More Than a Phone

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to christine24m.


 A/N:  Maraming salamat po sa mga nagbasa at sa mga comments sa ‘Seize the Day.’ Nakaka-overwhelm po yung mga comments niyo!

Here’s another one. Actually bigla ko lang naisip yung idea tapos diretso type na. Hindi talaga ito yung ginagawa ko eh. Haha. I’ll try to finish the other one later, mataga-tagal pa naman po bago mag-pasukan.
Enjoy reading po! Animo!
 

Author:christine24m

~*~

Sino bang mag-aakalang bibigyan ako ni Ser Chief ng bagong cellphone? Sobrang saya ko nung binigyan niya ako nun kasi hindi ko naman talaga inaakala eh! Kahit na sabihin na natin na lagi siyang nagpapasalamat sa mga naitutulong ko, eh yung simpleng pag-sabi lang niya sakin ng thank you na may kasabay na ngiti, solb na ko eh!
Kaya naman Ser Chief! Kahit na bumubulong lang ako sa hangin, asahan mo, iingatan ko ‘tong cellphone na ‘to. Kahit bali-balita sa TV na nauuso yung napipindot na screen, promise, ito pa rin ang gagamitin ko! Maraming nakapansin ng bago kong cellphone. Tapos kapag tinanong nil kung kanino galing, masayang-masaya akong sasagot na galing kay Ser Chief.
Buti na lang, yung cellphone, may camera. Ang dami ko tuloy napipicture-an. Saka nakakapagpicture din ako ng sarili ko. Yung luma ko kasi wala, puro pang tawag at pang text lang kina Kute. Tapos biglang na-upgrade! Hayy Ser Chief, salamat sa cellphone na may camera. Dahil dito, napicture-an kita nung nasa Baguio tayo. Yun ang pinakapaborito kong picture na nakuhanan ko sa phone ko.
Napansin ko rin na simula nung binigay niya sa’kin ‘to, lagi niya akong sinasabihan na mag-text ako kung nakauwi na, kung nakakain na daw ba ako, ganun. Ang sweet nga eh! Pero nahihirapan din ako, kasi kailangan lagi akong nagpapa-load. Kahit kulang na sa budget, magpapa-load pa rin ako.
“Ok class, that’s it for today. Have a safe trip home.”
“Uy, Maya. Uuwi ka na ba?” tanong ni Edz.
“Ah. Oo, gabi na kasi. Ayoko nang gumala.” Sagot ko.
“Kakaunin ka ba ni Ser Chief mo?”
Napangiti ako bigla. ‘Yan talaga ang nangyayari sa’kin pag naririnig ko yung ‘Ser Chief’. “Ah . . ano eh, hindi ko alam. Teka, titingnan ko kung nag-text.” Kinuha ko yung phone ko mula sa bag ko. Nagpaputok ng fireworks ang puso ko. May text nga mula sa kanya!
“Maya, nasa training school ka pa ba? May meeting pa ako eh.”
“Opo Ser Chief, kakaawas ko lang po.” Reply ko. Kaso . . ‘Message sending failed.”
“Naku!!”
“Bakit, Maya?” tanong ni Edz.
“Ehh kasi wala na kong load. Nag-text pa man din si Ser Chief.”
“Ahh, eto, phone ko. Try mo kung may load pa.”
Sinubukan kong mag-text. “Naku, Edz! Sending failed din ehh.”
“Ay, sorry Maya. Try mong magpa-load dyan sa labas. Samahan kita.”
Sinamahan ako ni Edz sa labas ng training school. Kaso puro sarado na yung mga tindahan. Gabi na rin kasi kami natapos. “Halaaa. Panu na ‘to?”
“Uwi ka na lang, Maya? Sabay ka na sakin.”
“Ay, hindi na Edz, iintayin ko na lang si Ser Chief dito. Baka dumating eh.”
“Sige Maya. Uuna na ko ha? Ingat ka! Bye.”
“Babay Edz! Ingat ka din!”
Pumasok muna ako sa loob. 7PM na. Naku, panigurado, pag-uwi ko, Principal’s Office agad ako nito. Wrong timing naman kasi akong mawalan ng load eh!
8PM na. Wala pa si Ser Chief. Tapos lobat na rin yung phone ko! Patay tayo nito, Maya! Eh kung umuwi na lang kaya ako? Kaso baka papunta na si Ser Chief. O kaya si Kuya Joma. Pero isang oras na kong nag-iintay eh. Pero baka nga padating na? Diyos ko naman Maya! Ano ba talaga?
9PM na. Wala pa rin si Ser Chief. Magsasara na yung school. Hayy, makauwi na nga. Be ready Maya. Nag-iintay na ang mainit na upuan mo sa Principal’s Office.
“Babay Manong guard!” paalam ko sa gwardiya.
Pumunta na ako sa may kanto para pumara ng jeep. Puro puno yung nadaan. Pag minamalas ka nga naman! Kinuha ko ulit yung phone ko. Mabuhay ka cellphone!
Biglang . .
“HOY KUYA YUNG CELLPHONE KO!!!” Naku Maya!! May nang-hablot!! Agad kong tinanggal yung sapatos ko. Binato ko sa kanya. “HOY YUNG CELLPHONE KO!!!!” binato ko ulit yung isa. Tug! Tinamaan sa ulo! Buti at nakita ni manong guard. “MANONG!! SIGE HULIHIN NIYO YANG MAGNANAKAW NA YAN!!!” patakbo kong nilapitan ko si Manong na nahuli na yung magnanakaw pero nadapa ako. Naman Maya! Ngayon ka pa naging lampa! Nakita ko yung isa kong sapatos. Kinuha ko tapos ipinukpok ko sa magnanakaw na ‘yun. “OY ANG CELLPHONE KO ILABAS MO!!! HINDI KITA TITIGILAN HANGGA’T HINDI MO BINIBIGAY YUN!!!” Hindi pa rin niya binibigay. “HALA SIGE, BAHALA KA, ITUTULOY KO LANG ‘TONG KAPUPUKPOK SA’YO! HINDI NAMAN AKO YUNG NASASAKTAN EH!!!”
“Eto na Miss. ETO NA! ETO NAAA!!! ITIGIL MO NA ‘YAN!” sabi nung magnanakaw sabay abot nung cellphone ko.
“AYAN! Kung kanina mo pa binigay edi sana hindi ka pasa-pasa ngayon!”
Pinosasan na ni Manong Guard si Kuyang Magnanakaw. Nasan ba yung isa kong sapatos?
“Maya?” sino ‘yun? Lumingon ako. Patay. Si Ser Chief.
“. . Ser Chief . . “ mahina kong sabi.
Mabilis akong nalapitan ni Ser Chief. “Maya! Gabi na ah! Bakit hindi ka pa umuwi? Saka bakit ang dumi ng damit mo?  Nakauwi na ko sa bahay tapos malalaman ko na lang kay Manang Fe na hindi ka pa nakakauwi? Bakit hindi ka nag-reply? Saka bakit patay ang cellphone mo? Hindi mo tuloy masagot ‘yung tawag –“
“Ser Chief, Ser Chief! Teka lang po. Kumalma po tayo.” Tinitigan ko si Ser Chief hanggang sa marinig ko siyang bumuntong hininga. “Ser Chief? Ayos na po kayo?”
Tiningnan lang niya ako. Nakakunot noo pa rin. “Ganito po kasi Ser Chief. Kasi wala po akong load nung nag-text kayo kaya hindi po ako maka-reply. Inintay ko po kayo dito kasi baka dumaan kayo tapos makikitang wala ako tapos magagalit kayo. Tapos habang hinihintay ko po kayo, nalobat yung cellphone ko. Kaya nagdesisyon na po akong umuwi.” Mahinahon kong pag-eexplain.
“Bakit hindi ka nagpaload? O kaya naki-text?” tanong ni Ser Chief.
“Sarado na po yung mga tindahan eh. Saka wala rin pong load si Edz.” Sagot ko uli.
Nag-exhale na naman ‘tong si Ser Chief. “Eh bakit nung madatnan kita dito, may pinupukpok kang mama?”
“Ah kasi Ser Chief, nung nag-aabang po ako ng jeep, nahablot yung cellphone ko. Kaya ayun, binato ko ng sapatos ko. Tapos nahuli ni Manong Guard. ‘Wag kayong mag-alala Ser Chief! Ligtas pa yung cellphone na bigay mo.” Pinakita ko sa kanya yung cellphone ko habang nakangiti ako.
Unti-unti kong napansin na nawala ‘yung pagkabugnot ni Ser Chief. Isa pa ulit na exhale. “Let’s go. Ginagabi na tayo.” Sabi niya.
Sinundan ko naman siya. Kaso yapak yung isa kong paa kasi hindi ko pa nakikita yung isa kong sapatos. Pabukas na ako nung pinto ng kotse niya.
“Maya! Wait.” Sabi ni Ser Chief. Lumihis pala ng daan. Pagkadating niya sa tapat ko, lumuhod siya bigla. “Sapatos mo ‘to diba?” sabi niya. Napatango na lang ako. Tapos si Ser Chief na yung nagsuot ng sapatos ko sa paa ko. Diyus ko po Maya dela Rosa!! Ang puso ha. Teka, nasan na yung puso ko? Ah, eto! Diyus ko po!  Parang si Cinderella naman ako nito! At ang pogi ng prince charming ko!
Tumayo na si Ser Chief. Tapos siya na rin yung nagbukas ng pinto ko. Tahimik akong pumasok sa loob. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon!
“Maya. You ok?” tanong ni Ser Chief.
Tumango na lang ulit ako. Hindi pa rin ako makaget-over.
Agad akong pumunta sa kwarto ko para magbihis, mag-charge ng phone at para maghugas na rin ng paa. Tapos bigla kong naalala ‘yung ginawa ni Ser Chief.
Muntikan na kong mapairit sa kwarto! Hayyy Maya, ang swerte mo nanaman!
“Maya, ano bang nangyari sa’yo?” si Manang Fe. Pumasok pala sa kwarto nang hindi ko alam. “Hindi na magkanda-ugaga si Ricardo kung saan ka hahanapin nung nalaman niyang hindi ka pa nauwi.”
“Tagala ho Manang Fe?” Hindi ako makapaniwala! Si Ser Chief? Hinanap talaga ako? Panibagong fireworks na naman mula sa puso ko! Kinuwento ko kay Manang yung adventures ko ngayong gabi.
“Gusto man kitang pagalitan, bata ka, eh palagay ko’y naunahan na ako ni Ricardo.” Sabi ni Manang Fe. Napangiti na lang ako. Hayy, si Ser Chief talaga.
“Ay Maya. Kaya nga pala ako pumunta dito eh pinatatawag ka ni Ricardo. Naandun siya sa veranda. Sige na, lumakad ka na.”
Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Tapos pumunta ako sa veranda.
“Ser Chief, gusto niyo po ng kape?” tanong ko.
“Hindi na. Salamat, Maya. Upo ka muna.” Umupo naman ako. “Dala mo ba yung cellphone mo?”
“Ah . . Opo Ser Chief.” Nilabas ko yung cellphone ko. Kinuha naman niya. Tiningnan niya. Teka baka naman . .
“Ser Chieeeef! Pasensya na po talaga! Iingatan ko na po talaga ‘yan wag niyo lang bawiin!” sabi ko.
Tinawanan lang niya ako. “Maya, ikaw ang kumalma ngayon. I’m not planning to take it.” Sabi niya.
“Salamat Ser Chief! Nakahinga tuloy ako ng maluwag.” Akala ko naman!
Hawak pa rin ni Ser Chief yung cellphone ko. Naku!! Yung picture niya baka makita niya!!
“Ah . . Ser Chief?” natataranta na tuloy ako.
“Did you really go through all that trouble just to get this phone back?” tanong niya.
“ . . O – opo Ser Chief.”
“Why? It’s just a phone.”
“Ehh kasi po . . bigay niyo ‘yan sa’kin eh. . Siyempre po, importante sa’kin ‘yan. Kunmbaga, it’s more than a phone Ser Chief.”
Ngumiti lang siya. Hayy, sana lagi nalang ganito si Ser Chief. Yung laging nakangiti, ganyan.
“Pero kung sabagay, I also need to thank this phone.” Sabi pa niya.
“ . .Ha? Bakit niyo pasasalamatan yung cellphone,  Ser Chief?”
Tiningnan muna niya ako. Ang tagal naman niyang magsalita, matutunaw na ata ako. “Ito kasi ‘yung nagiging daan para . . malaman ko kung ligtas ka. ‘Di ba, pag nag-text ka, I know na you’re safe and kung nasan ka na. At least nakakampante ako.”
Kinikilig na naman ako. Wagas talaga ‘tong si Ser Chief! “Kaya po pala sabi ni Manang, nataranta daw kayo nung nalaman niyong wala pa ko sa bahay.” Mahina kong sabi.
“Yes. I was very worried.” Sagot ni Ser Chief. Narinig pala niya. “Eh kasi naman ikaw eh, 9PM na, hindi man lang nagtext. Dapat umuwi ka na eh.”
“Ehh kasi Ser Chief, baka pag umuwi ako, dumaan pala kayo dun para sunduin ako, edi lalo kayong nagalit nun.”
Ngumiti na lang ulit siya. “Am I always mad at you?”
“ . . Ehh . .”
“Maya.”
“Hindi naman always Ser Chief. Siguro . . malapit lang sa always.” Pabiro kong sagot.
Tumawa na lang siya. Natawa rin naman ako. “Hayaan mo, I’ll try not to always get mad at you. Basta promise me na you’ll take care of yourself first bago ang mga materyal na bagay.”
“O – opo Ser Chief.”
“Mahirap kapag ikaw na ‘yung napahamak. Mag-ingat ka na sa susunod Maya, ha? Madali namang bumili ng bagong phone eh”
Nakakarami na ‘tong si Ser Chief ah! Pulang-pula na ata ako eh. “Kahit katulad nung cellphone mo Ser Chief?”
Tumawa ulit siya. “Sige ba. I can easily buy you a new one kapag nanakaw ‘to. Pero hindi ko kayang makahanap ng katulad mo, Maya.”
Tuluyan na atang tumigil yung pagtibok ng puso ko. Kayo talaga Ser Chief! Nakakakilig eh! “O, natahimik ka na dyan?” sabi niya. “Starting tomorrow, naka-plan na itong phone mo, hindi ka na mauubusan ng pang-text or pang-tawag. Don’t worry about the bills, ako na ang magbabayad. Gawin mo lang ‘yung ipinangako mo.”
“Opo Ser Chief! Promise ‘yun!” sabay taas ko ng kanang kamay ko.
Nginitian niya ‘ko. “Inaasahan ko ‘yan Maya. And also one thing . .” Iniabot na niya sa’kin yung phone ko. “ . .always text me your schedule. Kakaunin na kita para ligtas ka palagi.”
“Ser Chief . . “
“Yes, Maya?”
“Kakaunin niyo ko lagi?”
“Yes.”
“Edi mukha kayong driver ko, Ser Chief?”
“Ay, don’t call me that Maya. Or else, babawiin ko talaga yang phone mo.” Pabiro niyang sagot. “And besides, ang gwapo ko naman para maging driver lang.”
Tumawa ako. “Nay, si Ser Chief marunong nang mag-joke!”
“I’m not kidding! Pero seriously, Maya. I meant everything I said. Mas importante si Maya sa buhay ko kaysa sa cellphone lang ni Maya.”
Teka. Importante ako sa buhay ni Ser Chief? Sobra-sobra na ‘to Ser Chief! Sobrang saya ko na dahil sa mga sinasabi mo!
Ipinatong ko yung kamay ko sa lamesa para kunin ang munting cellphone na ‘to. Siguro kailangan ko ding magpasalamat sa’yo. Kasi puro blessings ang hatid mo nung binigay ka ni Ser Chief sa’kin.
“Maya?” si Ser Chief. Naramdaman ko yung kamay niya sa braso ko. “May sugat ka o.” Tiningnan ko.
“Ay oo nga no Ser Chief. Nadapa kasi ako kanina nung hinabol ko yung magnanakaw.” Sabi ko habang tinitingnan ko yung sugat sa taas ng siko ko. Hinipo ko. “Aray.” Mahapdi pala. Siguro hindi basta gasgas ‘to.
“Wait here.” Sabi ni Ser Chief.
Hinihipan ko yung sugat ko, kasi nga mahapdi. Ang lampa ko kasi eh!
Bumalik si Ser Chief na may dalang first aid kit. “Let me see.” Sabay hila ng upuan niya papalapit sa’kin. As in malapit. Kumuha siya ng bulak at nilagyan ng alcohol. “This might sting a little.” Dinampi niya yung bulak sa sugat ko.
“Aray aray Ser Chief!! Dahan-dahan lang!”
“Eh ‘yun na nga ‘yung dahan-dahan eh! Pano tayo matatapos nito kung babagalan ko pa?” nakangiti niyang sabi. If I know Ser Chief, ine-enjoy mo lang ‘yung moment.
After niyang pahiran ng alcohol, beta dine naman. Tapos nilagyan niya ng band aid.
“There. Ayokong mauulit ‘tong sugat mong ‘to Ms. Dela Rosa.” Sabi niya habang palarong dinudutdot yung sugat ko.
“Aray naman Ser Chief! Opo hindi po mauulit ‘to Mr. Lim.” Sabi ko. Tapos tinitigan niya lang ako. Ang lapit kasi ng mukha niya eh. Magkaka-heart attack na ako nito kakatigil ng puso ko sa pagtibok eh! At take note, si Ser Chief lang ang nakakagawa nito!
Nakatitig pa rin siya. Kahit na gusto kong alisin yung tingin ko sa kanya, hindi ko magawa eh. Kasi minsan, kahit imposible, gusto kong paniwalain yung sarili ko na may nararamdaman si Ser Chief para sa’kin. At ito yung moment na ‘yun.
Nalapit yung mukha ni Ser Chief. Ako lang ba? O ginagawa niya talaga ‘yun? Diyus ko Maya, kinakabahan ako! Nang biglang mag-ring yung cellphone ko.
Nagulat tuloy kami ni Ser Chief. Biglang atras sa silya. Wrong timing eh! Lagi na lang!
“Si – sino yung nag-text?” sabi ni Ser Chief.
“Uhm. “ Kinuha ko yung phone ko. Napansin kong tumayo si Ser Chief para ayusin yung first aid kit. “Ano Ser Chief . . confirmation nung plan sa phone.”
“Ahh.”
Tumayo na ko. “Uhm, sige Ser Chief, tutulog na po ako. Goodnight po!” Naglakad na ako paalis pero nahila ako ni Ser Chief. (insert eksena nung dinner ni Maya at Ser Chief sa condo ni Emman. Yung sabi ni Maya ipagtitimpla daw ng kape si Sir Chief pero ayaw ni Sir Chief tapos tumayo siya tapos hinila niya si Maya tapos face-to-face na sila. Basta gets niyo ‘tong part na to! Sure ako!! haha) “. . Ser Chief?” tanging sabi ko.
“Your promise, ok?”
Tumango na lang ako. Tapos natupad na yung inaakala kong pangarap ko lang. Nabago na ang sagot kong ‘none’ sa isang tanong sa slumbook ni Abbie – ang ‘Who’s your first kiss?’
“Goodnight, Maya.” Nakangiti niyang sabi.

19 thoughts on “More Than a Phone

Whatcha think?