Mr. Arrogant meets his Match 22

Mr. Arrogant meets his Match

Chapter 22

Pumasok ng maaga si Richard kinabukasan bukod sa may meeting sila ni Maya sa mga ibang ex-spot ay gusto niya itong maka-usap.

Pero ganun na lang ang panlulumo niya ng hindi ito pumasok. Tumawag ito at nag file ng vacation leave ng araw na iyon. Hindi naman siya maka-alis dahil may meeting siya.

Lutang ang isip ni Richard sa meeting. Hindi niya masyado na absord ang mga pinag-uusapan, na kay Maya ang isip niya. Dalangin niya matapos na ang meeting nila. Kaya ganun na lang ang tuwa niya ng mag adjourn ang meeting nila by lunch time.

Dali-dali siya nag paalam kay Lisa na aalis na siya. Pero pingilan siya ni Lisa.

Sir hindi pa kayo puedeng umalis. Kasi kakausapin pa po kayo ni Sir Rey.

Bakit daw?

Hindi po ba ninyo nadinig kanina sa meeting?

Na ano?

Aalis po kayo bukas papuntang New York.

What? Ano gagawin ko doon.

Sir are you with us? May problema ba kayo? Kasi kahit sa meeting para kayong lutang eh. Pumayag nga po kayo mawala ng one month for training sa mother company natin eh.

What? Pumayag ako?

Opo sir. Kaya nga kakausapin kayo ni Sir Rey eh. Dapat kayo po dalawa ni Maya. Kaso naka VL si Maya kaya bukas na lang siya kakausapin ni Sir Rey.

Para saan daw at kakausapin din niya si Maya?

Di ko po alam eh. Baka si Maya muna ang papalit sa inyo pansamantala. Di ba pag umaalis kayo si Maya ang pumapalit sa inyo.

So ano oras ang meeting ko kay Sir Rey?

After lunch po.

Ok.

Richard…

Ikaw pala Elmer.

Wala girlfriend mo?

Oo naka leave.

Kung ganun tara sumabay ka na sa amin nina Johnny mag lunch .

Sige wala din naman si Maya eh. May meeting pa ako kay Sir Rey after lunch eh.

Ah siguro dahil yan sa training natin sa mother company

Ikaw din?

Oo. Kinausap din ako ng head ko. Alam ko lahat ng department meron ipapadala sa mother company for advance training.

I see…

Teka di ka ba nakinig sa meeting kanina?

Ha eh…meron kasi ako iniisip na iba kanina.

Huag mo masyadong pagkaisipin si Maya. Mahal ka noon. Sabi ni Johnny sa kanya.

Oo nga naman pare. Seryoso ka kay Maya ano? Tanong ni Elmer sa kanya.

Oo pare seryoso talaga ako sa kanya, siya iyon babae ihaharap mo talaga sa altar.

Suwerte mo kay Maya, pare. Sabi naman ni Johnny.

Eh si Maya kaya suwerte dito kay Richard. Biro ni Elmer.

Pinukol ng masamang tingin ni Richard si Elmer.

Oo naman, good boy naman itong si Richard. Itulad mo pa sa yo babaero.

Pagtatanggol ni Johnny kay Richard.

Actually mga pare, kaya wala ang isip ko sa meeting kanina ay dahil galit sa akin si Maya.

Ha bakit? Tanong ni Johnny.

Oo nga bakit segunda ni Elmer. May kasalanan ka ba nagawa?

Tumango lang si Richard sa kanila at naihilamos ang kanyang mga kamay sa mukha niya.

Care to tell us pare?

She caught me with another girl. Worts the girl is my long time ex-gf. Pero believe me, nothing happen…

Walang nangyari kasi nahuli na nga kayo. Sabi ni Johnny.

Hindi pare kahit hindi pa siya nag punta doon, wala talaga mangyayari sa amin.

Goodluck pare sana magka-ayos kayo bago ka umalis. Kasi isang buwan din kayo magkakalayo. Sabi naman ni Elmer.

Yeah, mag uusap kami mamayang gabi. Magpapaliwanag ako sa kanya…..

———-

Nag paalam si Maya di muna siya papasok ngayon araw na ito. Nag dahilan siya masama ang pakiramdam niya. Hindi pa niya kayang harapin si Richard na hindi nagagalit dito. Baka hindi siya makapag pigil at mag away sila sa opisina.

Iyon ang ayaw niyang mangyari. Ayaw rin naman niyang bigyan ng kahihiyaan si Richard. Kaya nga naki-usap siya kay Bham na huag muna ikuwento sa iba ang mga sinabi niya dito.

Gustong mag-isip isip ni Maya kaya naisipan niya magpunta ng Tagaytay sa Pink Sister convent. Doon she find peace and comfort. She stay for over an hour sa Adoration Chapel ng Pink Sister Convent. She pray for guidance, wisdom as well as peace of mind na gabayan siya ng Holy Spirit kung ano ang dapat niyang gawin.

Pagkatapos niya pumunta sa Pink Sister dumerecho siya ng Taal Vista Hotel. Nag check in siya doon at nag sight seeing at horse back riding. Tagaytay is always her haven pag may problema siya.

Ang malamig na simoy ng hangin lalo na at malapit na ang pasko. Ang nakakatulong sa kanya para maging payapa ang pakiramdam niya.

Noon napagod siya mangabayo bumalik siya sa hotel. Nagpa massage siya at foot spa. After mapamper ang sarili at nagpahinga na siya sa kanyang kuarto. Dahil sa pagod at puyat noon nagdaang gabi. Madaling araw na nagising si Maya.

Hala anong oras na? Pagtingin niya sa oras. Ano it’s 2:00 AM in the morning. Ang sarap kasi noon masahe sa akin eh. Nakakawala ng stress. Bakit kaya wala man lang nag text sa akin. Ang tahimik ng celphone ko. Kahit ang damuhong iyon di nag text. Akala ko ba mahal niya ako. Hmmmp. Sabi na nga ba eh. Niloloko lang niya ako.

Sinasabi niya ang mga ito habang hinahanap ang celphone sa bag. Only to find out na dead batt na pala ang celphone niya.

Damned wala na palang battery celphone ko. Di ko pa naman dala chager ko. Hmmm makauwi na nga lang. May pasok na ako mamaya. Hindi naman puedeng umiwas ako lagi sa taksil na iyon. Dapat na siguro namin ito pag usapan.

Huminga ng malamin si Maya saka nag-ayos para bumalik ng Manila.

Dahil madaling araw na siya bumiyahe, walang traffic tuloy sa daan. Madali siya nakarating ng Manila. Dumaan muna siya sa Mc Do drive thru malapit sa condo niya. Nag-early breakfast siya. Kasi balak niya matulog ulit pag uwi niya ng condo.

Bubuksan na lang niya sana ang pintuan ng condo niya, nang maisip niya baka nasa loob si Richard.

Magkahalong kaba at saya ang bumalot sa kanya pero napakatahimik ng condo niya pag pasok niya. Na

Aminin man niya o hindi ay nadismaya siya dahil walang Richard siya nadatnan. Nag-ayos na lang siya sa sarili at muling natulog.

Airplane Tutorials Part 11 & 12

A/N: Thanks po sa lahat ng nagte-take ng time to read yung mga nasulat ko po! 🙂

Part 11

Dumungaw si Maya sa pinto ng room ni Abby, narinig nyang nagkukwento ang kanyang baby kay Doris about dun sa story ng Mahal na Hari at Mahal na Prinsesa.

Maya: (Knocks) Hi Baby!
Abby: Yaya! (stands up and ran to Maya, hugs her) I missed you po!
Maya: I missed you too baby!

Habang nagkakamustahan ang dalawa, si Doris naman ay biglang naalala ang sinabi ni Sabel. Hindi na sya mapakali, pero nakapagpigil syang cornerin at tanungin si Maya about it.

Doris: Ah, Maya. Sige, mauna na ako sa baba.
Maya: (Nagtataka) Huh? Bakit? Nagkukwentuhan pa kayo ni Abby ah. Hindi naman ako mang-iistorbo.
Doris: (kinakabahan) Ah, hindi naman sa makakaistorbo ka Maya. Kaso mag didinner na at tutulong lang ako kila Sabel, andito ka naman na kaya may kasama na si Abby.
Maya: Ah ganun ba? O sige.
Doris: O sige, baba na ako. I-kiss mo na lang ako kay SC mo ay este kay Abby pala… hahahahaha… (kabadong lalabas ng room)
Maya: (Magtataka) Ano kayang nangyari doon?
Abby: Yaya! I got 5 stars kanina!
Maya: Talaga Baby?! (To herself) May alam na kaya sila?

Patuloy na nakipag-kwentuhan si Maya kay Abby. Si Doris naman ay nagmamadaling bumaba nang tawagin siya ni SC na nasa principal’s office nun.

SC: Doris!
Doris: (Mas kinabahan) Po Sir Richard?
SC: Handa na ba ang dinner? Ginugutom na kasi ako e.
Doris: Titignan ko po. Pero kung gutom na po kayo, may Kisses po dyan, yung chocolate po.
SC: (magtataka) Ah sige, hintayin ko na lang yung ihahain nyo. pakibilisan lang.
Doris: Ah ok… ayaw nyo po talaga ng kisses?
SC: Hindi na, ok lang ako. Ah, si Maya?
Doris: Nandun po sa kwarto ni Abby. Tawagin ko po? Nasa kanya po yung kisses!
SC: Hindi na, salamat.
Doris: Sige po sir. (pupunta ng kitchen)

Mapapaisip si SC…

SC: Bakit parang aligaga ang mga tao dito? Kanina si Nikki, ang daming sinabing dahilan sa kung bakit sya nagiinvestigate, si Doris naman, pinauulit-ulit yung pag-alok sa akin ng kisses. Ano bang nangyayari?

Nagtataka pa rin si SC but he decided to shrug it off. Nagtungo na lang sya sa room ni Abby. Naabutan nyang magkayakap ang dalawa while nagkukwentuhan.

Maya: At alam mo ba baby! Ang mahal na prinsesa, sobrang saya nya ngayon!
Abby: Bakit naman po Yaya?
Maya: E kasi baby, may natanggap syang reagalo mula sa mahal na hari!
Abby: Talaga po? Ano po yun?
Maya: Sorry baby ah, di pa pwedeng sabihin ni Yaya sa iyo ngayon e. Pero malapit mo na ring malaman.
Abby: Daya nyo naman po yaya, pero sige na nga po.
Maya: Thank you baby ah! Pero alam mo, kahit ang saya saya ng prinsesa ngayon, medyo nalulungkot din sya.
Abby: Bakit naman po?
Maya: E kasi, kailangan na nyang mag desisyon para sa kanyang future. Kailangan na kasi nyang iwan ang kaharian para ma-spread na nya yung wings nya at makalipad na siya para maabot ang pangarap nya.
Abby: (Frowns) E paano na po ang mahal na hari at yung little princess?
Maya: Wag kang mag-alala baby, lagi naman tatawag at dadalaw yung mahal na prinsesa sa kaharian ng mahal na hari.
Abby: E bakit po kasi kailangan pang umalis nung mahal na prinsesa? Pwede naman po siyang mag-stay sa kaharian di ba?
Maya: Baby, ano kasi…

All the while, nandun lang pala si sC sa may pintuan at pinakikinggan ang conversation ng dalawa. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman nya lalo na nung sabihin ni Maya na aalis na ang mahal na prinsesa at kailangan nya talagang gawin iyon. Pero nung ma-feel ni SC na hindi na makasagot pa si Maya sa tanong ni Abby tungkol sa kung bakit kailangan pang umalis ng pinsesa…

SC: (Papasok ng room with a smile na pilit) Hello baby!
Abby: (Smiles) Daddy! (Tatayo para lapitan si SC)
SC: (Hugs Abby) Kumusta naman ang baby ko?
Abby: Ok lang po daddy. Kaso (frowns) aalis na ang mahal na prinsesa kaya po medyo sad ako.
SC: Di ba baby, sabi naman ni Yaya, laging dadalaw ang mahal na prinsesa sa kaharian, kaya wag ka na masyadong malungkot.
Maya: Sige ka baby, kapag sad ka, mas magiging sad yung mahal na prinsesa. Gusto mo ba iyon?
Abby: Ayoko po. Gusto ko pong maging happy sya.
Maya: Ayun naman pala e. (Smiles) patingin nga ng magandang ngiti ng baby namin!
Abby: (smiles)

Natutuwa si SC sa nakikita nya. Alam naman nyang kahit noon pa, kayang-kayang pangitiin ni Maya si Abby kahit gaano ito kalungkot pero hanggang ngayon, namamangha pa rin siya sa kung paano ito nagagawa ni Maya. Hindi lang kay Abby kundi sa buong pamilya nya at lalong-lalo na sa kanya.

SC: Buti naman naka-smile na ang baby NATIN no Maya?
Maya: (Magba-blush) Ah, opo SC. (Sa sarili) Baby natin talaga ah! Bakit ba kaya mo akong pakiligin sa mga simpleng sinasabi mo lang?
SC: Let’s eat dinner na Abby. Hungry ka na ba?
Abby: Opo!
SC: Ako rin e. (Titingin kay Maya) Super hungry na!
Maya: (mahihiya, magba-blush tsaka yuyuko) (to Abby) O halika na baby!
Abby: Ok po!

Lumabas na sila Abby, Maya and SC sa room. Mas nauna si Abby na bumaba kaya nagkaroon ng chance si SC. Hinatak nya si Maya palapit sa kanya to give her a very sweet kiss sa lips.

Maya: (kinikilig) Ayan ka nanaman! Naka-isa ka nanaman! Hilig mo talaga akong nakawan! Magnanakaw ka! (Sabay hampas sa braso ni SC)
SC: Bakit? Kailan kita ninakawan?
Maya: Ano ka ba? First time pa lang kitang nakita, ninakaw mo na kaya ang puso!
SC: Aysus! Hindi na sa iyo yang puso mo.
Maya: Bakit naman?
SC: Kasi akin na yan! At yung puso ko naman, iyong-iyo na! (ngingiti)
Maya: (kikiligin, hahawakan sa kamay si SC tsaka hahatakin ito papunta ng hagdan) Halika na nga! Baka hinahanap na nila tayo!

Nagpahatak naman si SC kay Maya, ngunit nang makarating na sila sa baba ng hagdan, agad nilang binitawan ang kamay ng isa’t-isa.

Nasa dining area na ang Lim Family maliban kay SC at Maya.

Nikki: Baby, where’s Maya?
Abby: Andun po ate. Pababa na rin sila ni daddy.
Nikki: Magkasama si dad and Maya?
Abby: Yes po ate.
Luke: E ano naman ngayon Niks kung magkasama sila? Lagi naman silang ganun ah!
Nikki: Oh, kuya… it’s nothing.

Dadating na si SC at Maya.

Luke: o ayan na pala sila e! Dad, let’s eat na!
SC: Ok, go ahead!

Umupo si Maya sa tabi ni Abby. At umupo na rin si SC sa upuan nya. Nakatingin si Abby kay SC nang biglang…

Abby: Dad! What’s that po? (sabay turo sa lips ni SC)
SC: (Nagulat) Ano yun baby?
Maya: (Nagulat din at medyo nagpapanic ng konti) Baby, baka, dumi lang yun. Heto po SC. (Sabay abot ng panyo nya)
SC: Thanks Maya!

Nakita ni Nikki na medyo nataranta ng konti si SC at Maya sa nakita ni Abby. Tinitigan nya ang lips ni SC at ganun din ang lips ni Maya.

Nikki: (to herself) Hmmm…. same color… could it really be? (nanlaki ang mata nya)
Luke: (Napatingin kay Nikki noong lumaki ang mata nito) Hoy Niks! ano nangyari sa iyo?
Nikki: (Nagulat) What kuya? Wala naman ah!
Luke: (bubulong) Tingin ko alam ko na kung ano yung iniimbestigahan mo!
Nikki: (Tries to shrug her kuya off) Whatever Kuya!

_____________________________________________________________________________________________________________________________

Part 12

After ng dinner, pinatulog na ni Maya si Abby.

Abby: Yaya?
Maya: Yes baby?
Abby: Sad pa rin ba yung mahal na prinsesa?
Maya: Medyo baby e. Pero Mawawala din yung sadness nya.
Abby: Promise po?
Maya: Yes baby, promise.

Nakatulog na si Abby kaya lumabas na rin si Maya ng room nung bata.

Maya: (breathes deeply) Eto na Maya. Kaya mo yan! (Pababa na ng hagdan) Maiintindihan ka naman nya, kasi di ba, sabi naman nya mahal ka nya. (nakarating na sa baba)

Sumilip si Maya sa principal’s office, wala si SC sa loob kaya pumasok sya at inalala ang lahat ng nangyari sa kanila ni SC sa office nya. Yung mga sagutan nilang dalawa na kahit kailan hindi sya nanalo, ang pagpapakilig sa kanya ng kanyang mahal na hari na kahit konting bagay lang ang datin sa kanya is parang naka-jackpot na sya.

Maya: (Sa sarili) Hay, ano kaya ang nangyari sa akin kung hindi ko nakilala si Richard Lim? Hay… Richard. Parang ang sarap sabihin ng pangalan mo. Richard… (ngingiti)

Naputol ang pagre-reminisce ni Maya.

SC: (pumasok sa office, yumakap kay Maya) Anong ginagawa mo dito?
Maya: (magugulat) Ay Richard! Bakit ka ba nanggugulat?
SC: Anong tinawag mo sa akin?
Maya: Ay naku, sorry SC… Pasensya na.
SC: (Ihaharap si Maya sa kanya) Don’t. Walang kang dapat ikahingi ng pasensya. Tayo na diba? Diba normal lang na first name basis na ang isang couple? (ngingiti)
Maya: (Matatawa) Oo nga naman! E kaso, hindi pa naman nila alam e.
SC: (Looks around) Wala naman sila dito ah. (ngingiti)
Maya: Sabi ko nga! (Yayakapin ng mahigpit si SC)
SC: (Magtataka, pero yayakap din ng mahigpit) Hmmmm… ang sarap naman ng yakap na yan!
Maya: (Bibitaw sa yakap, teary eyed) Usap na tayo.
SC: (Ngingiti, papahirin ang patulong luha ni Maya) Kailangan pa ba talaga?
Maya: (Na-gets kung sno ang tinutukoy ni SC) Halika na. Dun tayo sa garden. (Ngingiti, hahawakan sa kamay si SC then hahatakin papuntang garden)

Ilang minuto na ang lumipas nung nakarating sila sa garden at nakaupo sa bench. Nakasandal ang ulo ni Maya sa balikat ni SC as he playfully caress her hands. Wala pa ring nagsasalita sa kanila. Si Maya, pinapaulit-ulit yung prinaktis nyang speech earlier as SC tried to contain his tears dahil alam na nya kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. Hindi na kaya ni SC ang katahimikan kaya nauna na syang nagsalita.

SC: (Looks at Maya) So, kumusta ang training mo kanina?
Maya: (Nakasandal pa rin ang ulo sa balikat ni SC) Ok naman. Ikaw? Kumusta ang work mo?
SC: Ok lang din.

Nasundan nanaman ng ilang minutong silence ang kumustahan nila. Sa wakas, nagkalakas loob na si Maya na sabihin ang dapat nyang sabihin.

Maya: (Not looking at SC) Mahal, aalis na ako by Saturday.

Hindi makasagot si SC kay Maya.

SC: (sa sarili) eto na Richard! hay, ayan na yung mga salitang ayaw mong marinig. Naimagine ko na ito dati, how much this might hurt and affect me, pero bakit mas masakit pag andito na talaga?

Maya: (looks at SC) Richard.
SC: (looks at Maya na may pilit na smile) Ganoon na kabilis?
Maya: (Yuyuko, tears forming) Oo e. Lalo pa’t tayo na. Hindi naman magandang tignan na sa bahay mo na ako nakatira. Okay naman si Abby kay Doris e. Okay na rin yung room ko sa condo ni Emman. Nakapag-paalam na rin ako sa iyo dati.
SC: (Buntong-hininga) Alam ko naman yan. Pero, parang hindi ko kaya.
Maya: (Hahawakan sa mukha si SC) Ano ka ba naman Richard? Si Abby nga, okay na na umalis ako, ikaw naman ngayon? Mas matatag pa pala ang baby natin e!
SC: Nasanay na kasi ako na lagi ka lang dito sa tabi ko. Na nandyan ka lang.
Maya: (Caress SC’s face) Hindi naman ako mawawala dito (turo sa heart ni SC) diba?
SC: Syempre naman. (kukunin ang kamay ni Maya ang he’ll kiss it)
Maya: Tsaka, pwede ka namang dumalaw dun. At weekly naman ako dadalaw dito. (ngingiti)
SC: (Ngingiti) Kung sabagay! Para maligawan na rin kita!
Maya: (Magtataka) Ligaw? E di ba tayo na? (Withdraws hand from SC)
SC: (ngingiti) Oo, tayo na nga. Pero hindi pa kita formal na nililigawan di ba? Ayaw mo?
Maya: Kung sabagay. (Hahawakan ang kamay ni SC) E marunong ka pa bang manligaw?
SC: oo naman! Ako pa!
Maya: Sus! baka naman yung mga moves mo laos na laos na!
SC: (sasalubong ang kilay) Wala ka bang tiwala sa akin Ms. Dela Rosa?
Maya: (matatawa) O, ikaw naman. Biro lang. (Ilalagay ang forefinger sa gitna ng mga kilay ni SC) Pikon ka talaga! (ngingiti)
SC: Hindi ako pikon ah! (ngingiti)
Maya: Hindi na ako makapaghintay na ligawan mo! (Kisses SC’s cheeks)
SC: Magugulat ka at lalo mo akong mamahalin pag sinimulan ko na ang pangliligaw ko sa iyo! (ngingiti)
Maya: (tatayo) O sige na Richard. Anong oras na. Tulog na tayo.
SC: Pwedeng mag request? (tatayo na rin)
Maya: Ano yun?
SC: Pwede bang sa friday night, dun ka sa room ko matulog?
Maya: (Magugulat, manlalaki ang mata) Ha?! Ikaw ah! Ano nanaman yan? Di pa pwede, liligawan mo pa lang ako di ba?
SC: Ito naman, naglalambing lang e. Gusto ko lang naman na ikaw yung huling makikita ko bago ako matulog at ikaw din ang unang makikita ko pagka-gising e. Tsaka, behave naman ako. Hanggang yakap lang, promise!
Maya: E pano kapag nakita nila tayo?
SC: E di, hindi na tayo mahihirapang sabihin sa kanila! (Tatawa)
Maya: (Maaasar) Eto naman! Nagbiro pa!
SC: Hindi biro yun. Pero don’t worry, walang makakakita sa atin. We’ll just wake up earlier than the others para hindi nila makita. (ngingiti)
Maya: Sige, pag-iisipan ko.
SC: (Ngiti) Yes!
Maya: Sabi ko pag-iisipan ko pa! Atat ka rin e!
SC: E ikaw kasi e!
Maya: Sige na, tulog na tayo. Goodnight Richard!
SC: Goodnight Maya!

SC leaned to give Maya a tender kiss then they both went to their own rooms. Unknown to them, a certain person saw that and somehow heard everything they talked about.