Richard.”

“How are you?”

“O-ok lang kuya.  Ikaw?”

“Are you sure?”  Balik-tanong niya dito.  Sa loob-loob niya ay hindi pa rin talaga nagbabago ng ugali si Maya.  Lagi pa rin itong nagsasabi na ok ito kahit ang totoo ay hindi naman.

“Opo naman.  Ang tagal ninyong di nakabalik ng Cebu ha.  Sobra kayong naging busy sa business ninyo. “

“Oo nga eh.  Alam mo na ayaw ko namang laging na-aasociate sa pangalan ng parents ko. May kailangang patunayan kaya doble-kayod din.”  Paliwanag ni Richard.

Nakangiti man si Maya pero nakikita ni Richard sa mga mata nito ang lungkot na nararamdaman.

“Grabe Maya akala ko kanina may iba ng babae sa bahay ninyo.  Hindi talaga kita nakilala kasi…” pinigilan ni Richard ang pagsasalita ng mapansin niyang parang may mali sa sinasabi niya.  “S-sorry Maya I mean dalagang-dalaga ka na kasi and look at you…you are beautiful.”

Hindi napigilan ni Maya na hindi mamula sa sinabi ni Richard.  Nakakahiya, she’s blushing.

“Ok lang kuya.  Medyo nagkalaman na ako at nawala na rin ang pimples ko, buti na lang.  Wala na ring tumutukso sa akin ng patpatin at atis.”  Natatawang sabi ni Maya kay Richard.

“Kung may tutukso sa iyo ng ganyan ngayon, hayaan mo bubugbugin natin.”

Lalong namula si Maya sa sinasabi ng kanyang Kuya Richard.

“Ahem…” si Don Arturo Dela Rosa, ang ama ni Maya.

“Tito!”  Agad lumapit si Richard sa ama ni Maya at nagmano.  Sa loob-loob ni Maya ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang Kuya Richard, magalang pa rin ito.  Isa sa mga katangiang nagustuhan niya dito.

“Kamusta na po kayo?”  ang tanong ni Richard sa matanda.

“Mabuti naman.”

Naramdaman ni Richard ang tensiyon sa pagitan ng mag-ama.  Maya-maya pa ay nagpaalam na si Maya.

“Ahh Kuya Richard mauna na ako.  Kailangan ko pang maghanda dahil may flight ako mamaya.”

“Flight?” ang pagtatakang tanong ni Richard kay Maya.

Bago pa nakasagot si Maya ay naunahan na siya ng ama.  “She is a Flight Attendant now.  Anyway, Richard do you want to go to the farm?  Alam ko namimiss mo na ang sariwang hangin and of course ang mga sariwang prutas.  Papunta rin naman ako doon might as well doon na natin ituloy ang kuwentuhan.”

“S-sige po Tito.”  Ni hindi na nakuhang magpaalam ni Richard ng maayos kay Maya dahil agad siyang hinila ng ama nito patungo sa naghihintay na sasakyan ng mga Dela Rosa.

*******************

“She is my only daughter Richard.  Nang mamatay ang ina nila I see to it na they get whatever they want.  Ang hinihingi ko lang ay alagaan nila ang dignidad ng pamilya pero anong ginawa niya, gumawa siya ng isang malaking eskandalo sa pamilya.”  Pagpapahayag ni Don Arturo kay Richard.

Damang-dama ni Richard ang sama ng loob ng ama ni Maya para sa huli.

“Nasaan na po yung lalaki?”

“Ayun naglahong parang bula.  She’s insisting that nothing happened to them pero sinong maniniwala?  Her Tita Amanda saw them leaving the motel for Christ’s sake.  Anong ginawa nila dun nagjack-en-poy, nagtitigan?”

“But Tito paano nga kung wala talagang nangyari sa kanila?  I mean kilala ko si Maya she is not that kind of a person.  Napakalaki ng respeto niya sa pamilya lalong-lalo na sa inyo.”

“If she really respects me hindi dapat siya sumama sa lalaking yun sa lugar na yun.  Ngayon sino pang maniniwala na malinis siya?”

Napabuntung-hininga na lamang si Richard.  Ang ama ni Maya ay isa sa masasabing tradisyunal.  Masyado itong koserbatibo sa mga paniniwala nito.  Hindi na niya alam kung anong paliwanag ang gagawin sa ama ni Maya.  Masyado na itong sarado sa sitwasyon ng huli.

“Mapapatawad ko lang siya kung makakasal siya.  Yun lang ang magsasalba sa kanya sa kahihiyang ginawa niya.”

“Tito!” si Richard.

********************

Bumisita ulit si Richard sa mansiyon ng mga Dela Rosa.  Hinanap niya si Maya at sinabi ng isa sa mga katulong na nasa tabing-dagat ito kaya naman pumunta siya doon.

“May problema ka talaga.” Si Richard.

“K-kuya andiyan ka pala.” Ang gulat na sabi ni Maya.  Nakaupo siya sa isa sa mga batuhan na may lilim na gawa sa mga kawayan.

“I remember when you we’re ten or eleven.  Kapag napapagalitan ka ng papa mo dito kita laging pinupuntahan dahil alam kong andito ka para magpalipas ng sama ng loob.  Ganun din kapag may problema kang di mo masabi sa bahay ninyo.”

Tumayo si Maya sa kinauupuan, napabuntung-hininga. “Hindi ko na kasi alam kuya kung anong gagawin ko.  Ilang beses na akong nagpaliwanag na walang nangyari sa amin ng lalaking yun pero kilala mo naman si papa masyado siyang sarado.”

Damang-dama ni Richard ang problemang dala-dala ni Maya.  Tulad ng dati ay pinabayaan niyang magsalita ito at siya naman ay nakikinig lang.

“Hindi ko akalain na magagawa ni Bart sa akin ito.  I’ve love him kuya pero pagkatapos niyang gawin ang napakalaking eskandalo na ito ay bigla na lang siyang nawala.  Ni hindi niya ako tinulungang magpaliwanag kay papa at sa mga kamag-anak namin.  Ngayon ang feeling ko para akong naipako sa krus ng walang kasalanan.” Tears started to fell down on her face.  Kahit matagal na silang hindi nagkita naging napakadali kay Maya para sabihin ang lahat kay Richard.

“My father told me that he will only forgive me kung maikakasal ako pero paano ko gagawin yun kung ang lahat ng lalaki sa lugar natin ang alam tira-tira na lang ako.” Humagulgol na ng tuluyan si Maya.

Agad namang lumapit si Richard kay Maya and started rubbing her back para kahit papaano ay tumahan ito.  Nang mahimasmasan ay umupo ulit ito sa may batuhan.

“Minsan iniisip kong tanggapin na ang proposal ni Mr. Belmonte para matapos na lahat ng problema ko.”

“Mr. Belmonte?”

“Hindi ako sure kung natatandaan mo siya kuya pero kilala mo siya.  Si Mr. Belmonte, ang isa sa mga partner ni papa.  Minsang dumalaw siya sa farm ay kinausap niya ako.  He offered marriage and ang sabi ko ay pag-iisipan ko.”

Pilit inaalala ni Richard kung sino si Mr. Belmonte.  At ng maalala na ni Richard kung sino ito ay kumunot ang noo niya.  Halos kasing-tanda na ito ng ama ni Maya.  For Maya to consider marrying the guy irks him.

“Maya he’s almost the same age as your father.”

“I know pero siya na lang ang sagot sa problema ko kuya.”

“No!  Don’t marry him.”

“Pero kuya…”

“Marry Me!!!” Si Richard.

“What???”  Si Maya.

 

to be continued…

-roxygirl5-

Stay Chapter 4

Stay

Shameless plug…  kindly visit my blog http://roxygirl5.wordpress.com

Love to read your thoughts :)

Chapter 4

Nang matapos ang tanghalian ay agad bumalik ng kuwarto si Maya.  Gustong-gusto na niyang makalayo kay Richard dahil hiyang-hiya na siya dito.  Hindi na nito magawa ang gusto nito.  Ni ang simpleng pakikipag-date sa girlfriend na si Celeste ay hindi na rin nito magawa.  Lahat ng ito ay dahil sa kanya.

Kaninang umaga ay tahimik silang umuwi ng bahay ni Richard.  Hindi nagkikibuan habang nasa sasakyan ng huli.

Matapos ang nangyari sa kanila ng nakaraang gabi ay hindi na nya alam kung ano ang gagawin niya, kung ano ang sasabihin niya.   Parang wala na siyang mukhang ihaharap dito lalong-lalo na sa girlfriend nitong si Celeste.  Ano na lang ang sasabihin nito na pagkatapos niyang hiramin ang boyfriend nito at pakasalan ay nagawa pa niyang akitin.  Yes she seduced him, siya naman talaga ang nagsimula ng lahat.  Kung hindi niya ito hinalikan ay hindi naman siya nito gagalawin.  Maraming oportunidad para pigilan niya ang pangyayari pero alam niya sa sarili niya na gusto niya, gustong-gusto niya.

Maliit pa lang siya ay crush na crush na niya ang kanyang Kuya Richard kahit sabihin pang pitong taon ang pagitan ng kanilang mga idad.  Kapitbahay nila ito before sa Cebu at dahil sa nag-iisang anak lang ito  madalas ay nasa bahay nila ito para makipaglaro o kaya naman ay alagaan silang magkapatid.

Sino ba naman ang hindi magkaka-crush dito bukod sa guwapo na ay napakatalino pa, madalas ay ito ang nagtuturo sa kanya kapag nahihirapan siya sa Math.  Ito rin ang naging tagapagtanggol niya kapag pinaiiyak siya ng mga kaklase niya dahil madalas ay tinutukso siyang patpatin at atis dahil sa dami ng pimples niya.

Aaminin niya na umiyak siya ng magpa-alam ito para manirahan na sa Manila.  Nakatapos ng Engineering si Richard at kahit sabihin pang mayaman ang angkan nito sa Cebu ay mas pinili nitong mamasukan muna sa ibang kumpanya to gain some experience at ngayon nga ay may sarili na itong kumpanya, ang Lim Aviation Services.

Noong una ay nakakauwi pa ito sa Cebu ngunit ng lumaon ay unti-unting naging madalang ang pag-uwi nito.  Ayon sa mama nito ay naging busy si Richard sa pagpapalago ng sarili nitong kumpanya.

Madalas ay nakakatanggap siya ng cards mula rito lalo na kapag may okasyon tulad ng kanyang birthday.  Lahat ng iyon ay sikretong nakatago sa kanyang tokador.

Kay Richard niya hinulma ang imahe ng kanyang ideal man.  Kaya naman ng magdalaga na siya at kahit naging marami ang kanyang manliligaw ay hindi siya nag-boboyfriend hanggang sa dumating sa buhay niya si Bart Ramirez.  Kapwa- FA niya ito sa Time Airways.  Matalino, guwapo at isa sa pinakamasugid niyang manliligaw ang huli.

“Girl aminin mo nga, tomboy ka ba?” si Emman, isa sa pinamatalik niyang kaibigan.

“Ha, hindi no!  Bakit mo naman naitanong yan?” si Maya.

“E kasi naman girl marami namang nanliligaw sa iyo tapos ni isa wala kang sinasagot.  Lalo na iyang si Bart, perfect!  Kung ako ang liligawan niyan naku bukas kasal na kami.”

Natawa si Maya.  Naaaliw talaga siya kay Emman kasi alam niyang crush na crush nito si Bart.

“Ikaw talaga.  Alam mo naman ang reason kung bakit diba.”

“Sino yung Kuya Richard mo na naman na ten years mo ng hindi nakikita.  Girl magmove-on ka na puwede ba.  Baka nga mamaya may asawa na yan hindi ka lang naimbita sa kasal.”

Kahit sabihin pang biro lang ang sinabi ni Emman, deep-inside ay nasasaktan siyang isiping baka nga may asawa na si Richard o kung hindi naman ay girlfriend.  Ang totoo, ang mga cards na natatanggap niya noon ay nawala na rin.  Nakalimutan na nga siguro siya nito.

“H-hindi naman sa ganun, gusto ko lang mag-focus sa pagiging FA ko alam mo na gusto kong maging International FA.  Isa pa alam mo naman si Papa masyadong conservative.”

“Girl hindi ka na teenager.   My God 23 years old ka na.  Maiintindihan naman siguro ng papa mo kung mag-boboyfriend ka na.  Isa pa give yourself a chance, masyado mo kasing inilagay sa pedestal ang Kuya Richard mo kaya wala ka ng nakitang maganda sa ibang lalaki.  Give Bart a chance.”

And she did, sinagot niya si Bart at naging mag-boyfriend sila hanggang mangyari ang gabing dalhin siya nito sa isang motel.

Naging isang malaking iskandalo ang nangyari lalo na ng makita pa pala sila ng kanyang Tita Amanda na lumalabas ng motel ni Bart.  Kahit anong paliwanag niya ay ayaw siyang pakinggan ng kanyang ama.  Kilala ang kanilang pamilya sa pagiging konserbatibo at hindi matanggap ng Papa niya na ang nag-iisang anak na babae nito ay naging isang pakawala.

Pinuntahan niya si Bart upang humingi ng tulong to explain to her father na walang nangyari sa kanila pero ng puntahan niya ito sa condominium nito kasama si Emman ay wala na ito.  Bigla itong naglaho na parang bula.

Mula noon ay naging malamig na ang pakikisama ng kanyang ama sa kanya.

“Mapapatawad lang kita kung makakasal ka.”  Iyun ang mga salitang narinig niya sa kanyang ama ng minsan ay subukan niya ulit itong kausapin.

Napapikit si Maya, parang sumakit na naman ang ulo niya ng maalala niya ang mga nangyari.

Nakarinig siya ng mahinang katok sa kanyang pintuan. Binuksan niya ito at nagulat siya ng makitang si Richard ang kumakatok.

“I-I’m sorry.  Gusto ko lang malaman mo na we need to pick up Celeste at 7.”

“H-ha ah e h-hindi na lang ako sasama.  Ako ng bahala kay Tita.  Go ahead with your date with Celeste.  Matagal na rin naman kayong di nakakalabas na kayo lang.”

“Are you sure?” nakakunot ang noong tanong ni Richard.

“O-o naman.  S-sige na, ako ng bahala kay Tita.” Ulit ni Maya.

“Okay.” Ang walang ganang sabi ni Richard.

Agad na sinara ni Maya ang pintuan.  Nagseselos siya, selos na selos siya.

**************

Bumalik si Richard sa kanyang kuwarto.  Gusto man niyang gibain ang pinto ng isara niya ito pero hindi niya puwedeng gawin dahil maririnig ng kanyang ina at magtataka ito.

Pasalampak siyang humiga sa kama niya.  He closed his eyes and put one of his arms on his forehead.

“Ano ba itong pinasok mo Richard?”  tanong niya sa kanyang sarili.

to be continued…

-roxygirl5-

Stay Chapter 3

Stay

Let me read you thoughts…

Kapit-bisig my fellow-addicts :)

Follow me on http://roxygirl5.wordpress.com/

Chapter 2

8 months ago…

“Bart parang hindi ito ang daan sa pupuntahan natin.”

Hindi sumasagot si Bart at lalo namang kinabahan si Maya ng makita niyang papasok na sila sa isang motel.  Nang makapasok na ang sasakyan sa garahe ay agad bumaba si Bart at binuksan ang pinto ng kotse kung nasaan si Maya.

“Maya let’s go.”

“Hindi ako bababa!” hindi malaman ni Maya pero galit ang nararamdaman niya para kay Bart.  Niyaya siya ng boyfriend na lumabas pero hindi niya akalain na sa isang motel siya nito dadalhin.

“Maya please kung talagang mahal mo ako papayag ka.”  si Bart.  Halos isang taon na silang magkasintahan ni Maya pero hanggang simpleng halik lang ang nakukuha niya sa dalaga kaya nagpasya si Bart na dalhin ito sa isang motel hoping na hindi na ito makakatanggi pa.

“Bart kung talagang mahal mo ako hindi mo hihingin sa akin ito. “  Bumaba ng kotse si Maya  at aktong lalabas ng garahe pero agad naman siyang napigilan ni Bart.

“Ano ba Maya huwag ka namang gumawa ng gulo dito.”

“Uuwi na ako!  Kung gusto mo maghanap ka ng babaeng papayag sa gusto mo.”

Humarang si Bart sa daraanan ni Maya.  “Ok, ok uuwi na tayo ihahatid na kita.”

Tumingin lang si Maya kay Bart at parang nagdadalawang-isip na bumalik at sumakay ulit sa kotse ng huli.

“Maya please.  Ihahatid na kita.”

Tahimik lang na sumakay si Maya at ganun din naman si Bart.  Agad na pinatakbo ng huli ang kotse nito palabas ng motel.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nakita sila ng Tita Amanda ni Maya dahil sa nagkaroon ng problema ang sasakyan nito sa mismong harap ng motel kung saan sila nanggaling ni Bart.

***************

Present time…

“Mukhang tinanghali kayo pareho ng gising, hindi ko kayo nakasabay sa breakfast kanina.” Si Donya Esmeralda, ang ina ni Richard.  Pansamantala itong tumigil sa bahay ni Richard dahil may ilang meetings itong kailangang puntahan sa Manila para naman sa mga businesses nito sa Cebu.

“Dito ba kayo natulog kagabi?” tanong ulit nito.

Parehong hindi sumasagot si Maya at Richard.  Napansin din ni Donya Esmeralda na parang umiiwas ang mga tingin ng mga ito sa isa’t-isa.  Humugot ito ng malalim na hininga sabay tanong ulit.  “Magkasama ba kayo sa iisang kuwarto kagabi?”

“Ma!” gulat na sabi ni Richard samantalang namula naman si Maya.

“Well, bakit hindi?  Mag-asawa naman kayo.”  Kaswal na sabi nito.  “Kahit palabas lang ang kasal ninyo, sa mata ng mga kaibigan at kakilala natin mag-asawa kayo kaya kung hindi kayo matutulog dito sa bahay siguraduhin ninyo na sa iisang kuwarto kayo maglalagi.

Hindi na alam ni Richard kung anong gagawin sa mama niya.  Talaga naman kasi kung minsan ay napaka-prangka nito.

Buti na lamang at tumunog ang telepono.

“Ricardo, si Celeste.” Si Manang Fe.

Agad na tumayo si Richard at kinuha ang telepono kay Manang Fe.

“Thank you po Manang.”

Hindi napigilan ni Maya ang hindi sumimangot ng marinig ang pangalan ni Celeste na agad namang napansin ni Donya Esmeralda.

“You’re calling my phone?…  Sorry we’re having lunch, I forgot it in my room… Dinner tonight?… Sure, sure… I”ll pick you up, say seven??… See you then, bye.”

Bumalik si Richard sa kanyang upuan.

“O Maya, bakit parang hindi yata nababawasan ang pagkain mo?” tanong ni Donya Emeralda ng mapansing parang walang ganang kumain si Maya.

“P-po… masama po kasi ang pakiramdam ko.  Medyo masakit po kasi ang katawan ko.” Gusto sanang ibalik ni Maya ang nasabi niya ngunit huli na.  Naramdaman niya ang pamumula ng mukha niya lalo na ng makita niyang nakatingin si Richard sa kanya.

“Aba iha, you need to take some medicine.” Pag-aalalang sabi nito kay Maya.

“S-sige po.  Kakain lang po ako kahit kaunti.”

Bumaling muli ito kay Richard.  “You’re going out tonight son?”

“Yes Ma.  I’m going out with Celeste.” Nakatingin pa rin si Richard kay Maya.

“Ricardo, may I remind you that people knows that you and Maya are married.  Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung lagi pa kayong nagkikita ni Celeste?  Pumayag yang girlfriend mo sa set-up ninyo so she also needs to obey the rules and one of the rules is hindi kayo puwedeng lumabas dalawa lalo na kung hindi ninyo kasama si Maya.”

“Ma, dinner-date lang yun.”

“Ricardo, inumpisahan mo ang kalokohang ito kaya kailangan panindigan mo!” ang mariing sabi ni Donya Esmeralda.

Wala ng nagawa si Richard kundi tumahimik.  Tama ang ina niya siya ang nag-umpisa ng lahat ng ito.

to be continued…

-roxygirl5-

Stay Chapter 2

Kindly visit my blog @ roxygirl5.wordpress.com/ .  Thanks :)

Chapter 2

8 months ago…

“Papa let me explain.” Kahit nararamdaman pa rin niya ang sampal na ibinigay ng ama ay binalewala niya iyun. She needs to explain her side to her father.

“At ano pa ang dapat mong ipaliwanag. Nakita ka ng Tita Amanda mo with that Bart Ramirez going out of a motel.”

“Pero pa wala pong nangyari sa amin.”

“Sinong lolokohin mo?” Isa pa sanang sampal ang dadapo sa pisngi niya kung hindi lang napigilan ng nakakabatang kapatid niya ang ama.

“Pa, hindi ko po alam na sa motel niya ako dadalhin kaya sumama ako sa kanya pero pa wala po talagang nangyari sa amin.”

“Pakakasalan ka ng Bart Ramirez na yan dahil kung hindi, pareho ko kayong mapapatay ng lalaking yun.”

“Pa please.” Umalis na ang kanyang ama.

Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang.

*************************

The Night before…

“Maya where have you been? Kanina pa kita hinahanap.” Si Richard. He felt a little guilty for leaving her with their friends. He needed to talk to Celeste about something really important.

Hindi sumasagot si Maya. Sapo-sapo lamang nito ang ulo at umiiling.

“Maya…” ulit nito.

“What?!”

“You’re drunk.” Umupo siya sa tabi nito and started rubbing her back.

“I-I’m not drunk t-tipsy lang ako.” Hindi na alam ni Maya kung tipsy lang ba talaga siya o lalo siyang nalalasing dahil sa ginagawa ni Richard.

“Stay here. I’ll be back.”

“Iiwan mo na naman ako?” parang batang sabi ni Maya.

“Sandali lang ako. Just stay here huwag ka na uling mawawala ok.”

Tungo lang ang naisagot ni Maya.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Richard. Inalalayan ni Richard si Mayang makatayo. Napapikit si Maya at napasandal sa dibdib nito, smelling his sexy, masculine Armani perfume. “Ang bango talaga ng lalaking ito.” Sa loob-loob niya.

“W-where are we going?” medyo nararamdaman na talaga ni Maya ang hilo.

“I got us a room.” Ang simpleng sagot nito. Napangiti si Richard ng makita niya ang panlalaki ng mga mata ni Maya.

“Don’t worry, magpapahinga ka lang hanggang kaya mo ng umuwi. Mapapagalitan tayo pareho ni mama kapag nalaman niyang pinabayaan kitang uminom.” Ngumiti ulit ito.

Nang makarating sa pintuan ng kuwarto at mabuksan ito ay lalong nagulat si Maya ng buhatin siya ni Richard. Dahan-dahan siyang inilapag nito sa kama at saka umupo sa tabi niya.

“Are you ok? Do you want anything? Coffee?” halatang-halata ang pag-aalala ni Richard para kay Maya.

Iling lamang ang naisagot niya sa lalaki. Richard has always been a gentleman kahit naman nung mga bata pa sila.

Maya placed her hands on Richard’s face and started caressing it. “Thank you.” Blame it all in the alcohol that killed all her common senses but soon she pressed her lips against his. And with a whisper that was barely audible, she told him she wanted him.

“M-Maya…”

“Richard…”

“A-are you sure?” si Richard. He wants to know.

“I am so sure to be scared.” Maya told him.

Alam ni Mayang pagkatapos ng lahat ay pagsisisihan niya ang kung ano mang damdamin ang pinakawalan niya. But she has always loved him.

Richard bent his face to kiss her. Slowly at first but it became demanding, passionate.

He started undressing her until she was naked before him. Richard stops kissing her for awhile and started admiring her, tracing his hands on Maya’s body.

“God you’re more beautiful than I imagined you would be.”

“R-richard…” Maya is on emotional wreck right now. Hindi niya alam kung pipigilan pa ba niya ang nangyayari but she started it. Kasalanan niya. Bukas na lang siya magsisi.

Richard looking on her swollen lips kissed her again and started removing his own clothes.

He went down and licked the top of her breasts repeatedly, leaving butterfly kisses as he went.

Hindi na alam ni Maya kung ano ang gagawin niya. She just closed her eyes… these are all knew to her.

Richard then traveled south and parted her legs and teasing “it” gently with his lips. When Richard thinks it’s time he finds his way to her lips and kissed her again.

Richard straddles her and gently lowers himself to her… breaking the barrier.

Maya gave a soft cry, her innocence now gone.

He leaned his forehead against her. “I’m sorry baby, if I could take the pain for you I would.”

“R-richard…”

“Shhh, just let the pain subside.” He moves in and out of her until both reached their climax. Richard collapsed on top of her.

Pareho pa silang naghahabol ng hininga ngunit ng makabawi, Richard gathered her to his side at mahigpit siyang niyakap nito.

“Sleep now baby.” Then Richard kissed her forehead.

Pagkatapos ng lahat ay tsaka naramdaman ni Maya ang pagtulo ng luha niya.

*************************

Nakaramdam si Richard na parang may kulang kaya naman nagising siya. Nang makita niyang nag-iisa lang siya sa kama ay agad siyang bumalikwas ng bangon. Hinahanap niya ang babaing kagabi lang ay kasiping niya at sigurado niyang kani-kanina lang ay kayakap niya.

Inikot niya ang mga mata sa kuwarto. Nakita niya ang sapatos nito kaya alam niyang nasa confort room lamang ito at nagbibihis. Nakahinga siya ng maluwag.

Alam niyang magiging malaki ang pagbabago sa kung ano mang relasyon meron sila.

Kinuha niya ang kanyang pantalon at nag-umpisang magbihis at dahil hindi niya makita ang kanyang polo ay pinili na lang niyang umupo sa gilid ng kama at hintayin ang paglabas ni Maya.

Nasa ganun siyang posisyon ng makita niyang lumabas si Maya at dahan-dahang sinasara ang pintuan ng banyo.

“Where do you think you’re going?” tanong ni Richard na ikinagulat naman ni Maya.

“Ahh k-kasi ano kasi.” Maya kalma lang, saway niya sa sarili.

Lalo siyang sumimangot, halatang naghihintay ng matinong sagot mula kay Maya.

“U-u-uuwi na sana a-ako.”

“Uuwi ka na and you didn’t even bother to wake me. Ano iiwan mo lang ako dito?”

“K-kasi ang himbing ng tulog mo ayaw naman kitang gisingin.”

“Maya iisang bahay lang ang uuwian natin bakit kailangan mong umuwi mag-isa?”

Lumapit si Richard kay Maya na lalo namang ikinataranta ng huli lalo pa’t walang damit-pang-itaas si Richard.

“Are you okay? Did I hurt you?” tanong ulit nito.

“U-umuwi na tayo.”

Richard leaned over and tried to kiss her.

“NO!!!” si Maya.

to be continued…

-roxygirl5-

When I Met You, Maya…

Written: August 24, 2014

Inspired by last week’s episodes (August 18-22, 2014), here goes another scenario in my mind. Some lines were lifted from the BCWMH concert, I Heart You 2.

20140824-225708.jpg

20140825-171014.jpg

It’s Sunday evening and Richard and Maya are having a nightcap at the veranda, while the rest of the household was fast asleep. Maya takes a sip of her coffee as she stares lovingly at her husband who is deep in thought. She knows exactly what he’s thinking. She chuckles and Richard doesn’t notice. She clasps his right hand with her left, and brings his hand to her lips for a kiss, and her husband finally looks at her and smiles.

Richard: What was that for?

Maya: (Smiles) Sweetheart, kanina ka pa tulala. Nakita kita kanina. Affected ka na textmates na si Luke at Joni!

Richard: You know why, sweetheart.

Maya: Alam ko naman yun. Pero sweetheart, pwede bang time out muna sa pag-aalala? Pabayaan na muna natin na magkakilala ng lubos si Luke at si Joni. Sa totoo lang, pakiramdam ko talaga okay si Joni, eh.

Richard: I surely hope so.

Maya: Nakita mo naman pati sina Sky and Sunshine tuwang-tuwa sa kanya. Parang si Abby lang dati. Diba tuwang-tuwa din siya sa kin simula pa lang? And ikaw dati, you kept looking at me with contemptuous eyes. Haha!

Richard: I did? (Laughs)

Maya: Oo kaya. And nakita ko kung paano mo tingnan si Joni kahapon ha. Mukhang natakot siya sa yo.

Richard: You do know that I don’t want to see Luke get hurt. I want him to be cautious when it comes to dealing with Joni. I still can’t help but think that she might be up to no good, given her very competitive nature. She’s so driven! And everyone knows that she’s really hoping to work for Lim Aviation Services in the future.

Maya: Diba the best sa aviation idustry ang LAS? Siyempre sweetheart, marami mag-aaspire na makapagtrabaho sa LAS. Pwede si Joni lang ang very vocal sa desire niya na makapagtrabaho sa kompanya natin, pero for sure lahat sila pinapangarap yun.

Richard: You’ve got a point there, sweetheart. But this is our son we’re talking about. You know how protective I am when it comes to you and our children.

Maya: I know! Hmm. (Laughs)

Richard: O, anong nakakatawa?

Maya: Eh kasi, ako nga pala dati, pinag-isipan mo nang masama. Pakiramdam mo may masama akong balak sa inyong lahat!

Richard: Sweetheart!

Maya: Sweetheart, bakit kaya di mo na lang pa-imbestiga si Joni tulad ng ginawa mo sa kin dati? O kaya pakuhanin mo ng NBI Clearance. O di kaya–

Richard: Sweetheart! I already explained to you countless times why I did that.

Maya: Ang sa kin lang, sweetheart, bigyan mo ng chance si Joni. Wag mo sana siya pag-isipan ng masama. Okay andun na ko. Competitive siya at driven, pero hindi ibig sabihin gagawa na agad siya nang masama.

Richard: Fine! Okay, sweetheart. Your wish is my command. For you and for Luke, I’ll try to keep an open mind about Joni… I really hope you are right about her.

Maya: (Suddenly giggles)

Richard: O, bakit na naman?

Maya: Pwede mag-flashback? Naalala mo dati nung sa airport? Muntik na kong makulong dahil sa yo. Tapos nung nagsimula akong magtrabaho sa yo, lahat na yatang kasamaan sa mundo parang gusto mong isipin na kaya kong gawin o gusto mong isisi sa kin.

Richard: (Rolls his eyes) Sweetheart!

Maya: I love you, sweetheart! Naaaliw lang ako mag flashback. Pagbigyan mo na ko.

Richard: Okay. But do you want to know why I had apprehensions about you when I met you then?

Maya: Bakit nga ba?

Richard: You were too good to be true. Parang wala kang pinoproblema o kung meron man, may solusyon ka kaagad sa mga bagay. Then I saw how you were with Abby and I wondered how someone like you who hardly knew my little girl would love her completely.

Maya: O, anong masama dun?

Richard: Wala naman. But I have never met anyone like you. So it was easier for me to question your motives and to doubt you, than to trust you completely. But then you kept surprising me. Not only did I see how much you cared for Abby. You made an effort for Luke. You also reached out to Nikki. And even if I made things so difficult for you, you never gave up on me.

Maya: Sinong mag-aakala na mai-in love ka sa kin at magkakatuluyan tayo, ‘no? Eh dati wagas ang inis mo sa kin! At wala kang ginawa kundi pagsabihan ako, pangaralan at pagalitan. Naalala mo nung first time na magkasama tayo sa kotse?

Richard: I do! (Laughs) Ang kulit at ang daldal mo, Maya! Wala kang preno! Non-stop ka kung magkwento! And you can’t even take a hint. I turned on the radio to drown out your voice pero wala pa rin. Yung boses mo ang sakit sa tenga.

Maya: Ah ganun ha! Eh bakit ka na in love sa kin?

Richard: Hindi ko nga rin alam, eh!

Maya: Ricky!!!

Richard: Sweetheart, magtatagal tayo dito kung gusto mong isa-isahin ko why I fell in love with you… You are the best thing that ever happened to me, Maya! You’re amazing! You’re beautiful inside and out. You make me smile. When you came, my dark world suddenly lit up. You made me hopeful, happy and whole again. You brought out all those feelings I have already buried a long time ago. You also–

Maya: Aww, sweetheart! Okay na. Pinapakilig mo na naman ako!

Richard: Sanay sa sanay na ko na kinikilig ka sa kin. (They both laugh.)

Maya: Pero sweetheart, seryoso ako. Wag ka nang masyadong mag-alala. Kilala natin si Luke. Hindi impulsive ang anak natin. Pinag-iisipan niya nang mabuti ang mga bagay-bagay. Sa kanya tayo magtiwala.

Richard: (Nods) I guess you’re right. Let’s just hope and pray that this Joni girl is not bad news for our son.

Maya: Oo, sweetheart. Palagay ko hindi siya katulad ng co-intern mo dati. At uulitin ko. Feeling ko okay naman si Joni. Sa mga kwento nina Luke at Nikki, mukhang mabait siyang anak at kapatid. Tapos sobrang sipag pa niya at may pangarap sa buhay.

Richard: Parang ikaw lang, sweetheart?

Maya: Oo naman. (Then sips her coffee)

Richard: Iyakin din kaya siya?

Maya: Ewan ko. Bakit?

Richard: Naalala ko lang. Do you still remember when we picked up Luke at Nicolo’s? Nung na-snatch yung cellphone nya?

Maya: Oo. Bakit?

Richard: Nung pauwi na tayo, diba Luke and I talked? I’ll never forget how you were crying dun sa backseat. Nakakatuwa ka.

Maya: Sobra lang talaga ako na-touch talaga nun! Nakakatuwa ba talaga o nakakatawa?

Richard: Actually, pareho. I appreciated how you already cared so much about my kids, then.

Maya: Yung kids lang? Hindi mo na-feel na nagke-care na rin ako sa yo nun? Di mo na feel na crush na kita?

Richard: Hindi.

Maya: Hay naku, sweetheart. Tama talaga si Rafi. Dense ka talaga!

Richard: Truth is, I think I was starting to like you as a person then. We may have started off on the wrong foot. But you know what? You’re so easy to like! Best of all, you’re so easy to love, too!

Maya: Aww, sweetheart!

Richard: Speaking of flashback, it’s been almost four years since you started stalking me.

Maya: Stalking you?!? Excuse me, Mr. Lim!

Richard: Oh, come on! Eh ikaw na nga nagsabi mismo na crush mo na ko nun pa. Dine-deny mo pa! Diba parati kitang nahuhuli?

Maya: (Rolls her eyes) A-ha?

Richard: Pa sulyap-sulyap. Minsan paamoy-amoy!

Maya: O sige. Okay. Aaminin ko. Eh kasi ang bango mo naman talaga. Eh ikaw nga lagi mo ko pinapakilig. Kakaiba ka!

Richard: (Smiles as he takes a final sip of his coffee) Eh lagi ka naman kinikilig!

Maya: Ha, nagsalita! Eh ikaw nga diyan, eh. Kung titigan mo ko wagas! Kung akapin mo ko parang walang bukas! At tuwing hahalikan mo ko, feeling mo parati yun na yung ating last kiss.

Richard: (Smiles) That’s because I love you so much, Maya! Thank you for coming into my life, sweetheart!

Maya: Ako din, sweetheart. Thank you for being the best husband in the whole world. I love you nang sobra sobra so–

Richard suddenly made a lunge for Maya’s lips, catching her off guard. All Maya could do was respond to his mind-blowing kisses. She loved the feel of his sweet lips on hers. When they finally end their kiss and gasp for air, all Richard and Maya could do was smile knowingly and gaze lovingly at each other. Holding each other close, they retreat to their room both with an intent to love, to trust, to respect and to make each other happy for the rest of their lives.

***